Huminga ako ng malalim at pinasadahan ng tingin ang mataas na gate ng bago kong magiging school simula ngayon, sa sobrang taas ng gate, kung may mag tangkang mag nakaw o mag cut class dito sigurado akong mahihirapan sila na akyatin ang gate na ito para makapasok at makalabas.
"Oh new student, Good Morning" nakangiting bati sa'kin ni manong guard na nag inspect ng bag 'ko. Agad ko din siyang binati.
Naka uniform agad ako sa unang araw ko dito dahil ipinadeliver kaagad ng school ang uniform sa lobby ng condo na minsan ko lang tinutuluyan kapag kailangan.
Naka suot ako ng isang white long sleeve na pinatungan ng gray coat at navy blue neck tie, sa pang ibaba naman dark blue paldang hindi aabot sa tuhod ko na ikinainis ko dahil sa tingin ko nakakailang at ang iksi, naka suot din ako ng dark blue long sock at black shoes. Nakalugay lang ang brown kong buhok na aabot hanggang siko, hindi na ako nag abala pang mag make up, sobra light lang ang nilagay ko, yung tipong pulbo at liptint lang.
Tumingin ako sa paligid habang nag lalakad, inoobserba ang bawat school building na nadadaanan ko. Bawat building may nakalagay na markings, like Library, laboratory, Sections. Club building, Computer Lab. Kung bibilangin ko ang building na nadaan ko aabot ito ng lima wala pa doon ang dean's office, faculty at iba pa. Sa sobrang laki ng school na ito feeling ko maliligaw ako. pero ito lang masasabi ko sa school na ito. Worth it ang tuition fee na binayad ko.
Ang bilis kasi ng process nila e, hindi na ako na hirapan pa sa requirments na kailangan dahil may consideration, hindi katulad sa dati kong school, napaka kupad, muntanga pa nga estudyanteng feeling malalakas, may pa gangster pang nalalaman mga takot naman.
Umupo ako sa isang beanch malapit sa mga puno, sa tingin ko botanical garden ito na puntahan ko kasi puro halaman ang nakikita ko at ang fresh fresh ng hangin na lalanghap ko.
Tiningnan ko ang relong nasa kamay. May isang oras pa ako para mag libot at mag liwaliw sa paligid, bago hanapin ang bago kong section.Sinadya ko talaga ang maagang pumasok ngayong first day ko dahil alam ko hassel kung late at hindi maililibot ang school na ito, baka kapag hindi ko ito malilibot baka maligaw ako sa dami ng buildings.
Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang section, kasama na doon kung saang building ito mapupuntahan, bigay ng registral ang account ko sa website ng school na ito kaya hindi na hassel para sa akin ang mga detalyeng kailangan ko sa first day ko dito, kaya nakakatuwang isipin na ganito sila ka organize.
High tech ang process. bongga.
Humiga ko sa bench habang nakalaylay ang paa sa sahig at ginawang unan ang bag, pinanood ang mga dahon na sumasayaw sa masarap na simoy ng hangin ng paligid, pumikit ako habang pinapakiramdaman ito, ilang minuto akong nakatambay ng gano'n ang posisyon ng may maramdaman akong mga tao sa paligid ko.
Dumilat ako para alamin kong sino ang mga iyon, tumambad sa akin ang mga babae na parehas ng suot ko, agad akong bumangon sa pag kakahiga at hinarap ang mga ito.
"May kailangan kayo?" tanong ko. Isa isa ko pa silang tiningnan, pare-pareho mga ito naka cross arm sa harap ko at pare-pareho silang nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.
"Uhm.." palipat lipat lang ang tingin ko sa mga mukha nila, inaantay na sumagot kahit ang isa lang sa kanila.
"Why are you here?" may bahid ng magiging maldita ang tono na tanong ng nasa unahan, mukhang siya ang leader sa grupo nila at mas mukhang mas maldita kaysa sa mga kasama niya na nasa likod lang din niya.
Gusto ko sanang mag joke sa harap niya at sabihing 'Wow big word english' kaso pinigilan ko sarili ko dahil narealize kong nasa international school pala ako at halos lahat ng estudyanteng nandito ay englishero at englishera.
"Why? am i not allow here? " naguguluhang tanong ko ng hindi din sinagot ang tanong niya. kumunot ang noo ko ng tumikhim ang isa sa kanila at mas lalong tumaas ang mga kilay nilang lahat at bahagyang nanlaki pa ang mga mata ng mga nasa likod ng nag tanong sa akin, na para bang may mali akong nasabi.
'Teka, may mali ba akong nasabi? nag tanong lang naman ako.'
"bago kalang dito, right?" pabagsak na hinawakan ng mukhang leader nila ang buhok ko at sinabunutan ako ng bahagya. napapikit ako dahil doon at kinalma ang sarili.
iisa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon.
'Mga Bully'
Kahit saang school talaga hindi mawawala ang mga ganitong sistema, public man o private school ang puntahan.
Napatingala ako ng hilain niya pababa ang buhok ko.
"Tinatanong ka ng maayos and you should answer it right away, " singal nito at mas lalong hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok ko.
pumikit ulit ako saglit at pilit na kinakalma ang sarili, hindi pwedeng gumawa ako ng gulo sa unang araw ko dito, kailangan hindi ako pumalya sa misyon ko. alam kong hayok ako sa gulo at pumapatol ako sa mga taong katulad nitong nasa harap ko, mapa babae man o lalaki, malaki man o maliit sa akin, sinasaktan ko kapag naubos ang pasensya ko.
"Hoy! Anong nangyayare dyan?"
Pare-pareho kameng napatingin sa gawi ng guard.
"Alice, let's go!" dinig kong sabi ng isa sa kanila sa babaeng nakahawak sa buhok ko, na ngayon binitawan na niya, mabilis din na umalis ang grupong iyon at naiwan ako na magulo ang buhok.
'Alice..' pamilyar siya, parang na dinig ko na sa kung saan ang pangalang 'yon.
Naasar na tumayo ako at inayos ang buhok bago umalis doon, hindi ko na inantay na makalapit pa ang guard sa akin at dali dali akong naglakad papunta sa building ng bago kong section. habang nag lalakad nag tatalo ang isip ko na wag nalang gantihan ang mga 'yon.
Hindi ko akalain nakayanan kong mag timpi sa mga 'yon, kung hindi lang talaga kailangan ng pera hindi ko talaga tatanggapin itong mission na 'to e. hindi dapat ako mapapadpad sa school na ginto ang binabayad sa martikula.
Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa isang building na tinutukoy sa schedule ko.
Isang hallway na walang kahit na sinong tao ang tumambad sa akin, siguro dahil na una na ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom, o baka masyado ako lang itong masyadong maaga.
Bawat hakbang ko sa tiles na sahig dinig na dinig ko ang tunog nito na nag echo sa buong hallway. Hindi ko akalain na ganito pala kalaki itong eskwelahan na napuntahan ko, ayos na din pala itong misyon 'ko, ayoko lang yong parte na may bully.
Ilang hakbang nalang papunta sa isang kwarto na tinutukoy sa schedule ko ng may madinig akong malakas na tunog na nag echo sa buong hallway na sa tingin ko nanggaling sa dulo ng hallway. May madili na parte sa hallway na hindi ko alam kung dead end o may lusutan. Nadinig ko ang grupo ng kalalakihan na humahalakhak at isang boses naman ng lalaki ang nahihirapan. Base sa boses nila, mukhang may hindi magandang nangyayare doon.
Gusto ko sanang puntahan pero naalala ko hindi pala ako nandito para mangealam ng gulo ng kung sino man, nandito ako para ma misyon ko. Hindi ko pa nga nakikita yung lalaking tinutukoy ni matrix, hahanapin ko pa kung saang room o building siya may klase.
Nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa naulit nanaman ang ingay na nag mumula doon, pero ngayon mukhang tuloy tuloy, hindi ko na tiis ang makinig nalang at tumakbo ako sa lugar kung saan naririnig ko ang ingay na iyon, tumambad sa akin ang lusutan sa dulo ng hallway, hindi siya makikita kapag nasa malayo dahil madilim at walang ilaw, bukod doon may kurtina din na nakatakip kaya nag mumukha siyang dead end ng hallway kahit hindi naman.
Pag pasok ko sa kurtina naabutan ko ang grupo ng mga kalalakihan na may binubugbog na isa din estudyante na ngayon nakahiga na sa sahig, medyo madilim sa parting 'to na sa tingin ko, short cut papuntang kabilang building ang daan.
"Kung ibinigay mo nalang kasi eh di sana hindi kana nasaktan pa" dinig kong sabi ng maskulado ang pangangatawan, napagtanto ko na pare-pareho pala silang mga estudyante base sa uniform na suot nila.
Sumandal ako sa pader na medyo malayo sa kanila at tinanaw lang ginagawa nila sa kawawang lalaki. Ilang bully paba ang ma-encounter ko sa unang araw ko dito? mukhang talamak bully dito ah, wala atang kwenta dean's dito kaya lumalaking utak criminal ang mga nag aaral dito.
Sumipol ako sa kawalan, sipol ng isang kantang gusto ko, kasunod non ang pag tigil nila sa pag bugbog sa kawawang lalaking nakahiga sa lapag at puno ng dumi ang uniform dala ng pag sipa sa kanya ng walang hiyang mga mokong na ito, hindi ko makita ang mukha ng lalaking binubog bog dahil sa distansya nila sa akin at dahil narin tinakpan ng kawawang lalaki ang ulo niya para protektahan.
Napangisi ako ng madali kong nakuha ang atensyon nila, buti naman madaling makuha ang atensyon ng mga mokong na 'to hindi na ako nahirapan pa gumawa ng ingay para mapansin nila ako, kung sabagay wala namang ibang tao dito kundi sila at ako lang, kung kaya't kunting tunog lang ay rinig na rinig ng bawat isa ng nandito.
Napatingin sila sa gawi ko, sinigurado ko na hindi makikita ang itsura ko dahil madilim sa parteng pinag puwestuhan ko.
"Hoy! Umalis ka dito kung ayaw mo madamay!"
Umikot ang eyeballs ko sa banta niya, akala niya naman matatakot ako sa laki ng boses niya. No dear, sanay na sanay na ako sa mga katulad niyo. At mabuti narin lang talaga girls scout ako, laging handa, dala ko kasi ang facemask ko kung sakaling kailanganin pati narin ang jacket ko na nasa loob ng ko bag lagi, pero dahil gulo lang ng estudyante 'to, facemask lang ang kailangan 'kong gamitin, nagkataon din kasi na madilim sa parteng ito ng school kaya sigurado akong hindi ako makikilala kung gagawa ako ng aksyon dito, ang kailangan ko lang gawin ay papuntahin sila sa puwesto ko.
"Hoy! Bingi kaba? Umalis kana dito!" Sigaw nito sa akin pero hindi parin ako gumalaw sa puwesto ko at nanatiling nakaabang na lumapit sila sa akin.
"Hindi parin umaalis pre" dinig kong sabi ng isa sa kasama niya.
Nag hihimutok na parang toro ang lalaking sumigaw sa akin at nag lakad ito papunta sa diretsyon 'ko. Mas lalo akong umurong sa madilim na parte, at inactivate ang contact lense ko na kayang makakita sa dilim. Ayoko sana ng gulo sa unang araw ko dito e, pero kailangan, ayoko kasing may na bubully kahit na para akong may sumpa sa gulo na kapag inunahan ko nag tuloy tuloy yun hanggang buong taon.
"Lumabas ka dyan!"
'ano ka hello' sabi ko sa isip
Nanatili akong nag babantay sa galaw nila at nag tago sa katabi ko na puro tambak ng kahoy at iba pang materials na nakatambak. Pinag iisipan ko kung lalaban ba ako o hindi, nag tatalo ang isip ko sa mga oras na ito.
Minsan talaga naiinis ako sa pagiging ma intriga ko sa mga bagay bagay sa paligid ko kaya lagi ako na to trouble dahil sa ugali kong ito e, hays.
Ramdam ko palapit ng palapit yung mga tunog ng hakbang nila, hanggang sa huminto nalang ito, at biglang may bagong boses akong narinig.
"Mag si pasok na kayo sa classroom niyo, mag sisimula na ang klase,"
Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng madinig ko yung boses ni manong guard na pina pasok sa kani-kanilang classroom ang mga mokong, ilang minuto din inantay ko bago nakaalis sa pinagtataguan, paglabas ko wala na akong nakita niisang tao sa lugar na iyon kahit ang lalaking binubully kanina wala na rin, alala ko naman na mag sisimula na ang unang klase ko kaya tumakbo na ako pabalik sa hallway at kumatok sa classroom bago binuksan ang pinto,naabutan ko nag sisimula na pala sila.
"Good morning ma'am, sorry im late" medyo hingal na bati ko.
"Oh, new student? come in and introduce yourself" alok nito bahang may sinusulat sa white board.
tumikhim ako at tumingin ako sa paligid, lahat ng magiging kaklase ko ay naka tingin sa akin, inaantay na mag pakilala ako.
"Hi I'm Triziah Jaymie Vergara, nice to meet you all," sobrang ikling pagpapakilala ko, ni hindi nga ako ngumiti e. Habit ko na yun, lalo na kapag nag papakilala sa unang araw, feeling ko kasi cool tingnan katulad ng nababasa kong story online.
"Uh.. That's it?" halatang hindi satisfied na tanong ni miss ng tumigil siya sa pag susulat sa white board at lumingon sa gawi ko.
Tumango naman ako bilang sagot, wala parin bahid na kahit anong eksprisyona ang mukha.
"Okay, you may go to your seat, there's two available seats at the back."
Tahimik akong nag lakad papunta sa umpuan napili ko malapit sa bintana, katabi ko ang lalaking naka yuko bahang nakasandal sa bintana na parang na tutulog.
Tumingin ako sa harap para tingnan kung napansin ba ng teacher sa harap ang lalaking katabi ko na natutulog, pero mukhang hindi dahil patuloy parin ito sa pag sasalita tungkol sa magiging topic ngayong araw. Binalik ko ulit ang tingin sa katabi ko, nagawi ang tingin ko sa coat nya na may dumi, lalo na sa laylayan nito napansin ko pa ang ilang parte ng coat na na may dumi din.
Ano kayang nangyare sa taong to, bakit ang dumi naman ng coat nya? 'Ano naman pakealam ko?' ito nanaman e, masyadong mausisa. Nag iba ako ng direksyon ng tingin at Ipinasawalang bahala ko nalang ang tanong sa isip ko at nakinig sa teacher.
Maya maya gumalaw ito, dahilan para magawi nanaman ang paningin ko sa kanya, dito ko nakita ang mas marami pang marka ng dumi sa coat niya, pati narin sa itim na pants nito. Napailing ako sa pag iisip kung anong nangyare sa katabi ko. kating kati ang dila kong tanungin siya pero nagdadalawang isip ako dahil baguhan lang ako dito.
"Uhm..Hi ako nga pala si Triziah, Ziah for short, uhm.. ikaw?" lunok laway ang ginawa ko para lang magkalakas ng loob mag pakilala ng una, pero wala akong natanggap na kahit anong sagot. Gusto ko sanang mainis pero kinalma ko sarili ko, baka kasi introvert siya at ayaw makipag kilala sa akin.
Pero curious parin ako ah!
Natapos nalang ang ilang klase, hindi parin ako iniimikan ng lalaking katabi ko, hanggang sa mag lunch time, nag silabasan na ang lahat, siya nandoon parin, medyo naalarma na nga ako sa inaakto nya pero tumayo narin ako at lumabas ng classroom, sumandal ako malapit sa pinto at inantay siya lumabas, sumilip ako sa bintana para tingnan kong gumalaw ba sya.
Nakita kong inangat nito ang ulo sa pagkakayuko dahilan para makita ko ang buong mukha niya, doon ko napag tanto na siya pala lalaking estudyante na tinutukoy ni matrix.
May pasa ito sa mukha, may kauntong dugo pa sa gilid ng labi. Ilang beses ako kumurap, at sinundan ng tingin ang paglabas niya sa classroom. para akong nakakita ng artista sa itsura ko ngayon.
'Bakit ang gwapo naman ata non?' tanong ko sa isip.