Sandra's POV
Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko sina kuya na nanonood ng movie sa sala.
"Oh Sandra ba't ngayon ka lng umuwi? Diba 7 pm yung sinabi kong curfew mo?" Tanong ni kuya Ace sakin, lumapit ako sa kanila at nakijoin narin sa pinapanood nila.
"Nagkwentuhan pa kasi kami ni Liam kuya eh kaya medyo natagalan ako" sabi ko sabay abot ng popcorn kay Khen.
"Wow nagdate pa kayo ni Liam haa, nagdadalaga na bunso namin yieee," pang-aasar naman ni kuya Matt sabay gulo ng buhok ko.
"Kuyaaa bespren ko lng si Liam and wala pakong time na makipagharutan nuhh," inayos ko ang buhok ko at di siya pinansin.
"Kuya Ace nandyan na ba si Dad?"
"Oo, nandun siya sa office niya bakit?"
"May tatanungin lng ako" sabi ko at tumayo na para puntahan si Dad.
Yung office niya eh nasa pinakadulong part pa ng 2nd floor namin, dun siya minsan nagtatambay kahit wala naman siyang trabaho. Very workaholic pala yung papa ko. Nasa tapat nako ng office niya at kumatok ako ng tatlong beses.
"Pasok." rinig kong sabi niya at pumasok nako. Pagkasara ko ng pinto ay iniangat niya ang kanyang tingin mula sa laptop.
"Oh ija ikaw pala yan, may kailangan ka ba?" isinara ang kanyang laptop at umayos ng upo.
"May itatanong lng po sana ako Dad, kahapon pa sana kaso di ka nakauwi," lumapit ako sa kanya at kinuha ang larawan sa bag ko.
"Tungkol po sa picture na 'to dad." iniabot ko sa kanya ang picture at tinanggap niya iyon.
"San mo nakuha 'to?" Sabi niya at biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Nahulog po yan nung nagreresearch ako sa library," paliwanag ko at umupo sa isa pang swivel chair.
"Well maybe its time for you to know about our history," tumayo siya at may kinuhang sa itaas na cabinet. Muli siyang umupo at binuksan yung box na yun..
"I once had a childhood friend, we were the same age, we lived in a same street, we went to the same school and eventually we did everything together," kwento niya at may nilabas na bracelet.
"This was a gift from him. Me, my bestfriend, your mom and your tita Caroline was my classmates in college. Naging magkakabarkada kami. We were inseperateable. But unfortunately things didn't go well as I thought it would be. Me and my bestfriend loved the same girl, and it was the start of our argument. Our friendship grew apart. But your aunt caroline was still one of our friends that's why you and Liam are childhood friends" mahabang kwento niya at isinara yung box, hmmm ano pa kaya yung laman nun...
"Ba't ngayon mo lng naikwento dad?"
"For your safety ija" tumayo siya at niyakap ako.
"Why dad? Nakakapahamak ba ang impormasyong yan?" Kumalas siya ng yakap tinignan ako ng seryoso.
"Yes, that's why I trained you to be the best. Always take care yourself, okay? You may look like a boy on the outside but you're still my daughter on the inside" niyakap ko siya
"I'll be careful dad, I promise" he patted my head at kumalas ako sa yakap
"Magdinner ka muna bago ka matulog" sabi niya at muling bumalik sa kanyang upuan
"Yes dad! Goodnight" sabi ko bago ako lumabas.
Nagtungo ako sa kwarto ko para magbihis. Hayss ba't classified ba yun? Berii konti lng talaga alam ko about sa family ko.
Pagkahiga ko sa kama ko ay biglang tumunog yung phone ko. Hmm sino kaya 'to?
Tinignan ko at unknown number. Hmm sino kaya tuh? Di ko naman binibigay kahit sino yung phone number ko eh.
~1 new message~
From: Unknown Number
Hey Christian, Its me Gabriel. Ano plano natin sa presentation natin bukas?
Huh?? Presentation?? Wala akong maalala na presentation! Ampp nagiging makalimutin na talaga ako T-T
Tinatamad akong magtype kaya tinawagan ko na lng siya..
~Calling Unknown Number~
[Oh?] Pabungad niya, di man lng hello amp
"Anong presentation ang sinasabi mo mehn??"
[It's about history.] simpleng tugon niya, Elsa na naman -_-
"Kelan yun iprepresent?"
[Malamang bukas.]suplado talaga hmp
"Halaa wala ako masyasdong alam sa history...may time ka ngayon? Maaga pa naman para magawa natin yung presentation" suhestyon ko at napaisip naman siya
[Mmm, okay. I'll be there in 5 mins.] pagkasabi niya ay binaba na niya yung tawag, di man lng nag goodbye antipatiko talaga -_-
Ayy kelangan ko pa lng magpalit ng panlalaking porma, nakasando at maikling shorts lng ako eh. Kinuha ko yung hoodie at jogging pants ko at nagpalit. Pagkatapos kong magpalit, narinig kong nagring yung doorbell..baka siya na yun. Agad akong bumaba at tinahak ang gate.
"Bilis mo mehn" sabi ko at pinagbuksan siya ng gate. Naka-jogging pants rin siya at plain black shirt tas naka-cap. Chill Vibes lng mehn.
"I'm only 3 houses away from yours" sabi niya at pumasok na.
Sa sala nalang namin gagawin yung presentation namin, baka kasi may makita siya na ikakabunyag ng sikreto ko.
Pagdating ko sa Sala ay naabutan namin si Kuya Ace na nagliligpit ng pinagkainan nila kanina. Nagulat naman siya na may bisita ako.
"Oh, may bisita ka pala?" Nagtatakang tanong niya.
"May tatapusin lng kaming presentation para bukas kuya." Paliwanag ko
"Hmmm, okay. Dito na kayo. Kuha na lng kayo ng meryenda sa kusina pag nagugutom kayo, Okay?"
"Okay po Kuya" sabi ko at umalis na siya.
Nakaready na yung laptop at ipad ko sa sofa kaya pinaupo ko siya dun.
"Start na natin para maaga rin tayo matapos," suhestyon ko at sumang-ayon naman siya.
Mga 20 minutes na kaming gumagawa ng mapansin ko yung galos sa pisngi niya. Di ko na napigilan yung sarili kong magtanong.
"Gabriel, napanu yang galos sa pisngi mo?" Nagtaka naman siya sa tanong ko at kinapa ang mukha niya.
"Yang kanang pisngi mo, may galos. Napaaway ka ba?" Nagsalamin siya gamit ang phone niya at nakita rin yung sinasabi kong galos.
"Just got into an argument around the street and they suddenly attacked me with a knife. But no worries, its just a scratch." Casual na sabi niya at pinagpatuloy ang pagta-type sa laptop.
Ibiniba ko muna yung ipad ko at pumunta sa kusina para kumuha ng meryenda namin. Kumuha ako ng tatlong pack ng Piattos at Nova saka kumuha ng juice sa ref. Kumuha narin ako ng band-aid para kay Gab.
Bumalik na ako sa sala at inilapag sa mini table yung meryenda namin, iniabot ko rin sa kanya yung band-aid.
"Thanks." Simpleng tugon niya at kinuha yung piattos.
Kumain muna kami bagi pinagpatuloy yung gawain namin.
~Time Passed~
Tinignan ko ang orasan at 10:15pm na pala. Mahigit dalawang oras na pala kami gumagawa nito. Sakto namang natapos na ni Gab yung part niya at nag-inat muna.
"What time is it?"
"Its 10:15"
"Ikaw na lng magcocompile niyan. I need to get home before 11 pm" sabi niya at nagsimula ng iligpit ang mga kalat namin.
Sinave ko muna yung akin at tinulongan narin siya. Mabilis kaming natapos at hinatid siya sa gate.
"Don't forget to bring it tomorrow." Pagpapaalala niya
"Yes, don't worry mehn." Sabi ko at tumango na lng siya. Sumakay na siya sa bike niya at umalis na.
Lapit lng ng bahay nila dito tas nagbike pa, tamad talaga maygad.
Pumasok nako sa loob at tinapos yun then sinave sa USB. Ginawa ko rin yung mga routines ko at before ako natulog, nilagay ko muna sa bag ko yung USB para di ko makalimutan bukas.
Basagulero rin pala yun amp. Maganda rin pala na siya yung kapartner ko, di siya pabigat katulad nung mga kaklase ko noon. Pero di ko parin masyadong bet yung vibes niya....Antipatiko eh.