Risk and Forgiveness
Maaga pa akong gumising upang hindi ako malate sa klase. Kinumbinsi ko ang aking sarili na hindi na lang muna isipin ang ginawa ni Ken. Gusto ko siya sanang iconfront ngunit hindi ko pa siya kayang harapin. Naawa na ako sa aking sarili. I want to end our relationship. I want to end the pain that I'm suffering. But I still love him.
Pumasok na ako sa kotse at ang malamig na hangin nangagaling sa aircon ang agad na sumalubong sa akin. Kinuha ko ang akin airpods at agad na nagpakalunod sa musika. Music is my comfort zone.
Malapit na kami sa aking paaralan. Agad na sumalubong sa akin ang malaking unibersidad ng Ateneo. I'm really thankful and proud that dito ako nagaaral.
"Manong Caloy thank you sa paghatid, bye!" I bid my goodbye.
"Uyy Aina! Nandito kana pala!" masayang bati ni Reiner.
"Hi Rein! Umm ba't tayo lang ang nasa room?" I asked.
"It's 6:30 am Ains and what do you expect?" napagtantuan ko na ang aga ko pa palang pumasok. Usually pumasok ako mga 7:30 to 8:00.
"Sorry nakalimutan ko ang dami ko kasing iniisip" at nagreply ulit ang eksena sa aking harapan. Ang mga messages na nakikita ko sa kanyang phone. Gumawa pa ito ng second account para lang makapag-message sa kanyang ex. Ang sakit isipin na 2 years na pala akong napaikot niya sa kanyang mga kasinungalingan.
"Oh! Hi Ains, I'm so shocked na early kang pumasok?" salubong sa akin ni Jelyn.
"Hi Jelyn! Good morning" bati ko sa aking kaklase. Jelyn is pretty and kinda petite. She's smart but she's not really good at accepting defeat and she wants na siya lang ang nasa taas. First year college ay siya ang nangunguna but it turns out nanagch-cheat siya kaya dun na si Reiner nangunguna. Cheating is really bad. Relationship, education or politics.
"Jelyn nandito kana pala" si Reiner.
"Oh hi, una na ako, sige Ains" agad na nagpaalam si Jelyn sa amin at umupo sa kanyang pwesto malapit sa bintana.
"I think hindi pa rin tinatanggap ni Jelyn ang katotohanan" I said while facing Reiner.
"Siguro but still cheating is not the best solution in any problems. Masama yun ey" naalala ko na naman si Ken ngunit pilit ko itong iniiwasan. Siguro plano ngayon ng tadhana na ipamukha sa akin ang mga kasinungalingan ni Ken. "Mukhang malalim ang iniisip mo Ains ah" tukso ni Reiner at ngumiti na lamang ako.
Nagsidatingan na ang aming mga kakaklase pati na rin si Jessica. Nandito na rin ang prof namin. Mabilis lamang ang discussion at nagquiz pagkatapos.
"So sa cafeteria tayo?" tanong ni Jessica.
"Tara, gutom na rin ako" I said.
Agad kaming umorder ng usual naming kinakain. Jessica really loves cola and me apple juice okay na.
"Nagbreak na ba kayo ni Ken?" malapit na akong mabilaukan sa tanong niya.
"Wala talagang preno ang bibig mo Jess nu? Hindi ba pwedeng uyy kamusta kayo, break agad?" I exclaimed.
"So ano nga? Just answer my question lmao" she said while drinking her cola.
"I texted him and I said na nakita ko siya sa coffee shop. Hindi ko na hinintay pa yung text message niya or call, binlock ko na agad"
"Mabuti naman at ganyan pero mas maganda sana kung formal mong inend yung relationship niyo" hindi ko pa kaya at inaamin ko iyon. Duwag pa ako para harapin siya.
•••
Tapos na kaming kumain at napagdesisyonan namin na wag munang itopic ang about sa amin ni Ken. Palabas na kami ng cafeteria and I'm uncomfortable because of the stares na nanggagaling sa iba't-ibang estudyante.
Nagulat ako dahil isa-isa nila akong binigyan ng mapupulang rosas. Ang ganda ng mga bulaklak. Napapangiti ako dahil sa aliw at excitement.
Nakakapagod ngunit keri na. Ang bango-bango pa nito.
"84, 85, 86, 87, 88, 89, 100, meron pa?" tanong ko at tumango lamang ang nagbigay ng ika-100 na rosas.
Di ko na maabot ang aking hininga sa kakabilang ng mga rosas pero sige lang, kaya pa.
"Sino kaya? Nakakaexcite bes!" Jessica said while giggling. She's more excited than me.
"I don't know and I have no idea Jes" I said and continued to count all the roses.
"139, 140, 141, 142 hayst salamat. Umm sino ang-" I can't finished my sentence. Gusto kong kunin ang panghuling rosas ngunit hindi ko kaya. A man stood in front of me while holding a rose. A man with a broad shoulders and a defined jawline. A man that can make any girls beg for him. A man that can be compared to a Greek God. A man that I love the most. And a man that cheated in front of me yesterday.
"I'm so sorry Aina for what I did. I'm so selfish and I acted like an as*hole yesterday. I love you so much and I can't imagine myself without you" kinuha ko ang aking kamay na kanyang hinahawakan. I'm too weak. Hindi ko kaya. "Please, please Ains just give me one last chance. Please" he added.
Tumingin ako sa aking paligid. Mga estudyanteng nakatutok sa amin. Who wouldn't watch this kind of scene especially the captain of our football team is in front of me. Nahanap ng aking mata ang direction ni Jessica. She's not smiling. Agad itong nagiwas ng tingin.
"K-ken I really love you but it hurts. Ang sakit pa. Mahal kita ngunit ang sakit eh" I said. Gust ko pang bigyan ng isang chance si Ken dahil nagbabasakali ako na magbabago siya. "Pero gusto kitang bigyan ng isa pang pagkakataon pero hindi na tulad noon" agad niya akong yinakap at naghiyawan ang mga estudyante. Hinanap ko si Jessica ngunit nawala na ito. Gusto ko sana siyang kausapin ngunit nakayakap pa rin si Ken.
"I'm not going to do that again. I promised Ains and I'm seriously happy that binigyan mo ako ng pangalawang chance para itama ko ang lahat na pagkakamali ko" he said and smiled.
Sometimes you need to take a risk for love.