CHAPTER FOUR
Cornered
MABILIS pa sa kidlat akong pumasok sa loob ng shop matapos kong masira ang lahat ng Camera, hindi maalis sa puso ko ang kaba lalo na't hindi ko sanay ang lugar.
"Mag-iingat ka." pigil sa akin ni Laura bago ako pumasok. Tumango na lamang ako at saka walang hirap na binaybay ang loob ng shop.
Mabilis kong hinablot ang lahat ng pwedeng makuha at ipinasok sa malaking bag. Nang mapuno iyon ay itinapon ko kay Marcus atsaka binigyan ako ng panibagong bag, siniguro kong hindi ako makikilala ninuman kung sakaling may makasilip sa aking ginagawa.
Natapos ko ang limang bag at wala na akong makuhang iba pa.
"Wala na." saad ko.
"Tara, bilis!"
Agad akong humakbang palabas ng lugar ngunit sa kamamadali ko ay nasugatan pa ang kaliwang tuhod ko. Bumagsak muna ako bago tuluyang nakalabas.
"Sabi nang mag-iingat eh." ani Laura at hinila ako patayo.
Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Marcus at pinaandar niya agad ang sasakyan palayo sa shop.
I sighed. Pawis na pawis ako, akala ko hindi ako makakalabas ng buhay sa shop na iyon. Mabuti nalang at swerte ang gabing ito.
"Madaling araw na."
Nagulat ako sa sinabi ni Laura. Hindi ko napansin ang oras dahil nakatuon ako sa masamang ginagawa kanina.
"Shit!" mura ni Marcus.
"Bakit?" kinakabahan kong tanong, hindi ganon ang reaksyon ni Marcus kung walang problema.
"May problema ba sa nanakaw natin?" tanong ni Laura.
"Walang problema." problemadong saad ni Marcus habang nagmamaneho.
"Eh bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ni Laura. Nanahimik na lamang ako habang nakikinig sa kanila.
"Darating ang ibang opisyal sa palasyo ngayong araw, sigurado akong maibabalita agad na nanakawan ang shop kanina."
Pati ako ay natigilan. Akala ko okay na ang lahat, akala ko magiging maayos ang lahat.
What will happen to us then?
"A-ano?"
Laura started panicking, pinilit ko siyang kumalma ngunit ramdam ko ang panlalamig niya.
"Anong gagawin natin Marcus? Verulia? Ano na?"
"Shh, calm down. Just calm down okay?" saad ko.
Nagsimula akong mag-isip ng dapat na gagawin.
"Shit!" muling dumagdag ang kaba sa aking puso dahil nagmura na naman si Marcus.
"The officials are here!" bulong niya.
Fvck.
Sumilip ako sa harapan at nakita kong makakasalubong namin ang magagarang sasakyan ng mga opisyales ng Palasyo.
OH CRAP!
"Verulia? Anong nangyayari?" Mas lalo akong nag-alala kay Laura, hindi siya pwedeng masangkot sa bagay na ito.
"Just calm down okay? Everything will be alright." saad ko atsaka ngumiti, at dahil doon ay nagsimulang kumalma ang natatakot na si Laura.
"Marcus?"
"Verulia.."
"Ihinto mo ang sasakyan. Huwag natin silang salubungin, kinakailangan nating magtago." saad ko.
"Sisikat na ang araw, mas lalo nila tayong makikita. Mas dadami ang mga tao sa sentro lalo na't nandito ang mga Opisyal!" giit ni Marcus.
"Just let them pass, pagkatapos ay mabilis tayong umalis. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin kapag nakasalubong natin maging isa man lamang sa kanila, we're dummies for them."
Marcus stopped his automobile. Mukhang makikinig siya sa plano ko. Itinago niya ang sasakyan sa gilid ng isang malaking mall na aming nadaanan, agad kaming bumaba upang magtago.
Maliban kay Marcus na nanatili sa kanyang sasakyan ay bumaba kami ni Laura at pumunta sa likod ng basurahan upang magtago.
Sumenyas saamin si Marcus na magtago muna kami. Ngunit hindi pa tumatagal ay dumadami na ang tao sa sentro. Kung patuloy kaming magtatago ay makakahalata sila.
"Get out."
"ano?"
"We will be joining them. Kapag nagtago tayo dito ay mag-iisip sila ng kung ano ano, makisama tayo kunwari sakanila." saad ko atsaka lumabas sa pinagtataguan namin.
Hindi pa sumisikat masyado ang araw ngunit halos masiksik na kami ni Laura sa dami ng tao. Ang lugar na nahintuan namin ay ang sentro ng pagpupulong ng mga opisyal at mukhang may mahalaga itong iaanunsyo sa ikalawang distrito.
"Just calm down." saad ko kay Laura na ngayon ay nagsisimula na namang matakot.
She doesn't deserve this nature.
Inayos ko ang aking hitsura ganoon din si Laura, pinagpag ko ang mga alikabok na dumikit sa aking damit. Naramdaman kong unti-unting sumasakit ang aking tuhod ngunit hindi ko na lang iyon pinansin.
Lumapit kami sa sasakyan ni Marcus upang dahan-dahang sumakay. I was about to step into his automobile nang mawala ang presensya ni Laura sa likod ko.
Agad akong napalingon.
Shit!
Nasisiksik siya ng maraming tao kaya naman hirap siyang marating ang kinaroroonan ko.
"Kapag binalikan mo siya, wala na tayong matitirang oras pa." paalala ni Marcus.
Muli kong tiningnan ang kawawang si Laura. I can't leave her alone, that's all I know.
"Leave me, but don't leave her." saad ko kay Marcus at muling iniwan ang kanyang sasakyan upang hilahin si Laura.
I reached her hands. Nahila ko siya palayo sa madaming tao, ngunit pati ako nasisiksik narin kaya naman patuloy kaming naghihilahan upang makaligtas sa mataong lugar na iyon.
"Loving people of District two!"
Naghiyawan ang mga tao ng magsalita ang isang Opisyal ng Palasyo. Ang tinig na ito ay si Duke Leo, halatang halata sa tinig niya ang taas ng kanyang kapangyarihan. Hindi ko pa man nakikita ang kanyang tindig, alam kong mahirap na siyang kalabanin dahil sa kanyang tinig pa lamang.
"Verulia!" tawag saakin ni Laura ng marating niya ako.
I blinked. Kailangan kong mag focus sa ginagawa namin kung hindi ay mapapahamak kami.
"Let's go.."
"The search for the twelve stones will happen at the Eclipse."
Eclipse, eclipse.
The day after tomorrow will be the eclipse, ibig sabihin sa susunod na araw na ang paghahanap ng Labindalawang bato.
"I'm warning everyone. The search will be risky and dangerous, but anyone who wants to fulfill their wishes and desires, just find the stones and your wish will be granted."
Muling naghiyawan at nagsigawan ang tao ng Eufrata sa ikalawang distrito ng sabihin ito ng Duke.
"Verulia ano ba, tara na." Naibalik ko ang aking tuon kay Laura na ngayon ay hinihila ako papuntang sasakyan ni Marcus. Mas lalong dumadami ang mga tao, kaya naman mas lalong nagiging mahirap makipag hilahan sa gitna ng katauhan.
"Sorry.."
Muntik na akong mabitawan ni Laura ng may humila saaking isang guwardiya.
Bumilis ang pagtibok ng aking puso at halos hindi na ako makahinga ng tingnan ko ang guwardiyang masama ang tingin sa akin.
I'm cornered.
Kung aalis ako sa kinatatayuan ko ay sabay sabay kaming mahuhuli. Tila naghihinala na kasi ang guwardiya sa aming ikinikilos.
"But we just need specific people for the search. We need to bring your young people to the Palace. Whether you like it or not, we will bring your young people to the palace. Anyone who pass the challenge will be joining the team for the search." makahalugang wika ng Duke na nagpabago ng desisyon ng ibang tao.
"MAY NAKAPASOK!" lahat kami napalingon sa lalaking tumatakbo habang sumisigaw.
Napalunok ako.
"Ano?"
"MUKHANG MAY NAKAPASOK DITO SA IKALAWANG DISTRITO! NANAKAWAN ANG TINDAHAN NG MGA ALAHAS SA DAKO ROON!"
oh shit. shit. shit!
Agad akong napalingon kay Laura na ngayon ay namumutla na rin. Nilingon ko si Marcus na sumenyas saamin na bilisan na namin ang pagsakay sa kanyang automobile.
Hinayaan kong bitawan ako saglit ng guwardiya at sinamantala ko iyon upang puntahan si Laura.
Nagsimulang magulo ang paligid, halos maapak-apakan na kami ng mga magulang na itinatago ang mga anak nila. Kanya-kanyang takas ang ibang tao ngunit sapat ang mga guwardiyang bantay upang pigilan ang mga umaalis, including us.
Kahit na nagkakagulo sa paligid ay hindi hinayaan ng mga guwardiya na makaalis ang mga tao dahil sa importanteng anunsyo.
"MAY NAKAWAN! MAY NAKAWAN!"
Umakyat ang aking kaba hanggang sa aking ulo.
Kapag may nangyayaring masama sa ikalawang distrito, palagi nilang inaakusahan ang mga taga unang distrito. Ang masama pa ay inaakala ng lahat ng tao sa ikalawang distrito na masasama at mamatay tao kami.
Kaya naman bukod sa ayaw nila saamin ay takot sila dahil sa mga balitang kami raw ay masasamang tao. At kapag mayroong nangyayaring masama sa ikalawang distrito ay kami agad ang una nilang sinisisi.
Which is so damn fuck.
"M-MAY PATAY! MAY PATAY!"
Tangina? Mas lalong nagulo ang napakaraming tao. Napahawak ako sa aking sintido dahil pinipilit kong ikalma ang sarili ko. We are thieves, we're not murderers. Hindi na namin magagawa ang bagay na iyon, alam kong masasamang tao kami dahil kami ay magnanakaw. Ngunit kailanman ay hindi namin magagawang pumatay.
We are not murderers.
I am not a killer.
"V-veruliaa!" sigaw ni Laura ng sandali kong mabitawan ang mga kamay niya.
Nakuha siya ng isang guwardiya!
"Bitawan niyo ko! Verulia! Marcus! Tulungan niyo ko!"
Marcus stood up outside his mobile not knowing what he'll do to help Laura. He's far from us, ako ang pinakamalapit kay Laura mas kailangan niya ang tulong ko ngayon.
Without any hesitation, I ran towards the guard at tinulungan si Laura na makalaya. Kinakailangan ko pang makipag tulakan sa karamihan para lamang muling maabot ang kamay ni Laura.
"Let go of her!" sigaw ko sa guwardiya at sinuntok ito sa mukha. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang dumugo ang ilong nito kaya naman nabitawan niya si Laura at sinamantala ko iyon upang hablutin ang kamay ni Laura at itinulak sa sasakyan.
"Shit!" mura ko ng mahawakan ako ng guwardiyang nasuntok ko.
"You son of a bitch!" mura nito at walang hirap na hinablot ako mula sa kamay ni Laura. Do I look like a he for this fucking sentry?
"Verulia!" sigaw ni Laura ng mabuwal ako sa aking pagkakatayo matapos akong hilahin ng marahas ng guwardiya.
Nagkakagulo na ang paligid.
At tuluyan na nga akong nahablot ng isang sentry ng palasyo.