Chereads / That Thing Called KILIG / Chapter 4 - Kabanata 2

Chapter 4 - Kabanata 2

Kabanata 2: Operation: Make her smile

Joshua POV

"Magandang umaga, Binibini" bati ko sa kanya ng pumasok siya sa room. Magkatabi pala kami ng upuan.

"Anong maganda sa umaga, ha?"

"Syempre ang makita ka at sana mas maganda kung nakangiti ka."

"Tse!" Asik niya at naupo na kaya naupo narin ako.

"Rosas nga pala, Binibini." Sabi ko tapos ay binigay ko na sa kanya ang bulaklak. Kahit na sinusungitan niya ako ay tinatanggap niya parin ang bulaklak na ibinibigay ko sa kanya.

"Alam mo, lahat ng rosas na binigay mo lanta na. Maawa ka naman. At kanino mo namang bahay ito kinuha? Kina Aling Soleng na naman, noh?"

"Hindi noh! Binili ko 'yan."

"Di kasi kapani-paniwala."

"Grabe ka naman!"

Magsasalita pa sana siya kaso lang biglang dumating na si Ma'am.

"Ready for our quiz?"

Quiz? Parang hindi ko ata alam na merong quiz.

"Ma'am, parang wala naman kayong sinabi."

"Ikaw lang 'yung hindi nakinig."

Kamot ulo na naman ang drama ko. Nakita kong nakayuko si Mitch.

"Hoy, napano ka?"

"Wala. May nahulog lang ako."

"Ako nga nahulog na sa'yo" Banat ko kaso lang walang epek.

"Pass the test papers now."

"Buti pa 'yang mga banat mo sa'kin pinag-aaralan mo pero 'yung quiz natin today binalewala mo."

Tinamaan ako dun ah. Wala talaga kasi akong kaalam alam na may quiz pala. Pagkadating ng test paper sa'kin ay napakamot na naman ulit ako. Langya! Hindi ko pa naman ito napag-aralan.

"Ma'am, pwede bang pass muna ako?" Sabi ko, baka sakaling makalusot.

"Masama ho kasi pakiramdam ko kagabi kaya hindi po ako nakapag aral."

"Puro ka na lang reasons. You take the test today or ibabagsak kita?"

Grabe naman!

"Biro lang po. Sasagutan ko na nga po."

Nagsimula na akong sagutan lahat ng test. Paniguradong mababa ang score na makukuha ko rito. Tiningnan ko ang aking Binibini. Buti pa siya at pa easy easy lang. Napatingin na lang ako sa kisame.

"Are you done already?"

"Of course, Ma'am. I-rereview ko lang po ulit."

Tiningnan ko na lang ang test paper ko at kinausap.

"Ang daya mo, papel."

Lumipas ang ilan pang minuto pero wala talaga akong maisagot.

"Exchange papers now. Clockwise."

Hala! Grabe naman, hindi pa nga ako nakakalahati.

"Hoy, exchange papers na daw." Sabi niya at siniko pa ako. Hindi ko naman kasing ugaling mangopya. At ang Binibini ko naman ay hindi nagpapakopya.

"Eh? Wala pa, hindi pa ako tapos."

Kamot ulo na naman po ulit ako. Nagulat ako nang kinuha niya ang papel ko at pinunit. Napatakip na lang ako ng bibig. Bakit niya 'yun ginawa?

"Oy, ba't mo 'yun ginawa?"

"Ang bagal mo kasi."

"Paano kapag itlog 'yung makuha ko?"

"Talagang 'yun ang makukuha mo dahil wala ka namang sagot ni isa."

Nagsimula na ngang mag exchange ng papers. Nagsimula narin si Ma'am na sabihin 'yung mga answers. Natapos na ang checking. Nag counter na.

"Ano 'yan?"

Tanong niya nang ibigay ko sa kanya ang papel na hawak ko.

"Papel mo."

"Bulag kaba? Pangalan ko ba 'yan, ha?"

Sabi niya sa akin at tiningnan ko naman ang papel na hawak ko. Luh? Bakit perfect ko ang test? Napatingin ako kay Mitch.

"Oh, ano? Anong tingin na 'yan?"

"W-wala. Salamat."

Napangiti na lang ako. Alam kong siya ang may gawa nito. Aishh!

.....

(Break time)

"Binibini, salamat nga pala kanina."

"May bayad 'yun"

"Ano?"

"Ice cream"

"Yun lang? Sige, bibilhan kita. Dalhin ko sa bahay niyo sa sabado."

"Sabi mo'yan, ah?"

"Pramis."

~~~~

Walang klase today. Nasa music room kami, nagpa-practice. Hindi niyo naitatanong pero isa akong vocalist nang school band.

"Mga dre, ano kayang magandang gawin?" Tanong nang ka banda ko.

"Ewan. Bored na ako dito."

"Saglit" sabi ko.

"Bakit?"

"May haharanahin tayo" sabi ko.

"Sino naman?"

"Syempre sino pa ba? Kundi ang aking Binibini."

"Sabi mo eh"

Nasa cafeteria kami at kinuntsaba ko si Mila para papuntahin si Mitch dito. Marami naring tao at mukhang alam naman nila ang gagawin ko. Deadma lang sila pero mga taga hanga namin ang mga 'yan. Mga team 'JoshMitch' ang mga 'yan eh. Maya maya, natatanaw ko na sila.

"Ready, hit it!" Sabi ko.

I started to strum the guitar.

{Binibini- Matthaios}

Sinimulan ko nang kumanta. Singing the first line which is the chorus, telling her na siya lang ang kailangan ko at wala nang iba pa. Telling her na siya lang ang nagbibigay ng kakaibang saya sa akin. That is how I understand the song.

Natapos ko na ang kanta pero ni hindi siya ngumiti. Nagsi-alisan na ang crowd.

"Walang epek, dre!" Sabi ni George at tinapik ang balikat ko.

"Una na kami, Dre!" Paalam nila.

Pati si Mila ay inirapan ako at umalis narin.

"Hindi ka kinilig?" Tanong ko sa kanya.

"yawn inaantok na ako."

"Ouch naman!" Sabi ko.

"Halika nga." Tawag sa'kin ng binibini ko.

Lumapit ako sa kanya. Bigla ba naman akong hinampas sa balikat.

"Aray naman! Sadista mo talaga, binibini."

"Tse! Tingin ka dun" sabay turo niya sa entrance ng cafeteria.

"Want a violation?" Sabi ni Principal.

"Sorry po."

Naupo na lang ako pagka alis ni Principal.

"Yan tuloy. Ang dami mo kasing pakulo."

"Ngiti kana kasi."

"Eh, bakit ba?"

"Gusto ko lang kasi makita kang naka ngiti."

"Hay naku! Tara na, late na tayo." Sabi niya sabay hatak sa'kin. Naks! HHWW kami. Hinahatak Hatak While Walking.

"Teka... wala naman tayong klase aa?"

"Meron."

"Wala."

"Meron nga. Tigas rin nang bungo mo!".

~~

" Mila, tulungan mo na kasi ako."

"Kahit anong gawin mo, walang epek parin 'yun sa kanya."

"Magkaibigan nga talaga kayo."

Ano na kayang gagawin ko? Walang epekto 'yung panghaharana ko eh. Muntik pa akong mabigyan ng violation. Ayokong magtapos ng Senior High nang may record. Hmmm! Ano kayang gagawin ko? Alam ko na.

(Room)

"Excuse me, classmate." Sabi ko.

Pumunta ako sa harapan ng board. Tiningnan ko ang aking binibini. Inirapan niya ako. Mukhang alam na niyang may gagawin na naman ako.

"May itutula pala ako."

"Eto na naman tayo." Pakanta sabi ni Leon.

"Epal mo talaga kahit kailan no?" Asik ko sa kanya.

"Karibal mo rin si Leon kay Mitch kaya siya ganyan." Sabi ni Mila.

Ah, kaya pala.

"Sorry kana lang. Alam ko namang ayaw niya sayo!"

Lakas ng loob ko diba? Hindi rin kasi 'yan mag re-react. Takot niya lang kay Mitch.

"Gustong gusto kita

Alam kong ito'y batid mo na

Kay saya ng bawat araw

Kapag kasama ka tuwa ay umaapaw

Mukha mong kayganda

Mga labi mong mapupula

Gagawin lahat para ikaw lang ay mapasaya

Kahit magmukha pa akong tanga

Mahal kong Binibini

Magbago man ang ihip ng hangin

Kahit maging ang langit man ay makulimlim

Asahan mong ako'y nandito parin"

"Hanggang dun na lang Binibini, nakalimutan ko 'yung kasunod eh." Kamot ulo na naman ang drama ko.

Kahit pa siguro ay tumula ako ng ilang libo ay hindi siya kikiligin. Walang epek parin eh.

~~~~~

lang araw narin ang lumipas na palagi siyang wala sa room. Nagre review kasi siya. Nagpunta akong faculty kung saan siya nagre review. Nakita ko siyang naka sandig sa upuan. Nakapikit ang mata. Kawawa naman ang binibini ko. Pumasok ako sa loob at tinapik siya.

" Uwian na. Hatid na kita."

"Inaantok pa ako, eh. Maya na lang." Sabi niya habang nakapikit parin.

"Sige, sabi mo eh."

Tiningnan ko na lang siya habang natutulog. Ang ganda talaga nang Binibini ko. Ang swerte ko naman, sa kanya ako na in love.

Ilang minuto ang lumipas at dumilat na siya.

"Tara na."

Lumabas na kaming school at naghintay ng bus. Agad kaming sumakay nang dunating ang bus. Palagi kaming magkatabi. Nasa kalagitnaan na kami pauwi ay naramdaman kong naka tulog siya sa balikat ko. Inayos ko na lamang ang pagkakasandig niya sa balikat ko. Inilabas ko ang phone ko at nakipag selfie sa tulog kong binibini. Kahit saang anggulo ay maganda siya pero mas gaganda siya kapag ngumiti na siya. Gusto kong e-freeze 'yung oras. 'Yung ganito lang kami, sana balang araw binibini ay makita kitang ngumingiti.

"Binibini." Sabi ko sa kanya sabay tapik rito.

"Hmmm?"

"Nandito na tayo."

Gumising na siya at bumaba na kami ng bus. Naglalakad na kami papunta sa bahay nila.

"Bakit kaba nagpupuyat?"

"Malapit na kasi ang competition. Advance akong nagrereview. Gusto ko kasing ipanalo ang quiz bee na 'yun."

"Hindi mo naman kailangan e pressure ang sarili mo. Gusto mo sabayan kitang mag review?"

"Wag na! 'Pag nandiyan ka wala akong matututunan."

"Ang sama mo talaga!"

"Che!"

"Nga pala, binibini. Ilang araw kayo dun?"

"Mga isang linggo siguro, bakit?"

"Isang linggo? Ang tagal naman non binibini. Mamimiss kita pag ganon."

"Miss mo mukha mo!"

"Grabe ka talaga, binibini. Buksan mo na 'yung gate"

"Papasok kana naman?"

"Bakit? Naghanda kaya si Tita ng merienda."

"Takaw mo rin talaga eh no?"

"Matakaw na kung matakaw. Buksan mo na 'yong gate."

Binuksan niya naman ang gate.

"Pasok na po, Mahal na Hari"

Sabi niya kaya pumasok na kami. Nagdabog pa siya, sinara ba naman ng pagkalakas lakas ang gate?

"Nandito na pala kayo. Pumunta na kayong kusina at nakahanda na dun ang merienda."

"Naks! Salamat Tita kaya mahal mahal ko po ang anak niyo eh!"

"Pasimple na namang banat eh!" Sabi ni Tita.

Pumunta na akong kusina dahil inunahan na ako ni Mitch.

"Ang damot mo!"

Isang brownies ang tinira sa akin. Ang daya talaga neto at selosa.

"Ubusin mo na 'yan at tsupi ka na?"

"Oo na."

Matapos kung kumain ay nagpaalam na ako. Lalabas na sana ako sa gate ng tinawparin"o ng aking binibini.

"Bakit, Binibini?"

"Dalhin mo kay Tita."

"Pasipsip ka rin eh!"

"Kunin mo na bago ko ihamoas pa sayo 'to."

"Oo na. Sadista mo talaga!"

Sabi ko at umalis na nga.

Larah_Angelica: Thank you for reading.