Chereads / RIDE WITH THE WAVES / Chapter 1 - Prologue

RIDE WITH THE WAVES

Oxyyyjane
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 11.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Disclaimer: Names, Places, Events PORTRAYED IN THIS STORY IS FICTITIOUS...

"Bye for now,Baby." He hushed me before taking a leave. Ilang buwan na naman siyang mawawalay sakin.

Pinatakan niya ng halik ang noo ko at hinarap ako sakanya.

"Come on, I'll be back. Pagdating na pagdating ko ng barracks, tatawagan kaagad kita. I promise." matapos niya banggitin iyon ay pinunasan niya ang mga luha ko.

Lumunok ako at pilit kinakalma ang sarili.

"Ilang buwan ka ngayon?" tanong ko.

Ngumiti siya ng mapakla bago sumagot. "Sadly, Maybe 6 month baby."

Kinurot ko siya sa braso. "Huwag ka mambabae doon ha? Susumbong kita kay papa." pananakot ko.

He laughed. " I promise."

I crossed my arms and rolled my eyes on him. "Ayusin mo lang, Pot. Kahit hindi ako marunong bumaril. Babarilin kita." banta ko.

Humawak siya sa braso ko at nagtago sa likod ko na animong may aaway.

"Now, you're calling my nickname.I'm scared." binaba niya ang malalaki niyang bag at mga dalang gamit papuntang barracks. "Parang ayoko ng tumuloy,Baby." malambing niyang sabi.

Natawa naman ako sa inasta niya. Nalulungkot lang ako lagi, pag ganitong eksena na ihahatid o magpapaalam na siya sakin. Halos kalahating taon o mahigit siyang nawawalay sakin. Sa apat na taon na pagiging magkarelasyon namin, nasanay na din ako. Sa tuwing aalis siya, iniisip kona lang na mag aabroad siya, para maiwasan ko ang pag aalala. Hindi maiwasan mag alala, pero kung iisipin mo ng taliwas, mas nakakagaan sa pakiramdam kesa isipin kong nasa peligro siya bawat oras. Mahirap noong una pero kinaya ko, dahil sa yun talaga ang gusto niya.

I remembered the days that he was so focus on Training. I was there. I always visited him, lagi ko siyang dinadalhan ng makakain. Naawa at nag aalala pa nga ako ng mga araw na iyon, dahil pumapayat at bakas ang pagod sa kaniya tuwing bibisitahin ko siya.

He kissed my forehead. "Tara! Magpapaalam na din ako kay tito." hinawakam niya ang mga kamay ko. Nang mapagtanto kong hindi ako sumabay sa paglakad niya at napahinto siya ay natauhan ako. Tinignan niya ako. I gave him a small smile. Hindi iyon umabot sa mga mata ko.

"Tito! Reporting on duty, General." pormal niyang paalam. Pumuwesto siya ng tuwid at nakasaludo.

Tumawa si papa at hinarap siya. "Loko ka talagang bata ka. Wag ka na mag ganyan sa akin. Tapos na ako jan. Mag-ingat ka hijo." matapos sabihin ni papa iyon ay tumingin siya sakin. "Pinaiyak mo na naman yung dalaga ko." biro niya kay Paul. Lumapit siya doon at tinapik sa balikat si Paul. "Sa susunod na balik mo. Bigyan mo na ako ng apo." rinig kong bulong niya.

"Papa!" I shouted.

Naiintindihan ko ang pananabik ni papa sa mga bata. Ilang taon na din ako at sa dalawang kapatid kong lalaki na may mga asawa. Wala pa ni isa sakanila ang nagkaka anak. Kaya ganun na lang siguro ang tuwa niya, kung malalaman niyang magkaka apo na siya.

"Binibiro ko lang si Paul,hija." asar niya.

"Pagbalik ko General. I want her to be my wife." deklara niya pa. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ako makapaniwala na nag uusap sila ng ganito sa harap ko. Hinalikan niya ang likod ng palad ko.

"Aba! Oo naman. Gusto ko pang maihatid ang anak ko sa altar bago ako pumanaw." si papa.

"Papa! Bat ganyan ka. Nakakainis ka naman e! Kung makaganyan ka parang namamaaalam ka na."

"Hindi pa ako namamaalam ano! Aantayin ko pa yung pinangako mong Shop at casa pag nakatapos ka na ng pag aaral."

Nangako nga ako na pagka graduate ko at makahanap ako kaagad ng trabaho na maganda ay papatayuan ko siya ng Shop pag masagana ang pera, casa sa mga sasakyan.

"Malapit na ito grumaduate,Pot. Makakadalo ka ba?" tanong niya kay Paul.

Umiling naman ito. 6 months siyang nakadestino sa ibang lugar. 3 months na lang ay graduation ko na.

"Hindi po, Tito. 6 months ako ngayon."

"Ay!Ganoon ba. O siya mag iingat ka. Pag balik mo maghahanda ako ng maiinom natin." galak na sabi ni papa.

"Aasahan ko po yan, tito."

To be continued...