Chapter 38 - Chapter 38

"Mom, who's that girl?" Turo nya sa kausap ng Daddy nya, hindi ko malaman kung bakit kinakain ako ng selos at kanina pa masama ang tingin ko sa babae na kausap nya.

"Your Daddy's friend, I guess" I just shrugged my shoulders at pinilit na lang na libangin si Raven gamit ang tablet nya at naglalaro ng car racing doon.

Nang matapos sila mag usap ay naka ngiti na sakin si Daven. Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka, kaya pinagtaasan ko sya ng kilay ko.

"What?" Sabi ko sa kanya at naupo na rin upang hintayin ang inorder naming pagkain sa Shakey's Resto.

"Don't be jealous, you're the only one I love," Napaiwas ako ng tingin doon, nag feeling teen ager at hindi man lang nahiya sa edad kong ito ay kinikilig pa rin talaga ako sa mga banat nya.

Magsasalita na sana ako ng dumating na ang order namin, kaya pinatigil ko na din si Raven at itinago sa bag ng Daddy nya ang tablet ay head set nya bago kami nagdasal bago kumain.

"Mom, Kailan ko po makikita sina Tita Irish at Tita Nicole?" Muntik na akong masamid doon, biglang kinabahan dahil kakaunti pa lang din ang nakaka alam na may anak ako.

"Hindi ko pa alam baby," Inayos ko ang buhok nya habang katabi ko sya sa kaliwa ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya kaya agad akong nag salita. "But don't worry, kakausapin ko ang mga Tita mo, okay?"

Nagliwanag naman ang mata nya at agad akong niyakap. "Yayy! Thanks Mom!"

Niyakap ko na rin sya pabalik at pinagpatuloy na rin nya ang kain nya. Napatingin naman ako kay Daven na nakatingin na sa akin, inaalam siguro ang magiging reaksyon ko.

Nginitian ko na lang sya, mamaya nalang siguro namin pag uusapan, dahil kinakabahan pa rin talaga ako kahit na alam kong matatanggap naman nila ang anak namin.

Nang maka uwi ay tinawagan ko si Xyria.

"Yes, Ate?" Kumunot ang noo ko dahil sa tamlay ng boses nito, hindi ko tuloy malaman kung pwede ko ba syang kausapin dahil doon.

"I'll accept your invitation," Sagot ko

"Great! See you in Saturday Ate!" Biglang sumigla ang boses nya, nag usap pa kami saglit bago ko binaba ang tawag.

"Are you okay?" Naramdaman kong may yumakap sa bewang ko kaya napa buntong hininga ako.

"Yeah, And I accept their invitation." Sagot ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko ang kasiyahan sa mata at may halong kalituhan doon.

"Are you sure?"

"I am," Napa buntong hininga ako. "Hindi naman natin pwedeng itago si Raven at alam ko naman na hindi na sya gagalawin pa ni Grey.

Si Grey ang pinaka leader sa kanila ni Mr Faller, at isang pinaka masamang damo sa lahat. Isa rin sya sa mga kinatatakutan dahil kinukuha nya ang mga batang pagala gala at doon dadalhin sa lugar nila upang pahirapan.

Ayun lamang ang tanging nalalaman ko, kaya natatakot ako para sa anak namin. Ngunit mas may tiwala ako kay Daven at sa sarili ko ay nabuo ang desisyon ko na ipakilala rin sya sa lahat lalo na sa kamag anak namin at sa buong Smith lalo na sa Pamilyang Gomez.

Paniguradong tatanggapin sya doon ng buong buo at mararamdaman din nya ang pagmamahal tulad ng pagmamahal namin sa kanya.

AT Saturday in the evening ay nag ayos na kaming tatlo. Minsan ko pang gustong bihisan sya ngunit ang rereklamo sya.

"Mom, I'm not a kid anymore!" Sigaw nya ng kumatok ako sa pinto ng kwarto nya.

"Are you sure, baby?"

"Yes, Mommy! I love you,"

Napangiti naman ako doon kaya hinayaan ko na rin sya. Nakakaramdam minsan ng lungkot dahil sa bilis ng pag laki nya. Kung bumalik lang siguro ang aking ala ala at hindi nagpaniwala sa kaibigan ko noon ay hindi mangyayari ito.

Iniwaksi ko iyon sa isip ko at nag ayos na rin bago lumabas ng kwarto namin. Nagkatinginan kami ni Daven at sabay na humanga sa isa't isa dahil sa ganda at ayos namin.

"I'm already done," Napahanga ako ng pati ang buhok nya ay naka ayos.

Walang halong gusot ang damit nito, naka polo itong puti at naka pantalon na itim. Hanga ako sa kulay ng anak namin pati ang makikinis na kutis nito. Mapupula ang kanyang mga labi at sa akin nya nakuha ang abo nitong mata. Sa kanyang ama naman nya nakuha ang tangos ng ilong pati ang itim na itim nitong buhok.

"Are you two ready?" Pa tanong ko sa kanilang dalawa at sabay naman silang lumingon sa akin.

"Yes, love" Sabay na sambit nila at hinawakan ng dalawa ang kamay ko bago kami lumabas ng bahay ng may ngiti sa labi.

A/N: Two more chapters before the Epilogue:)