Chereads / Trouble Is My Middle Name / Chapter 2 - Trouble 2

Chapter 2 - Trouble 2

Hindi mawala ang paningin ko sa lalaking yon habang kumakain. Nasa harap ko siya ngayon, medyo malayo nga lang, nasa pinaka sulok kasi siya ng cafeteria.

Tahimik ko siyang inoobserbahan, bawat galaw niya nakatingin ako, halos hindi ko na nga makain yung inorder kong pagkain kakatitig sa kaniya.

Maya maya pumasok ang grupo ng kalalakihan na agad ko din nakilala, yung mga lalaking nambugbog sa dulo ng hallway. Dumiretso ito sa pwesto ng lalaking binabantayan ko, at pinalibutan nila iyon.

Umiwas naman ang mga estudyante na malapit sa pwesto nila at lumipat ng ibang table siguro naramdaman din nila na may gulong mangyayare. Agaw pansin ang ginawa ng grupo kaya halos lahat ng mata nanonood sa susunod pa nilang gagawin.

Bumuntong hininga ako, ito nanaman tayo eh. Hindi ba pwedeng manahimik nalang ang mga mokong na to sa isang tabi? Bakit kailangan laging may gulo lagi? Mga papansin.

Tumayo ako sa pagkakaupo para obserbahan ang susunod naa gagawin ng mga mokong, pero kasabay ng pagtayo ko ay siya rin pag tunog ng smart watch na suot ko, na nangangahulugan na may bagong order si matrix. Napakamot ako sa batok ng makita kung bakit, 'Ang wrong timing naman nito ni Matrix kaasar'

Mabilis na kinuha ko ang earpice sa bulsa at sinuot, medyo lumayo din ako sa maraming tao.

"Yow"

"Mission. Protect him, without him knowing."

"Ano ba yan, ginawa mo naman akong body guard niyan, dapat kumuha nalang sila ng body guard kung ganon rin lang," hininaan ko ang boses para walang makarinig sa akin.

"You dont have a choice remember? Goodluck A5."

Napabunga ako ng hangin ng ibinaba niya ang tawag, tinanggal ko ang earpiece sa tenga ko at nag lakad papunta sa direksyon nila. Kasalukuyan kiniwelyuhan ng kalbong mokong si pogi dahilan para mapatayo ito sa pagkakaupo.

Hindi ko pa alam ang pangalan ng babantayan ko, kaya pogi muna ang pangalan niya mula sa akin.

"Hays"

Napa buntong hininga ako sa naabutan ko at naglakad ako sa harap nila at hinawakan ang kamay ng kalbo ng sobrang higpit dahilan para mapa aray siya sa sakit at mabitawan si pogi. alam ko malaking sugal tong ginawa ko pero wala akong alam na way para maligtas siya sa mga mokong na ito.

"Anong ginawa mo?," tanong ng isa sa mga mokong, gulat ang rumihestro sa mukha nito ng makita ang ginawa ko.

"Hinawakan lang siya," inosenteng sagot ko. pinilit kong hindi ipakita ang kaba ko sa paraan na hindi mag bigay na kahit anong emosyon sa mukha ko.

Humarap ako kay pogi na ngayon mukhang nalilito sa nangyare. "Sumama ka sa akin," walang ka gatol gatol na sabi ko kay pogi at hinila siya paalis ng cafeteria, may dumating pang mga guard pero dinaanan lang namen sila ni pogi.

'kahit kailangan talaga 'to si matrix mag tatawag na nga lang ng guard wala pa sa timing ang pag respunde' inis na sabi ko sa isip.

Ramdam ko ang tingin ng lahat sa ginawa ko, bawat madadaanan nameng estudyante sinusundan kame ng tingin, nakita ko pang nakatingin sila sa kamay kong nakahawak kay pogi at hila hila siya. Hanggang sa makarating kame sa lugar na puro halaman, ito na ata yung botanical garden ng school, saka ko lang siya binitawan ng makahanap ako ng pwesto na tahimik at walang tao.

"Okay ka lang?" Tanong ko, pero sinuklian lang niya ako ng nag tatakang tingin.

Tinaasan ko siya ng kilay, inaantay na mag salita siya, pero walang kahit anong boses na lumabas sa mula sa labi niya, kumurap kurap pa ito sa harap ko.

"Pipe kaba?" tanong ko ulit. Malay ko bang hindi siya nakakapag salita.

"Uh.." pag aalanganin nito na para bang nakakatakot ang mag salita, natataranta pang tumingin siya sa paligid na baka may makarinig sa kaniya, sinundan ko naman ng tingin ang paligid, wala namang tao, kame nalang ang nandito sa gilid.

Pinag krus ko ang braso ko at inantay mapunta ang atensyon siya sa akin.

'Ano bang problema ng lalaking 'to?'

Humarap siya sa aking agad ng masigurong walang tao sa paligid.

"Uh..T-thank y-you, but you-you dont need to do t-that." utal utal na sabi niya. Naningkit ang mata ko sa inakto nya.

Nakakapag salita naman pala 'to, akala ko talaga pipe siya.

"Pangalan?" patanong na sabi ko.

Mag sasalita ulit sana siya ng nag vibrate nanaman ang smart watch ko dahilan para itikom nya ulit ang bibig at napatingin sa relo ko, napapikit ako sa inis ng malaman si Matrix iyon, agad ko naman itinago sa likod ko ang relo at ngumiti sa kanya ng mapakla.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" pag babalik ko sa tanong para ma distract siya tungkol sa smart watch ko na nakalagay ang pangalan niya sa screen.

'Hindi naman siguro niya nakita yun diba? Sana hindi'

"Kayong dalawa, tapos na ang lunch time mag si pasok na kayo sa classroom niyo," biglang sulpot ni manong guard.

Agad siyang naunang nag lakad paalis, habang ako sinundan lang siya.

Nang makarating sa classroom nag mamadaling umupo siya kung saan ang puwesto niya kanina, ganon din ang ginawa ko, nabalot ng katahimik ang pagitan nameng dalawa hanggang sa matapos ang buong klase, hanggang sa nag uwian na, nag mamadali siyang lumabas ng classroom, kaya nag mamadali din akong sinundan siya kahit hindi ko pa nailagay sa maayos yung gamit ko sa bag.

Dumiretso ito sa tapat ng school, at nanatili doon na parang may inaantay, medyo malayo layo na siya sa guard.

Nag tago ako sa halamanan malapit sa gate, at binabantayan siya. Maya maya nag si datingan nanaman ang grupo ng nga mokong, napanguso ako habang tinitingnan silang palibutan nanaman siya.

Hays, kailan ba titigil ang mga mokong na 'to? kotang kota ngayong araw ah.

Nakita ko ang pa ang pangbabatok ng kalbo sa kaniya habang nakayuko lang siya at hindi lumalaban.Nag madali akong pumasok ulit sa loob ng school at pumunta sa pinaka malapit na comfortable room.

At nag bihis ng dala kong damit, sinuot ko ang jacket at facemask, at aksidente ko din nakita yung sun glasses ko sa sulok ng bag kaya isinuot ko narin, hinigpitan ko ang tali ng hoody, hinubat ko ang palda na suot at itinira ko ang black short na natatakpan din naman halos ng jacket dahil malaki ang jacket na dala ko, pinalitan ko din ang sapatos ng dala kong rubber shoes.

Agad akong lumabas ng matapos mag bihis, nagulat pa ang guard sa itsura ko pero ipinasawalang bahala ko iyon at dumiretso sa diretson nila.

Nang makalapit, na dinig ko pinag uusapan nila.

"Nasaan na yung credit card?" may halong pang babanta na tanong ng kalbong mokong.

Nakatalikod sa gawi ko ang mga mokong, nag tago ako sa isa sa kanila.

Muntik na akong matawa mula sa likod nila ng may isip akong kalokohan.

Matangkad ang mga mokong kaya hindi ako makikita ng mga to kung gagawa akong katarantaduhan mula sa likod nila.

Umayos ako ng tayo sa likod at binatukan ang isa sa kanila at nag tago ulit ako sa likod ng isa pang mokong.

Pigil ang hagikhik ko mula sa likod habang pinapakinggan ang reaksyon ng mokong na binatukan ko.

"Sino yon?"

"Tangina, ikaw yon?"

"Hindi ako yon"

"E, Sino? Tayo lang naman nandito"

"Hindi ko alam"

"Ikaw lang naman katabi ko"

"Hindi nga ako yon, tangina makasisi 'to"

"Baka minumulto kana dyan, tayo lang naman nandito" natatawang komento ng mokong kung saan ako nag tago

"Ang tagal kasing ibigay nito yung pera e, kaya kung ano ano na nangyayare dito," nakita kong kinewelyuhan niya ang kakawang binata.

'Aba, Ang bobo nanisi pa' sabi ko ng walang tunog na lumabas sa bibig ko.

Sinunod ko naman binatukan itong nasa gilid ko na mukhang tatanga tanga.

"Aray!" lumingon ito sa likod, pero nakalipat ako ng pag tataguan sa likod ng isa din sa kanila.

Kagat labing pigil yung tawa ko at pinakalma ang sarili baka bumoga sa kawalan at hindi ko na mapigilan.

"Gago, Sino yon?"

"Bakit?" tanong ng isa na kung kaninong likod ako nag tago.

"May bumatok sa'kin" himas nito ang batok habang tinitingnan ang paligid, may nagagawa din pala ang pagiging medyo maliit ko sa kanila, hindi kasi nila ako makita.

"Ulol, nang gagago kalang e,"

"Baka ikaw lang talaga ang namamatok dyan" sisi ng isa, hindi ko makita kung sino na nag salita dahil naka squat ako ng bahagya para hindi makita ang ulo ko.

Kasalukoyan silang nag tatalo, nag lalabasanan na ng hinaing sa isa't isa hanggang sa umiksena yung isa sa kanila at yung alaga ko ang pinuntirya, na ngayon nakayuko lang sa harap nila.

Sabilis ng pangyayare at repleksyon ko sa paligid napigilan ko yung sunok nito natatama sa mukha ni pogi, ginamit ko yung paa ko para abutin ang braso nito at hilain pababa, muntik na syang ma subsob sa ginawa ko dahil sumama din ang katawan niya sa pag hila ng paa ko sa kamay nya pababa.

Gulat ang rumihestro sa mga mokong ng makita ako, para silang na stock up sa kawalan sa sobrang pagkabigla, ginawa ko yon daan para mahila si pogi paalis.

Naramdaman kong natauhan sila sa pagkagulat at hinabol kame.

Tiningnan ko ang pailigid kung saan pwedeng mag tago, may nakita akong fast food na maraming tao, agad kameng pumasok doon habang hila hila siya, umakyat kame sa taas at kunwari kakain, umupo pa kame sa pinaka sulok na table, buti nalang may space pa, ang dami kasing tao sa ibaba.

Sinilip ko ang mga mokong na hinahanap kame sa ibaba at hindi pumasok sa loob, sinilip lang nito ang ibaba ng fast food, tapos umalis din, doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Nagawi ang tingin ko sa kaniya na tulala sa akin, kitang kita ko sa mukha niya ang pagkalito at pagkabigla, parehas ng nakita ko kanina sa botanical garden ng school. Titig na titig ito sa akin na parang sinusuri ako, umiwas ako ng tingin para maitago ang mukha ko, baka kasi makilala nita ako, kahit naka shade at facemask itong buong mukha ko plus ang higpit pa ng lace ng hoody jacket ko.

"Wag kang aalis dito" banta ko at iniwan siya doon, pumasok ako sa comfort room, at nag message kay matrix gamit ang smart watch.

Connected...

Sent√

Inantay kong dumating ang sundo niya, hanggang sa makaalis ito kasama siya at saka din ako umalis sa lugar na yon at umuwi sa lugar kung saan talaga ako tumutuloy.

Pagod na inihagis ko ang bag sa sofa at ibinagsak ang katawan sa kama. Napabuntong hininga ako habang tulala sa kisame at inaalala ang buong nangyare ngayong araw.

"Kamusta!?" pangangamusta ni four mula sa audio speaker na nakaconnect sa mga gadgets ko dito at connected din sa gadgets nila ng mga kasama ko, bukod sa earpiece.

Hindi ako umimik at nanatiling tulala ang tingin sa kisame.

"Mag kwento ka naman dyan, balita ko sobrang sikat yung school na pinasukan mo kompara sa dati mong school," pangungulit ni four,"At ang mahal pa ng tuition fee doon ah, bigatin mga kasama mo doon, kasi international school yon."

"Ano nga?" pag uulit niya.

"Wala" sagot ko.

"Anong wala?"

Umikot ang mata ko sa kakulitan ni four, na alam kong kahit anong gawin ko hindi ako titigilan hanggang hindi ako nakakapag kwento sa kaniya.

Babae si four, dalawa lang kameng babae sa grupo, kaya lagi kameng mag kasangga sa kung saang mission kame dalhin, lalo na sa pag kukwento ng nangyare sa misyon.

Tumayo ako sa pagkakahiga at pumunta sa kusina para mag luto ng makakain, binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang natirang fried chicken at instant rice na iinit nalang nag salang din ako ng instant noddles, habang nag luluto panay ang kulit ni four na mag kwento.

"Ano nga? Dali na, mag ke-kwento ka lang naman e, oh ano? Gwapo ba yung binabantayan mo?" tanong niya.

Bigla kong na alala yung titig ng lalaki yon sa akin kanina. Ang gwapo niya sa malapitan, para siyang hindi makatotohanan. Ang pinag tataka ko lang kung bakit binubully siya at bakit hindi siya lumalaban, napailing ako habang iniisip ang mga dahilan.

"Bakit nga kaya?" tanong ko sa kawalan.

Nagawi ang paningin ko sa niluluto saka ko lang napagtanto na umapaw na pala ito.

"Ay potek," Nag mamadaling pinatay ko ang gas sa gulat.

"Anong nangyare?" tanong ni four.

"Umapaw lang yung niluluto ko," sagot ko.

"Hahaha, lutang ka ghorl? Sigurado ka ba talagang wala kang i ke-kwento?"

Hindi ko pinansin ang ilan pang sinabi ni four at nilinis nalang umapaw sa niluluto ko. ilang sandali pa bigla kong nalala ang binigay ni matrix kanina na details tungkol kay pogi.

Pagkatapos ko kumain agad akong tiningnan sa computer ko ang sinend ni matrix na file. nanlaki ang mata ko habang binabasa ang mga detalye tungkol sa kaniya, anak siya ng may ari ng school, ang ama niya ay nakulong noong nakaraan taon dahil sa salang pag bebenta ng illegal na gamot sa loob ng school, ngayon ang ina nalang niya ang namamalakad sa buong school. Simula no'n hindi na makatao ang trato ng ilang estudyante kay theonell dahil sa kinasangkutan ng ama niya, marami na din ito natataggap na banta sa buhay pero pinag sasawalang bahala lang nila ito, hanggang sa lumalala nitong mga nakaraang araw dahil sa di inaasang natuklasan ni theonell tungkol sa ama na siya lang ang nakakaalam.

Isang mensahe nanaman ang nag pop up sa computer ko na galing nanaman kay matrix.

From: Matrix

Since you already saw the details, your real mission here is to know what Theonell's know about his father, while protecting him from danger.