Hikaru
Nagmamasid ako sa malayo sa hindi makikita ni Rukia. Edi sila na pupunta ng Canada di ba? Mapapa sana all nalang ako. Parang may hinahanap si Rukia dahil palinga-linga siya. Hinahanap ba niya ang kagandahan ko na di niya makita kay Eleonora? Asus, kung hinahanap mo pala edi balik kana sa'kin 'wag ka ng umalis...
Huminga siya ng malalim, halatang labag sa kalooban niya ang gagawin.
Tinatawag na siya ni Eleonora, ngayon ko lang nakita ng personal ang babaita. Nakaka insecure nga naman ang kagandahan ng isang 'yun. Mukhang manyika, 'yung manyika na si Eleonora. Maganda pero nakakatakot, Leonora pala yaan niyo na katunog naman. Medyo malaki na nga ang tiyan niya...
Wala eh bitter lang ako...
Sa sandali kasing ito talong talo ako... Hindi ko mapigilan ang mapaluha lalo na ng tumalikod na siya at sumunod kay bruhilda.
Bakit ganito parang may nababasag sa loob ko. At hindi ko namamalayan na kinukuha niya din yata ang puso ko papalayo. Dinadala niya din papalayo sa akin, naging dahilan para mamanhid ito at wala ng maramdaman kundi kalungkutan. Sobra... Ang tanging naiwan ay ang marka nang nagdaang gabi sa amin. Pagkatapos ng sarap 'yan hirap, sabi nga ng matatanda.
Tinanaw ko si Rukia hanggang sa hindi ko na matanaw kahit ang dulo ng damit niya. Pilit ko mang pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa lalo na ng nag tinginan ang tao sa paligid ko.
Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Naalala ko ang mga panahon kung saan ko siya unang nakitang nakahiga...
Nakahiga siya sa gilid ng kalsada noon eh. Bakit ba mukha niya ang naalala ko kapag nasa gilid ako ng kalsada. Marka niya na ata 'yun.
Naalala ko pa nga noong dinala ko ang hinubad niya ng gabing iyon. Syempre bago dinala sa kaniya ay sinukat ko muna at nag selfie ako sa vanity mirror kong kulay lavender at may maliit na LED lights sa gilid, oh diba feeling artista ako. Ganda talaga ng lahi namin. Kaso madalas iniiwang luhaan.
Anong silbi ng ganda kung maharot ang kalaban hindi ba? At siya din naman kasi ang una, at may trophy na sila. Hayy. Jusmeng buhay 'to, magpagulong nalang kaya ako pauwi. Tinatamad na akong umuwi, lintik na luha naman kasi ito ayaw tumigil sa pagpatak. Pahiran ko man ng ilang ulit bumabalik parin talaga, parang pagmamahal ko sa kaniya. Masakit na nga sa mata masakit pa sa puso. Nakakainis namang buhay 'to, minsan ka nga lang mag mamahal kinuha naman agad sa'yo. Ang mas masakit kung kelan mahal na mahal ko na siya...
Parang gusto ko nalang maglaho sa harapan ng mga tao. Bakit ba kasi sila tingin ng tingin? Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang umiiyak? Maganda pa ba ako sa lagay na 'to. Kahit hindi na ako maganda basta ba bumalik na lang sa akin si Rukia ko...
Ang sakit ng dibdib ko, parang hindi ako makahinga. Nanlalabo na ang paningin ko dahil puno na ng luha ang mga mata ko. Magkikita pa kaya tayong muli My Rukia?
Kung magkikita pa kaya tayo mahal mo pa rin kaya ako?
Pwede pa kaya muling maging tayo?
Kasi kung papipiliin ako, ikaw parin ang pipiliin ko.
Walang araw at gabi akong hindi umiiyak. Lagi akong kinukumusta ni mama na panay pag iling at tanging pagluha ko nalang nagagawa ko. Si mama ang naging sandalan ko sa bawat paglipas ng araw. Si Harold ang pinagdadala niya madalas ng pagkain kasi alam niyang hindi ako titigilan ng kapatid ko hanggang sa ubusin ko ang pagkain. Ang sungit pa naman tuwing inuutusan akong kumain. Kala ko ba ako ang ate dito? Bakit parang siya pa ang mas matanda sa amin.
"Ate kung magpapaka tanga ka, 'wag mo naman araw-arawin. Hindi porket libre ay magpapaka tanga kana. Alagaan mo naman ang sarili mo, dahil kahit anong iyak mo diyan wala ng magbabago sa sitwasyon mo. Hindi matatapos ang pag inog ng mundo dahil iniwan ka ng taong mahal mo. Ipakita mong malakas ka at hindi talunan. Hindi mo kinaganda ate, lalo kang pumapangit. Tsaka maawa ka naman kay mama, kailangan na niya ng makakatuwang sa buhay. Kakapasok mo lang ng trabaho, sinasayang mo at ma Awol ka lang." Sarap sampalin kapag ganiyan ang mga payo sa'yo ano? Masakit na nga ang katotohanan eh. Kaso ayoko namang manakit mas okay na ako nalang ang nasasaktan.
Bakit ba duma drama ang buhay kapag nasasaktan? Hindi ba malaking joke nalang 'yun? Joke lang muna kasi masakit na. Joke lang kasi 'di ko na kaya. Joke lang, Time freeze muna kasi hindi ko na alam kung saan ko pa sisimulan. Sa sobrang sakit, gusto ko na lang tumitig sa isang sulok at magbaka sakaling panaginip lang ang lahat ng ito.
Nakaka asar lang kasi 'di ba, magmamahal ka, ibibigay mo ang lahat lahat sa'yo tapos in the end hindi rin naman pala kayo? Nakaka bitter. Kaya ngayon alam ko na kung bakit maraming bitter kapag nasasaktan.
Paano mo pa sisimulan ang lahat, kung halos naibigay mo na ang lahat-lahat sa'yo?
Paano kapa ngingiti kong siya ang naging dahilan kung bakit ka masaya noong nakaraan?
Paano pa ako iibig, kung siya lang ang gusto kong ibigin?
Hindi ba parang hirap na yatang sundan ang bawat parte at bawat pang yayari kapag ganiyan. Lalo na itong kwartong ito na saksi sa lahat ng umpisa naming dalawa?
Dahil sa pag momoment ko dito hindi ko napansin na masama na ang tingin sa'kin ng kapatid ko, pero kahit ganoon heto siya at pinapa hiran ang luha ko. Masungit siya, pero di niya kayang makitang lumuluha ako at nasasaktan. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgol ako sa dibdib niya. Wala siyang ginawa kundi haplusin ang likod ko hanggang sa tumahan ako.
Napa buntong hininga nalang siya. "Sige na ate, alam kong kaya mo 'yan. Malalagpasan mo din ang lahat ng iyan. Tandaan mo nandito lang kami ni mama." Pagkasabi niya noon ay iniwan na niya ako.
Hinayaan kong muling maglandas ang mga luha ko hanggang sa wala ng matira.
Pinapangako ko sa sarili ko na huli na ito. Kailangan kong magpaka tatag. Hindi ko dapat hayaan na kainin ako ng lungkot. Tapos si Eleonora masaya? Hindi ko kinaganda. Baka magdiwang 'yun kapag nakita niyang pumangit ako porket iniwan ako ni Rukia.
At syempre syempre hindi ko hahayaan 'yun. Hindi ako pinalaki ni mama para maging talunan. Marupok, pero di talunan. Ganoon dapat Hikaru.
Pumasok na ulit ako sa trabaho para malibang ako at hindi ko maisip ng gaano si Rukia. Pasok sa umaga, iyak sa gabi. Kapag gabi na hindi ko mapigilan na hindi siya maalala. Ang hirap niya namang kalimutan...
Ano kayang ginagawa niya? Masaya na kaya sila ni Eleonora. Nanganak na kaya siya? Babae kaya o lalaki ang anak nila? Sino kaya mas kamukha, si Rukia kaya?
Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Bakit ba siya parin ang tumatakbo sa isipan ko. Pakialam ko ba kung sino ang mas kamukha ng magiging anak nila. Ang saklap naman ng ganito.
Humiga ako sa kama at napatulala sa kisame habang inaalala ang bawat sandali namin noong mga panahon na siya ang nasa sitwasyon ko. Wasak. Brokenhearted. Nababaliw. Frustrated. Kala mo sira na ang mundo kung makaiyak. Dati binibiro biro ko siya noong tinatanong niya ang pangalan ko.
"Akila Hikaru Austin. Hikaru nalang. Okay lang 'yun. Sa susunod naman kasi magtira ng pang uwi. Ubos na ubos eh"
Bumulong siya, hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko. "Tulad ng pagmamahal ko sa kaniya ubos na ubos. Nalimutan kong magtira para sa akin" humuhugot, ay may pinagdaraanan nga.
"Ikaw ano pala name mo, kuyang ubos na ubos?" Hindi ko talaga mapigilan 'tong bibig ko sa pang aasar.
Bumuntong hininga lang siya at tumingin sa akin. "Rukia Jireh Rockbell. Nice to meet you Hikaru" pilit siyang ngumiti at nilahad ang kamay sa akin. Kaya kinamayan ko siya.
Tapos ngayon sakin naman nangyayari 'no? Bakit hindi nagtira Hikaru 'yan ubos na ubos din. Shemay na pagmamahal 'yan bakit na uso pa. Ang sarap kumuha ng tali... Tapos magkabit ng duyan, matulog mag hapon. Malay mo sa pagtulog ko makalimutan ko na siya or worse baka doon masaya kami...
"Oh ito na 'yung gamit mo. 'di ko ginamit 'yan, bakit ko naman gagamitin 'yan di ba? Oo tama bakit ko naman gagamitin ang gamit mo?" Ano ba 'yan bakit ba ako nauutal nakakahiya. At ano bang pinagsasabi kong walang kwenta. Para kang timang Hikaru.
Sino naman kasi di mauutal sa isang 'to. Naka long sleeve na itim at manggas ay naka rolyo hanggang tapos naituck-in niya sa medyo hapit niya slacks at na sapatos pa na itim. Ang formal, pero ang gwapo. Shems gusto tumili ng mga cells ko sa katawan.
"Wala naman akong sinsabing ganoon, miss Hikaru." Bahagya siyang nangiti.
May nakakatawa ba sa sinabi ko? Teka wala ba siyang tinatanong na ganoon?
"Ah wala ba? May sinabi ka yata. Tsaka teka nga 'yung damit ng kapatid ko nasaan? Hinahanap na ng masungit na kapatid ko 'yun. Bilisan natin baka may makakita sa aking chismosang kapit-bahay." Natawa siya sa akin mukha ba akong nagbibiro? "Anong nakakatawa?"
"Ikaw. Andami mo na agad sinabi.
Ito oh, dinala ko na. Libre kita, para kapalit sa pag tulong mo sa'kin." Naka ngiti niyang alok sa akin.
Hmm. Mukhang tempting 'yung alok niya. Parang siya ang tempting. Tamang tama mainit ang panahon. Tumango ako bilang pag sang ayon sa kaniya.
Sumakay kami sa naka parada niyang itim na Ford. Yaman naman, nahiya ang kagandahan ko na sumakay. Binuksan niya ang pinto ng shot gun seat. Kaya wala na akong magagawa kundi sumakay. Napaka gentleman naman pala.
Bumaba kami sa malapit na restauran. RESTAURAN! My gosh, gusto ko himatayin. E 'di siya na mayaman. Nakakahiya naman ang suot ko. Para lang akong tatambay sa kanto. Akala ko naman kasi diyan lang kaminsa tabi tabi. Kaso sinong niloko ko, eh naka sasakyan kami tapos sa tabi tabi kakain 'di ba?
Naka short at naka mahabang damit lang ako na may tatak na 'Hey, wanna ride?' charot! May print na mukha ng dog.
Napatingin ako sa suot ko, ganoon din tuloy ang ginawa niya. "Anong problema?" Tanong niya.
"Nakaka hiya naman. Mukha akong katulong mo dito sa suot ko. Okay lang ba 'to?" Kasi talagang para lang akong naglilinis ng restauran na ito. Mukhang mamahalin ang mga kagamitan dito 'no. Lalo na ang mga nakapalibot na chandelier sa taas. Ang ganda ng pagkakaayos ng mga lamesa. Tapos ang romantic ng paligid dahil sa ambiance ng paligid. Black, white and gold ang theme ng paligid ng restauran na ito. Nagpadagdag pa ang mabining musika ng mga musiko.
Pilit niyang pinipigilan ang ngiti niya ng marinig ang sinabi ko. Dinaan nalang niya pag ngiti. Kala mo kina gwapo niya. Kainis! Konting ngiti ngiti niya lang bakit parang may mga paru parong gala ang naglalakbay sa tiyan ko. Bakit naman kasi ang gwapo ng isang 'to!
"Ayos lang 'yan. Still, it cannot less your beauty. You are beautiful." Bakit bigla nanaman siyang bumabanat ng ganiyan. Kaasar 'yung puso ko bakit parang kinikilig. Dapat cool ka lang Hikaru. Jusme dami ng nagsasabi sa'yo niyan dapat sanay kana. Pero kasi hindi ko mapigilang kiligin. Nakakasar ka Rukia. Simpleng compliment lang 'yun eh. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sumagot.
"Tss. Porke't maayos lang suot mo at bagay sa tema nitong restauran okay lang sa'yo" napigil ang balak niya sanang pag sagot sa akin. Dahil sa staff yata or someone, kasi naman ngayon lang ako nakapasok sa restauran. Pasensiya niyo na ang dukha.
"May reservation po kayo?" Tanong nitong si someone.
"Wala, but can you take us a table for two?" Sabi ni Rukia.
"Yes sir, please follow me." Iginiya niya kami papunta sa dulo.
Pagkatapos ay umupo na kami at tumingin na sa menu kung ano ang dapat namin kainin. Kaso lalagnatin yata ako sa presyo ng mga pagkain, siguro naman masarap at marami ang serving ng bawat pagkain dito ano? Hmm.. 'yung medyo mura nalang ang pinili ko para 'di naman masyadong nakaka hiya. Kaso ang pinaka mura nila ay 1k, mura na ba 'to?! Gosh. Dalawa o tatlong linggo ko na ata itong pambaon eh. Nawalan na yata ako ng gana na kumain.
"Ahm, juice nalang. Tama, juice nalang sakin." Sabi ko ng kasamang mahinang tawa.
"Nope, okay I will order for you. Don't worry for the price, this is my thank you for you. Tsaka you risk yourself for helping me. Paano pala kung masama tao ako, tapos tinulungan mo?" Tanong niya. Oo nga 'no? Ano ba pumasok sa isip ko, bakit ko ba siya tinulungan? Baka kasi gwapo siya? Hay nonsense. Basta na feel ko lang kasi ng mga panahon na 'yun na kailangan ko siyang tulungan.
Then, 'yun nga tinulungan ko siya.
Sinabi niya ang order doon sa kumukuha ng order. Ilang minuto lang ay nilapag na ang mga order sa harapan namin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil mukhang masarap naman 'yung mga pagkain o maiinis dahil alam kong ang mahal ng pagkain tapos ang konti lang ng serving nila?! Jusme naman. Nakakainis naman yata 'yun.
Madami naman siya Inorder.
Hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga ito eh. May serving na may mga gulay sa gilid at puting sauce na klase ng ulam. May ulam din na maganda ang pagkaka ayos. May desert din. Nakakatakam tignan. Hindi ko napansin na habang mangha ako sa pagtingin sa mga pagkain, may isang tao din palang mangha na nakitingin sa akin. Kaya ng napatingin ako sa kaniya ay parang nahiya yata siya at nag kunwari na 'yung pagkain ang tinitignan niya. Cute mo Rukia sarap mo ibulsa akin kana lang. Charot na may konti harot lang naman.
Habang kumakain kami tinatanong ko siya kung ano ba pinagkaka abalahan niya sa buhay. Nagte-training daw siya sa company ng Daddy niya. Wow yaman. Sana all may company.
Siya daw kasi ang mag mamana ng kanilang kompaniya. May nakaka tanda pa siyang kapatid na lalaki pero nag abogado ito kaya siya ang mag mamana. Ayos lang naman daw sa kaniya at willing naman siya. Marami pa kaming napag kwentuhan tungkol sa buhay buhay namin.
"Naku nung high school nga ako nakakaasar 'yung mga nanliligaw sa'kin. Parang mga ewan. Kung hindi basagulero eh mahilig mag cutting. meron pa noong fourth year ako gangster naman. Ewan ko ba habulin yata ako ng trouble eh." Sabay kaming natawa. Bakit ganito 'yung puso kapag naririnig ko siyang tumatawa. Gustong gusto ko ang tunog ng tawa niya tapos hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya.
Masyado mo naman inaakit ang puso kong nanahimik.
Siya naman ang nag kwento tungkol sa past relationship niya. Dahil ako wala naman akong maikukwento kundi tungkol sa mga nangligaw sa akin. Mga badboy ang mga nagtangka. Good girl attracts the badboy's heart ba talaga?
"I have three relationship. First is when I'm in my grade 9, we are bestfriend since our elementary days. Birthday ko noon may mga pakulo ang mga pinsan at mga kaibigan ko noon. Ang walang pamatay na truth or dare na laro. Ang twist ay kailangan mong sabihin ang secret mo o dare.
Matindi ang mga dare nila kaya pipiliin mo nalang ang tell a secret. Kaya ng tumapat ang bote kay Annie, my best friend. Pinili niya ang tell a secret. Kaya 'yun pinagtapat niya na gusto niya ako. Pareho kami ng nararamdam dati. Kaya simula noon ay niligawan ko siya at sinagot naman niya ako."
Tapos na kaming kumain, iniwan niya lang ang bayad niya doon sa maliit book yata 'yun.
Pumasok na in kami sa sasakyan niya. Nagpatuloy siya sa pagkukwento habang nagda-drive ng kotse niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Tumigil kami sa isang bahay. Jusme! Hindi pa ako handa...
"Nasaan tayo?" Tanong ko. Malapit kami sa tabing dagat. May fully furnished na kubo na nakatayo malapit sa board walk. Then na amaze ako ng inalalayan niya ako sa may hagdan na gawa pala sa glass. I dunno what to feel. Lalo na ng naglakad kami sa glass floor papunta sa may kubo. Feeling ko mahuhulog kami, kaya dahan dahan lang ako maglakad. Buti nalang din at may railings dito na pwedeng kapitan. Napaka elegente naman tignan ng kubo na 'to. May nakapaligid na led light sa bandang bubong, sa buong paligid ng mga railings pati narin sa glass floor. May mga halaman at bulaklak sa harapan. Napaka ganda. Lalo na makikita mo ang bawat waves sa ilalim. Lalong nag paganda ang mga bituin at ang buwan. Sinasabayan ng mabining simoy ng hangin pang gabi.
"Ilang babae na ang nadala mo rito? Infairness ha. Napaka romantic and peaceful naman ng lugar na 'to." Sabi ko habang minamasdan ang kagandahan ng paligid. It feels like I'm at some magical place and shining under the shade of the moon. The moon brighten so bright. The star twinkle brighter. I feel like I want to be here forever. It so serene and peaceful. Napapa english tuloy ako. Sobrang ganda kasi. Kapag titignan mo din ang dagat nagrereflect ang kalangitan dito na tila gumagalaw dahil sa mga mahinang waves ng karagatan.
Para akong bidang babae sa mga magical na palabas kaso mo nga naka t-shirt, short at naka white rubber shoes lang ako. Para lang akong sasayaw sa tiktok.
"Truth to be told, you are the first one. I dunno but I feel comfartable with you." Bahagya siyang ngumiti. Ito style din eh, harot din ng pasimple.
Pumasok kami sa loob. Wow, mas lalong maganda ang loob ng kubo. The floor is also a glass kaya kita din ang ilalim ng dagat, mukha naman matibay kasi may mga bakal at may mga malaking kahoy na pundasyon. Tapos ang loob ang may mga led light na kulay blue and violet na nagpapaganda sa reflection ng loob. At may parte din sa bubong na glass lang taas doon yun sa dulo kung nasaang parte ang higaan. May higaan sa lapag sa kalapit nito ay may maliit na bookshelves at may maliit na side table. Sobra akong naamaze kaya nawala sa isip ko ang presensiya ni Rukia. May sarili ding kusina at may banyo din. May nakita akong pintuan binuksan ko. Papunta pala ito sa kabilang bahagi ng kubo. May dalawang upuan, lamesa, may mga halaman sa bawat palibot ng kubo. Nakaka amaze pa may nakita akong mga succulents na nakalagay sa ibat ibang kulay na bote tapos na iilawan ng led lights sa bandang ilalim. Ang ganda ng reflection. Tapos may hanging sofa sa pinaka dulo. Napaka ganda naman sa lugar na ito. Sino kaya ang may pakana nito at bibigyan ko ng reward. Para kasing panaginip.
Kung panaginip man ito huwag niyo na akong gisingin pa...
—MegumiJ—