Chereads / Saki's One Shot Stories / Chapter 17 - Chapter 17: Letters—For You

Chapter 17 - Chapter 17: Letters—For You

"ANAK, may sulat para sa'yo!" Sigaw ni Mama sa labas

Sulat! Sulat! Sulat! Kaninong sulat ba iyan at palagi na lang akong nakatanggap ng white card

"Patingin?" Napapantistikuhang kinuha ko ang sulat mula kay Mama

Napatawa na lang ako ng mabasa ko ang sulat na para daw sa'kin

Dear Eulesis,

Kumusta ka na? Sana naman ay okay ka lang—

Alam mo bang namimiss kita, hindi na kasi kita nakikita araw-araw eh.

Oy, 'wag ka munang mag girlfriend ah. Hintayin mo ako. Mwahh!!

Love,

CT

Alam kong gwapo ako at sanay na akong makatanggap ng ganito pero hindi ko maiwasang manibago, palaging si CT na ang nagpapadala ng mga sulat sa'kin

"Oy, sino 'yang si CT?" Tudyo sa'kin ni Mama na hindi ko napansing nakikibasa na din

Agad ko namang ibinaba ang sulat at nagkamot sa ulo

"Wala, baka fan ko lang po siguro 'to..." Pagpapalusot ko, eh sa hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya

"Ibang klaseng fan 'yan ah. May initials pang nalalaman" Pahabol salita ni Mama at iniwan akong nakatanga

August 28

"Eulesis! Notice me!!" Sigaw ng mga kababaihan ng mapadaan ako sa gilid nila

"My God, ang gwapo mo!!" Rinig kong sigaw ng isa pa

"Ibang klase ka talaga dude! Dinaig mo pa kaming mga tropa mo—" Siko sa akin ni Ken barkada ko

"Oo nga, magtira ka naman para sa'min—" Si Chad naman ang nagsalita

"Eh ano bang magagawa ko? Gwapo eh" Pacool kong sagot at sinuklay ang makintab at maitim kong buhok

"Tama na ang pagiging mahangin bro—baka tangayin kami" At inakbayan ako

"Ahhh! Eulesis idol—" Tili na naman ng isang babae

Gusto kong tumingin at alamin kong sino 'yun pero may nagpipigil sa'kin na lingunin siya

Malakas ang hinala ko na isa sa mga kababaihang 'yun ay si CT

"Bro, ano 'yan?" Singit ni Chad at itinuro ang nakasara kong locker na may papel na nakaipit sa loob

Dali-dali ko namang binuksan ang locker ko at kinuha ang plain white card at dali daling binuksan iyon

Dear Eulesis,

Ang gwapo mo talaga! Kaso hindi ka namamansin

Tinawag pa naman kitang idol kanina, pero hindi ka lumingon...

Love,

CT

Sinasabi ko na nga ba, kung lumingon sana ako kanina edi sana nalaman ko at nakita ko na siya. Sayang!!

"May secret admirer ka pala Eulesis? Ba't di ka nagsabi!" Gulat na tugon ni Ken na hindi maalis alis ang mga mata sa ewan kung love letter ba ito

"Wala 'no!" At mabilis pa sa alas kwatrong pinunit ko ito at itinapon sa pinakamalapit na trashcan

"Ayaw mo pang umamin ah? Kitang-kita kaya namin ni Chad. Diba dude?" Siko nito sa katropa kong malayo ang tingin

"Hoy! Chad, nakikinig ka ba?" Tapik ni Ken kay Chad

"A-ano?" Parang wala sa sariling sagot nito at kinurap kurap ang mga mata

"Ang sabi ko ang gwapo mo, ano bang tinitingnan mo ha?" Nakakunot ang nuong tanong ni Ken at sinundan ng tingin kung saan nakatingin si Chad

Napataas ang isang kilay ni Ken ng makita ang babaeng kakatalikod pa lang

"Oy, Chad sino 'yun?" Nakangusong saad ni Ken at tiningnan ang papalayong pigura ng babae

Nakayuko ito at matamlay na naglalakad papalayo sa amin

"Ewan ko, kanina ko pa nga pinagmamasdan eh. Tingin kasi ng tingin dito" Sagot naman ni Chad

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Chad at tiningnan ang babae. Hindi kaya ay....

"Hoy dude! Mauna na kami ni Chad—kita na lang tayo sa canteen," Pagpapaalam ni Ken sa'kin at tumakbo kasama si Chad

Nang makaalis ang dalawa ay dali-dali ko namang kinuha ang sulat sa trashcan. Gusot gusot at punit punit na inayos kong muli ito para mabasa ulit iyon

Matapos kong makuha iyon ay itinupi ko ito at isinilid sa aking bulsa. Lumipas pa ang ilang mga araw at linggong palagi akong pumapasok ay hindi na ako nakatanggap ng mga sulat galing kay CT. Bigla ko siyang namiss, kahit corny 'yung mga letters niya gusto ko pa ring makatanggap ng ganoon

And this time it happens, sumulat ulit siya

"Meet me in the hallway—ASAP" Napakunot ang noo ko ng makatanggap ako ng sulat galing kay CT. Medyo nanibago ako, masyadong maikli. Walang kadating dating sa'kin it feels like she's serious about this

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Agad kong pinuntahan ang hallway kung saan nandoon si CT and yeah, my hands are shaking, my body is trembling, and my heart beats so darn fast. Ewan, kung bakit ako kinakabahan ng ganito siguro dahil sa pangunahing rason na makikita ko na siya

Humahangos na napahinto ako sa pagtakbo at nilibot ng tingin ang buong hallway

"Ahm, hi—" Isang mala anghel na boses ang nagsalita sa aking likuran

Awtomatikong umikot ang aking katawan patalikod at natulos ako sa aking kinatatayuan

Totoo ba itong nakikita ko? Mala diyosa ang kanyang kagandahan

"Eulesis Bitas? Tama?" Nakataas ang dalawang kilay na tinanong ako ng babae

"A-ah, o-oo" Nahihiya kong tugon at nagkamot sa batok

She cleared her throat

"Cathya Talita Tiad pala, CT for short—" Pormal na pagpapakilala nito at naglahad ng kamay

"Nice to meet y-you" What the fudge! Pumiyok pa talaga ako sa harap niya

Humagikhik naman si CT na ikinapula ng aking mga pisngi

At bilang gentleman at dakilang gwapo sa balat ng lupa tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad

Nang mahawakan ko ito ay nahigit ko ang sariling hininga, shit! Ang lambot ng kamay at parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan ng mahawakan ko ang kamay niyang sobrang puti na tila laki sa air-conditioned. It looks like we have a chemistry—

"So, how's day doing for today?" Tanong ni CT sa'kin, sheemay englishera pala itong babaeng 'to

"I'm doing great!" Sagot ko naman na mala macho man ang dating

Grabe, dinaig pa ako—ang lakas mang-agaw ng role! Ako sana 'yung mangungumusta eh!

"I know na nacocornihan ka sa mga letters ko" Diretsong sabi nito na ikinatikom ang bibig niya

Hindi niya magawang umamin dahil sa totoo naman ang sinabi nito, nacocornihan nga siya pero aminin—nagustuhan naman niya

"Ah, hindi naman masyado—"

"So, corny nga?"

𝑃𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑜'𝑛 𝑛𝑎 𝑛𝑔𝑎

Cathya Talita and I used to know each other, sabay kaming umuuwi kada hapon. Pag nalate siya hinihintay ko siya sa main gate ng school namin

Nagba bonding kami together, kumakain ng isaw sa gilid ng kalsada at nagbibilangan ng mga sasakyan. Ang saya lang

At dumating nga 'yung araw na kami na, grabe sobrang saya ko no'n. Until one day nagiging cold na siya. Tinanong ko siya kung anong problema ang sagot niya ay wala, doon ko lang nalaman na may sakit siyang leukemia stage four to be exact.

At alam niyo kung ano ang masakit? Last wish pala niya na makasama ako at sobrang saya niya ng matupad ito.

Life sucks—

Dear Eulesis,

Mahal na mahal na mahal kita,

Sana hindi mo ako iiwan kasi pag nangyari 'yun?

Para mo na ring sinaksak ang puso ko.

Ayokong mawala ka sa'kin, pero mukhang ako yata ang unang mawawala sa piling mo

I'm willing to set you free, kahit masakit ay papalayain na kita. Kahit ayaw ko ay gagawin ko para lang sayo—

Tangina! Gusto ko pang mabuhay! Pero bilang na lang araw ko Eulesis eh, kunting kunti na lang sasakabilang buhay na ako

Always remember this, I love you so much and I thank you for loving me back....

Love,

Cathya Talita

Naturang nagsiunahang pumatak ang aking mga luha sa mata. Bakit hindi niya sinabi?

Ito ang unang beses na nasaktan ako ng sobra, kung kailan binigay ko na ang lahat ng pagmamahal na maibibigay ko. Ngayon pa talaga siya mawawala? Grabe, ako na yata ang pinakamalas sa mundong ito

"Iho, kain ka muna—" Ani Mama ni Cathya na binigyan ako ng sandwich at juice

"Salamat po Tita," Puno ng respeto kung pagpapasalamat sa ina ng aking nobya

"Nga pala iho, kumusta ang araw mo? Okay ka lang ba?" Mahinang tanong sa akin ni Tita Sol

"O-okay naman p-po—" Shit naiiyak na naman ako

"Ang sakit lang isipin at tanggapin na wala na ang anak ko. Masyado pa siyang bata para kunin siya sa amin" Panimula ni Tita

Nanatili lang akong nakatingin sa puting kabaong na kasalukuyang nilalamayan namin ngayon

Akala ko isa lang itong panaginip, pero hindi. Palagi lang akong nakatulala at parang wala sa isip, minsan pa nga naiiyak ako eh

Tumayo ako sa pagkakaupo at sinilip si Cathya. Napakaamo ng mukha niya—parang natutulog lang ng topic mahimbing, sana nga ay tulog lang siya pero hindi eh

Kung kaya ko lang bumuhay ng isang patay ay gagawin ko. Pero anong magagawa ko hindi ako diyos, hindi ako makapangyarihan I'm just a human being who's suffering

"Sana ay masaya ka sa kung saan ka ngayon Cathya, Mahal na mahal kita—"