Chereads / Saki's One Shot Stories / Chapter 18 - Chapter 18: Bilin ni Lola

Chapter 18 - Chapter 18: Bilin ni Lola

SI Lola Gloria ay isang daan at sampung taon gulang na, kahit matanda na siya malakas pa din ang kanyang pandinig at nakakakita pa siya ng malinaw.

Palagi siyang nagkukwento sa'min ng mga bagay bagay na mahirap paniwalaan. Katulad ng may kasama daw siya sa bahay niya na hindi daw katulad natin

"Mga apo, h'wag kayong magtatakbo takbo baka may masira kayo diyan—" Mahigpit na bilin ni Lola Gloria sa'min

"Opo, Lola!" Sigaw naman naming lima at nagpatuloy sa paglalaro

At dahil nga sa matigas ang mga ulo namin, nakasira kami ng isang bagay na sigurado akong ikagagalit ni Lola

"Anong nangyayari dito? Jemela?!" Nagmamadaling pumasok si Lola sa kwarto kung saan nandoon kaming lahat

"Jemela, ano 'to?" Tanong ni Lola sa'kin at inisa-isa kaming tiningnan

"Lola, sorry k-kasi—"

"Ang plorera ko!" Sabay luhod ni Lola at inisang-isang pinulot ang nabasag na lumang plorera

"Lola, sorry po—"

"Diba sinabi ko sa inyo na h'wag kayong magtatakbo takbo?! Pero ang tigas ng ulo niyo!" Galit na saad ni Lola at patuloy pa rin sa pagpulot ng mga bubog

Nakayuko akong lumabas at ganoon din ang mga pinsan ko. Mahigit sampung taon na din akong hindi nakapagbakasyon sa probinsiya ni Lola, at dahil sa matanda na siya madalas na kaming nagpupunta dito ng mga pinsan ko para bantayan siya

Nang matapos na akong makapaghain ng hapunan ay isa-isa kong tinawag ang mga pinsan ko at ng makumpleto na silang lahat ay sinindihan ko ang nag-iisang kandila bago puntahan si Lola sa balkonahe.

Malayo sa lungsod ang bahay ni Lola, nagtaka nga ako ng gayon ay wala na si Lolo gusto niya pa ding tumira sa bahay na ito kahit na nag-iisa na lang siya. Pinilit naman siya nila Mama at Papa na sumama na sa amin na manirahan sa siyudad pero ayaw niya

Palagi ko ngang naiisip na anong meron sa lumang bahay na ito at hindi ito maiwan iwan ni Lola. Siguro ay marami siyang magagandang ala-ala na mahirap kalimutan

"La, handa na po ang hapunan—" Nakatayo sa may bandang pintuan na tinawag ko ang atensiyon ni Lola

Hindi siya sumagot

Nakatingin lang si Lola Gloria sa madilim na kakahuyan at parang malalim ang iniisip, hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.

"Hayaan mo La, papalitan ko na lang 'yung nabasag naming plorera. Pasok na po tayo—" At nilapitan si Lola na nakaupo sa lumang luma na, na rocking chair

"Kahit h'wag na apo. Hindi niyo naman siguro sinadyang masagi ang plorera ko diba?" Malumanay na tanong ni Lola sa'kin

"Pagpasensiyahan niyo na po talaga kami Lola ah. Namiss lang po kasi namin na maglaro sa bahay niyo...." Sagot ko naman

"Halika ka nga dito apo ko—" Tawag sa'kin ni Lola na kinamayan pa ako

Lumapit naman ako sa kanya at inilagay ang kandila sa kahoy na barandilya, dahil sa wala ngang upuan ay napagpasiyahan kong umupo sa maalikabok na sahig at medyo paharap na ipinuwesto ang sarili.

"Alam mo ba apo na mas matanda pa sa'kin ang bahay na ito?" Pagkukwento ni Lola na ikinalunok ko ng laway, kaya pala iba ang nararamdaman ko sa bahay na ito

"Talaga Lola? Gaano katanda?" Namamanghang usal ko at ilang beses ikinurap ang mga mata

"Kasing tanda ng Lolo mo—" Agarang sagot ni Lola na ikinasalubong ng dalawa kong kilay

"Po? Hindi ko maintindihan...."

"Itong bahay na ito ay pinatayo pa noong 1800 at hihigit sa dalawang daan at dalawampung taon' gulang na ito" Panimula ni Lola

"Noong bata pa lang ako ay nakita ko na itong nakatayo sa kinatatayuan nito ngayon, sobrang ganda ng bahay na ito dati kumpara sa ngayon—kaya nahihirapan akong iwan ito at kalimutan" Pagpapahayag ulit ni Lola Gloria

Hindi ako umimik sa kanyang kwento, nanatili lang akong nakinig kay Lola. May tagong kasaysayan pala ang bahay na ito

"Jemela apo, alam kong dalaga ka na at madali na para sa'yo na maintindihan ang bawat sasabihin ko. Maipapangako mo ba sa'kin 'yun apo?" Parang nanghihingi ng pabor na saad ni Lola sa'kin

Naguguluhan man ay umuo na lang ako

"Oo naman po La" Sagot ko at nginitian siya

"Ang tanging kahigpit higpitan kong bilin sa'yo ay h'wag na h'wag mong bubuksan ang nag-iisang pinto doon sa dulo papuntang bodega. Naiintindihan mo ba ako, Jemela?" Nakayukong tugon ni Lola sa'kin

"O-opo Lola," Nahihirapan kong usal

"Mabuti kung gayon" Mahinang pagkakasabi nito at dahan-dahang tumayo sa pagkakaupo sa rocking chair

"Ang tagal niyo naman Lola at Ate Jemela, alam niyo bang kanina pa kami nagugutom?" Bungad sa amin ni Jayson

"Pagpasensiyahan mo na kami apo, may pinag-uusapan lang kami ng Ate mo" Malumanay na sagot naman ni Lola at umupo na sa kanyang upuan

Ako naman ay dahan-dahang umupo sa paborito kung upuan. Pero hindi pa nga ako nakakaupo ay napatingin ako sa pintuan na binanggit sa'kin ni Lola

Isang ordinaryong pinto lang iyon at parang marupok na dahil may makikita kang mga malilit na butas sa pintuan at may mga anay na naglalabas pasok dito, kung iisipin kunting haplos lang dito ay mukhang bibigay na ito

"Apo—" Tawag atensiyon sa akin ni Lola na ikinalingon ko sa kanya

"Po?" Sagot ko naman

"Paki-abot nga ng kanin—" Utos nito sa'kin

Sinunod ko naman ang suyo ni Lola at dahan-dahang inabot sa kanya ang umuusok pa na kanin

Pero parang may pumipihit talaga sa ulo ko na tingnan ang misteryosong pintuan na iyon

"Apo, kumain ka na. H'wag ka ng mag-abalang tingnan ang pintuan na iyan. Makakagulo lang iyan sa'yo—" Singit ni Lola at nilagyan ng kanin at ulam ang aking pinggan

Ano ba talaga ang meron sa lumang pintuan na iyan. Para kasing may kung ano sa loob niyon at 'yun ang aalamin ko

Pagkatapos naming kumain lahat ay kanya kanya na kami sa paghahanda para sa pagtulog. Sinisiguro kong papasukin ko ang pintuan na iyon ng mahimbing na ang tulog nilang lahat

Bago ko isinagawa ang aking plano ay paulit-ulit pa akong nagpabiling-biling sa higaan, hanggang sa tumunog na nga ang alarm clock na siyang isenet ko ng alas dose ng hatinggabi.

Nagsindi ulit ako ng kandila at dahan-dahang tinungo ang aking pakay. Nang makita ko na ang misteryosong pintuan na ikunwento sa'kin ni Lola ay malalaki ang mga hakbang na dali-dali ko itong nilapitan

Nanginginig, namamawis ng malamig, at naninindig ang mga balahibong dahan-dahang inabot ko ang kinakalawang na siradura. Hanggang sa umihip ang malamig at medyo may kalakasang hangin na siyang ikinawala ng liwanag ng aking dala-dalang kandila.

"Shit!" Mahina kong usal at kinapa-kapa ang lighter sa aking bulsa

"Nasaan na 'yun" Nangangatog ang mga kamay na inisa isa ko ang paghalughog sa aking bulsa at mukhang minalas pa yata ako dahil wala ito sa bulsa ko

Naman oh!

At ng may marinig akong kaluskos mula sa labas ng bintana ay mabilis pa sa alas kwatrong napalingon ako do'n.

P-parang may t-tao

Nasapo ko ang aking bibig at inaninag ng mabuti kung anong meron sa nakabukas na bintana. At dahil sa kabilugan ng buwan, unti-unti kong nakikita ang isang anino na nasa labas.

Babae, isa siyang babae at medyo may katangkaran ito—balingkinitan ang katawan at parang w-walang u-ulo.

Unti-unting gumalaw ang tao sa labas at parang hinahawi nito ang puting kurtina.

Gustong gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa, nakabuka lang ang bibig ko at walang lumalabas na boses para makahingi ako ng tulong

Gusto kong tumakbo pero ang mga paa ko ay parang pinako sa aking kinatatayuan

Lola tulong!

Hanggang sa namalayan ko na lang na bumagsak ako sa sahig at unti-unting nawalan ako ng malay

"Jemela, apo okay ka lang ba?" Nag-aalalang tinanong ako ni Lola pagkagising na pagkagising ko

"O-okay lang po ako La." At dahan-dahan akong umupo sa pagkakahiga

"Ano bang nangyari sa'yo apo. Mabuti na lang talaga at maaga akong nagising at nakita kita, nga pala apo ba't ka doon natutulog ha?" Litanya ni Lola

Hindi ko maiwasang pangunutan ng noo

"Talaga ba Lola? A-ano po ba ang ginawa ko do'n?" Wala sa sariling bulalas ko

"Hindi mo alam? Akala ko soon ka natulog?" Sagot naman ni Lola

Natulog? Akala ko ay isang panaginip lang 'yun

"Sorry po talaga Lola pero wala po talaga akong maalala sa nangyari—" Pagsisinungaling ko

Hindi na nag-abalang magtanong pa si Lola sa halip ay dahan-dahan itong tumayo at naglakad na palabas

Nang makalabas na si Lola ay naihilamos ko ng wala sa oras ang aking mga palad. Akala ko ay hindi iyon totoo at sa panaginip ko lang nakita 'yung babae, nagkamali ako. Totoo siya—

At ng tumingin ako kay Lola kanina ng sinabi ko sa kanyang wala akong maalala parang nakahinga siya ng maluwag and at the same time matalim ang mga titig na sinuri ako ng kanyang makapanindig balahibong tingin 'yung para bang pinagdududahan niya ako....

"Ate Jem! Kakain na daw sabi ni Lola!" Masiglang bungad sa'kin ni Duday ang eight years old kong pinsan

Naturang nasapo ko ang aking dibdib ng bigla bigla na lang itong pumasok sa aking kwarto, seriously she didn't know how to knock?

"Ano ba Duday! Hindi ka ba marunong kumatok, aatakihin ako sa puso sa sobrang gulat eh!" Pahisteryang sinigawan ko si Duday

"Ay! Sorry naman Ate Jem!" Sagot naman nito. Kung makasagot itong si Duday sa'kin parang magkasing edad lang kami

"Pakibilisan daw sabi ni Lola, masama daw'ng pinaghihintay ang pagkain—" Huling salita ni Duday at lumabas na sa aking kwarto

Kinapa ko naman ang dibdib kong patuloy pa din pagtibok ng sobrang bilis

"Napapansin kong magugulatin na ako ngayon—"

"Lola Gloria, magpapa-alam po sana kami ni Greg na kunin na ang mga anak namin" Pang-iimporma ni Tita Beth kay Lola

Napatingin naman si Lola Gloria kina Duday, Jayson, Kian, at Dandan

"Hay naku mga apo, hindi na naman tayo magkikita kita. Mamimiss ko kayo—" Malambing na usal ni Lola at ibinuka ang mga bisig

"Hali nga kayo dito, bigyan niyo ng mahigpit na yakap si Lola....." Nagsilapitan naman ang mga pinsan ko at niyakap si Lola Gloria ng sobrang higpit

Mabuti pa sila makakaalis na, ako?

"Ate Jem, alagaan mo ng mabuti si Lola ah" Bilin sa'kin ni Dandan ang pinakabata lahat

"Oo naman! Ako pa" Nangingiti kong usal at sumaludo sa kanya

Nang makaalis sila ay nilapitan ko si Lola dala-dala ang sponge. Naiisip ko kasi kanina habang naghuhugas ako ng plato na kung pwede sana ay magpapa-alam din ako

"Lola...." Pangdidisturbo ko sa kanya habang naka-upo sa rocking chair at naggagantsilyo

"Ano 'yun apo?" Sagot naman nito na hindi man lang ako tinitingnan

"Pwede na po ba akong umuwi sa'min, baka kasi nag-aalala na sina Mama at Papa sa'kin." Malumanay akong nanghingi ng permiso

Nakita kong natigilan si Lola sa ginagawa at dahan-dahang lumingon sa'kin, ng mabaling na ang ulo nito sa'kin ay ibinaba nito ang may mataas na—na gradong anteohos

"Iiwan mo na ba akong mag-isa dito apo?" Gagad nito na ikinalunok ko ng ilang beses

"L-la..."

"Hindi ka ba naaawa sa'kin? Matanda na ako para gawin ang mga bagay bagay Jemela, manatili ka muna rito apo ko" Parang nangongonsensiyang tugon ng aking Lola mapanatili lang ako sa nakakatakot at puno ng kababalaghan niyang bahay

At aminin ko man o hindi I can't say no to my granny. Naaawa ako dito, oo nga't matanda na ito at uugod ugod ng maglakad tapos iiwan ko pang mag-isa? No way!

Napabuntong hininga na lang ako

"Okay grandma, I-I'll stay"

"Salamat Jemela—"

Hindi maiwasang kabahan ni Jemela ng siya at ang Lola niya na lang ang natira sa medyong creepy nitong bahay. Pa'no ba'ng hindi siya matatakot eh sa dadalawa na lang sila at palagi niya pang nakakaksalubong ang Lola niya, minsan ay nginingitian siya nito kung mapapatingin ito sa kanya

Hindi naman gawain ng Lola niya na ngumiti sa kahit na sino, at ng ngitian siya nito her body trembled in an unknown reason and it gives her goosebumps. Weird mang isipin pero iyon ang nararamdaman niya.

"Apo, matutulog na ako. Ikaw na ang bahala dito ah" Pagod na usal ng kanyang Lola at kinuha ang tungkod nito

"Opo Lola" Sagot naman niya at niligpit ang mga kinainan nila

Nang makalipas ang ilang minutong paghuhugas ng pinggan tiningnan niya ang nakasaradong pinto ng kanyang Lola at mukhang mahimbing na ang tulog nito

Itinigil niya ang ginagawa at tinungong muli ang misteryosong pintuan kaagad niyang kinuha ang flashlight at pinailaw iyon saka dahan-dahang pinihit ang siradura

Napatakip sa sariling ilong si Jemela ng manuot ang masansang na amoy galing sa loob pero hindi iyon hadlang para di niya ito pasukin

Nagulat pa si Jemela, akala niya ay bubungad na sa harapan niya ang mga samot saring bagay na itinago ng kanyang Lola pero hindi may isang hagdanan na pababa

Napalunok siya

"Kaya ko 'to—"

Bumaba siya, dahan-dahan at parang binabantayan ang kanyang bawat pagkilos

Napangiwi si Jemela ng tumambad sa kanya ang plastic cellophane na ginawang harang sa daan—may mga bakas pa na dugo na nakadikit dito.

Dahan dahan niya itong hinawi

At dahil sa sobrang dilim inilawan niya ang sementong sahig. Bitak bitak iyon at may kumakapit pa na dugo—napatalon pa siya ng may tumakbong daga patungo sa paa niya

At ng sundan niya kung saan nanggaling ang daga, dahan-dahan niyang itinaas ang may kahinaang flashlight at ganoon na lang ang takot niya ng makita ito ng tuluyan

Isang lalaki na nakaupo sa silya, nakagapos ang dalawang kamay nito sa arm rest at wakwak ang tiyan

Biglang sumara ang pintuan na sobrang lakas dahilan para mabitawan niya ang flashlight, nangangapa sa dilim na hinanap niya ang flashlight. At ayon gumulong pala ito ng sobrang layo sa kanya

At ng gumana ulit ito ay napa-upo siya sa sahig sabay sigaw ng makita niyang sobrang lapit ng mukha ng Lola niya na tipong maduduling ang mga mata mo sa sobrang lapit.

"Ma! Tulong, tulungan niyo ako..." Pagsisigaw niya

"Ang tigas ng ulo ah? Pag sinabi kong bawal, bawal! Naiintindihan mo ba ako?!" Sigaw ng matanda na dumagundong ang boses sa kasulok-sulokan

"Lo-lola—"

"H'wag mo kong malola Lola!"

Nanubig ang mga mata ni Jemela at ano mang oras ay maiiyak na siya

"Ang tigas ng ulo mo! Wala kang pinagkaiba sa mga bisita ko!!" At sinampal sampal siya ng paulit-ulit

"Lola, t-tama na...." Naghihina niyang tugon

Pero hindi tumigil ang Lola niya patuloy lang ito sa pagsampal at pagsabunot sa buhok niya

"Hindi naman kita pwedeng basta basta na lang pakawalan. Dapat sa'yo ay tinuturuan ng leksiyon!!"

Nagmamadaling tinungo ni Lola ang napakalaking transparent na lalagyan ng tubig, binuksan niya iyon at lumapit ulit sa'kin

Pinatayo niya ako sa pagkakasalampak sa sahig at pinapasok doon

"Lola—'wag po, Lola!!" Pigil niya sa matanda

Sa halip na makinig ay ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa, ni makaramdam ng awa para sa kanya ay hindi iyon nakita ni Jemela sa Lola niya. Bigla na lang itong nagbago na parang hindi siya nito kilala

Nang maisara na ng Lola niya ang takip niyon ay pinagmasdan muna siya nito. Kinuhanan ng litrato at idinikit sa may kalumaang billboard

Hampas ng hampas si Jemela sa salaming sobrang kapal maski pagsigaw niya ay hindi marinig sa labas

Patuloy lang sa paghampas si Jemela hanggang sa ang tubig na ipinundo ng Lola niya na galing sa hose ay hanggang bewang na niya

Nanlulumong napaiyak siya ng tahimik, baka ito na ang katapusan niya. Sana ay panaginip lang ito ng magising na siya

"Ma—" Tanging naiusal niya bago siya nilamon ng tubig