Chapter 39 - Chapter 39

"The New Gomez Family! Welcome," Bati ng mommy ni Daven pagkarating namin.

Natatanaw ko na rin sina Irish, Aiseline, Xyria, Chloe at Krisha. Kumaway ako sandali ng matanaw din nila kami bago kausapin saglit ang mommy ni Daven.

Nagpaalam na muna ang mag ama ko bago kami natira ng Mommy ni Daven sa garden.

"Hay, Hindi ko aakalain na magiging kayo pa rin." Hinawakan nito ang mga kamay ko. "Don't ever leave again, okay? My Son will kill himself kapag nawala ka ulit sa paningin nya."

Hindi na ako nagulat doon. Ramdam ko ang pagmamahal nito mula una pa lang. Ngunit ng dahil nga ay wala pa akong ala ala noon ay binabalewala ko lamang iyon at nag f-focus sa misyon.

"Huwag po kayong mag-alala, Tita. Hindi na po mauulit iyon, at babawi po ako sa asawa at anak namin." Ngiti ko sa kanya at ngumiti naman ito pabalik kasabay nang pagyakap nya sa akin.

"Thank you, You can call me now a 'Mom'"

Tumango na lamang ako. "Thanks Mom,"

"Alright, now go to your future husband," Tumungo ako panandalian bago umalis.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko nang malaman kong tanggap pa rin nila ako. Hindi ko maiwasan ang pagiging emosyonal ko nang maka usap ko pa ang Daddy nya at ang mga kapatid nya.

"Don't cry na, My future Sister-In-Law," Ngising sambit ni Nicole kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Tears of joy to." Sambit ko na ikinatawa naman nya bago kumuha ng pagkain.

"Alam mo naman, palagi kang welcome sa amin kahit ilang taon ka pang nawala." Bumuntong hininga sya at humarap sa akin. "Natutuwa ako sa pagbabalik mo, dahil parang nagkaroon ulit ng kulay ang buhay ni Kuya ng malaman na pauwi kana dito. Hindi ko na rin kakayanin kung mawawala kapa at baka magpakamatay ng ang kapatid ko, halos hanapin ka nya, ngunit hindi ka ma track. Ginawa na rin nya ang lahat pero bigo pa rin sya."

Hindi ko aakalain na mai k kwento nya pa iyon ng nakatayo kami at nasa tabi ng mga pagkain. Natutuwa rin ako dahil sa pangalawang beses na nabigo sya at hindi nya ako pinagsawaang mahalin.

Wala akong pagsisisi na minahal ko ang isang Daven na ngayon ay patay na patay pa rin sa akin. Mas lalo nya akong minahal ng dumating si Raven sa buhay namin.

Matapos ang kinuwento nya ay bumalik na rin sya sa kanilang upuan. Isasama na sana nya ako ng may yumakap sa bewang ko, kaya naman nauna na rin sya upang puntahan ang asawa at anak nya.

"Are you hungry?" Tanong nito habang inaamoy ang buhok ko.

"Hindi pa naman, ikaw ba?" Paglingon ko sa kanya ay sadyang nagka dikit ang labi naming dalawa kaya naman lumayo ako ng kaunti at nag iwas ng tingin.

Huminga ako ng malalim at alam kong nakita nya ang reaksyon ko dahil natawa sya doon at niyakap ako ulit. Ipinikit ko saglit ang mata ko upang maikalma ang sariling puso dahil sa bilis ng tibok nito.

"Don't do that again, Okay?" Seryosong sambit ko ngunit may halong lambing iyon.

Hindi ko aakalain na mapapabago ako ng lalaking ito na nasa tabi ko at parang hindi ko na rin nakikilala ang dating ako noon.

"Okay, Babe" Hinalikan nya ako sa noo bago sya kumuha.

Napakunot ang noo ko ng ikuha nya ako ng sa akin. Napangiti sya sa reaksyon ko at hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kanya.

"I just want to do this things for you," Ngiti nya nang maalala ko naman ang nakaraan namin noon na halos sya na ang kumikilos sa aming dalawa.

"Okay," Pinagbigyan ko na lang din dahil gawain naman nya iyon. Kahit na may waiter ay hindi rin sya magpapa awat kaya naman nauna na ako sa pwesto namin bago lingunin ang mga bisita.

Nandoon ang kaibigan ni Daven at ang dalawang lalaking kambal. Natanaw ko si Chloe At Krisha na panay ang daldalan. Hindi na siguro mapaghihiwalay ang dalawa dahil palagi silang may kasama.

Nagbukod ng pwesto sila Mommy at Daddy pati na ang mga kapatid ko. Kaya naman sumabay na lang sina Xyria, Veil at Leigh sa amin upang mapuno ang upuan.

Pabilog iyon at may anim na upuan, sakto naman na dumating sila at nag beso muna kami ni Xyria bago sya umupo sa tabi ko.

"Hello,"

"Kamusta ka?" Tanong ko, at napansin ang kaunting pagbabago nya.

"I'm fine, I guess," Ngiti nito kaya naman lumingon ako kay Veil at tiningnan ang mga kamay nyang nakahawak kay Xy sa ibaba ng lamesa.

May binulong si Xy dito bago nya kinausap ang waiter at umalis. Itinuon ko na lang sa iba ang atensyon ko bago dumating ang dalawang lalaking mahal ko.

"Let's eat," Palakpak ni Leigh bago kami nag simulang kumain.

Nang matapos ay nagpaalam na muna si Xy na mag c cr kaya tumango ako ngunit nasundan din ang tingin ko kay Veil na umalis din upang mag cr.

Nilingon ko ang magiging asawa ko at nagkatinginan kami bago sabay na nilingon kung saan dumaan ang dalawa.

"I'm done, Mom!" Napalingon ako kay Raven ng maubos nga nito ang pagkain nya kaya naman napangiti ako doon.

"Good Job, Baby" Hindi ko magulo ang buhok nito dahil sa Gel na nilagay ng Daddy nya.

Nasa gitna namin sya kaya naman naka akbay lamang si Daven sa likod ng aming mga upuan.

Nang tumunog ang speaker ay naglingunan kami lahat doon makikita din sa ibang bisita ay hindi familiar sa akin at karamihan ay tapos na rin kumain tulad namin.

Nagsalita ang Emcee sa Stage at marami pang sinabi, bago lumabas si Mr and Mrs Melendes bago magsalita ang may katandaang lalaki at malakas ang kanyang appeal.

Nagsalita na muna ang nanay at tatay ni Xy bago sila umalis. Ngunit bigla na lamang ako nagulat sa sinabi ng Emcee.

"Please Welcome! Xyria Melendes and Mike Western, The new Engaged Couple of the Year!"