Hikaru πΉ
Kaasar 'tong si Rukia parang timang lang. Hindi nagbabago ang simpleng pang asar niya sa 'kin. Paiyakin daw ba ako? 'Yung matagal kami bago magkita, tsaka marami kaming pinagdaanan. Tapos ganito ibubungad niya sa akin? Buti nalang ang bango-bango parin niya. Kagaya pa rin ng dati.
Sinamahan niya akong mamili. Tahimik lang ako habang hawak niya ang kamay ko. Kinikilig ako ngayon, gosh di ba teenager lang kinikilig. Bakit parang teenager parin ako kung kiligin. Hindi siguro nawawala 'yun lalo na kung taong mahal mo ang ka holding hands mo. Hay, ang sarap talaga hawakan ng kamay niya, ang init tulad ng pagmamahal ko sa kaniya. Achuchu.
Daming napapatingin sa amin, o si Rukia lang ata ang tinitignan. Nakasabit na sa damit niya ang sunglass niya na black. Kaya mas nabibigyan pansin ang bawat magagandang bahagi ng kaniyang mukha.
Matangos ang ilong, makinis ang pisngi niya na medyo mamula mula. Mapulang mga labi. Magandang ayos ng kilay at kulay light brown. Napaka gwapo sarap ibulsa, at ipagdamot sa mga nakaka kita. Naramdaman niya siguro ang titig ko sa kaniya kaya bumaling siya sa akin ng naka ngiti.
"Halatang miss na miss mo ako ha?"mapanukso niyang wika.
Napanguso ako at nagkunwaring hindi naman. "Parang hindi naman, pinag iisipan na kita kung paano sasaksakin"
Napatawa siya sa sinabi ko. Bakit ganiyan siya pati pagtawa niya parang ang gwapo. Kaya kanina hindi ko gaanong nakilala ang boses niya dahil medyo lumalim na ito. Marami na rin ang nagbago sa pangangatawan niya nag mature kung baga. Lalong nadefine ang katawan niya. Dati ng malaki ang katawan niya at may pande-padesal panga. Eh baka mas maayos na ang pandesal niya ngayon? Pwede kayang tikman? Ay tignan pala. Ano ba 'yang mga pinag iisip mo Hikaru. Kaya iba ang nangyayari dahil diyan sa mga kahalayan mo.
"Ows talaga ba? Parang iba ang nararamdaman at nakikita ko?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
"Lakas mo na mang asar ngayon ah..parang dati napaka tahimik mo?" Nakatingin na ako ngayon sa daan. At tumigil sa mga bilihan ng mga baboy at gulay. Magluluto kasi si mama ng menudo ngayon at chopsuey. Ang iba naman ay itatabi sa ref. Kaya medyo marami ang bibilhin ko ngayon. Buti may taga dala ako.
"Syempre may nagturo lang naman sa akin ng mga kakaibang salita na dati ay hindi ko alam. At malakas mang asar nahawa ako sa kaniya" sagot niya.
"Ano 'yun sakit? Grabe ka sakin My Rukia. Nakakasakit ka ng damdamin." Umakto ako na tila nasasaktan. Napakapit pa ako sa dibdib ko. Tinawan lang ako ni Rukia. Grabe iba na talaga siya ngayon.
"Ikaw talaga" sabay yakap niya sa akin at hinalikan ako sa noo. Biglang ganoon ano ba 'yan di ako handa. Napakalas nalang ako ng yakap dahil narinig kong kinikilig ang tindera. Nakakahiya, nasa palengke nga pala kami. Biglang nagiging malambing 'tong si Rukia. Halatang miss na miss ang ganda ko. Chos!
Pumili na lang ako ng bibilhin baka masaktan ko 'tong si Rukia sa pagpapakilig. Kainis!
Kung alam lang nito hindi niya kailangang gawin 'yan para kiligin ako.
Nakaka sabik din pala ang ganito. Iyong pinapakilig ka ng taong mahal mo. Sa haba ng panahon na nag kahiwalay kami hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Lalo siguro 'yun nadagdagan dahil lagi ko siyang hinahanap hanap noong mga panahon na wala siya sa tabi ko. Tapos iniisip ko kung anong ginagawa niya, namimiss niya din kaya ako? Mga ganoong bagay.
Kagaya ng ganito, magkasama na namimili. Madalas ay sa mall kami pumupunta dati. Magkahawak kamay. Nagkukwentuhan, pero madalas ay tahimik lang siya. Kakausapin lang ako kapag may tinatanong ako sa kaniya. Kaya naninibago talaga sa mga kinikilos niya ngayon. Ano kaya ang ginawa niya sa mga nakalipas na panahon?
Ako kasi noong mga panahon na nawala siya. Pinilit ko ang sarili ko na gumising araw araw. Dahil lagi akong puyat kakaiyak. Awang awa sa sarili ko at hinihiling na sana kasama ko siya, sa bawat pag iyak ko. Sa bawat saya ko, sa bahat achievements na nangyari sa akin.
Marami akong gustong ikwento sa kaniya. Gusto kong punuin ang mga oras na hindi kami magkasama. Gusto kong gawin ang mga bagay na dapat kong gawin ayoko na ulit maulit ang nangyari sa nakaraan. Nakaka wala ng katinuan.
Kaso napakalas ako sa pagkakahawak ko ng kamay sa kaniya ng maalala kung bakit kami naghiwalay. Nagulo nanaman ang takbo ng isip ko. Napaangat siya sa akin ng tingin dahil sa pag hila ko ng kamay. Nagtatanong ang mga tingin. Nginitian ko nalang muna siya bago nagbayad sa ale para sa mga pinamili ko.
Nag umpisa na siyang magtanong nang nakaalis na kami at nasa dulo na ng palengke. Wala ng masyadong tao doon.
"My Hikaru, galit ka ba sa'kin?" Tanong niya. Umiling lang ako dahil hindi naman talaga ako galit, may naalala lang ako.
"Mamaya nalang natin pag usapan ha? Mamili muna tayo." Tumango naman siya dahil wala naman siyang magagawa. Hindi niya ako pinipilit sa mga bagay na ayaw ko dahil. Open naman ako sa kaniya sa mga gusto kong sabihin. Kaya hindi niya na ako pinipilit, dahil madalas ako na 'yung nagkukusa.
Gusto ko kasi sa isang relasyon ay walang nililihim at open ang kuminikasyon namin. Dahil iyon ang pangunahing dahilan kaya nasisira ang isang relasyon dahil sa mga lihim at mga hindi sinasabing hinanakit o kung ano pa man. Sa kaso namin ay iba ang dahilan kung bakit kami nag hiwalay. Dahil pareho naman kaming open sa isa't isa. Wala kaming lihim sa isa't isa. Sa daldal ko ba naman na ito lahat na yata ng tanong ay naitanong ko na sa kaniya. Lahat naman ay nasasagot niya.
Pwede na nga daw akong reporter eh. Dami ko daw tanong. Malamang paano mo makikilala ang isang tao kung hindi mo tatanungin 'di ba? Alanganing magtitigan lang kami. Naku pwede din, kaso ako hindi yata ako tatagal. Sa aming dalawa siya pwede pa kasi madalas ay tahimik lang naman siya.
Kaya nakaka panibago ang kadaldalan niya ngayon pati na ang pagiging PDA niya. Mahiyain siya dati, ngayon namiss niya yata ng sobra ang kagandahan ko. Wala naman akong palag beh go lang.
Natapos na kami sa pamimili, kaya inaya ko na siya sa pag uwi sa bahay namin. Baka atakihin si mama sa puso kapag nakita niya ulit si Rukia. Kahit ako naman talaga ang may kasalanan sa isang sikretong hindi niya pa alam. Pag uwi namin malalaman na niya. Tapos boom! Surprise, tapos si mama magagalit. Hindi ko alam bakit parang masaya pa ako sa mangyayari.
Dahil siguro mababawasan na ang nakadagan sa dibdib kong mga pangamba at mga suliranin. Sana pagkatapos nito makahinga na ako ng maluwag. Bakit kasi nahihirapan akong huminga, gayong hindi naman kalakihan ang dibdib ko para mabigatan ang kalooban ko. Ano nanaman pumapasok sa isip ko. Hirap talaga pag maganda, tapos mana pa ako sa mama ko may saltik. Charot lang, pag nalaman ni mama na inaasar ko siya. May pingot nanaman ako panigurado. Mahilig manakit 'yan si mama. Pero love ko, napaka maunawain kahit na nauubos na ang pasensiya.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay. Nag alangan ng bahagya si Rukia kung papasok ba o hindi pero wala naman siyang nagawa kundi tumuloy din dahil siya kaya may dala ng iba kong pinamili.
Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ng kusina ay tumakbo na ang munting prinsesa ng bahay namin.
"Mama! Pasalubong ko po?" Sabi niya sabay pout ng maliit niyang labi. Ang kyut talaga ng munting bulilit na ito.
Naramdaman ko ng matigilan si Rukia at napatitig sa munting bulilit. Naramdaman di nito ang tingin sa kaniya. Akila Jireh ang pangalan ng munting prinsesa namin at apat na taon na. Nilapag ko muna ang mga pinamili namin sa kusina, pati narin ang dala ni Rukia dahil literal siyang hindi na nakagalaw at nakatitig nalang kay AJi. Nagkibit balikat nalang ako at inayos ko na muna ang mga pinamili ko. Naglalaba pa siguro si mama sa likod.
"Hello po, ako nga po pala si Akila Jireh. Ikaw po ano po ang pangalan mo?" Inosenteng tanong ni AJi kay Rukia.
Bumuka ang labi niya para magsalita ngunit naitikom nalang din at napaluha nalang siya sa halo halong emosyon. Napatingin siya sa akin para sa kumpirmasyon. Ngumiti lang ako at tumango sa kaniya. Alam kong ganito ang magiging reaksyon niya. Hindi ko napansin na napaluha narin pala ako nang yakapin niya si AJi.
"Bakit niyo po ako niyayakap, tsaka bakit po kayo umiiyak? Huwag na po kayong umiyak. Ang pogi niyo pa naman ito po lollipop 'wag na po kayong umiyak sayang po ang kapogian mo" napatawa ako sa huling sinabi ng anak ko. Mana talaga, wala akong magagawa diyan.
Pinunasan na ni Rukia ang luha niya at nginitian si AJi. Puno ng emosyon ang mga mata niya habang nakatingin dito. Pareho sila ng mata ni Rukia, amber ang kulay ng kanilang mata kaya hindi maitatangging anak niya ito.
"Ako naman si Rukia Jireh Rockbell" pakilala niya. Nanlaki ang mata ng anak ko at napatakip pa sa bibig niya. Napaiyak na rin ito ng may maalala sa binanggit na pangalan ni Rukia.
"Pangalan po iyon ng papa ko sabi ni mama. Ibig po bang sabihin na kayo po ang papa ko?" Nakangiti at tumango naman siya dito. Kaya naman napayakap at umiiyak na ngayon si Aji.
Ito ang eksena ng pumasok si mama sa loob ng kusina. Iba na agad ang timpla ni mama, agad niya namang hinila si Aji sa pagkakayakap sa papa niya. Na ikagulat nilang pareho.
"Aba't bumalik na pala ang walang hiyang lalaki" mataas agad ang timbre ng boses ni mama. Kaya binulungan ko si Aji na doon muna sa taas, sa kwarto ng tito Harold niya. Sabi ko mamaya ay mamamasyal sila ng papa niya. Kaya naman sumunod agad ito. Ayokong marinig niya ang pag aalburoto ni mama.
Tumayo sa pagkakaluhod si Rukia. "Pasensiya na po kayo, hindi ko po alam na may anak po kami ni Hikaru" nakayuko niyang sambit.
"Pagkatapos mong iputok ay hindi mo alam? Aba'y magaling!" Agad kong inawat si mama, dahil kung anu-ano nanaman lumalabas sa bibig kapag galit. Kaso walang epekto kaya hinayaan ko nalang.
"Kasalanan ko ma, hindi ko po sinabi sa kaniya dahil may kinakaharap siyang problema noon. At noong nalaman ko din ay wala na kaming komunikasyon noon ma," Pag awat ko kay mama. Bago pa lang kami nagkita ulit ni Rukia. Tapos ganito na agad hayy.
"Eh ikaw naman kasi babae ka, hindi mo rin napigilan ang kakatihan. Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag munang gagawa ng milagro. Pero hayon at may trope pa. Ang galing niyo pareho at naging MVP kayo sa laro niyong shoot the ball?!" Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa mga hirit ni mama.
"Mama naman..."
"Huwag mo akong ma mama-mama!" Tumaas ang kilay niya at sinamaan ako ng tingin. Kala ko ba kay Rukia siya galit. Bakit sakin naman napunta ang galit niya. Ma ako ang anak mo, pero sige na nga sa akin ka nalang magalit mahal ko 'yan eh.
"Asus mama, sa ating dalawa nga parang ikaw pa ang ina ni Aji kung makagalit ka diyan. Eh parang siya na nga ang anak niyo simula sinilang ko 'yun" pagbibiro ko kay mama para gumaan ang atmosphere, masyadong heavy.
"Oh, e ano ngayon? Eh mas cute siya sa'yo" tignan mo 'to si mama saltik talaga. "At bakit iniiba mo ang usapan magaling na babae? Hindi pa ako tapos diyan kay Rukia. Tatamaan talaga sakin 'yan pag walang matinong sagot! Grabe ang hirap mo noon sa pagbubuntis kay Aji, tapos anong ginagawa mo magaling na lalaki ng mga panahon na 'yun?" Daig pa ni mama ang reporter sa mga tanong niya eh.
"May mga inaasikaso lang po ako noon." Kinakabahang wika ni Rukia. Halatang hindi komportable sa galit na itsura ni mama. Dahil palagi itong magiliw sa kaniya dati na akala mo ito talaga ang anak. Kapag inaaway ko nga si Rukia dati pinapagalitan ako ni mama. Kala mo siya ang anak, kinakampihan. Ngayon siya na ang ginigisa kawawang Rukia. Galingan mo nalang ang pag sagot sa interview baka pumasa ka sa ikalawang pagkakataon.
"Katulad ng ano? Aber" tumaas lalo ang kilay ni mama aabot na yata sa kisame namin sa sobrang pagkakataas ng kilay. Habang naka krus ang mga braso matalim ang tingin kay Rukia. Kaya nakailang lunok si Rukia dahil sa kaba kay mama. Hindi ko alam kung bakit naaaliw pa ako sa sitwasyon. Dahil siguro kilala ko na 'yan si mama pag napaliwanagan naman ay agad naman niyang tatanggapin. Lalo na kung katanggap tanggap naman ang paliwanag. Kaya galingan mo Rukia, times 2 'yan ng pagiging reporter ko. At aakalain mong nasa presinto ka para magpaliwanag sa dami ng follow up question hanggang macorner ka...
Dahil tiwala naman ako kay Rukia makakalusot siya sa mga tanong ni mama. Go Rukia, Go, Go, Rukia... Shems bakit may cheering.
"Katulad po ng ano... ng... Kasi..." Hindi siya makahanap ng sasabihin kay mama kaya nakailang hingang malalim siya. Kaya nilapitan ko na at hinawakan ko ang kamay. Napatingin siya sa akin at nginitian ko naman para magkalakas siya ng loob.
Tumalab naman dahil nag umpisa na siyang magkwento. Kung bakit kami naghiwalay, ano ang mga nangyari sa kaniya sa mga nag daang panahon. Sa haba ng kwento niya naisipan naming umupo muna, kaso kumalam na ang mga sikmura namin kaya tumigil muna siya sa pagkukwento. Inumpisahan ko ng magluto dahil si mama parang nahapo yata sa mga nangyayari. Kaya ako na ang nag gayat tinulungan naman ako ni Rukia. Marunong na pala siyang magluto, dati kasi ay hindi.
Hindi nakatiis si Aji ay bumaba siya. Si mama muna ang nag asikaso sa kaniya. Pero panay ang tingin sa papa niya na halos ayaw ng alisin ang kaniyang paningin dito. Dahil kung malingat siya ay baka muli itong mawala.
"Umalis po kasi kami ng bansa upang samahan po ang dati kong girlfriend na si Eleonora. Buntis po siya ng mga panahon na 'yun at ako daw ang ama. Kaya kahit ayokong sumama sa kaniya ay wala akong magagawa kasi ipapalaglag niya ang dinadala niya. Hindi nga ako nakapag paalam man lang kay Hikaru dahil napaka possessive niya ayaw niya akong paalisin. At marami po siyang body guard. Marami ang nangyari sa nagdaang taon. Hindi siya totoong buntis, ginamit niya lang na dahilan 'yun para hindi ako umalis sa tabi niya" tumigil muna si Rukia magkwento upang punasan ang luha niya. Kakatapos lang namin kumain ngayon.
Nagpatuloy siya sa pagkukwento, tumikhim muna siya tsaka nagpatuloy. "Kung pwede ko lang ulit ibalik ang nakaraan mas pipiliin ko na makasama si Hikaru at ang magiging anak namin noon. Dahil naging impyerno ang buhay ko sa kamay ni Eleonora..."
ππππππ
βMegumiJβ