Chereads / Saki's One Shot Stories / Chapter 23 - Chapter 23: The Menial's Revenge

Chapter 23 - Chapter 23: The Menial's Revenge

"ITO ang magiging kwarto mo—" Sabay bukas ng may-ari sa kwartong tutuluyan daw ng bagong katulong

Pumasok naman ang katulong dala-dala ang mga bagaheng sobrang bigat na halos hindi na niya mabuhat buhat

"Okay na ba 'to sa'yo?" Medyo may kasungitang tinanong ng amo ang bagong katulong

Tiningnan naman ng bagong katulong ang kanyang magiging amo daw sa buwang ito

"O-okay na po." Nahihiyang tugon naman ng katulong at ibinalik ang mga mata sa parang bodegang kwarto na uukapahan niya

"Mabuti, sige magpahinga ka muna pupuntahan na lang kita dito para mailibot kita sa bahay ko...." Hindi na hinintay ng kanyang amo na makasagot siya

Sinundan naman ng tingin ng bagong katulong ang kanyang may katandaang amo

Nang makalabas na ito sa kanyang kwarto kuno ay inilibot niya ang paningin sa kabuuan nito

Medyo maluwag naman at puno ng sapot ang kisame. Halatang hindi nilinis ng iilang buwan o taon

Napabuntong hininga siya

At nagsimulang linisin ang kwarto niyang magulo

"Hoy, muchacha gising" Tapik ng isang babae sa kanyang pisngi

Naaalimpungutan naman siyang nagising sa uri ng pagkakatapik nito

"Ay sorry po, napasarap 'yung tulog ko. Pasensiya na po kayo" Hinging tawad niya sa kanyang amo

Hindi ito sumagot sa halip ay nakapamewang itong tinalikuran siya

"Sumunod ka sa'kin, ililibot na kita sa bahay ko—" Walang ka emosyong emosyon nitong saad at iniwan siyang inaayos pa ang kamang hinigaan

"Ito ang kusina namin, maluwag siya—at siguraduhin mong malilinis mo ito sa loob lamang ng tatlong minuto. Naiintindihan mo ba ako?" Maawtoridad nitong tugon sa kanya

"O-opo—" Sagot naman ng bagong katulong at panay ang sunod sa bagong amo

"Ito naman ang sala namin, maluwag din. Lahat ng mga gamit na makikita mo sa ibabaw ng cabinet ay mamahalin at babasagin siguraduhin mong hindi mababasag ang mga iyan, naiintindihan mo ba ako?" Tanong ulit nito

"O-opo—" Muli ay sagot na naman niya

"Sumunod ka sa'kin. Ipapakita ko naman sa'yo ang dalawang kwartong uunahin mo sa paglilinis ngayon—" Bulalas nito at umakyat sa hagdanan

Siya naman ay patuloy pa din sa pagsunod kung saan ito pupunta

"Ito ang kuwarto ko, in the right side nandoon ang banyo. Pakilinisan na lang mamaya ha" Sabi ng kanyang amo

Tiningnan niya ang kwarto nito, sobrang kalat na dinaig pa yata ng nasalantang  bagyo. Mga damit na nakalatag sa bintana, sahig at kama—for sure may mga maduduming damit diyan na nahalo

"Tapos mo na bang tingnan ang kwarto ko?" Parang nang-uuyam na saad nito at inismiran siya

"Itong pangalawang kwarto ay silid ng aking dalawang anak na babae, pakisamahan mo na lang sila ng mabuti kasi magaspang ang kanilang mga ugali. Naiintindihan mo ba ako?" May pinalidad sa boses na tinanong siya nito

"O-opo—"

Binuksan ng kanyang amo ang kwarto ng anak nito at bumungad sa kanya ang mga nagkalat na damit, medyas, accessories, at iba pa. Ang burara naman ng mga ito

"Mom, sino siya?" Tanong ng isang may kaputiang babae

"Ah, ito ang bagong katulong natin. Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Wendy po—"

"Katulong natin si Wendy, h'wag niyong awayin ah baka hindi ito umabot ng isang buwan—" Palatak ng ginang

Tiningnan naman ni Wendy ang anak nitong seryosong nakatingin sa kanya. Nakita niya pang umigkas ang isang kilay nito at inirapan siya

"Tapos na kitang ilibot sa pamamahay ko, kaya maglinis ka na. Simulan mo sa kwarto ko total nandito na naman tayo—" Utos nito sa kanya

Sa halip na magreklamo ay tumango na lang siya, bago pa nga lang siya nakarating dito trabaho kaagad.

"Ligpitin mo 'yan lahat. Siguraduhin mong pag-akyat ko dito malinis na ang kwarto ko ha? Tapos pakipalitan ang kurtina at bed sheet ko tapos labhan mo, then 'yung mga damit na nakalatag sa sahig tupiin mo tapos ilagay mo sa walk in closet ko...." Utos nito

"Masusunod po—"

"Nga pala Wendy diba?" Pagtatanong nito ulit kung anong pangalan niya

"Opo."

"Pagkatapos mo dito Wendy, pumunta ka ng kusina—linisin mo muna  ang sink tapos paki hugasan ang mga plato at baso, then magluto ka ng makakain namin...." Utos na naman nito

"Opo—" Tanging opo lang talaga ang sagot niya sa utos nito. Eh sa wala naman talaga siyang masabi

"Sige na magsimula ka na—" At iniwan siyang mag-isa sa kwarto nito

Sa kalagitnaan ng paglilinis sa kwarto ng kanyang amo, hindi alam ni Wendy na nakatingin pala sa kanya ang dalawang sutil na anak ng kanyang amo at pinag-uusapan siya

"Anong pangalan niya?" Nakasilip sa medyo nakaawang na pinto na tinanong ni Lauren ang kanyang Ate Chanelle

"Wendy daw," Kibit balikat na sagot naman ni Chanelle

"Ang ganda niya 'no?" Bulalas ni Lauren na ikinatingin ni Chanelle sa nakababatang kapatid

"Gaga ka ba! Paano mo nasabing maganda siya huh? Maputi at makinis lang naman ang balat niya—" Ismid ni Chanelle

"Ba't ka ba nagagalit diyan Chanelle, siguro naiingit ka sa kanya 'no?" Tudyo ni Lauren sa kapatid

"Ako maiingit?" Turo nito sa sarili

"Never... Bakit naman ako maiingit sa kanya eh sa katunayan mababang uri lang naman siya. Diba? Wendy is our maid?!" Bulalas pa nito

Hindi na nag-abalang sumagot si Lauren at ibinalik na lang ang tingin kay Wendy na ngayon ay nagtutupi na ng mga damit

Napangisi ng mala demonyo si Chanelle ng may maisip siyang kalokohan

"Hoy, Lauren tingnan mo ang gagawin ko—" Asik ni Chanelle sa kapatid at pumasok sa kwarto ng ina nito

Nang makapasok si Chanelle sa kwarto ng kanyang ina ay tumayo siya sa harapan ni Wendy, at ganoon na lang ang pagkairita niya ng hindi man lang ito nag-angat ng tingin sa kanya

"Ahm, hi?" Peke niyang pamamansin kay Wendy

Tumigil naman sa ginagawa si Wendy at tiningnan siya at pinangunutan ng noo

"Ako nga pala si Chanelle, ikaw anong pangalan mo?" Ito na yata ang pinakamasaklap na ginawa niya sa tamang buhay niya

Actually, hindi talaga nakikipag kaibigan so Chanelle sa mga mababang uri kagaya ni Wendy. Para sa kanya ang mga utusan, hardenero, kusinira, driver at iba pang nagsisilbi sa kanila ay salot kung ituring niya

"Wendy po—" Sagot naman ng bagong katulong sa tanong niya

Ngumiti naman siya ng napakalapad sa kaharap. Magaling kaya sa plastikan kaya heto kinareer na niya

"Nice to meet you Wendy" Maarte niyang saad at kumuha ng antique na upuan

Umupo si Chanelle sa harapan ni Wendy at idinantay ang isang paa sa paa nitong nakababa

"So how old are you na pala?" Tanong ulit nito at tiningnan ang mapulang kulay na kuko

"18 po—" Simpleng sagot ni Wendy na hindi magawang tingnan si Chanelle

Napatigil si Chanelle sa pagsuri sa kuko nito at di makapaniwalang tiningnan ang katulong

"Really? Magkasing edad lang pala tayo? Akala ko nasa mga mid 20's ka na, what's your secret why you have that baby face of yours—" Bigla na lang naging interesante si Chanelle kay Wendy

"Sekreto ko? Tamang tulog, ehersisyo, at kain lang—" Kibit balikat nitong sagot

"Talaga? What kind of foods naman ang mga 'yan?"

"Mga gulay—" Sagot kaagad nito

Napangiwi na lang si Chanelle sa narinig, so Wendy the menial is vegetarian? Kung gulay lang naman ang sekreto nito para maging looking young siya h'wag na lang. Thanks but no thanks ayaw niya sa gulay

"Ay, naku girl! Hindi ako vegetarian kaya sorry na lang..." Sabay tulak nito sa kanang balikat ni Wendy na ikinatigil ng katulong sa ginagawang pagtulak niya sa balikat nito

"Oops, sorry nakalimutan ko di pa pala tayo close." At nag peace dito

Nanatiling nakayuko lamang si Wendy at hindi nakatakas sa paningin ni Chanelle na sobrang higpit ng pagkakahawak ng kanilang katulong sa damit ng kanyang ina. Iyong tipong mapupunit na sa sobrang panggigigil

"Ahm, alis na ako ah. See you later" Pagpapa-alam ni Chanelle dito at lumabas ng kwarto

"Oh, anong nasagap mo?" Tanong ni Lauren na dinaig pa ang pagkachismosa ng kanilang kapit bahay

"Like duh! Ang hirap kausapin sister, masyadong tahimik. Sasagot lang kapag tinatanong" Naiiritang palatak ni Chanelle at naunang bumaba sa hagdanan

Nang matapos gawin ni Wendy ang mga inutos ng kanyang amo ay kaagad siyang nagpunta sa kusina para magluto ng mapananghalian ng mga ito

Hindi niya maiwasang isipin ang ginawa ni Chanelle sa kanya kanina. Ano ngayon kung hindi siya kumakain ng gulay poproblemahin pa ba niya 'yun?

"In fairness masarap magluto ang muchacha natin—" Imik ng isa niyang amo na Lauren yata ang pangalan

"Ikaw na talaga girl! Pwede ka ng mag-asawa" Sarap na sarap sa niluto niyang bulalas ni Chanelle

Nanatili lang siyang tahimik sa gilid at nakatayo lamang. Kahit nakakapagod tumayo ay hindi siya pwedeng umalis baka may ibang utos pa ang amo niya

"Tapos na ako, paki ligpit ng kinainan—" Sabay tayo ng kanyang amo at iniwan ang platong may kanin pa at ulam

Napapailing na lang siyang niligpit ang kinainan nito at ibinukod ang ulam sa kanin. Iba talaga pag mayaman sinasayang lang ang grasya

"Pakiligpit na din 'yung akin," Walang ka emosyong emosyon utos din sa kanya ni Chanelle

"Akin din—" Segunda naman ni Lauren

Grabe pinagluto pa siya ng marami tapos hindi pala ng mga ito kayang ubusin. Hindi naman niya ito pwedeng ligpitin at ipasok sa fridge kasi for sure magagalit ang bruhang amo niya gusto kasi nito palaging bago ang ulam na nakahain sa mesa, so in the end lagay sa basurahan ang pagkain.

"Anong ginagawa mo?" Magiliw na tanong ng medyo may pagka childish niyang amo which is si Lauren

Kita mo namang naghuhugas ng pinggan, magtatanong pa. Bobo lang gano'n?

"Naghuhugas ng mga plato—" Baliwala niyang sagot at ini on ang gripo

"Ahh, talaga?" Sagot naman nito

Halata talagang walang alam sa mga gawaing bahay

"Nag-aaral ka pa ba?"

"Hindi na—"

"Anong grade natapos mo?"

"Grade 6—"

"May boyfriend?"

"Wala—"

Naramdaman ni Wendy na natigilan si Lauren sa sagot niya sa huli nitong tanong

"You've got to be kidding me, sa ganda mong 'yan wala kang boyfriend? Nagpapatawa ka ba Wendy?" Nangingiti nitong sagot

"Wala nga po—" Bakas sa mukha niyang napipilitan siyang sagutin ang tanong nito

Totoo naman talagang wala siyang nobyo. Lahat nga yata ng kalalakihan ay takot lumapit sa kanya na para bang may nakakahawa siyang sakit

"Umamin ka na kasi—" Pamimilit nito at siniko siya dahilan para mabitawan niya ang basong madulas dahil may sabon pa ito at hindi ba nababanlawan

"Hala!" Gulat na reaksiyon ni Lauren ng makitang nabasag ang baso sa sahig nitong semento

"Anong nangyayari dito—" Kaagad na pumasok ang kanyang among babae sa kusina

"Mom, 'yung baso n-nabasag" Palatak ni Lauren

"Sinong nakabasag?!" Parang bulkang sumabog sa galit ang kanyang amo

"S-siya po—" Sumbong ni Lauren sa ina nito at tinuro siya

Tiningnan naman siya ng kanyang amo at nanlilisik ang mga matang nilapitan siya

"Ikaw!" Sigaw nito at lumapit sa kanya

Hindi makapaniwalang tiningnan niya si Lauren na nakangisi sa kanya

Ang bruha, sinadya pala nitong gawin iyon para pagalitan siya

"Ikaw na mababang uri na katulong! Bakit mo binasag ang baso ko?! Alam mo bang sobrang mahal niyan!" Sighal nito sa kanya at namewang pa sa harapan niya

"Hindi ko naman po sinadya na mabitawan ang baso na 'yan. Sa katunayan, ang anak niyo naman ang may kasalanan kung bakit nabitawan ko ang baso niyo—ikaw po kaya ang sikuhin hindi mo po ba mabitawan?" Pagsasabi ni Wendy ng totoo

"Aba't sumasagot ka na sa'kin ah! Katulong ka lang dito—magsorry ka," Utos nito sa kanya

Tumayo siya ng tuwid at inilagay ang dalawang braso sa dibdib

"Bakit naman po ako magsosorry, eh hindi ko naman kasalanan. Inuulit ko po siniko ako ng anak niyo kaya siya ang pagalitan niyo h'wag ako—" Walang kaemosyong emosyong sagot niya

Bakit naman siya hihingi ng tawad, porket nabasag na baso magsosorry siya? Grabe ah, big deal na sa kanya 'yun...

Akmang aalis na sana si Wendy ng hilahin ng amo niya ang buhok niya dahilan para mapabalik siya sa pwesto

"At aalis ka lang bigla bigla, sinong magliligpit ng mga bubog ako at  ang anak ko? Anong silbi mo dito? Para malaman mo pinapakain at sinuswelduhan kita kaya umayos ka!" Sumbat nito sa kanya at dinuro pa ang ulo niya

Hindi siya sumagot, sa halip ay pinulot niya lang ang mga bubog na nagkalat sa sahig

"Masunurin ka naman pala, akala ko ay sutil ka—" Palatak nito at iniwan siyang patuloy pa din sa pagpulot ng mga bubog

"Wendy, halika ka nga dito—" Tawag sa kanya ni Chanelle na nakaupo sa pang-isahang sofa at nanonood ng T.V

"Ano po 'yun?" Sagot naman niya ng makalapit siya

"Drop the 'po' masyado kang pormal magkasing edad lang naman tayo. By the way kindly massage my right foot masakit kasi eh—" At ipinatong ang paa sa mesa

Sinunod naman ni Wendy ang utos ni Chanelle at sinimulang hilot hilotin ang malaking paa nito

Sa kalagitnaan ng panonood ni Chanelle sa nakakatawang palabas ay bigla na lang itong napaigik

"Aray ko! Ano ba, diba sinabi ko sa'yo na dahan-dahanin mo. Masakit na nga dinagdagan mo pa umalis ka nga diyan" At tinulak siya

That's it. Punong-puno na si Wendy sa pagtrato ng  mga ito sa kanya, nagagalit na siya okay lang naman sana kung pagalitan siya pero saktan at maltratuhin, hindi niya iyon mapapalampas

Abala sa pagtutupi ng kanyang damit si Wendy ng tumunog ang maliit na bell sa inukupahan niyang kwarto

"Wendy, pumunta ka dito may ipapagawa ako sa'yo—" Rinig niyang tawag ni Chanelle sa pangalan niya

Dali-dali namang pumunta si Wendy sa kwarto ni Chanelle at ng makarating siya sa kwarto nito nakita niyang nakahiga ito sa kama at busy kakabasa ng libro

"Ano'ng iuutos niyo—" Nagtitimpi niyang tanong dito

"Tiplahan mo ako ng kape," Sabi nito at dumapa sa kama

Sinunod naman niya ang utos nito at tiniplahan niya ito ng kape, pagkatapos ay bumalik siya sa kwarto nito. Hindi man lang siya napansin ni Chanelle na nakapasok na siya—pumunta si Wendy sa uluhan ng kama at tumayo ng tuwid sa gilid.

Nakatihaya na naman si Chanelle at abala sa pagbabasa ng libro, kaya mabilis niyang kinuha ang libro sabay buhos ng kapeng umuusok sa mukha nito

"Ahhh, Wendy anong ginawa mo!" Nagsisigaw sa hapdi na sabi ni Wendy at napatayo pa sa pagkakahiga

Hindi siya sumagot

Sa halip ay pinanood niya lang itong nanginginig ang mga kamay na dahan-dahang kinakapa ang mukha

"W-wendy! Anong ginawa mo sa m-mukha ko!!" Nagpupuyos sa galit na sigaw ni Chanelle

Hindi sumagot si Wendy sa sinabi  nito sa halip ay nilapitan niya itong nangangapa sa sahig dahil hindi na ito makakita

Dala-dala ang isang baldeng may lamang mainit  tubig ay dahan dahan-dahang ibinuhos iyon ni Wendy sa katawan ni Chanelle

Sumigaw na naman ito, at inaamin niyang nasisiyahan talaga siya sa nakita. Masayang masaya siya ng marinig ang sigaw ni Chanelle na humihingi ng tulong sa kanya

"W-wendy, tulungan mo ako—" Sambit nito sa mahinang boses

At ng hindi pa nakuntento si Wendy ay kinuha niya ang kutsilyong nakasilid sa bulsa niya

Nilapitan niya si Chanelle na nanginginig na dahil sa lapnos na natamo

At ng makalapit na ng tuluyan, hiniwa niya ang balat nito at idiniin pa ang kutsilyo sa braso

Napasigaw ulit si Chanelle sa sakit

Hanggang hindi na nga kinaya ni Chanelle ay binawian na ito ng buhay.

-

"Tsaa po para sa inyo—" Sabay lagay ni Wendy sa bed side table ni Lauren

"Thank you—" Sagot nito at nagbasa ulit

Ganito ba talaga sila? Bookworms?

"Ano pang tinayo tayo mo diyan? Umalis ka na!" Pagtataboy sa kanya ni Lauren

"Pasensiya na po kayo pero inutos sa akin ng Mama mo na bantayan kayo—" Walang kagatol kagatol niyang sagot

"Mom, is already here?" Nangingiting tanong ni Lauren sa kanyang ng marinig ang salitang 'Mama'

"Opo, nandito na po siya—" Malamig pa sa yelo niyang tugon

Dali-dali namang tumayo si Lauren at akmang lalabas na ng bigla niya itong harangan

"Padaanin mo ako nga ako!" Naiinis na palatak nito at itinulak siya

"Pasensiya na po pero kailangan niyo pa po daw'ng inumin ang tsaa sabi ng 'yung ina." Sagot naman

"At kailan pa nagpautos si Mama sa'yo na kailangan kong inumin lahat ng dadalhin mo dito?" Nakataas ang isang kilay na tugon nito

"Sundin niyo na lang po kung anong sinabi ng inyong ina—ang tigas din naman ng ulo niyo eh..." Walang takot na sambit niya

Napangisi naman si Lauren sa kanyang sinabi

"Sige, mukhang hindi ka naman nagpapatalo eh. Iinumin ko na ano happy?" May sarkasmo sa boses na bulalas nito

At nang inumin na ni Lauren ang tsaa na ginawa niya ay nakita niyang bumagsak ito sa sahig at nangingisay, tumitirik ang mga mata, at bumubula ang bibig

"Uto uto ka kasi" Palatak niya at idenespatsa ang katawan nito

"Kumustang bakasyon natin ma'am?" Bungad ni Wendy ng makabalik ang kanyang amo galing sa ibang bansa

"Okay lang naman, at nakapag-isip isip na din. Nga pala saan na 'yung dalawa kong anak?" Tanong nito at umupo sa sofa

"Nandoon po sa kanilang kwarto natutulog—" Pagdadahilan niya

"Ah, ganoon ba? Pakisabi naman na bumaba sila may pasalubong ako—" Utos nito sa kanya

Sinunod naman niya ang utos nito at umakyat sa taas pero hindi na siya tumuloy sa kwarto ng mga anak nito, nagtago lang siya gilid kong saan may dingding na nakaharang

"Ma'am, mamaya na po daw sabi nila. Pupuntahan na ka lang daw nila sa kwarto mo mamaya." Pagdadahilan niya

"Kung ganoon magluto ka ng makakain ko bilisan mo dahil nagugutom na ako—" Utos ulit nito at tumayo

"Sige po—"

"Masarap ang niluto mo ngayon Wendy ah, natatakam ako—" Excited na bulalas ng ginang at umupo na sa nirerespetong upuan nito

"Syempre ma'am, pinaghandaan ko talaga ang pagbabalik niyo—" Pakisama niya dito

Pinagmamasdan naman ni Wendy ang among sunod sunod ang subo sa kanyang nilutong karne

Sige lang, kain ka lang ng kain diyan. Tingnan natin kung hindi ka magulantang sa gulat kung ano ang mga 'yan

"Paki-abot nga ng basong may tubig...." Utos nito sa kanya

Sinunod naman niya ang utos ng amo at nagsalin ng tubig sa baso nito

Sarap na sarap talaga siya sa niluluto niya

"Ang sarap talaga ng luto mo Wendy, anong klaseng karne ba ito. Para kasing hindi baboy lalo naman na hindi manok.." Nagtatakang asik nito at ipinagpatuloy ang pagkain

"Hindi ko din po alam eh, basta nakita ko lang 'yan sa loob ng fridge—" Sagot niya

"Nga pala ma'am gumawa ako ng dessert gusto niyo?" Alok niya sa amo

"Oh, sige nasaan na?" Excited na naman nitong tugon

Pumunta ng kusina si Wendy at kinuha ang dessert na ginawa niya

"Ito na po ang dessert niyo," Sabay lapag ng malaking plato na may cake

Nanigas sa kinauupuan ang kanyang amo at nanginginig ang mga kamay na tinuro ang pande crema

"A-ano 'yan?" Parang nakakita ng multong tanong nito sa kanya

"Cake po? Bakit ayaw niyo ba?" May halong pagka-inis sa kanyang boses

Kinuha naman ni Wendy ang cake na puno ng daliri sa gilid. Sinadya talaga iyon ni Wendy para mabaliw ang amo niya

"Kaninong mga daliri iyan?" Bakas sa mukha nito ang takot

"Sa mga anak mo, nakakainis kasi sila eh. Kaya pinutol ko. Nagustuhan mo ba?" Parang baliw na saad niya

"Nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na 'yung kinain mo kanina ay lamang loob ng mga anak mo—para may souvenir ka ito ang dalawang garapon." Sabay lapag ng dalawang garapon na may mata, ilong, at bibig na nakalutang sa loob

Hindi sumagot ang kanyang amo

Sa halip ay sumuka ito sa harapan niya at inatake sa puso dahilan para mamatay ito.

Natatawa na pinagmamasdan ni Wendy ang malaking bahay na kinain ng malaking apoy, dahil sa wala na naman ang may-ari ng bahay na ito ay sinunog na niya

"Ne! Anong nangyari!" Natatarantang tanong ng isang babae ng mapadaan ito sa harap ng nasusunog na bahay

"Ate, t-tulungan niyo po ako. Nasunog 'yung bahay ng amo ko" Peke siyang umiyak sa harapan nito at mukhang gumana naman iyon

"Nasaan na sila? Ba't di mo sila kasama?" Tanong nito ulit

"Nandoon po sila sa loob, ako lang po ang pinalabas nila—" Patuloy siya sa pag-arte hanggang sa napaniwala niya ang babae

Nang makaalis ito para humingi ng tulong ay napatawa na lang siya ng sobrang lakas dahil sa nagtagumpay siya sa paghihigante sa mga ito

At ngayon lilipat na naman siya sa kabilang baryo para maghasik ng lagim....