Chereads / That Thing Called KILIG / Chapter 3 - Kabanata 1

Chapter 3 - Kabanata 1

Kabanata 1: Ang Minamahal Kong Binibini

Joshua POV

[ Indistinct Chatters ]

"Hoy! Si Mitch hinihintay mo 'no?" Tanong ni Mila, kaibigan namin pero mag bff sila ni Mitch.

"Syempre! Ang tagal nga niya. Kahit kailan talaga ang kupad nun."

"Sinabi mo pa! Eh, kamusta nga pala ang panliligaw mo diyan sa bff ko?"

"Parang traffic sa EDSA, hindi parin umuusad." Sabi ko habang tinatanaw ang hallway kung saan siya dadaan.

"Hahaha! Malamang sa malamang ganoon nga eh hindi mo nga kayang pangitiin o pakiligin man lang eh!"

Tama siya. I never seen her smile. Palaging straight face lang siya at minsan palaging naka busangot at minsan nakakunot ang noo at minsan rin hindi ko siya maintindihan. Ang suplada rin niya, sa akin lang ata?

Natatanaw ko na siya.

"Mahal kong Binibini!" Sigaw ko noong natanaw ko na siya.

"Tch!" Inirapan niya lang ako at nilagpasan.

"Binibini naman. Ang aga aga ang sungit mo."

"Ta-hi-mik! Ang aga aga sinisira mo araw ko."

"Grabe naman. Nga pala Binibini, rosas nga pala para sayo" Sabi ko tapos binigay na sa kanya ang rose. Kahit sinusungitan ako niyan tinatanggap niya parin ang mga binibigay ko sa kanya. At isa 'yun sa mga reason kung bakit umaasa parin ako.

"Oh, bakit bad mood ka ata?" Tanong ni Mila sa kanya. Wala namang bago, ganoon siya palagi.

"Wala."

Minsan nga ay nagtataka ako kung bakit siya ganyan. Saan kaya siya pinaglihi?

"Binibini, may umaway ba sayo? Sino at nang mabugbog ko!"

Natawa si Mila habang ang aking Binibini ay nakakunot ang noo.

"Sabing ng wala, eh!"

See? Galit na naman siya.

"Binibini, nasobrahan kaba ng gamot noong bata ka?"

"Tsk! Ano bang pinagsasabi mo?" Kamot ulong tanong niya. Ang cute niya.

"Baka lang naman dahil palagi kang nakasimangot."

"Trash talk ba 'yun?" Taong niya na nakataas ang kilay.

"H-hindi, Binibini. Tara na nga lang at baka ma late pa tayo." Sabi ko tapos nauna na ako sa kanila. Baka kasi mahampas na naman ako. Sadista kasi ang aking binibini.

( Classroom )

"Nga pala, natapos mo na ba ang project natin?" Tanong ko sa aking Binibini nang makaupo kami.

"Tapos na! Pero hindi kita isinama dahil wala ka namang naitulong. Natulog ka lang, diba?"

"Grabe ka naman, Binibini! May naitulong naman ako, ah. Ako kaya ang bumili ng lahat ng materials. Sayang ang pera ko kung hindi niyo ako isasama."

"Oh, siya sige na! Ikaw na magpasa ha."

~~~~~~~~~~

( Break time )

Cafeteria

"Spaghetti nga pala, binibini."

"Ayaw ko niyan! Ibigay mo na lang kay Mila." Sabi niya.

"Akin na." Sabi naman ni Mila at akmang kukunin na pero inilayo ko ito sa kanya.

"Ang damot!" Sabi ni Mila

"Tch! Ako na lang kakain nito."

Sinimulan ko nang kainin ang spag.

"Oh!" Sabi niya at may inabot sa akin

"Ano 'to, binibini?"

"Edi buksan mo"

Binuksan ko ang maliit na box.

"Brownies? Para sa'kin? Ginawa mo ba 'to para sakin?" Nagniningning na mga matang sabi ko.

"Asa ka!"

Hay! Panira talaga 'to minsan.

"Akala ko ay ginawa mo 'to para sa'kin hindi pala."

"Si mama ay may gawa niyan, tumulong lang ako. Sabi niya, bigay ko daw sa'yo."

Napangiti ako hindi dahil sa mama niya kundi dahil sa salitang 'tumulong lang ako'. Ayiee, kinikilig ako. Lakas talaga tama ni Mitch sa'kin.

"Alam mo, para kang baliw. Kahit anong oras na lang ay nangingiti ka."

"Kasi naman oras oras kitang nasa isip."

"Tsk! Lumamon ka na lang diyan. Ang dami dami mo pang sinasabi, eh!"

Balang araw ay mapapangiti rin kita aking Binibini.

~~~~~~~~~~

( Filipino Class )

"May iba pa ba kayong kahulugan ng bayani?" Taong ng guro namin.

Nagtaas ako ng kamay.

"Ano iyon, Joshua?"

"Para sa'kin ang bayani ay katulad sa pag-ibig."

"Nasabi na iyon kanina, Joshua. Hindi kaba nakikinig?"

"Ma'am, iba ho ang explanation ko. Sabi ko nga ang bayani ay katulad sa pag-ibig. Sa pag-ibig kasi minsan nakakagawa ka ng mga imposibleng bagay para lang sa taong mahal mo. Natututunan mong mag sacrifice."

"Ano nga ang ponto mo?"

"Ang matatawag na bayani ay 'yung kayang magmahal ng tapat, marunong mag sacrifice, may isang salita at 'yung kayang ipagtanggol ang kanyang bayan at sinasakupan nito. 'Yung handang mamatay para sa iba, sa kaligtasan ng iba."

"Naku ma'am, pasimple lang pong nagpaparinig si Joshua kay Mitch. Idadaan niya pa talaga sa klase natin 'yun eh." Sabi ng epal kong classmate, si Leon.

Eto na naman tayo. Nagkatuksuhan na naman at syempre ako ang beneficiary. Kaso nga lang walang effect sa kanya ang mga ganyan.

"Tumigil na kayo. Magpatuloy."

Naupo na lang ako.

"Ayos ba? Kinilig ka 'no?"

"Nabingi ako hindi ako kinilig."

~~~~~~~~~

( P.E Class )

"Parehas bang kaliwa ang paa mo?" Tanong ng aking Binibini. Hindi talaga ako nagsasayaw. Gusto kong matuto pero ayaw talaga ng sayaw sa akin. Atsaka, tinatamad na ako dahil ang P.E. namin ay 2:30. Hapon na kaya nakakatamad.

"Hindi naman, ah! Hindi lang talaga ako marunong."

"Ang dali dali lang naman, eh! Step, close, step, close lang eh." Naiinis na sabi niya.

"Aayusin ko na."

Step, close, step ,close. Gotcha!

"See? Kaya mo naman pala, eh. Teka... sinasadya mo bang inisin ako, ha?"

"Binibini naman!"

"Nag aaway na naman ba kayong dalawa?" Sita samin ni prof.

"Hindi po. Nagtuturuan lang po kami." Sabi ko.

"Mag behave kayo."

Tumango na lang ako.

"Umayos ka, ayoko nang singko."

"Mas lalong ayoko nun, Binibini."

Nagpatuloy na lang kami sa pagsasayaw. Nakahawak ako sa bewang niya. Magka partner kami dahil ako lang naman ang hindi takot sa kanya. (takot rin pala ako) Medyo boyish kasi ang aking binibini kaya wala masyadong lumalapit sa kanya. Walang karibal, hahahaha! Napaka angas rin kasi eh. Aside from those, ayaw niya rin kasi sa mga lalaki. Kung tatanungin niyo kung bakit ako lang 'tong masugid na manliligaw niya ay dahil gusto ko talaga siyang mapa ngiti at bonus narin kung mapapasakin siya.

"Aray!" Sabi niya at napa upo.

"Sorry, Binibini!" Sabi ko at umupo rin.

"Saan kaba tumitingin, ha? Naku talagang- pag nabaog 'tong daliri ko sa paa, lagot ka talaga sakin!"

"Sorry talaga."

Kinuha ko ang sapatos niya pati medyas. Namula nga ang daliri niya. Ang bigat ko talaga siguro eh.

"Anong nangyari?" Tanong ni prof.

"Naapakan ko po kasi paa niya."

"Masama ba ang lagay?" Tanong ulit ni prof.

"Hindi naman po."

"Mag ingat sa susunod. Doon muna kayo sa bleachers."

Inalalayan ko siyang makatayo at ini-upo sa bleachers.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Ginawa ko lang 'yun dahil nakakatamad."

Napakamot na lang ako ng ulo. Kulit din ng lahi nito.

"Pero naapakan mo talaga paa ko. Mag focus ka kasi, saan kaba kasi tumitingin!?" Naiinis na sabi niya.

"Sayo lang naman. Sa iyong nakabusangot na mukha. Alam mo ngumiti ka kaya?"

"Bakit naman ako ngingiti? Wala namang sapat na reason." Sabi niya at tumayo.

"Saan ka pupunta?"

"Wala kana dun!" Sabi niya at umalis na nga.

Hay! Balang araw, ako rin ang isa sa magiging dahilan ng iyong pag ngiti Binibini.

~~~~~~~~

(Uwian)

"Tayo na, Binibini." Aya ko sa kanya.

"At san tayo pupunta, aber?"

"Ihahatid kita pauwi. Tara na."

"Wag na. May dadaan pa ako."

"Samahan na kita. Saan ba?"

"Ayoko. Hindi kita isasama."

"Susundan na lang kita."

"Ba't ba ang kulit mo?"

"Ba't ayaw mong magpasama?"

"Tch!"

"Samahan na kita."

"Fine pero 'wag kang magsasalita."

"Deal"

Umalis na kaming school. Naglakad kami ng ilang kanto hanggang sa makarating kami sa isang store.

"Ba't tayo an--"

"Sabi ko 'wag kang magsasalita diba?"

"Oo na po."

Pumasok kami sa isang dream catcher at wishing stone store.

"Oh, ineng bibili kaba ulit?"

"Opo."

"Marami rami narin ang nabili mo. Hindi mo pa ba nakukuha ang hinihiling mo?"

"Mukha pong hindi parin natutupad eh." Sabi niya na nalulungkot. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganyan. Ano kaya ang pinagdadaan niya? Na-curious tuloy ako.

"May tamang panahon, ineng. Mag-antay ka lang." Sabi niya at napatingin sa akin.

"At sino iyong kasama mo?"

"Kaibigan po ako ni Mitch."

"Kaibigan lang ba talaga iho? Sa tingin ko ay nagkakagusto ka sa kanya."

Manghuhula ba 'to?

"Magka no po ito?" Tanong ni Mitch. Istorbo din 'to minsan eh.

"250 'yan, neng."

Kumuha siya ng wallet pero inunahan ko na siya.

"Ba't ikaw ang nagbabayad?"

"Libre ko na"

"Tch! Bawiin mo pera mo dahil ako ang magbabayad."

"Libre na nga eh!"

Magsasalita pa sana siya pero hinatak ko na siya palabas.

"Ang epal mo din eh, no?" Nagsusungit na naman po siya.

"Libre ko na kasi."

"Fine. Oh, ito." Sabi niya sabay bigay sa'kin ng wishing stone.

"Anong gagawin ko dito?" Sabi ko pag ka bigay niya.

"Edi mag wish ka." Sabi niya

"Sayo 'yan, eh." Sabi ko

"Sayo nga 'yan." Sabi niya

"Sayo nga 'yan, eh. Libre ko nga diba?" Sabi ko. Hindi kami matatapos 'pag ganito.

"Magwi-wish ka o itatapon ko ito sa mukha mo? Pili kana, madali lang akong kausap."

'Yun tayo eh. Nag ha-harass na naman eh.

"Sige na, eto na."

Pumikit ako. 'Sana matupad kong ano man ang hinihiling ng mahal kong Binibini.'

"Ayan, tapos na."

"Anong wi-nish mo?"

"Kung ano man 'yong matagal mo nang hinihiling sa mga batong 'to." Sabi ko at bigla niya akong tinalikuran at naglakad siya ng mabilis.

"Oy, hintay!"

.....

Nasa tapat na kami ng gate nila.

"Pwede bang pumasok?"

"Ano pa bang bago? Oh siya sige, pumasok kana." Sabi niya at binuksan ang gate nila.

Agad kaming sinalubong ni Tita.

"Andiyan na pala kayo. May merienda akong hinanda."

"Salamat, Tita."

Pumunta na kaming kusina at na upo. Ang swerte ko dahil ang bait ng mama niya sa akin. Tanggap nga nito ang mga kalokohan ko.

"Kamusta ang araw?"

"Hindi maganda / masaya po." Sabay naming sabi.

"Ano naman ba ang nagyari, Mitch?"

"Wala, Ma. May asungot lang kasing panira."

"Nagpaparinig na naman siya, Tita."

Natawa na lang si Tita.

"Kayo talaga. Kumain na lang kayo diyan at nang maaga kang maka uwi, Joshua."

"Sige po, Tita. Salamat po sa merienda."

"Walang anuman 'yon, hijo."

Umalis na si Tita at kaming dalawa na naman ang naiwan.

"Akin na 'to." Sabay kuha niya ng sandwich.

"Hoy, akin 'yan. Bigay 'yan ni Tita, ah!"

"Bakit, bahay ko 'to diba?"

"Selosa! 'Di mo lang tanggap na mas mahal ako ni Tita. Sandwich 'yung sa'kin sayo biskwit!"

"Ah ganon?"

Bigla niya akong hinampas sa balikat.

"Aray!" Sigaw ko para marinig talaga ni Tita.

Patakbo namang lumapit samin si Tita.

"Anong nangyari?" tanong niya.

"Si Mitch po kasi nanghahampas." Sabi ko at nagpaawa effect.

Lumapit sakin si Tita at niyakap ako. Napatingin naman siya sakin at inirapan ako. Loko talaga 'to kaya ang sarap niyang inisin.

"Wag na kayong magsakitan. Nanonood ako ng Kdrama. Istorbo kayo." Sabi ni tita at bumalik na ng sala. Kdrama? Si tita lakas maka millennial.

"Happy kana?" Inis na tanong niya.

"Syempre. Lab talaga ako ni tita."

"Che. Layas ka na nga."

"Oo na"

At inagaw ko sa kanya ang sandwich at tumakbo papuntang sala.

"Lagot ka talaga sa'kin!" Sigaw niya.

Napatawa na lang ako. Mahal ko talaga siya kahit siya'y sadista at selosa. Hahaha.

Miss Larang: Kamusta ang unang kabanata mga mahal kong mambabasa? Sana ay inyong nagustuhan. Maraming salamat sa inyong pag vote at pag comment.