I braided my half hair.I wear my Nike cycling and string bra. Akala mo mag bebeach volley ang suot ko. Ayoko ng masiyadong revealing clothes, I don't have enough confidence to show my body!
Hindi na din umangal ang dalawa dahil alam nila na hindi mataas ang kumpyansa ko sa sarili at bumagay din naman ang suot ko.
Dala-dala ko ang martini ng iniwan ko si Jai at Ryssi sa couch. They're enjoying the night.
I want to smell a salty fresh air from the sea. Nakakasuffocate sa loob dahil sa iba't ibang uri ng usok. I stared at the calm sea, napakalamig ng gabi. Napaka liwanag ng buwan at napakapayapa ng mga ulap.
Some of my hair was dancing because of the cold wind.
Suddenly I remembered Paul. How is he? Did he sleep well? I asked to my self. He's on duty. It was Nine pm in the night. Media Noche na mamayang alas dose. I want to call and greet him, a Happy New Year.
Sumandal ako sa railings. Iniisip kong tatawagan ko ba siya o hindi. Maybe, duty pa siya at walang pahinga, o kaya naman, ay natutulog at maabala ko pa.
Naiisip ko pa lang na matutulog lang siya at walang kasama sa pagsalubong ng bagong taon ay nalulungkot na ako.
I sipped on my martini. Hindi malaman kong tatawagan ko ba siya o hindi. Napatingin ako sa loob kung saan nag sasaya ang lahat.
I pouted. I should enjoy the night too. I'm here to enjoy..
Naisip ko na batiin na si mama at papa ngayon pa lang dahil baka mamaya ay wasted na ako at hindi na makausap ng maayos.
I dialed Papa's number. Ilang segundo lang ay sinagot niya naman agad.
"Advance Happy New Year Papa!" I shouted. Wala naman makakarinig siguro sakin dahil lahat sila ay busy sa loob. " Aba! Pagkaaga mo naman bumati anak." ani niya sa kabilang linya.
"Syempre po! Mamaya lasing ka na at hindi na kita makausap no! Anjan po ba sila tito?" I asked to papa. Pag bagong taon kase ay laging tipon ang pamilya namin mula sa pamilya ni papa hanggang sa pamilya ni mama.
But when my brother's got married. HINDI na nakumpleto iyon. Kadalasan kase ay pag pasko samin sila mag-cecelebrate pero sa asawa naman nila sa bagong taon. Mini reunion kasi kami pag bagong taon.
Nagseselos na nga ako minsan eh! Hindi na ako yung dating princess kung ituring nila because they have a Queen now.
"Oo anak! Nagkakantahan na sila pati ang mama mo paos na naman to bukas, sa kakakanta!Sayang at wala ka dito para duet kayo uli!" galak na sabi ni papa. " Kayo lang ng mga kuya mo ang wala dito anak. Kailan kaya tayo makukumpleto uli." natahimik ako. Oh daddy! I want to experience that again! Pero hindi ko kayang sabihin yun. " Enjoy the night Pa! Pakisabi kay mama Happy New Year!" binaba ko na ang tawag. Napatitig ako sa phone. Lungkot at tampo ang bakas ng boses ni Papa. Nilukob naman ako ng guilt.
My two brother's are my best buddies! Nagseselos man ay wala akong magagawa they have family now. Tinatak nila sa isip ko na dapat isa ako sa mga babaeng matapang, malakas na kayang protektahan ang sarili. Hindi dapat ako maging mahina! Iyon yung tinuro nila sakin na dapat dalhin ko hanggang sa tumanda.
I texted Paul. I greeted him.
Someone grabbed my phone. Wala sa sariling napapunas ako ng mata ng matantong umiiyak na pala ako.
"I hate seeing girl's crying." isang malamig na boses ang nagsalita. Napaangat ako ng tingin sa lalaking nagsalita. He's topless. Wearing boardshort only. Nakasuksok ang mga kamay sa bulsa nito habang ang kanan kamay ay may hawak na canned beer. "Life is short. You should enjoy life. Less crying. Your friends is enjoying there. You should too young lady." sambit niya sa kalmadong boses.
Napatango na lang ako. I was so speechless not because of his words. This guy is making me speechless because of his perfectly looks.
Napaangat ako ng tingin ng ihagis niya sa dagat ang phone ko.
"Oh my God! My phone!" I hysterically said.
"I'll pay for it. But for now you should enjoy yourself first." he said.
He grabbed my hand. Nagpahila na lang ako sa lalaking ito. He's right I should enjoy the night!
To be continue.