Dear Diary,
Nakakainis! Bakit ang liit-liit ko? Nasa unahan ako ng pila sa graduation rites, hindi ko tuloy makasama ang crush ko kasi nasa likod siya. Ang tangkad eh.
Siya na! Siya na ang matangkad!
Mabuti na lang hindi namin ka-batch ang 1st year high school na girlfriend niya kasi kung hindi, kasama niya 'yon pag nagkataon. Matangkad din kasi eh, kaya perfect na perfect for each other. Samantalang ako ay kailangan pang uminom ng Gloxi para tumangkad.
Well, pasensya naman diary kung ilang buwan na rin simula noong magsulat ako ng entry tungkol sa girlfriend ni Troy. Wala naman nangyareng masama. Okay naman ang flow ng panahon kasi hindi pinatulan ng girlfriend niya ang mga sabi-sabi ng iba.
Nakaabot na rin kasi kay Troy 'yong balita na aamin ako sa kanya during graduation day. Nalaman kong nalaman niya ang plano ko kuno na wala naman na akong balak patulan noong hilahin niya ako sa tagong part ng hotel. JS Prom kasi namin noong araw na kinausap niya ako about doon.
Malamang date niya ang girlfriend niya. Ang harsh nga ng mga words niya eh kaya mabuti na lang nakalimutan ko na agad. Basta ang naintindihan ko lang sa mga sinabi niya sa akin ay hinding-hindi siya magkakagusto sa isang katulad ko. Na, I can keep on dreaming pero hanggang panaginip na lang 'yon. Kasi iba raw ang panaginip sa reality, I should face that hard truth daw.
Edi wow lang sinabi ko sa kanya. Tinarayan ko nga 'yon noong umalis ako sa harap niya. Hello! Pwede naman niya sabihing hindi niya ako gusto eh maiintindihan ko naman 'yon kasi hindi naman ako complicated na tao. Madali akong makaintindi at madali akong kausap. Kung ayaw niya sa akin, fine. Ayaw ko rin sa kanya. Tapos ang usapan.
Pero ang sisihin niya ako sa nagiging away nilang dalawa ng girlfriend niya? Dude that's so fucked up. Hindi ko kasalanan na 'di ma-feel ng jowa niya ang security na dapat niyang iparamdam kay girl para wala silang away. Tsaka normal na 'yon sa babaeng magselos.
Tsaka parang tanga naman ng girlfriend niya, mukha ba akong maganda para ma-threatened siya sa presensiya kong kahit kailan hindi na-notice ng gwapo niyang boyfriend? Kahit nga kalat sa section namin na crush ko siya eh 'di man lang niya ako matapunan ng tingin tapos matatakot siya sa presensya ko?
Hay. There's really something wrong with her eyes, kailangan niya ng ipa-check.
May problema na nga ako sa pamilya ko tapos dadagdag pa sila?
Nakaabot kasi sa akin na ginawang big deal ng mga ka-batch namin at ng mga friend ng jowa ni Troy ang issue na sobrang liit naman. Pinapamukha kasi nilang sobrang laki ng problemang ito eh normal lang naman sa isang couple makatanggap ng adoration mula sa ibang tao.
Pero kahit naman sobrang harsh ni Troy sa akin ay okay lang, crush ko pa rin siya. Tsaka malapit naman na matapos ang high school, after this ay mawawala na rin ang feelings ko sa kanya. Tulad nilang magjowa, balita ko kasi kapag college at high school students ang magjowa ay nagb-break din.
Pero joke lang ano, mukha naman silang matured couple. Mukha lang. Pero nakikita ko talaga sa kanila na magtatagal sila. Kaya sana kung mag-break man sila, huwag ako ang sisihin dahil baka isapak ko sapatos ko sa kanila.
Pero mamsh! Kanina habang nagp-practice kami para sa graduation, sobrang gwapo niya. At sobrang hot niya tingnan sa suot niyang toga. Ginagamit kasi talaga namin ang toga habang nagp-practice para raw masanay na kami sa init.
Okay lang naman sa akin kasi nakikita ko kagwapuhan niya. Hay. Wala na talaga akong magagawa sa nararamdaman niya. Pinagmukha kasi niyang kasalanan pa talaga ng puso kong magustuhan siya eh hindi ko naman ginustong magkaroon ng feelings sa taong may mahal ng iba.
Like hello! Kaya kong mag-move on at hindi ako katulad ng iba na pinupush ang hindi naman dapat. Pinupush ang isang bagay na alam nilang sobra-sobra ang damage na maibibigay sa mga nakapalibot sa taong mahal niya kuno.
Hindi ako katulad ng iba na kayang makitang nawawasak ang isang bagay na napakaganda masunod lang ang luho sa buhay.