Chereads / THE SEARCH: Beryl / Chapter 5 - 2

Chapter 5 - 2

CHAPTER TWO

Entrance

"Verulia! Verulia!"

Tagaktak na ang pawis ko dahil sa tirik ng araw habang ginugupitan ang hardin ni Madam Imelda. Ipinagkatiwala niya kasi sa akin ang bagong disenyo na gagawin para sa mga malalaking halaman sa hardin nila kaya naman minamabuti kong maganda ang kalalabasan ng pagkaka gupit ko para naman mataas ang makuha kong sahod at makuha akong muli sa susunod na pagkakataon.

"Verulia!"

Lumingon na ako sa taong kanina pa tumatawag saakin. Ayoko sana siyang intindihin dahil hindi iyon ang pangalan ko ngunit palakas ng palakas ang kanyang tinig at alam kong hindi siya titigil.

Hindi ko gusto ang iba-iba nilang tawag saakin, Veluriya, Verulia, dahil wala naman doon ang totoo kong pangalan. Ngunit kung iisiping mabuti, maaring ito nga ang pangalan ko sa ibang lenggwahe.

"Ano?" wala sa sarili kong sagot at huminto sa ginagawa.

"Dinalhan kita ng mas malaking salakot." masaya niyang sagot, wala akong ibang nagawa kundi ang kunin ito.

"Salamat."

"Ang sungit mo naman, pansinin mo naman ako. Halos magkaparehas lang tayo ng ginagawa pero pakiramdam ko nasa kabilang mundo ako malayo sayo."

I took a deep breath before I continued what I was doing. Umaandar na naman ang pagiging maingay ni Marcus, kalalaking tao pero ang daming maktol sa buhay.

"May ginagawa ako." simpleng tugon ko.

"Ako rin, pero nabibigyan parin kita ng oras."

Napailing ako.

Is he asking some of my time? Kung iyon kasi ang hinihingi niya ay hindi ko iyon maibibigay, masyadong limitado ang oportunidad dito sa Eufrata kaya naman kung maaari ay sinu-sunggaban ko na ang lahat at wala akong oras na maibibigay para sa iba.

"Kahit kaunting panahon lamang para kumain? Verulia?" muli nitong tanong.

Tumaas na ang kaliwa kong kilay upang sungitan siya ngunit biglang dumating ang isa na namang maingay saaking buhay.

"Huy Marcus, ginugulo mo na naman si Verulia alam mo namang walang oras yan sa iba! Pati nga sa sarili niya walang oras sayo pa kaya?"

Here they go again.

Hindi ko na lamang sila pinansin atsaka patuloy na ginupitan ang malalaking halaman.

"Kaya nga nagbabakasakali diba?"

"Alis diyan, may raket kami mamaya!"

"Saan? Laura isama niyo naman ako. Kailangan ko rin ng pera."

"Kailangan mo pala ng pera edi magtrabaho ka hindi yung ginugulo mo si Verulia diyan!" pagsusungit ng aking kaibigan.

I smiled. Laura's nature is very clingy and noisy, siguro nga kung wala siya ay literal na magiging tahimik at patay ang mundo ko. But because of her, natutuhan kong mag enjoy minsan sa buhay.

"Magkaibigan nga kayo mga masusungit! Di bale, sa susunod nalang Veluriya, ililibre kita! Gamitin mo muna iyang salakot ko, masyadong mainit eh." ani Marcus bago umalis sa tabi namin. Tumango na lamang ako bilang pagtugon.

"Ginugulo ka na naman ni Marcus no? Bat kasi di mo hayaang manligaw sayo, type ka ata nun!" ani Laura. Napangisi na lamang ako matapos niya iyong sabihin. Bakas kasi sa hitsura at tinig niya na nagseselos siya.

She likes Marcus. Hindi niya lang masabi at maamin.

"Bakit hindi mo sagutin?" sa halip ay sagot ko. Natawa ako ng makita siyang nagulat at hindi agad nakapagsalita.

Naglakad ako upang puntahan ang iba pang bahagi ng hardin at nang maisagawa ang pag-aayos.

"Ba-baliw ka! Hindi ko siya type no!" saad ni Laura habang sinusundan ako.

"Wala ka bang ginagawa? Wala ka bang trabaho?"

We both stopped. Naalala ko nga palang mas dukha ako sakanya. May bahay siyang tinitirahan samantalang ako ay nabubuhay sa kalsada. Kahit huwag na siyang magtrabaho ay maayos lang dahil may makakain parin sila.

"Actually may raket ako mamaya, gusto sana kitang yayain kung libre ka. Dagdag kabuhayan to."

With a wide smile, I accepted her offer. Aarte pa ba ako, bago ko maisalba ang ibang taga kalye kinakailangan ko munang magtrabaho para sa sarili ko, para sa lola ko.

"Yes naman! Kaya paborito kitang ayain eh, alam kong hindi ka aayaw. Mamayang gabi, alas-siyete hihintayin kita sa harapan ng lumang bato sa Eufrata sabay nating pupuntahan ang Ikalawang Distrito." halos lumundag pa siya sa tuwa nang sabihin iyon.

Wala akong nagawa ng agad din siyang magpaalam at iwan ako sa hardin.

I should make my work done para naman marami pa akong makuhang pera bago matapos ang araw na to.

Huli na nang mapagtanto ko kung saan kami pupunta.

District 2.

The entrance to the Palace.