Chereads / THE SEARCH: Beryl / Chapter 10 - 7

Chapter 10 - 7

CHAPTER SEVEN

Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang kahon at dahan dahang lumabas.

Pagkabukas ko ay tumambad saakin ang mukha ng isang matandang babaeng nakangiti sa akin.

"Anong ginagawa mo at nagtatago ka riyan hija?" tanong nito, napakabait niyang tingnan at alam kong hindi ako makakapag-sinungaling sa kanya.

Hindi ako sumagot.

"Alam mong mas delikado ka sa palasyong ito." nakangiti niya paring saad.

"H-hindi ko po alam ang gagawin ko.." mahina kong tugon. Tinatanya kung tama bang sumagot pa ako sa matanda.

"Oras na makita ng mga bantay huhulihin ka nila."

Napayuko na lamang ako, mukhang kapahamakan talaga ang sasalubong sa akin sa palasyong ito.

"Halika, sumunod ka sa akin."

Hindi parin naaalis ang kanyang ngiti. Kaya naman ng umalis siya ay wala akong nagawa kundi ang sumunod, maingat akong naglakad papunta sa lugar na pinasukan ng matanda.

Isa itong maliit na silid na puno ng mga libro, hindi naalis sa mukha ko ang pagkamangha. I always wanted to go to a library like this, but I never get a chance to do so.

"Hindi ito library, silid ko ang lugar na ito."

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng lumitaw sa harapan ko ang matanda.

"S-sino kayo?" hindi mapigilan ang sariling tanong ko. Sa oras na iyon ay sumeryoso ang matanda sa akin at deretso akong tinitigan.

"Ikaw hija, sino ka?"

Ako?

Hindi ko alam kung sino ako.

"Manang? Manang Omeng?"

Bumakas sa mukha ko ang gulat at takot ng marinig ang tinig ng isang lalaki.

"Magtago ka sa likod at huwag kang aalis!" ani ng matanda at pinagtago ako sa likod ng aparador na puno ng libro.

"Manang Omeng?"

"Akala ko'y nasa ensayo ka hijo? Anong ginagawa mo rito Zavan?" sagot ng matanda na tingin ko'y si Manang Omeng.

Zavan?

Isn't he the prince?

Shit!

"I heard the package has arrived. But I saw these dusts inside the box, mukhang may nakapasok sa palasyo!"

Natutop ko ang aking bibig ng maalala ang duming aking nakuha, mukhang naiwanan ng bakas ang kahon.

"Kumalma ka Zavan, kung sinuman ang nakapasok alam kong hindi siya mapanganib." sagot ni Manang Omeng.

"Are you sure?"

"Oo naman Zavan, bumalik ka na at mag ensayo nalalapit na ang paghahanap ninyo ng mga bato."

"I'll get going then."

Maya-maya pa'y naramdaman kong umalis na ang prinsipe sa silid ng matanda. Hindi rin kaagad bumalik si Manang Omeng kaya naman sinamantala ko ang oras na iyon upang tumakas.

Ngunit mukhang mali ang naisip kong pagtakas, dahil sa pintuang nakita ko ay nagpupulong ang mga guwardiyang bantay sa palasyo. Agad akong nagtago at sinubukan silang pakinggan. Masyado silang malayo sa akin ngunit pinilit ko ang sarili kong marinig sila.

Naramdaman ko ang pag-iiba ng kulay ng aking mata, mukhang nabuksan ko na naman ang aking abilidad.

"May ipinasok akong babae doon sa loob ng truck kanina, biglang nawala!"

"Ang tanga mo! Paano kung nakapag libot-libot na iyon sa palasyo? Paano kung masamang tao ang babaeng iyon, edi nanganib tayo ngayon?"

"Kailangan ko siyang mahanap, ang ganda niya sana kaso papaslangin ko siya oras na makita ko siya!"

"Simulan na natin ang paghahanap bago pa may masamang mangyari!"

Napahawak ako sa aking bibig upang pigilan ang bahagyang pagkabigla sa aking mga narinig. Mukhang oras na ng katapusan ko, kailangan ko nang makatakas dito.

Mula sa pinagtataguan ko ay bumalik ako sa silid ni Mang Omeng, hindi ko na siya nakita doon kaya naman naghanap ako ng pintuan palabas.

Napakalaki ng palasyo at masyadong madami ang pasikot-sikot, anumang oras ay pwede akong mawala. Ngunit hindi ko hinayaang mawala ako, naghanap ako ng pintuang pwedeng malabasan.

Then I found one! Lumabas ako sa madamong bahagi ng palasyo, sa tingin ko'y ito ang likod ng palasyo dahil madaming kahoy at halaman. Hindi na rin ito masyadong naaalagaan dahil luma na ang paligid.

Napatingala ako dahil sa init na nagmumula sa kalangitan. Mukhang nakahanap ako ng daan palabas.

"What is a witch doing here?"

Namimilog ang mga mata akong napalingon sa nagsalita.

Isang lalaking may hawak na palakol, ngunit umuusok ang kanyang mga kamay.

Tama ba ang nakikita ko?

Umuusok ang kanyang mga kamay!