Kabanata 3: His Longing
Joshua POV
"Binibini, ros--" Hindi na niya ako pinatapos at kinuha na ang rose.
"Alam ko na."
"Nga pala Binibini, sandwich at juice para sa'yo. Alam ko namang nakakagutom ang pag-rereview. 'Wag mo masyadong galingan ha." Sabi ko. Simula kasi noong napili siyang representative para sa tagisan ng talino ay 'di ko na siya masayadong nakikita. Sa umaga at sa t'wing ihahatid ko lang siya sa bahay nila nakakasama.
"Kailan nga pala ang alis mo?"
"Next, next day."
"Saan ba ang venue?"
"Ewan."
Nakikitang kong pagod na siya at antok na rin. Hindi naman siya pini-pressure pero kailangan niya talaga kasing makapasok sa top 5 to get the trophy's and a cash prize na makakatulong sa napili naming foundation.
"Diyan kana muna at magrereview pa ako. Salamat." Sabi niya at patakbo nang umalis.
Did she just said 'salamat'? Ayieee! Nagbabago na siya at nafi-feel ko na ang appreciation niya sa lahat ng ginagawa ko. Bumalik na ako sa classroom ng nakangiti.
Mitch POV
"Anong topic mo na?"
"IP's."
"Don't pressure yourself, Mitch. Malapit kana naman pala, eh. Take yourself a break."
"Maya na ho siguro, Ma'am."
"Maiwan na muna kita at kailangan ko pang kausapin si Sir Tan." Sabi niya at umalis. Napa sandig na lamang ako sa upuan ko at napapikit. Mahirap rin kasing pag aralan ang Politics and Governance. Hay! Napabalikwas ako nang may kumatok.
"Nagulat ba kita, binibini?"
"Hindi." Sarkastikong sabi ko.
"Gawin mo pa 'yon ulit ay talagang mapapatay kita!"
"Sorry na, binibini. Dinalhan pala kita nang pagkain."
"Ano 'yan?"
"Brownies. Galing 'yan sa Mommy mo."
"Nandito si Mommy?"
"Kanina, oo pero umalis na. Dumaan lang talaga siya para ibigay sa'yo 'yan."
"Ganon ba? Oh, kumuha kana. Alam ko namang paborito mo rin 'to, eh."
"Hindi kaba natatakot ma mental block?"
"Nangyayari naman talaga 'yun. Minsan hindi rin yun maiiwasan."
"Pag nangyari ang bagay na 'yun, mag isip ka lang ng mga masasayang bagay o alaala. Relax mo ang isip mo o pwedeng isipin mo rin ako."
"Baka hindi ko na talaga maalala pa 'pag nasagi pa ang pangalan mo sa isip ko."
"Ouch naman!"
~~~~
Joshua POV
"Ma'am sige na, sama niyo na po ako. Kahit Taga bitbit lang nang reviewers." Paki-usap ko. Hinatak ko talaga si ma'am para makausap eh.
"Tumigil ka nga, Joshua! Mag-aral ka dito." Sabi niya at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.
"Ma'am sige na. Ma-mi-miss ko po talaga kasi kayo, lalong lalo na ang pagtuturo niyo."
"Sus! Ang sabihin mo ay ma-mimiss mo itong si Mitch."
"Ma'am, sige na."
"Tse! Tumigil kana. Dalawang araw lang namang mawawala ang binibini mo. Napaka OA mo!" Luh? Pati si ma'am alam ang tawag ko kay Mitch.
Dalawang araw? As in dawala?
"Dalawang araw po? Hindi po isang linggo?"
"Anong gagawin namin dun sa isang linggo?"
Langhiya! Pinagtripan na naman ako ni Mitch. Pinaglalaruan talaga niya ang feelings ko palibhasa ay alam niyang mami-miss ko siya. Tsk! Napangiti na lang ako.
"Ingatan niyo po siya ma'am, ah." Sabi ko at sumunod na kay ma'am.
"Good luck, bff."
"Salamat" sabi ni Mitch.
"Hindi kaba magpapaalam sa binibini mo?" Tanong ni Ma'am.
"Good luck, Binibini." Sabi ko tapos hinalikan siya sa pisngi.
"Yuck, kadiri! Laway mo, panis!" Sabi niya. Natawa na lang ako.
"Baka malas 'yang halik mo, Joshua." Epal na sabi ni Ma'am.
"Swerte po 'yun, Ma'am." Sabi ko. Inirapan lang ako ni Ma'am.
"Oh, aalis na kami."
~~~~~
(Phone Ringing)
"Kita tayo?"
"Ha? Paano?" Tanong ko.
"I'm back. Nandito na ako sa Pilipinas."
"Talaga?"
"Oo. Kadarating lang namin kanina. May class kapa ba?"
"Oo eh. Kita na lang tayo mamayang hapon."
"Sige. Sa dati ah"
End call.
"Sino 'yun?" Tanong ni Mila.
"Kababata ko. Kadarating lang niya galing Guam."
"Super close kayo?"
"Oo naman, bakit?"
"I have plans."
"Ano?"
"Titingnan lang natin kung..." tapos lumapit siya sakin ay may ibinulong.
"Paano 'pag wala parin?"
"Then, it's time for you stop hoping. Hindi ka talaga nun gusto!"
"Aray naman! Malay mo mag work ang plano natin."
"Let's see."
Turuan ba naman ako nang kalokohan? Pero pwede narin. Doon baka malaman kong ako'y mahalaga rin.
Mitch POV
Nakaupo na ako ngayon sa Art center ng North Academy. Nasa 52 kami ata. Ang tatalino nilang tingnan. Malapit na ring mag start ang competition at kinakabahan na ako. Lumabas muna ako at nagpahangin.
"Are you nervous?" Tanong ni Ma'am.
"Sobra po."
"Here. Take a sip then balik kana sa loob. Relax and close your eyes."
Uminom muna ako ng tubig. Nate-tense ako. Parang, ayayay!
Bumalik na ako sa loob at naupo ulit. After 10 minutes, they started to give test papers at noong dumating sa'kin ay parang na blanko ata ako. No, hindi ako pwedeng ma mental block. I shake my hands at pinilig pilig ko ang ulo ko. 'Wag naman ngayon. Maya-maya ay nilapitan ako ng proctor.
"Is there any problem?"
"Na mental block po kasi ako. Can I go outside po muna?"
"Sure pero 'wag ka nang lumapit sa coach mo, okay?"
"Sure po"
Noong tumayo ako, ang iba ay napatingin sa'kin. I can see some of them are worried, ang iba naman ay masaya. Ang sama nila. Nagpahangin na muna ako. I have 50 minutes to answer all 100 questions.
What should I do? Hindi pwede 'to! Pinikit ko ang mata ko.
"Pag nangyari ang bagay na 'yun, mag isip ka lang ng mga masasayang bagay o alaala. Relax mo ang isip mo o pwedeng isipin mo rin ako"
Naalala ko ang sinabi ni Josh. Nag isip ako ng mga masasayang alaala.
After 10 minutes ay bumalik ako sa loob. Naupo na ulit ako. Kaya ko 'to.
~~~~~~
Joshua POV
(Clubhouse)
"Josh, dito!" Tawag sakin ni Brie. Lumapit ako sa pwesto niya at naupo.
"What's up? It's been 3 years." Bati ko sa kanya.
"Imagine 3 years tayong 'di nagkita. Ang tagal na pero hindi ka parin nagbabago."
"Naman! Ako parin 'to."
Nalungkot siya bigla.
"Oh, anong mukha 'yan?"
"Wala. Remember the guy na pinakilala mo sa'kin?"
"Si Andre?"
"We broke up."
"Bakit naman?"
"Nagkasawaan na kasi"
"Sayang naman. 'Di bale, you'll find better than him someday."
Tumango na lang siya.
"Nga pala, kamusta ang buhay at lovelife?" Tanong niya.
"Masaya parin ang buhay at masaya ang love life."
"You mean, gee! Sinagot kana niya?"
"Hindi pa."
"Ang hina mo talaga, Joshua. Kahit kailan talaga kulang ka sa diskarte."
"Challenging kasi siya masyado. Iba kasi siya lahat ng nakilala ko. She never used to smile nor laugh."
"That is why minahal mo siya ng sobra?"
Tumango na lang ako. I never loved any one, siya lang 'tong bumihag sa pihikan kung puso.
"Ganon ba talaga 'yun, Brie? Ang hirap manligaw."
"Anong mahirap? Madali lang naman, it really depends sa nililigawan mo."
"Sa tingin mo ba may pag asa ako?"
"Why are you asking me? Siya dapat ang tanungin mo niyan"
"Ayoko!"
"Cause you're afraid na baka ma friend zone ka lang."
"Kumain kana nga lang."
~~~~
"Welcome back, bff" bati ni Mila.
Agad ko siyang niyakap. Na miss ko talaga 'tong Binibini ko eh.
"Bitaw! Ang baho mo!"
"Grabe ka talaga!"
"Kamusta?" Tanong ni Mila
"Ok lang."
"Hindi kaba nagka mental block, ha?" Tanong ulit ni Mila
"Nagka!"
"Paano ka nakabawi?"
"Nag isip lang ako ng mga bagay bagay."
"Sabi ko na, eh! Mabuti at sinunod mo ang payo ko. Inisip mo nga ako?"
"Asa! Nag isip ako ng masasayang alaala, mga bagay bagay."
"Oo na! Nasagutan mo ba lahat? Top 1 ka?"
"Anong akala mo sa'kin si Einstein?"
"Hindi naman pero alam ko naman kung gaano ka katalino. Matalino ka nga pero.."
"Pero ano?"
"Nagdududa lang ako."
"Ano nga?"
"Matalino ka nga pero bakit hindi mo ako masagot sagot?"
"Bakit? May tanong ka ba?" Sabi niya tapos tinalikuran ako. Shit! Oo nga pala. Wala nga palang tanong. Ni hindi nga ako nagtanong kung pwede ko siyang ligawan. Napangiti na lang ako. Kinilig na naman ako. Eto talagang binibini ko, pasimple kung bumanat.
"Hintayin mo ako, binibini."
~~~
Mitch POV
Nakatayo ako sa stage ngayon. Hinihintay na maibigay sakin ang award ko. Nakapasok ako sa Top. Top 3 ako.
"Best friend ko 'yannnnnnn!" Sigaw ni Mila. Minsan talaga nahihiya ako sa pinaggagawa nitong baliw kong bff. Asan kaya si Joshua? Himala, wala siya ngayon. Nagpalinga linga ako ilang hanapin siya pero wala ata talaga siya.
"Pstt!"
"Ako ba ang hinahanap mo Binibini?"
"Ay palaka!"
Jusko! Nakakgulat talaga 'to.
"Hindi noh!"
"Deny pa."
"Asa!"
Naninibago kasi ako 'pag nawala 'yung taong nakasanayan ko nang kasama.
...
(Room)
"May bago nga pala kayong kaklase. Treat her well." Sabi ni Ma'am at pumasok ang isang babae. She looks very familiar. Saan ko nga ba soya nakita?
"Hi, I'm Brie."
Brie? Brianna kaya tunay na pangalan nito? Sana hindi sila magkaugali ni Briana sa Prima Donnas.
"I have meeting pa kaya kilalanin niyo na lang muna si Brie." Sabi ni Ma'am at umalis na.
"Brie, dito ka rin pala?" Tanong ni Joshua. Mukhang magkakilala sila
"Oo. Hi, Mila."
Magkakilala rin sila ni Mila?
"Hi, Brie. Dito kana sa tabi ko para naman ma chika kita."
Napatawa na lang siya.
"Nga pala, siya si Mitch. Kaibigan namin."
"Hi" bati ko.
"Hello, Mitch."
"Pasensiya kana diyan kay Mitch, wala sa vocabulary niya ang word na 'smile'. Masasanay karin."
"Hindi, okay lang." Sabi niya.
Naupo na siya at nakipagchikahan kay Mila. Ako? Nakinig na kang sa music. Nawalan na kasi ako ng gana.
Larah_Angelica: Thank you for reading guys! Labyouuuuu