Chereads / The Diary Of A Blacksheep / Chapter 30 - Kabanata 18

Chapter 30 - Kabanata 18

Dear Diary,

I really love working! Malapit ng matapos ang May pero hindi pa rin ako nakakapag-enroll. Galit na galit na rin si mudra sa akin dahil nahahalata niya ang totoong pakay ko pero 'di lang siya nakibo kahit deep inside gusto na niya akong sigawan at paluin.

Sorry ma, I am enjoying the life of a money-earning woman.

Sobrang ganda sa feeling. Wala kang maririnig na kahit anong salita sa kahit na kanino dahil sarili mong pera ang winawaldas mo sa kahit na anong gusto mong pag-gastusan. Wala kang maririnig na masasamang salita dahil pinagpaguran mo iyon at ikaw lang ang may karapatan diktahan, sermonan, at pagalitan ang sarili mo.

That's what I'm doing. And it's helping me to be mature.

Whenever I think things to myself as I realized previous events that I did with my money, I try to talk to myself in my mind and scold myself. And it's helping me think things through. It's helping me to have a wise decision when it comes to choices, when it comes to choosing what's best for this and that.

Mom can see that too. I know she sees it in me how I'm having so much fun.

Pero mahirap pala ang nagtatrabaho dahil hindi siya katulad sa eskwelahan na kapag nagkakaroon ka ng crush, agad-agad makakarating sayo ang kung anuman na tsismis patungkol sa crush mo.

For example, sa high school first day of school mo pa lang ay alam mo ng may jowa ang crush mo kaya hahanap ka na ulit ng ibang pwede maging crush.

Pero sa trabaho, susugurin ka muna ng totoong jowa sa store bago mo malaman na taken na 'yong tao. Pero buti na lang at hindi ko na crush 'yong katrabaho kong gwapo. Nakakadiri pala, para sa akin nandidiri akong magka-crush sa isang officemate mo kasi andaming sikretong itatago sayo.

Puro kalokohan ang gagawin, puro kalokohan ang ikukwento tapos since gwapo nga 'yong tao kukunsintihin ng iba mo pang officemate dahil gusto rin nila magkaroon ng chance doon sa gwapong 'yon.

Kasi diba, kapag tinolerate mo ang mali ng tao, good asset ka for them and they'll pay you in return. Well, it's up to them with whatever they pay you, but as far as I have observed, that's how life works. Kaya mabuti na lang talaga at tinigil ko na 'yon.

Masyadong mapanlinlang ang mga taong nasa real world. Now I understand why people who are already in the real world always tell us to savor every moment of high school and college days. But I really enjoy working, I have a lot of realizations.

Kaya I'm sorry ma, I am quite enjoying observing this kind of experience.