Ilang araw na ng makaalis si Paul. Kagaya ng pinangako niya, pagdating niya sa nasabi nilang barracks ay tumawag kaagad siya. Kaso putol-putol ang linya. Kaya hindi din kami nakapagusap ng matagal.
Nagpaalam na din ako kay papa na babalik na ng Maynila. Matapos namin ipagdiwang ang Christmas Eve. Umuwi na din ang dalawa kong kuya sa kanilang mga bahay. At ako ay nanatili pa ng 2 araw para makasama pa si mama at papa.
Nagsabi din ako na sa Maynila ko na ipagdidiwang ang Bagong taon. Nangako din akong tatawag ako sa kanila sa oras na iyon. Hindi naman kalayuan ang Bulacan sa Maynila. Pero nakapangako ako kay Ryssi at Jaira na sasama ako sa kanila.
Ang sabi ni Jai ay magpapathrow ng yacht party sa may subic ang kaibigan niya. After ng New Year. Nagpaalam din naman ako kay Paul bago siya umalis.
Mahaba haba ang biyahe ko pa- manila sa tollways palang ay pagkahaba haba na ng pila. May aksidente ng banggaan , kaya nahirapan na maalis agad.
Pagka park ko ng sasakyan sa basement ay doon ko lang naramdaman ang pagod. Hinubad ko ang jacket na suot, sinampay ko iyon sa kamay. Pinindot ko ang remote para mag lock ang sasakyan ko.
Bumukas ang elevator at pumasok ako doon. Bago sumara iyon ay pumasok ang isang lalaki. Sa pagod ay hindi ko na inabalang tignan ito. Pinindot ko ang 9th floor.
Pagkabukas ng elevator ay naglakad agad ako papunta sa Room namin.
Bubuksan ko palang ang pinto ng biglang may kamay na nauna doon. Pumasok ang lalaki at hindi na nag abala pang lingunin ako uli.
Sumunod ako sa loob. Nandoon na naman ang napakaraming mga kaibigan ni Jai at Ryssi. Ginawa na nilang club ang unit ko.
Actually, rent to own ang unit na ito. Hindi ko pinaalam sa kanila na rent to own dahil maharlika ang dalawang to. Kaya sakin nakapangalan ang unit na to pag natapos. Habang sila ay nagbabayad sakin monthly ako naman ang makikinabang sa huli.
Pagod kong tinignan si Jai at Ryssi na lasing. Malalim akong nagpakawala ng buntong hininga. Ang kalat ng unit.
"Jai!" tawag ni Ryssi.
"Hmm?" Jai opened her eyes.
"Umuwi si Bri oh!" turo niya sa akin.
"Hala! Brianna bat di ka nagsabing uuwi ka?" tanong niya.
Napatayo silang dalawa ng mabilis ng pulutin ko ang mga kalat na nasa sahig. Sa pagmamadali ni Jai ay natabig ang basong malapit sakin.
Bumagsak iyon malapit sa kamay kong nagpupulot. Inangat ko iyon ng may makitang dugo. Tumili naman si Jai ng makita iyong nagdudugo.
Tsk! Oa.
"Sorry,Bri. Ang careless ko."
"It's okay. Hindi naman masakit." pagpapanggap ko.
Naagaw din ng atensiyon ang iba pang tao sa tili ni Jai at hindi ko namalayan na nakamasid na din sila. Pumasok ako sa kwarto at hinanap ng mata ko si Kylie. Nang makita niya ako ay winagwag niya ang buntot.
"Kelly." she barked and jumped at me. Kinarga ko naman siya at hinalik halikan.
"Did you miss,Mommy?" I asked.
She barked and licked my cheeks. I miss Kelly so much.
I showered. Sinusubukang mawawala ang pagod. It worked! Nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan sa katawan. I browsed my social media app for a while, habang inaantay na makatulog.
It's already seven when I woke up, Naabutan ko si Jai at Ry na nag-aagahan sa kitchen.
Ryssi is holding her head. Maybe hangover, while Jai? Tamang lamon na naman ang gaga!
"Hangover?" tanong ko sakanila.
Tumango ang dalawa.
Nagsalin ako ng tubig sa aking baso at umupo na din sa upuan.
"I'll cook sopas, if you want?para mabawasan yan sakit ng ulo niyo." alok ko sakanila.
Tumango naman sila. Well! I am the cook here.
"It's December 31 right?" paalala ko sakanila. "What about the yacht party? Tuloy pa ba?" tanong ko sakanila. Habang nag aasikaso ng nga sahog sa sopas.
"Yeah! I forgot that one. Thanks for reminding, Bri." Ryssi. Isa siya sa mga taong kilala kong napaka pala-kaibigan. Hindi nauubosan ng okasyon!
"I'll go, Ry!" Jai giggled.
"Akala ko ba uuwi ka?" tanong ni Ryssi.
Nakikinig lang ako sakanila habang nandito sa kitchen.
"I want to see Maximus Leight! The famous International coach slash Captain!" kinikilig pang aniya.
"How 'bout you, Bri?"
"Me?" tanong ko. She nodded. "Cuz, I promised! I'll come. So I will!" dagdag ko pa.
"Uh-huh." Ryssi. " Mr. Leight is so tempting! Oh my God! I saw him in one of my friend's party. I thought, I'm gonna squirt that time! When his coffee brown eyes met mine, I squirted already."
Halakhakan ang namayani sa buong unit. Natawa na din ako. Ryssi and her exaggerating words.
Wala akong ideya sa tinutukoy nila. Pero sigurado akong makalaglag panty ang lalaking iyon. Jaira and Ryssi has a good taste in boys! Hindi sila pumalya sa mga ganun.
Sinalinan ko naman sila sa mangkok ng mainit na sopas, at naupo na din sa lamesa para makakain.
"Brianna, nag-cheat ka na ba kay Paul kahit once?" kuryusong tanong ni Jai.
"No."
"Why?" dagdag ni Jai.
"I don't know." I shrugged. " I can't imagined cheating to someone, especially to Paul." dagdag ko.
Tutok ang dalawa sa mga salitang binibitawan ko. "Pero ayoko magsalita ng tapos eh! Why?" I asked.
Napalunok naman si Jai ng titigan ko. Binalingan ko si Ryssi ng nagtatanong na mga mata. She just shrugged.
"Wala naman! Natanong ko lang."
"What if, Kung si Paul pala ang nagcheat sayo?" Ryssi suddenly asked.
Mas matanda ako sakanila ng isang taon. Kaya siguro iniisip nilang mas may karanasan ako sakanila.
Hello! Hindi naman ako ganun katanda para tanungan nila ng kung ano-ano.
But
Truth hits me!
What if , Paul is cheating on me?
"Well! Wala akong magagawa. Kung pinagtagpo lang kami pero hindi tinadhana, I'll accept it. Baka may magandang plano si Lord." I smiled.
"Mamaya bigla kang kidlatan jan, Bri. Wala kaming magagawa pag kinuha ka jan ni Lord."
"Kulang ka lang sa pagpag at ambon ni Paul. Magpahinga ka pa at baka kunin ka pa ni Lord isa pang banggit mo sakanya."
Pag tatlo kaming magkakasama puro tawa, halakhak lang ang nagagawa namin. Kaya pag may mga gawain sa school, kanya kanya kaming tago sa kwarto dahil alam naming wala kaming matatapos pag magkakaharap kami.
To be continued...