Lourdes and Agnes are fraternal twins.. Daughter of Irenia Feliza Casquejo Arcoiris and Marcelo Lebron Degamo Arcoiris. They owned the Arcoiris Village. It's the only inheritance of their late grandfather Diosdado Lucas Degamo Arcoiris.
Arcoiris Village is popularly known in their town as Bahaghari Village because Arcoiris in spanish is Rainbow in english term. May anim na kalye ang Bahaghari Village. Calle Rojo, Calle Naranja, Calle Amarillo, Calle Verde, Calle Azul, Calle Indigo, and Calle Violeta..
Sa Calle Indigo nakatira ang pamilya Arcoiris. Napakalaki ng kanilang mansyon kahit na aapat lang silang nakatira. Mas marami pa ang kanilang kasambahay kaysa kanilang pamilya. Si Aling Conchita ang pinaka-mayordoma, kasama niya din ang dalagita niyang anak na si Clarita. Si Clarita ay taga-pangalaga nang kambal ng mansyon ng Arcoiris. Si Aling Pacita naman ang taga-luto ay may dalawang dalagang anak na si Pamela at Clarissa na taga-silbi nang mansyon Arcoiris. Si Aling Anita naman ang taga-laba at taga-plantsa naman ang anak netong dalagita na si Maita. Si Mang Claudio ang hardinero na asawa ng mayordoma nilang si Aling Conchita. Si Mang Ricardo naman ang asawa ni Aling Anita na taga-maneho nang mansyon..
Maganda ang mansyon ng Arcoiris. Mostly sa mga gamit ng kanilang mansyon ay si Lebron na padre de pamilya nila ang nagdebuho.. Oo, isang sikat na sculpture si Lebron. Isang sikat na fashion designer naman itong si Irenia.
Si Irenia Feliza ay may kakambal din, Flordeliza Karla ang pangalan at identical twins sila. Isang sikat na ramp model at sa Calle Rojo siya nakatira. Basta lahat ng kamag-anak o angkan ni Irenia at Lebron nakatira mismo sa Arcoiris Village. Nakapag-asawa siya ng Arabo, nakilala niya sa pagliliwaliw niya sa mundo. Isang Muslim ang esposo niyang si Obaid Nawaf Al-Ahmadi ang pangalan ng esposo niya. Nagtatrabaho sa Kuwait Oil Company, ang bansang may pinakamayamang taga-supply nang langis sa buong mundo. Tatlo ang kanilang supling, si Yasmin, Maja at Khaled.
Hinahangaan ang pamilya nila dahil close to perfect na ito at kilala ang angkan nila sa pagiging mabait at matulungin. Sikat sila sa buong lugar nila.
Pati ang village na pagmamay-ari nila ay dinadayo nang mga turista. Isang open village kase ito, bawat Calle ay may iba't- ibang hugis at kulay ang mga bahay. Pero ang lahat ng bubong ng mga bahay ay na-a-ayon sa kung anong kulay ng kalye nakapangalan, kumbaga sa Calle Rojo kulay Red, sa Calle Amarillo ay dilaw, sa Calle Naranja ay orange, Calle Verde ay green, Calle Azul ay blue, at ang Calle Violeta ay violet except sa Calle Indigo.
Ang Calle Indigo kasi ang ika-anim sa pitong Calle ng Arcoiris Village. Dito nakatira ang pamilya ni Agnes at Lourdes at sa kalyeng ito, imbes na ibang bahay ang katabi ng mansyon nila na nakapwesto sa gitna ay isang park at playground center. Sa kalye ay pwedeng pagdausan nang iba't- ibang events katulad ng birthday party, wedding reception, binyagan o kahit Christmas party pwede dito.
Ito din ang pinakacolorful sa lahat ng Calle, may madaming mga bulaklak na nakatanim na may iba't- ibang kulay. May mga statue din na si Marcelo ang padre de pamilya mismo ang gumawa, nagpagawa pa nga sila ng isang museum doon na puro obra maestra ni Marcelo ang nandoon.
Sobrang ganda ng Calle Indigo, may mga bench din sa paligid at may hugis umbrella na bubong. Animo arcade ang naturang lugar.
Habang ang Calle Violeta naman na ikapitong kalye ay sa part ng village na 'to ang pinakamarket nila. Matatagpuan dito ang iba't- ibang klase ng mga damit at sapatos na binabargain sale ni Flordeliza Karla, mga manika na may iba't- ibang hugis at laki, mga laruan pang bata, may bakeshop, cafe shop, food hub, at iba- iba pa.
Sa Calle Verde naman ay parang farm ang datingan, pang probinsya ang feels. May mga bahay namang nakatayo pero mas maraming mga puno at halaman at sa Calle na ito din matatagpuan ang mini zoo at greenhouse ng village.
Sa Calle Azul naman ay ang hugis rainbow na swimming pool ng village at may basketball court din dito.
Sa Calle Naranja at Calle Amarillo naman nakatira ang mga residente ng Arcoiris Village.
At ang Calle Rojo ay ang pinakamalapit sa main entrance ng village na kung saan nakatirik ang mansyon ni Flordeliza.
Ang mansyon ni Flordeliza ay may matataas na bakuran, bale bubong lang ng mansyon ang makikita mo. Saka mo pa makikita ang kabu-o-an ng mansyon kapag binuksan ang malapad na pulang gate nila.
Mas safe daw kapag ganoong estilo ng bakuran ang gagawin kasi nasa may entrance ang pamamahay niya sabi ni Flordeliza na sa loob ng isang buwan ay isang linggo lang ang inilagi sa bahay nila.
Ang mga anak lang niya ang naiiwan sa bahay at ang mga katulong.
Makulay ang pamumuhay nila katulad ng pangalan ng Village nila. Masaganang pamumuhay na kinaiinggitan nang iba.
Pero lingid ng lahat ay may mga sekreto din silang itinatago. Isang sekreto na kapag mabunyag ay maaring ikakasira sa magandang imahe ng pamilya Arcoiris. Isang sekretong pinakaingat-ingatan nang magkapatid na Feliza at Flordeliza pero ang sekretong meron sila ay nadagdagan pa ng isang sekretong pwedeng ikasira sa kanilang dalawa at sa pinakakamamahal na asawa ni Feliza na si Marcelo. Pero sabi nga nila ay walang sekretong kayang itago nang panghabambuhay, lalabas at mabubunyag din ito sa takdang panahon.
***
TADHANA
Sa dulo ng bahaghari tayo pinagtagpo.
Dalawang nilalang magkaiba ang kinagisnan pero iisa ang dugong pinagmulan.
Nabuhay ka sa nakaraan at ako naman ang sa kasalukuyan.
Ikaw ang tulay sa mundong nawawalan ng kulay.
Ako naman ang susi sa pagbalik sa mundo mong kasing tamlay ng patay.
Akala ko tinadhana tayong pagtagpuin upang maging magkaibigan.
Pero tinadhana pala tayo para wakasan ang hidwaan nang nakaraan.
Tadhanang iisa lang sa ating dalawa ang dapat na manalo sa labanan.
Sa labanang mga angkan lang natin ang pinagmulan.
Pinagsimulan nang away na walang katuturan na nauwi sa isang sumpa, na pati ang mga nilalang na walang kinalaman napatawan din ng parusa. Parusang kapalit ng pagkabuhay ng babaeng pinag-ugatan nang mga kasalanang siya lang ang tanging nakakaalam.
Tadhanang kay pait.
Tadhanang humahagupit.
Tadhanang ako ang naiipit.
Pagmamalupit nang iyong angkan ang aking sinapit.
Sa paghihiganti ninyong sobrang lupit.
Dapat pala di na tayo nagkita, nakikinita ko na naman kasi ang gunita..
Ang gunita ng mga ala-alang nagpabago sa aking pagkatao.
Pagkatao ng isang batang babae sa Calle Rojo.
--------
A/N: Hello readers. Ang tagal ko ng nagawa itong kwentong 'to pero ngayon ko lang ipapublish.
May kunting spanish na salita po yong kwento para mas kakaiba ang datingan hinaluan ko din ng salitang Arabic.
Anyways, enjoy reading.
La Casa de Muñecas de Madera ( The Wooden DollHouse