Dear Diary,
September na ngayon, nandito ako sa loob ng kotse namin nagpapatugtog. Tapos na kasi retreat namin. Kakasundo lang sakin nina mama ngayon. Sinabihan ko rin sila na magpapaiwan muna ako dito kaya binigay sakin ng kapatid ko ang susi ng kotse.
Buti pa 'yon marunong na mag-drive, samantalang ako hindi man lang maturuan ni papa kasi busy sa iba.
Anyway.
Masaya naman siya, 'yong retreat, puro lang share ng kung anu-ano. Typical retreat. Madaming umiyak, madaming nagyakapan, at madami pang iba na puro kaartehan ng mga kababaihan. Nagulat nga ako kay Troy kasi biglang umiyak.
Dahil chismosa ako ay tinanong ko si Lily kung bakit naiyak si crush, sabi niya sakin ang narinig lang daw niya kay Troy ay nanloloko siya.
Ngumiwi ako at medyo na-turnoff siyempre, kasi diba, 'yong akala mong good boy eh manloloko pala. Pero kahit na ganon naintindihan ko pa rin siya. Nalaman ko kasi kay Anna na kaya nanloloko si Troy ay mahal pa rin daw niya ex niya.
Hindi naman daw siya totally nambababae, sadyang 'di raw mapigilan ni Troy ang sarili niya na isipin ang totoong mahal niya kahit na may girlfriend na siya. Kaya pala nakita kong umiiyak 'yong girlfriend niya bago lumabas ng classroom namin.
Well, 'di ko alam kung ano ang pinag-awayan nila para umiyak si girl pero dahil sa nalaman ko, mukhang iyon ang reason kung bakit siya umiiyak. Kwento rin nga sa akin ni Anna ay madaming beses niyang nakita si girl na lumuluha kapag umaalis sa classroom.
Kaya pala pinapa-move on na ako ni Anna. Pero 'di ko magawa, kasi naiintindihan ko sitwasyon ni Troy. Wala man akong jowa katulad niya, alam ko 'yong feeling na magmahal ng taong kahit kailan ay 'di kayang suklian pagmamahal mo sa kanya.
Hay. Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Balak ko kasi talagang lumapit sa kanya para umamin kaya lang 'di ko na itinuloy noong time na makita kong umiiyak siya at niyayakap ng mga kaibigan niya.
Sana ako na lang kaibigan niya, at least nayayakap ko siya diba? Maganda na 'yon. Hindi katulad ngayon na in love kuno ako sa kanya at kailangang mag-move on para makalimutan ko feelings ko sa kanya.
Pero bakit ang hirap? Ang dali-daling sabihin. Ang bilis lumabas sa bibig. Ang dali isipin, pero ang hirap gawin. Bakit ganon? Naka-set na ba talagang pahirapan ang mga taong mag-move on? Naka-set na ba sa ating mga tao na mahirapang kalimutan ang feelings na hindi naman dapat pumasok sa puso?
Bakit ang hirap bitawan ang nararamdaman? Bakit laging nahihirapan ang mga taong tanggalin ang nararamdaman para sa iba? Bakit parang may patusok ang lubid na kinakapitan ng taong nagmamahal? Habang hinihigpitan mo ang pagkakahawak sa lubid, mas lalong sumasakit. Lalong kumikirot ang puso. Dumadagdag sa ating reyalidad at paningin ang katotohanang kahit kailan ay hinding-hindi mo mararamdaman ang pagmamahal ng taong gusto mo.
Hay.
Ang drama ko na. Habang tumatagal, lalo akong nagiging madrama sa buhay. Gusto ko na lang tuloy bumalik sa pagiging bata. 'Yong wala akong pakealam sa mga sinasabi ng iba sa akin. Basta ako maglalaro ako, wala akong pake sa inyo. 'Yong ganitong mindset.
Ang hirap na kasing ibalik ang nakaraan kapag mulat ka na. At alam mo na ang pinagkaiba ng panaginip at pangarap sa reyalidad.
Nababasa na diary ko, nakakatamad na rin magsulat. Matutulog na ako.