Chapter 6 - CHAPTER 5

Sandra's POV

Napansin kong wala si Gabriel kaninang afternoon class namin, may nangyari kaya dun?? Hmm

Tapos na ng klase namin at ngayun ay papunta ako sa park kung saan magkikita kami nina kuya..

"UYY BESPAR!!"

"Ayy payatot" sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko, shotang payatot na tuh bigla na lng manggugulat -_-

"Sinong payatot ha?" Tanong niya at saka ako sinakal gamit ang kanyang braso

"W-wala b-bitawan mo nga ko!! Di ako makahingaaa!" Hingal kong sambit saka siniko ang tagiliran niya

"Aray! Mas masakit yun ah!" Sigaw niya habang dinadaing ang sakit nung ginawa ko hahahaha bagay lng sa kanya yan nuh

"Ba't kasi bigla bigla ka na lng sumusulpot ha"

"Alam mo kasi bespar diba ililibre mo ko ng milktea??" Sabi niya at inakbayan ako

"Milktea?? Kelan ko sinabi??" Tanong ko at napahawak sa baba ko habang nag-iisip

Kumalas siya sa pag-aakbay sa akin saka naghalukipkip habang nakanguso....luhh bakla ata tuh ngena

"Hmppt nakalimutan mo na agad yung pangako mo kanina, di kita bati!" Sabi niya na parang bata at tumalikod sa akin

"Luhh para kang bakla dyan par, oo na nga lika na libre kita milktea" sabi ko sa kanya at ayun ang laki ng ngiti tas patalon-talon pa, isip bata rin amp

Una na akong naglakad papunta sa park para magpaalam kina kuya...Habang papalapit ako sa park ay nakita ko si kuya matt na nakikipag-away...Shutaa ba't nakikipag-away yun!

Dali-dali akong lumapit at inawat siya

"Anuba kuya! Tumigil nga kayo!" Pumagitna ako sa kanila at hinawakan naman nina Khen si kuya Matt, hinawakan rin nung mga kabarkada nung lalaking kasuntukan ni kuya

"Ba't ba kayo nagsusuntukan ha!" Sigaw ko sa kanilang dalawa

"Yang kapatid mo eh! Nang-iinsulto!" Sagot nung lalaki habang dinuduro si kuya...Etong kuya ko naman, napikon kaya susugod sana kaso humarang ako

"Anu ba kasi ginawa mo kuya! Wala pang isang linggo nang magsimula ang klase tas nakikipag-away ka na!" Sigaw ko sa kanya habang hinihilot ang sentido ko...Hayss parang ate na ako nito maygashh

"Hayss magsiuwian na lng tayu, kung ano man ang kasalanan ng isa't isa ay limutin na, maliwanag?" Kalmang sabi ko sa kanila kaso parang nairita yung lalaki

"Hoy! Transferee ka lng dito hindi principal kaya wag kang mangealam sa di mo away" pabalang na sabi nung lalaki....Ginagago ako nito ha, hayss sadyang kailangan ko pang ipakita yung malademonyo kong side para lng katakutan ako maygudness @-@

Tumikhim muna ako para pakalmahin yung sarili kaso mas ginagalit ako ng mokong na tuh eh

"HOY SUMAGOT KA!" Sigaw niya sa akin saka ako tinulak...di na ko nakapagtimpi at nilabas yung patalim ko at tinutok sa leeg niya..

Napaatras ang mga kasama niya at napatahimik ang lalakeng 'to, Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at makikita sa mukha niya ang takot

"Kinausap na kita ng maayos diba? Pero bakit gusto mo pang humantong sa ganito? Gusto mo ba talagang mamatay?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang mas nilalapit ang patalim

"S-sorry, d-di na m-mauulit. Just please p-put down that k-knife" utal na sabi niya at nakikita kong nanginginig na siya sa takot

Since mabait naman ako eh inalis ko na yung patalim sa leeg niya at tinago muli sa secret pouch ko

"Sa susunod na awayin mo mga kuya ko o kahit man sa mga kaibigan ko, gigilitan ko mga leeg nyo. Maliwanag?" Sabi ko sa kanya at sila'y tumango...Sinenyasan ko sila na umalis at ayun kumaripas ng takbo bwahahahahaha

"NOICE JOBU!" Sigaw sakin ni Khen at inakbayan ako

"Galing talaga ng bunso namin" sabi naman ni kuya ace at ginulo ang buhok ko

"Kuya naman! Ang gulo na ng buhok ko" sabi ko sa kanya at inalis ang kamay niya. Umalis na sa pagka-akbay sakin si Khen at tinignan ko ng masama si Kuya Matt

"Hayss basagulero ka talaga kuya" sabi ko saka paulit-ulit na umiling

Napasinghal na lng siya at unang umalis

"Ahh mga kuya magpapaalam sana ako, pupunta lng kami ni Liam sa ZT kaya mahuhuli akong uuwi"

"Sige basta wag ka masyadong magpapagabi ha?" Pagpapaalala ni kuya Tyrone sakin

"Yes po kuya!" Sabi ko sabay saludo, natawa naman sina kuya bwahahahha

"Oh yan na yung susi mo" binato naman sakin ni kuya Ace yung susi ko, siya kasi humahawak ng lahat ng susi namin para walang magcutting class..

Sinalo ko naman ito at umalis na kami ni Liam, pumunta na kami sa parking lot at nagtaka ako kung bakit siya sumakay sa kotse ko eh may sarili naman siyang sasakyan

"Uyy uyy ba't dito ka sa sasakyan ko? Eh diba may kotse ka naman?" Tanong ko sa kanya at napamewang habang nakataas ang isa kong kilay

"Ehh di ko nadala ngayun, hinatid lng ako ni manong Isko kanina" sabi niya at napakamot sa batok niya

"Hayss sige na nga, pasok na" pumasok na kaming dalawa at pinaharurot ito papuntang ZT

******

3 minutes at nandito na kami, hehe drag racer kaya ako....para naman siyang bakla kanina na sumisigaw dahil sa nerbyos bwahahahaha

Nandito kami sa pinakadulo kung saan merong mahabang sofa at katapat lng ng aircon

"Oh yan na order mo" sabi ni Liam sabay abot ng inumin ko...Green Tea Iced Tea Green Apple yummmm

Nagsimula na kaming uminom at naisipan kong buksan yung nahulog na papel kanina...Inabot ko yung bag ko at nilabas yung libro

"Ano yan cass? At bakit ang luma niyan?" Tanong niya at parang sinusuri ang libro

"Di ko rin alam eh, nahulog lng tuh kanina aa library kasama ng isang lumang papel kaya dinala ko na lng" sagot ko at hinanap yung papel

Nakuha ko na nito at sinimulang buksan ito, pero nagulat ako kung ano ito..

Isang larawan ng isang section pero may nakasulat sa baba nito

"Isang grupo ng matatalik na magkaibigan ang tumutulong upang mapanatiling maayos ang paaralang ito. Matibay ang kanilang pagkakaibigan sapagkat may tiwala sila sa isa't isa....ngunit dahil sa pagmamahal ay nawasak ang kanilang pagkakaibigan at nagsimula ng matinding away sa pagitan nila...Pero maaari pa itong maayos sa pamamagitan ng kanilang--" napatigil ako sa pagbabasa dahil sa punit na bahagi nito...hmmm ba't napunit yun haysstt

Naguluhan si Liam sa mga sinabi ko at tinignan ang larawan

"Ehh?? Si mom yun oh!" Sabi niya at itinuro ang isang babaeng nasa labing siyam siguro ang edad nito...Inusisa ko at oo nga! Si tita Caroline yun

"Eto naman yung papa mo oh!" Sabay turo sa lalaking nasa dulo at nakaakbay pa sa isang lalaki

"Omaygad! Si Dad nga yaann, means class picture nila ito" sabi ko at napasapo sa bibig ko, maygudness talaga ghorll ba't ngayun ko lng nakita tung class picture nila...suweird

"Connected ba yan sa mission mo?"

"Baka nga, pero sino ba yung magkakaibigang yun? Kailangan kong tanungin si Dad tungkol dito" sabi ko saka tinago na muli sa bag ko

"Anong oras na par?" Sabi ko at napatingin naman siya sa relo niya

"6:30 pm na"

"Ano uwi na tayo?"

"Geh uwi na tayo, may assignments pa pala tayo sa Science at Math haysstt" sabi niya habang nanlulumo...shimss science? Di ako nakinig sa lesson namin kanina eh

"Patulong naman sa science par tas tutulongan naman kita sa math, Bet?"

"BETT! Arat naa" sabi niya at hinila ako palabas...hayss kahit kelan talaga isip bata tung bespar ko

Hinatid ko muna siya sa kanila at saka umuwi narin..

Dumating nako at pinagbuksan naman ako ni manang nang gate saka pinarada sa garage yung kotse ko...Pumasok nako at nadatnang kumakain na sina kuya pero wala si dad

"Oh andyan ka na pala Cass, ba't antagal mo?" Tanong ni Kuya Ace habang kumakain

"Eh tinuruan ko pa ng Math si Liam kuya" pagsisinungaling ko naman at pumunta na sa kwarto para magbihis at kakain narin ako

Umupo ako sa tabi ni Khen at sinimulang kumain..

"Kuya asan pala si Dad?" Tanong ko at inabot yung adobo, yummyy adobo

"May mga paperworks pa daw siyang dapat tapusin kaya baka mamaya pa siya uuwi, bakit?" Sabi ni kuya Tyrone

"May tatanungin sana ako kaso bukas na lng" sabi ko at tinapos kumain...una nakong umakyat sa kwarto ko para gawin ang mga  assignments ko

I opened my social media and biglang nagring yung phone ko, tinignan ko at si Liam pala yun...gustong mag-vc kami amp

*Answer Call*

["Uyyy Cass!"] Sabi niya ng napakalapit ng mukha niya sa screen

"Oh bakit?? Nue ba yun??"

["Diba tutulungan mo ko sa math"] sabi niya at pinakita yung math book namin... ayy oo nga pala hayss nakalimutan ko na naman

"Aytss oo nga pala, geh kunin ko lng yung book ko para makapagsimula na tayo" tumango siya at kinuha ko naman yung bag ko sa tabi lng ng kama ko

"Oh nakuha ko na magsimula na tayo par" sabi ko at inuna namin yung science...buti na lng magaling magturo tung bespar ko, mga 30 mins lng namin sinagutan yun tas sunod naman yung math..

Habang nagsusulat ako ay bigla siyang nagsalita..

["Ahh oo nga pala Cass, sabi ni ate uuwi raw siya sa sabado"]

"Si ate Mich?? Di na siya busy sa Korea?" Tanong ko at kumuha ng pagkain sa mini ref ko....yahh may mini ref ako kasi palagi akong gutom at ayaw kong lumabas ng kwarto ko pag gabi..

["Gusto niya raw ipasyal yung anak niya dito sa Pinas kaya ayun uuwi siya and she told me inbitahan kang magsleepover diteeyy"] pagpapaliwanag niya at para siyang bakla nung sinabi niya yung sleepover Bwahahahah

"Ehh?? Hmm sige magpapaalam ako kay Dad bukas kung pwede hehizz" sabi ko at nag-thumbs up kaming dalawa...

9:30 na nung natapos namin yung math at pareho na kaming nag-off...Hayss nu kaya yung napunit na part nung pic? Kelangan ko talagang alamin bukas..