"Sino po ba ang mga 'yan Ma'am?" Curious na tanong ni Zed sa Ale.
"Sila ang mga amo nang Nana Clarita ko, iyung Mama ni Nana Clarita ay mayordoma ng pamilyang ito." Nagsimulang magkwento 'yong Ale.
"Ate Nanette nalang itawag ninyo sa akin."
Pagpapakilala nang Ale sa amin.
"I'm Zed and this is Trexie." Unang pagpapakilala ni Zed.
"Jerome ho at pinsan ko si Beverly." Lahad kamay nang dalawa.
"Ako po si Gio at kakambal ko po si Mara." Nag hi- lang kami.
"At ito naman sina Therese, Sarah at Alawe na mga pinsan namin." Si Gio ulit.
Tumango-tango lang si Ate Nanette sa amin.
"Ituloy mo na kwento mo teh." Parang batang wika ni Trexie kay Ate Nanette.
" Si Nana Clarita ay naninilbihan sa pamilyang ito." Turo niya sa pamilyang nasa lumang picture.
" Ito si Don Marcelo ang padre de pamilya nang Arcoiris at ito naman si Doña Feliza na asawa niya, at itong dalawang dalagita sa picture ay ang kambal ng Arcoiris na sina Lourdes at Agnes na inaalagaan ng Nana Clarita ko ng labin-walong taon. " Nagsisimula na siyang magkwento sa amin.
"Nasaan na ang Nana mo? Kasama din ba siyang naglaho sa pamilyang yan?" Taklesang tanong ni Trexie.
" Limang taon na ang nakalipas nang mamatay si Nana Clarita at hindi siya nakasama sa misteryosong pagkawala ng pamilyang ito. Nakipagkita kasi ang Nana ko sa nobyo niya sa bayan nang mangyari ang insidenteng iyon. Pagkabalik niya nagulat na lang siya na ang dating makulay at masayang Village ay naging isang abandonadong Village. Nagbago lahat, noong unang buwan ay pwede pang pumasok nang malaya sa lugal na iyon. Gulat na gulat sila kasi lahat nang bahay doon ay nawawalan nang kulay at tinubuan nang mga baging at may mga estatwa ng mga tao na biglang sumulpot. " Mahabang salaysay ni Ate Nanette sa amin.
"Sleeping Beauty lang ang peg? " Sabat ni Jerome.
"Parang ganon pero ang ikinapagtataka nang Nana Clarita ko ay hindi na matagpuan ang pamilyang Arcoiris. Ang rebulto ng Mama ni Nana ay nasa hagdanan ng mismong mansyon nang mga Arcoiris. Nakakalat sa buong village ang iba't ibang tao doon na naging bato. May hinuha ang mga residente doon baka yong pamilyang iyon din ang mismong nagsumpa sa Village na iyon kasi sila lang ang nawawala, walang kahit na isang nakaligtas sa pamilyang 'yon. Kaya nagtataka nga ako kung bakit kamukha ninyo sila, maliban na lang kung--"
"Maliban na lang kung ano po?" Sabay naming tanong.
"Ma! Di ba sabi ko po sa inyo na, wag na wag po kayong makipag-usap sa mga di mo kakilala." Nagmamadaling lumapit ang isang babaeng nasa mid 20's ang edad.
"Kinuwento ko lang sa kanila iyong kinuwento ni Nana sa akin."Pagmamalaking sambit ni Ate Nanette sa anak niya.
"Pagpasenyahan niyo na po. "Hinging paumanhin nang babae sa amin.
"Teka, ano ba yan bitin ang kwento niya." Inis na sabi ni Therese.
" Baka naman kamag-anak niyo ang nagmamay-ari ng abandonadong village na yon." Wika ni Trexie.
"Maybe." Maiksing sagot ni Sarah.
"Mas maganda talagang makapunta na tayo doon, baka nandon ang sagot kong bakit kamukha natin ang mga nasa picture." Wika nang kakambal kong si Gio.
"My great great grandmother is Casquejo ang apelyido at wala man lang nabanggit sa pamilya na may kamag-anak kaming ganyan ang surname. Si Lola Yasmin ang kamukha nang great grandmother namin. Medyo hawig sila ni Tita Bridgette pero how come na may iba pa tayong kamukha na di man lang naexplain sa atin. " Mahabang litanya ni Therese.
"Not unless." Sabat ni Sarah.
"Unless whuutt?" Si Beverly.
"Na iyong Don Marcelo ay Daddy ni Granny Maja?" Sabat ni Trexie.
"Posible!" Singit ni Alawe.
"What the heck Alawe? You sure ?" Si Zed.
" Of course I do. Hindi naman purong magkapatid sina Jeda Yasmin at Jeda Maja. Ang totoong kapatid ni Jeda Yasmin is Jedi Khaled lang at si Jeda Maja is Mama Keber's daughter from a man named Lebron, who's Mama Keber's long time boyfriend but we still treated her as our real grandmother. Although Jeda Yasmin hated her because she is Mama Keber's favorite." Kampanteng sagot ni Alawe kay Zed.
"Germaine is that true?" Inis na tanong ni Zed sa akin.
I hesitantly nodded my head and heave a sigh.
Tama naman si Alawe, kaya galit na galit si Lola Yasmin kay Lola Maja kasi favorite ito nang Mamita nilang si Lola Karla at sa kasamaang palad kami ni Gio ang naging kamukha ni Lola Maja. Hindi naman totally masama kaso Lola Yasmin treated me and Gio like we don't belong in Al-Ahmadi Family.
Lagi kaming huli sa bigayan nang mga regalo. Sa family picture at kahit anong okasyon sa pamilya namin nahuhuli kaming dalawa, kaugali niya si Tita Hamda na mommy ni Therese.
Kapag may mga special occassion tapos about samin ni Gio, smirk lang ang i-a-ambag ni Tita Hamda at Lola Yasmin.
But di ako nagtanim nang galit sa kanila, siguro tampo lang. Nakakatampo lang na di naman namin sinasadyang magiging kamukha nila pero pati kami ni Gio damay sa galit.
***
Iyong takot ko na magpunta sa islang iyon ay napalitan nang kuryosidad. Siguro doon ko matatagpuan ang sagot kung anong koneksyon ng may-ari ng abandonadong Village sa aming dalawa ni Gio.
At kung bakit sila naglaho nalang bigla. Saan sila nagpunta? Bakit ganoon ang kwento ni Ate Nanette kanina, na parang ang laki ng koneksyon ko sa mga tao sa picture, na baka sila pala ang totoong mga magulang ni Lola Maja.
Sino kaya yong babaeng kahawig ni Tita Bridgette at Sarah, na kahawig din ni Lola Karla.
Ang daming katanungan sa isipan ko, kaya nagwish ako na sana umaga na para marating na namin ang abandonadong village na iyon.
Tiyak nasa village na yon ang kasagutan. Ang kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.
---
A/N:
Jeda- Lola
Jedi- Lolo
Mama Keber - pinakamatandang babae sa pamilya.
Ayan ha. Para iwas pagkalito. ☺️😊
Maiksi lang tong chapter na to. Sorry.