Chereads / The Wooden Dollhouse / Chapter 5 - One: Adventure Plan

Chapter 5 - One: Adventure Plan

"Guys look at this." Nakuha agad ni Jeremiah ang atensyon naming anim sa nilatag niyang newspaper.

Itinuro niya ang frontpage ng balita.

Nakasaad dito na may isang isla na dating dinadayo nang mga turista  noon ay kinaiilagan ngayon ng madla at ayon dito lahat ng mga babaeng pumupunta sa naturang isla ay naglalaho nalang na parang bula, hindi na nakakabalik. Marami nang sumubok alamin ang misteryong bumabalot sa islang iyon pero may mga nakakauwi nga na buhay pero wala na sa katinuan. Ang ikinapagtataka ay mga turistang babae lang ang nawawala at ang mga lalaking dayo doon ay wala ng matandaan.

"Yan ba ang iyong pinagbakasyunan nang Tita mong missing hanggang ngayon Germaine?" Naka-smirk na tanong ni Trixie sa akin.

"Yeah." Maiksing sagot ni Giovanni na kakambal ko.

"This would be our next target." Na-eexcite na sabat ni Zebedee or Zed for short.

"Alright, then let's plan for our next trip." Kalmadong tugon ni Beverly.

"Pero guys, baka di na din tayo makabalik?" May pag-aalangang tingin ko sa kanila.

"Cut the crap sis. We'll go there to fetch Tita Bridget, Okay?" Seryosong turan ni Giovanni sa akin.

At iyon ang desisyon nang grupo namin..

We love adventures, hilig namin ang mountain climbing at nature trekking.

Iyong island na pupuntahan namin ngayon ay isa sa pinakasikat na isla dati.

Maganda kasi ang tanawin doon ayun sa mga nakalap naming impormasyon, pero ang islang din na yon ay ang tanging dahilan na nawala sa amin si Tita Bridgette.

Ang balita nakipagtanan sa boyfriend niyang si Harold na seven years na ding nawawala pero last year nakita siya ng mga mangingisda na paanod-anod sa dagat, survivor siya ng naturang isla.

Isang misteryosong isla na kapag pinasok mo ay 50/50 na makakalabas ka ng buhay o mawawala ka nalang din na parang bula at ang ikinapagtataka nga ng lahat ay halos mga kababaehan lang ang kinukuha.

Mostly sa mga nakakaligtas sa naturang isla ay mga lalaki at burado lahat ng ala-ala nila sa pagpunta sa naturang isla.

Weird diba?

That's why our group is planning to go there.

Ibang klaseng adventure nga daw sabi nila, ika nga.

Ako? Parang ayaw ko ngang sumama dahil baka pati ako ay kasamang makulong sa islang iyon kungdi lang dahil sa kagustuhan kong malaman kung bakit hanggang ngayon di pa din nakauwi si Tita Bridgette ay di na talaga ako sasama kahit magpupumilit pa sila.

*****

Matagal na kaming magbabarkada.

Childhood friend namin ng kakambal ko si Beverly at ang pinsan niyang si Jeremiah.

While Trexie at Zed ay kaklase namin noong first year highschool pa kami.

Hanggang ngayong college graduate na kaming lahat ay friends pa din kami.

May kasabihan kasi na 'Birds of the same feather flock together.'

Same kasi kami ng kinahihiligan. Yes, lahat kami mahilig sa adventures.

Madami dami na din kaming napuntahan.

Kahit magkaiba kami ng courses ay di naging hadlang sa amin iyon.

Si Zebedee Sigfreud Aquino Emerson aka Zed ay isang Amboy na chef. Despite of his hectic schedule as a chef sa sariling restaurant niya ay di siya pumapalyang samahan kami sa ganap namin sa buhay

Zebedee Sigfreud "ZED" A. Emerson.

Even Alexis Kathrina Regis Osmeña aka Trexie na isang nurse ay lageng on the go pa din. Kahit pang night shift pa siya ay pag sinabing gagala kami ay siya pa ang laging nangunguna.

Alexis Kathrina "Trexie" R. Osmeña.

Maski ang magpipinsan na si Brittany Beverly Macapagal Aureo na isang flight attendant and her cousin Jeremiah Serge Aureo Estrada na piloto ay always present din.

Brittany Beverly "BEVz" M. Aureo.

Jeremiah Serge "Jerome" A. Estrada

Ako si Germaine Ingrid Raneem Al-Ahmadi Quezon ay isang fine arts graduate at ang kakambal ko namang si Giovanni Kristoff Abdullah Al-Ahmadi Quezon na isang businessman.

Germaine Ingrid Raneem "MARA" A. Quezon

Giovanni Kristoff Abdullah "GIO" A.

Quezon

Sa iisang school lang kami grumaduate,

Kaya sobrang close namin lahat, we're like sisters and brothers.

Ilang beses ng sinubok ang friendship naming anim pero matibay pa din ang samahan namin, walang kahit na sinong makakatibag, kahit  ang sino pang Poncio Pilato.

So blessed to be part of this circle pati ang mga parents namin close din.

Even our parents, knows sa pagpunta namin sa islang iyon. Kahit iilan sa kanila ang labag sa kagustuhang pumunta kami pero tuloy pa din ang adventure. Sa katunayan, ang pinakalayunin  ng kakambal ko ay iligtas si Tita Bridgette kahit hindi pa kami sigurado kung magagawa namin iyon.

Kahit ako na takot tumapak sa naturang isla ay walang nagawa. To cut our curiousity na din kung ano ba talaga ang meron sa naturang isla. We need to take risk.  Pero hindi sa wala akong pake kay Tita Bridgette, kaya lang, parang dito pa lang kinakabahan na ako. May pag-aalinlangan talaga akong tumuloy.

Pakiramdam ko kasi na may di magandang mangyayari. Alam mo yung pakiramdam na parang hindi ka na makakabalik, na baka habang buhay na din akong mastuck sa islang iyon pero pinipilit ko pa din ang sarili ko na maging matatag. Kailangan ko iyon, hindi lang para sa sarili ko pati na rin sa kakambal ko.

Insha-allah gabayan sana kami ng Poong Maykapal, na sana patnubayan niya ang paglalakbay naming ito ngayon. Hindi lang kasi ito basta paglalakbay. Kailangan ng matatag na pananalig sa taas ito.

----

A/N: ready na guys? Just sit back and relax muna kayo. Magsisimula pa lang tayo..

Masyadong maiksi ang Chapter na 'to. Hope you like it guys.