Chereads / The Diary Of A Blacksheep / Chapter 22 - Kabanata 11

Chapter 22 - Kabanata 11

Dear Diary,

Nag-chat ako ngayon sa isang Psychologist, tinanong ko muna siya kung may bayad ba kahit na magtanong lang ng kaunti sa kanya about my mind's condition. Sabi niya since estudyante ako ay gagawin na lang daw niyang libre, hintay na lang daw ako sa call niya.

Eh ilang weeks na ang lumipas. Magi-intrams na kami tapos wala pa akong narereceive na tawag sa kanya. Maybe because nakita niya 'yong profile ko sa Facebook na nag-aaral sa isang private school. Baka iyon ang binasehan niya para hindi na ako tawagan kasi naka-private school ako pero sinabi ko na wala akong pera?

Anyway. Hindi na lang ako doon aasa, kung pera habol niya at hindi ang makatulong, wag na lang. Di ko rin alam kung bakit walang mga Public Psychologist dito sa amin eh, dapat kargo iyon ng gobyerno.

Wait nakalimutan ko, hindi nga pala pinagtutuonan ng pansin ang Psychologist dito sa bansa dahil malamang, pera.

Anyway, itutulog ko na lang ito. Wala rin namang kwenta ang lahat. Magm-move on na lang ako kay Troy, baka mas may pakinabang pa 'yon.