Sandra's POV
Kakatapos lng ng presentation namin and papunta na kami sa cafeteria. Galing pala ni Gab, buong presentation siya lng yung nageexplain tas siya pa sumasagot sa mga questions nila. Alam niyo yung role ko? Tagalipat lng ng slides amp.
"Gab-kun, sama ka na samin mag-lunch!" Sigaw ni Hiro at inakbayan si Gab.
Di na lng siya umimik at nagpahatak kay Hiro. Pagkapasok namin ay agad kong natanaw sina kuya at lumapit sa kanila.
Nakita kong nakatalikod si Khen kaya dahan-dahan akong lumapit para gulatin siya.
"HOY BABAERO!!" sigaw ko sa tenga niya at nagulat siya
"AY IMPAKTA!" Gulat naman niyang sigaw at napatawa kaming lahat. Tumingin siya ng masama sakin.
"Sinong tinatawag mong babaero ha?!"
"Eh ikaw, sinong tinatawag mong impakta ha?!" Tinignan ko rin siya ng masama at parang may kuryente na dumadaloy sa mga titig namin
"Hep! Hep! Awat na" pumagitna si kuya Matt samin at hinarap ako.
"Heyyy Little Brother, what's poppin yooww" parang rapper na tanong niya sakin
"Nothin' mehn, just want to get your permissions" ginaya ko siya at natawa naman kami.
Lumapit sina Gelo samin at pinakilala ko sila sa mga kuya ko.
"Mga kuya, tropa ko nga pala!"
"Wow, may mga katropa ka na agad kambal ha" pang-aasar sakin ni Khen
"Sugoii! You look so similar to each other" manghang sabi ni Hiro habang tinuturo kami ng kambal ko
"Yeah we are! 'cause he's my twin!" Inakbayan ko si Khen kahit mas matangkad siya ng onti sakin.
"Why do you need our permissions for?" Singit naman ni kuya Ace kaya humarap ako sa kanya.
"Liam and Ate Mich invited me to have a sleepover later. Can I go Kuya??" Sabi ko at nagpuppy eyes sa kanya.
"How many days?"
"Maybe 3 days since its weekends"
"Okay. You can go." Sabi niya at nalipat ang tingin niya kay Liam.
"Look after her, okay? Don't let her drink any alcohol." Maotoridad na bilin niya. Di na ngako umiinom ih.
"You can count on me, Kuya Ace." Sabi niya at nagpaalam na kami para kumain.
As usual si Gelo ang mag-oorder ng foods namin at tutulongan siya ni Hiro. Umupo na kami sa table namin which is nasa dulo kung saan malayo sa ibang student at tahimik.
"Ano, susunduin ba kita mamaya?" Tanong ni Liam
"Samahan mo na lng ako. Mabilis ko lng naman kukunin yung mga gamit ko" sagot at ngumiti sa kanya.
Dumating na sina Hiro at nilapag yung mga order namin.
"Hey Ian! We're celebrating Gelo's birthday tomorrow. Wanna come?" Tanong ni Hiro
"Sure! Anong oras ba?" Pabalik kong tanong at kinain yung graham cake ko...Yummy!!
"7 pm at our apartment," Ahh magkasama pala sila sa iisang apartment. Very very close siguro sila.
Tumango na lng ako at bumalik sa pagkain.
*****
"Goodbye Class, don't forget your homework." Paalala ni Sir Jeff samin at nagpaalam na kami.
"Tara na bespar!" Hinatak ko si Liam palabas para makaalis na kami.
"Hinay-hinay lng sa paghatak par! Baka bigla akong mahulog sayo.." narinig kong sabi niya pero mahina yung huli. Mahulog? Saan?
"Huh?? Anu sabi mo par?"
"Wala. Ang sabi ko baka mahulog ako sa hagdanan sa kakahatak mo sakin" mahinahong sambit niya kaya binitawan ko siya. Kawawa naman pag nabalian siya ng buto, wala nakong kasama magtraining sa pit.
Nasa parking lot na kami at sumakay nako sa motor ko. Pinaandar ko na yun at umalis na kami. Nag-unahan pa kami pero wala paring makakatalo sakin!
Dumating na kami sa bahay at pinark na lng sa labas yung motor ko. Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko para kunin yung mga gamit ko. Wala pa sina kuya, baka may laban sila ngayon.
Nang makuha ko na ang mga kailangan ko ay mabilis akong bumaba at nagtungo sa gate.
"Bilis mo naman par," nang-aasar na sabi niya.
"I'm the flash kaya! Dadaan pala tayo sa 7/11, may bibilhin lng ako" nilagay ko na mga gamit ko sa kotse niya at umalis na kami.
Dumaan kami sa 7/11 at mag-isa akong pumasok. Pumunta ako sa Alcohol section at kumuha ng San Miguel Beer, mga 5 cans lng naman. Kumuha narin ako ng maraming chutchirya at ice cream. Nagtungo nako sa counter para bayaran 'to.
"Sir, hindi kami pwedeng magbenta ng alak sa minors" sabi ng cashier. Shet naka-uniform pala ako, gusto ko pa naman ng alak.
"Pinapabili ni Matthew Monteverde yan miss. Lagay mo na lng daw sa card niya." Pumayag naman siya since suki na si kuya dito, binigay ko yung card number niya at kinuha yung binili ko. Sana di ako pagalitan ni kuya neto hehe
Nilagay ko ulit sa kotse ni Liam yun at pumunta na kami sa bahay nila. Sakto naman at kararating rin nila Ate Mich, bumaba nako at niyakap siya.
"Hi ate Mich!" Masayang bati ko sa kanya.
"Oh Myy, Sandra ikaw na ba yan? Mas gwapo ka pa sa personal ha" namamanghang sabi niya at sinuklian yung yakap ko. Kumalas ako ng may nakita akong batang babae na lumapit kay ate.
"Ahh eto nga pala yung anak ko. Say Hi to your unnie Sandra" sabi niya dun sa bata at nahihiya namang humara sakin.
"Annyeong unnie sandra, nice to meet you" mahinang bati niya habang pinaglalaruan ang laylayan ng dress niya. Lumuhod naman ako para magkapantay kami, hinimas ko ang buhok niya at ngumiti.
"It's nice meeting you as well! What's your name?"
"I-It's Sheyna Min Park" pagpapakilala niya at ngumiti rin sa kin.
"Wow! Cute name! Want some upsies?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Binuhat ko siya at sumabay na kay Ate na pumasok, bahala na si Liam sa mga dala ko Bwahahaha!
Pagkapasok namin ay agad ko siyang binaba sa sofa, she's very light for a 3 year old.
"Sandra! Lika dito sa kusina, bigay ko na yung pasalubong mo." Dali-dali akong pumunta sa kusina nila at biglang nagslow-mo lahat ng makita ko yung korean bbq....Yummyy samgyupsaall
Nasira yung daydream ko ng makatanggap ako ng batok.
"Aray! Ba't mo naman ako binatukan par!" Sigaw ko sa kanya habang hinihimas yun
"Kaw kasi! Bumili ka ng alak eh kabilin-bilinan lng ni Kuya Ace na huwag kang iinom. Tas naglalaway ka pa diyan oh!" Sabi niya at pinunasan yung bibig ko, shemss nakakagutom kasi yung bbq ihh
"We'll have samgyupsal tonight!" Masayang sabi ni Ate Mich at napatalon naman ako sa tuwa.
"YEEYYY SAMGYUPP!!" sumama naman si Sheyna sa pagtalon ko at napatawa sila samin.
*****
Kasalukuyan kaming nagsasamgyup ngayon kasama si Ate Mich at Kuya Mavi, wala yung Mama nila kasi may trabaho pa.
"Ba't di nyo kasama yung asawa mo?" Tanong ni kuya Mavi kay ate Mich.
"May business pa siya sa korea eh, kaya kami na lng ni Sheyna yung umuwi" sagot naman niya habang niluluto yung iba pang meat.
"Musta naman kayo baby brother? Ba't ka nga pala nagpakalalaki Sandra? Ang ganda ganda mo pa naman." Nanlulumong sabi niya at tumawa naman kami
"Ate babae parin ako nuh! Requirement ko kasi 'to para makapasok sa school ni tita kaya heto sobrang gwapo ko na." Proud kong sabi tas nagpogi pose.
"You're very handsome unnie!" Ancute naman ng batang 'to! Kinurot ko ng onti yung pisngi na nagpatawa naman sa kaniya.
"You're so cute Sheyna, I'll get you a gift tomorrow!" Nagningning ang mga mata niya sa tuwa at sabay kaming pumalakpak. Parang bumalik ako sa pagkabata Bwahahaha
Atlast natapos na kaming kumain at napagpasyahang matulog na. Tulad ng dati eh sa kwarto ni Liam ako matutulog, walang malisya naman since bespren na kami since birth kaya gora!
Kinuha ko muna yung pinamili kong foods para makapagmovie marathon kami. Tagal na nung last sleepover namin hayst
"Uy bespar! Nood tayo horror!" Inagaw ko yung remote sa kanya at pumili ng magandang horror movie.
"Cartoons na lng, baka di ako makatulog niyan." Sabi niya at pinipilit agawin yung remote. Duwag talaga tong bespren ko
"Sige basta may horror! Ah etong Caroline na lng, maganda 'to" pinindot ko na yung play at nagstart na yung movie.
Inilapag ko naman yung mga foods namin at yung pinamili kong alak. Binuksan ko yung dalawang can at binigay sa kanya yung isa.
"Iinom talaga tayo? Baka pagalitan ako ng kuya mo niyan ah." Tinanggap niya pa rin at tumango na lng ako.
Di naman ako nalalasing sa simpleng beer lng kaya yun.
"Tagal na nung last na nagsleepover tayo nuh?" Sabi niya at uminom ulit.
"Oo nga, namiss ko 'to sobra. Pati narin ikaw, namiss kita bespar!" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at sinuklian niya naman yun.
"Miss rin kita bespar! Lalo na't wala akong kakampi sa mga katarantaduhan ko." Natatawang sabi niya kaya hinampas ko yung braso niya.
"Ikaw talaga, puro katarantaduhan maygad!" Umiling ako habang tumatawa.
"Tulog na tayo par, may pupuntahan pa daw tayo bukas sabi ni Ate" sabi niya at nagumpisa ng magligpit.
"Sige." Simpleng tugon ko at unang humiga sa kama.
"Hoy Señorita! Di mo man lng ba ko tutulongan ditey? Nagkalat karin ah" natawa naman ako sa inasta niya. Yung totoo, bakla ba 'to? Amp
"Kaya mo na yan! Antok nako kaya Goodnights bespar! Mwaah." Nagflying-kiss na lng ako at unang natulog.