Chereads / Trouble Is My Middle Name / Chapter 3 - Trouble 3

Chapter 3 - Trouble 3

"Hi sayo! Good morning!" bati ko kay theonell na nakaupo sa isang bench ng botanical garden. Naabutan ko siyang mag isa dito, naisipan ko kasing mag liwaliw kanina kaya ako pumunta dito, hindi ko akalain nandito din pala siya.

Hindi niya ako binati pabalik at tahimik lang itong pinag masdan ang paligid. Pinag sawalang bahala ko naman iyon at umupo ako sa isa pang bench, tahimik din pinagmasdan ang paligid. Nabasa ko nga pala kagabi ang impormasyon tungkol sa kaniya.

Theonell Arki Miller, ang buo niyang pangalan, tunog gwapo talaga ang dating, gwapo naman siya kaya tama lang rin.

Lumipas ang ilang minuto, ganon parin siya, parang may malalim itong iniisip. Hindi ko na nakayanan ang sobrang katahimikan kaya nag salita na ako.

"Uh hindi papala ako nag papakilala sayo noong nakaraan ako nga pala si Triziah, Ziah for short, ikaw? Anong pangalan mo?" kahit alam ko ang pangalan niya nag kunwari akong hindi ko alam para lang may maitanong ako. Kailangan kong mapalapit sa kaniya para magawa ang misyon ko ng mas maayos.

"Theonell" sagot niya, mabilis na lumingon ako sa gawi niya dahil don, hindi ko inexpect na sasagutin niya.

"Ahh." iyon nalang ang nasabi ko sa pagkabigla. Hindi na din ako nag tanong pa ng kasunod dahil malapit na din ang oras para sa susunod nameng klase.

Lumipas ang buong magkahapon na hindi nag pakita ang mga mokong kay theonell na ngayon tahimik na nag lalakad papunta sa cafeteria, tumakbo ako para habulin ang lakad niya.

"Hi! Sabay na tayong mag lunch" nakangiting sabi ko at sinabayan ang pag lalakad niya, medyo malalaki ang hakbang nito kompara sa akin dahil matangkad siya sa akin, kaya nilalakihan ko din hakbang ko para mag pantay kame.

Hindi siya tumanggi at hindi rin umayaw, kaya ako nalang nag assume na okay lang na makisabay ako, tutal wala naman akong kakilala dito at wala din akong kaibigan.

Habang nag lalakad napansin ko ang mga tingin ng mga nakakasalubong namen na para bang may mali sa amin dalawa, hindi ko pinansin iyon hanggang sa makapasok kame sa cafeteria, sa pagkakataong ito halos lahat ng nasa loob ay sa amin ang paningin.

'Anong nangyayare?' tanong ko sa sarili.

Nag lakad kame papunta sa sulok ng cafeteria, sinusundan ko lang si theonell na pumili kung saang table kame, at pinapakiramdaman ko lang din ang mga tao sa paligid.

Gusto ko man tanungin si theonell kaso inunahan ako ng awkward, kaya pinasawalang bahala ko nalang.

"Ano kayang problema ng mga 'to?" mahinang bulong ko sa sarili habang pinag mamasdan ang paligid.

'Hindi ba sila naiilang sa paraan ng pag titig nila sa amin?' Tatayo sana ako para bumili ng sarili kong pagkain pero napatigil din ng makita si theonell na may dalang tray na maraming pagkain at nag lalakad ito papunta sa direksyon ko.

Hindi ko namalayan na nakabili na pala siya ng pagkain, sa sobrang distracted ko sa mga estudyanteng pinag uusapan kame hindi ko namalayan nakaalis na sa harap ko si theonell at nakabili ng pagkain. Nang makarating siya sa table agad niyang nilapag ito sa tapat ko, kinuha niya lang ang isang plato na may carbonara at pizza.

"Teka.." nalilitong sabi ko.

"My treat, you save me last time," Maikling sabi niya, na parang wala lang, ni hindi siya nag utal utal. Nanibago tuloy ako.

"So its true? She is his girlfriend?"

"I think she is"

"What a wrench, she look like a chuffer"

Feeling ko lumaki ang tenga ko sa biglang pag lakas ng usapan sa kabilang table. Naiintriga ako sa pinag uusapan nila.

"Uhm..Wala yon, Thank you sa pag libre," nakangiting pag papasalamat ko kay theonell habang pinapakinggan ang usapan sa likod ko. Habang si theonell naman mukhang walang kaalam alam sa nangyayare sa paligid.

"I heard about what she did to Kenneth last time, is she really that strong?"

"I dont know, Becky"

Hanggang sa natapos ang pagkain namen at bumalik na sa kani-kanilang classroom, hindi ko parin maiwasan hindi mapansinin ang kakaibang tingin ng ilang sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Napapabuntong hininga at napapailing ako sa tuwing maririnig ko ang bulungan nila habang nakatingin sa akin.

'Parang tanga mga 'to, nag bubulungan ba talaga sila? O sinasadya nilang marinig ko? Halata pang ako ang pinag uusapan,'

Alam ko na ako ang pinag uusapan ng lahat sa campus, hindi naman ako manhid. Inayos ko ang damit habang tinitingnan ang sarili sa salamin ng cr. nag cr ako saglit sa kalagitnaan ng klase.

Habang nag aayos kita ko sa salamin ang pag pasok ng grupo ng mga babae, agad ko din namukhaan kung sino ang mga yon, nakasuksok sa bulsa ang kamay ng sa tingin ko leader nga nila, pag kakaalala ko alice ang pangalan no'n, nag lakad ito sa likod ko na parang siga. Gusto ko sana matawa sa mga itsura nila dahil mukha silang mga trolls dahil sa kulay ng mga buhok, pero pinigilan ko ang sarili ko gawin yon dahil baka mapa trouble ako ng wala sa oras.

"So you're here pala" sabi nito mula sa gilid ko, habang tinitingnan ang sarili sa salamin, hindi ito nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya o yung kasama niya, pero dahil hindi ko alam sa dalawa, nanatiling tahimik ako, nang papaalis na ako agad akong hinarangan ng mgakasama niya na nakatayo sa may pinto at itinulak ako ng malakas pabalik.

'ito nanaman tayo sa bully session' sabi ko sa isip.

Napasandal ako sa pader ng c.r dahil sa malakas na pag tulak, yumuko ako para hindi ipakita ang pagkairita sa mukha ko. Maya maya naramdaman ko ang pag angat ng buhok ko.

"I'm talking to you bitch," sambit nito habang hawak ang nakasabunot sa buhok ko.

Naalala ko na, kung saan ko narinig ang pangalan niya, sa grupo ng mga gangster sa dati kong school, kung hindi ako nag kakamali boyfriend niya din ang leader ng mga gangster doon, kaya ganito nalang kalakas ang loob niya ng mambully dito sa school na ito.

"Anong kailangan niyo?" kalmadong tanong ko.

"Stay away from him." sagot niya.

Sino tinutukoy niya? Si theonell? Bakit?

"Bakit?" balik na tanong ko, nakita ko ang pagkairita sa mukha niya dahil sa tanong ko.

"Just stay. Away. From. Him. its none of your business okay?" binitawan niya ang buhok ko at naglakad palabas ng cr ng girls kasama ang alipores niya, iniwan akong magulo nanaman ang buhok.

'ayoko ko nga, maka utos nanay ba kita ghorl?' inis kong sabi sa isip.

Humarap ako ulit sa salamin para ayusin nanaman ang sarili, talagang namumuro na sa akin ang isang yon ah, hays may araw din sa akin ang babaeng yon, nauubusan na ako ng pasensya sa kaniya ah. Bumalik ako sa classroom na wala sa mood, at nakinig ng todo sa guro. Natapos ang isang klase ng hindi ako nag sasalita kahit isang letra, ganon din si theonell na nasa tabi ko, parehas kameng walang imik at gumawa lang ng pinapagawa ng guro.

Hanggang sa susunod na klase kung saan papunta kame sa library para mag hanap ng sagot sa test na ibinigay ng guro, nakasunod lang ako sa likod niya at hindi na imik. Pagpasok sa loob, napanganga ako sa laki ng library, may nakita pa akong mga higaan, nag mukhang staycation ang loob, hindi akalain meron palang ganitong library, kakaiba. Nilibot ko ang paningin sa paligid, namamangha akong nag lakad hanggang sa mabunggo 'ko yong tao sa harap ko, saka ko lang nakilala na si theonell pala yon.

"Ay sorry"

Mag lalakad sana ako sa mga librong naka display malapit sa akin ng hilain ako ni theonell.

"This way"

"Uh-Wait lang." Hindi na ako nakapag react ng hilain niya ako sa isang display ng book malayo sa mga kaklase namen.

"Which part of the test you got? A or B?" Tanong niya.

"B" sagot 'ko."Ikaw?" balik na tanong ko.

"A" luminga linga ito sa paligid, siguro hinahanap na niya ang section ng libro na kailangan niya, samantala ako napanguso dahil mag isa ako ngayon mag hahanap ng para sa Part B.

May dalawa kasing klase ng test ang binigay, Part A and Part B, ang nakuha niya part A samantala ako part B, ibig sabihin maiba ang librong kailangan namen dalawa.

"Stay here," sabi niya, "I'll get something" at agad akong iniwan.

Napabuntong hininga ako ng sinundan siya ng tingin papalayo. Sinuri ko naman ang paligid kung saan ako dinala ni theonell, ang ganda dito, sobrang tahimik.

Tumingala ako para tingnan pa ang ibang libro na nasa itaas, nagawi naman ang paningin ko sa isang libro na medyo may kataasan. Agad ko namang binasa ang test paper na dala ko para ikumpira na yung librong iyon ang hinahanap sa isa sa mga question dito sa test B.

Napangiti ako sa tuwa ng tama nga ako, yun nga ang libro. Nag mamadaling kinuha ko yung hagdan sa gilid at inusog ito sa librong kukunin ko. Umakyat ako para kunin ang libro, nakangiti pa ako habang papaayat sa hagdan ng biglang nadulas ang isang paa ko dahilan para malaglag ako, sinubukan ko pa kumapit pero hindi umabot ang kamay ko sa hawakan.

Pumikit ako sa pagkabigla at inaantay nalang ang pagkabagsak ko sa sahig pero hindi iyon ang nangyare.

"Are you okay?" pagkadilat ko, mukha ni theonell ang bumungad sa akin. Parang na blangko ang utak ko sa pagkabigla, akala ko talaga babagsak ako sa sahig.

Napatitig ako ng matagal sa nga mata niya sa hindi malaman na dahilan, kasabay no'n ang kakaibang kaba na naramdaman ko.

'Ang gwapo naman nitong nasa harap ko,'

"Are you okay?" ulit niya.

Bigla akong natauhan sa pag daydream sa harap ni theonell at bumaba sa pagkakabuhat niya.

Tumikhim ako bago mag salita, "Okay lang ako, Salamat," pilit na ngiti ang ginawad ko at nahihiyang tumingin sa kaniya

"Uh- I found the books you need, but I can't find the first one" at pinulot ang mga birong nag kalat sa sahig. Nalaglag niya siguro kanina noong sinalo niya ako.

"Nakita ko na ang isa," sabi ko, at pinulot ang isang libro sa kabilang gilid ng hagdan, kasama ang libro iyon sa pag laglag ko kanina.

"Wait, paano yong sayo?" tanong ko ng mapansin na wala doon yong para sa kaniya.

"Dont mind me," sabi nito at hinila na ako sa mga tables, dumiretso kame sa pinaka dulong espasyo na hindi madaling makita ng nga estudyante at guro.

Pagkaupo agad kong sinimulan sagutan ito gamit ang mga libro na dala ni theonell at ang librong nakita ko kanina. Lumipas ang oras, agad kong iniligpit ang mga libro na nagkalat sa lamesa ng matapos ako, habang nililigpit ang mga libro napansin ko si theonell na nakatungo sa lamesa na medyo malayo sa tabi ko.

Nakaharap ang mukha nito papunta sa direksyon ko, kung kaya't kitang kita ko ang mukha niyang natutulog, napangisi ako dahil don.

"Ibang klase kahit natutulog ang gwapo parin" mahinang sabi ko habang hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha niyang natutulog.

Ang sarap niyang titigan habang natutulog, tumungo din ako sa lamesa at ginawang unan ang braso ko habang nakaharap sa kaniya.

Mas lalo kong naamoy ang pabango na meron siya.

'Ang bango' komento ko sa isip

Ilang minuto din ang tinagal ko sa pagtitig sa natutullog niyang mukha, hanggang sa nagulat ako ng biglang dumilat ang mata niya at nag tama ang paningin nameng dalawa dahilan para mapatayo ako sa gulat.

'shit, nahuli niya akong nakatitig sa kaniya habang natutulog!'

Nakita ko pa ang gulat sa mata niya, bahagya niya pang pinunasan ang bibig at tumayo.

"Are you done?" tanong niya.

"A-ah O-Oo, ikaw?"

'Ay nautal pa ang gaga!' inis kong sabi sa utak ko.

"Yeah, let's go?" aya niya.

Tumango nalang ako bilang sagot, kasunod no'n hindi na ako nag salita pa, baka kasi kapag nag salita pa ako mas malalo lang akong mautal.

"Pero teka..' napabali ang leeg ko sa pag iisip kung paano niya nasagutan ang test niya, wala siyang dalang libro kanina.

"Sure ka, tapos kana?" tanong ko ulit habang nag lalakad kame.

"Yeah, you want to see it?" inabot niya sa akin ang papers niya at nanlaki ang mata ko ng makita ang mga sagot niya na sobrang haba.

'Paanong...?'

Mag tatanong na sana ako sa kaniya ulit ng mapansin ang grupo ng mga babae na papalapit sa amin. Napaismid ako bigla. Grupo na naman ng mga babaeng trolls, na pinangungunahan ni alice in the wonderland na kasalukuyan papunta direksyon namen habang may lollipop sa bibig.

Agad ko naman hinila ang braso ni theonell para mapaharap ito sa akin, at para hindi makita ang girls of trolls.

"Bili muna tayong meryenda sa cafeteria." alok ko kay theonell, at mabilis na hinila ang braso niya sa ibang direksyon. mabuti naman at madali siyang nahila kaya nakalayo agad kame sa mga trolls.

Hindi ko hahayaan na maubos ang pasensya ko sa mga babaeng iyon habang nasa harap ako ni Theonell. hindi pwede, hindi dapat ako pumalya sa misyon na ito dahil kailangan ko ang pera na kikitain ko dito.