Chereads / Continuing the Past / Chapter 6 - Chapter Five

Chapter 6 - Chapter Five

Introduce

"Aina kuha lang ako ng isa pang libro. Yung connected sa Financial Accounting"

"Sige, dito lang ako" teka hindi naman ako nagpakilala sa kaniya ah.

"Thank God I immediately found it" sabi niya sabay upo at patong ng libro sa lamesa.

"B-Ba't alam mo ang pangalan ko?"

"Umm sa I.d mo miss Laurence?" tinuro niya pa ito. Another lutang moment ko naman. Ano ba!

"Ah sorry talaga- umm sino ka nga?" ba't ba hindi ako nakinig sa introduce yourself niya kanina? Siyempre dahil kay Jessica. Ano ba naman to!

He stared at me for a sec. Hayst, ang awkward talaga!

"My name is Dame Trevor Montellio" he introduced himself.

"T-trevor? Ang familar, never mind baka siguro ang sikat ng name mo pati na yung family mo"

"Baka nga" he said while smirking. I don't know but there's something in me na gustong matandaan kung saan ko siya nakilala. Ba't parang ang feeling ko napakaclose namin dati. Ba't parang nakilala ko na siya dati pa? Ngunit saan or kailan? Lala na talaga ng imagination mo Aina!

Mabilis lang ang oras at hindi ko namalayan nahanap ko na pala lahat nng topic na sinabi ni Prof.

"Aina, tapos ka na ba?" sabi niya at agad akong tumango.

"Mauna na ako Dame. Salamat!" ngumiti ako at nagpaalam. Ganun rin ang ginawa niya.

Lumabas na ako sa library. Ang malamig na simoy ng hangin ay agad kong naramdaman. I don't know but I feel so comfortable kay Dame. Parang hindi kami ngayon nagkilala and it's strange. Siguro dahil ang bait nito baka naging komportable agad ako.

Pumunta ako sa cafeteria para bumili ng apple juice. Apple juice is life ano ba! Agad kong nakita si Jessica kasama si Reiner, nagb-brainstorming ata.

Bumili muna ako ng juice at agad na pumunta sa kanilang mesa.

"Hi guys! Para ba yan sa kay Ms. Sualde?" tanong ko.

"Oo, teka ba't bigla ka palang nawala?"

"Sa library ako pumunta. May trust issues ako sa internet" I said jokingly.

"Tatlo na lang ang hindi pa namin nakita, ikaw tapos na ba?"

"Yup!" I said while drinking my beloved apple juice.

"Bes grabi! Si Flash kana ba? Ang bilis natin pre ah!" sabi ni Jessica at tumawa lamang si Reiner.

"I actually finished my work pero sinasamahan ko ito para hindi agad mabagot" Reiner said. "Anim na ata ang nabigay ko sa kanya" she added while laughing.

"Ba't ba kasi fifteen topics ang kinakailangan natin isearch?" reklamo ni Jessica.

"Care to tell kun sino kasama mo sa library?" si Reiner.

"Umm, s-si Dame"

1...2...3...

"Teka si Montellio yun ah"

"Tama nga si Montellio"

"Montellio Dame pangalan ng taga Oxford"

"Montellio grabe bes!"

"Ba't kayo magkasama?"

"My secret relationship ba kayo?"

"Uyy bess sabihin mo na"

"T-teka isa-isa lang please" I said immediately.

"So, ba't kayo magkasama?"

"We just met at the library then nagiisa lang yung libro kaya nags-share na lang kami, and oh please secret relationship? Where did you get that?"

Napa-oww sila ngunit hindi pa rin ata sila kumbinsido sa aking explanation.

"Wait lang ha, pero bago tayo magchika tapusin mo na yan Jessica may ilan pa oh. 1, 2 , 3, 4" binilang ko kung ilang topics na lang ang hindi pa nasearch niya.

"Uyy nasearch ko na yan gurl" sabay turo sa ika-apat na topic.

"Okay, okay, sorry, peace!" agad akong nagpeace sign at tumawa.

•••

Ilang weeks na ang lumipas. Day by day ay nagiging close kami ni Dame. Day by day ay mas nagiging komportable ako kasama siya.

"So what did you just do again?" I asked.

"Nagaral ako sa Oxford ng Civil Engineering. Medyo ahead lang yung age ko sa iyo pero nakapagtapos na ako ng pagaaral sa C.E. Kumbaga early ako pinaschool ng mom at dad ko" Dame said.

"T-teka ang complicated!"

"Ganito kasi yun. Fresh graduate ako as Civil Engineer. So, habang hinihintay ko yung results nagaaral muna ako ng accountancy. It's kinda complicated but I like going to school"

"Diba may Master's Degree yung C.E? Kailan ka? I mean basta!" I asked again.

"Yup meron, pagkatapos ng result sa board exam at makapagtrabaho ako ay agad ako kukuha ng Master's Degree slash aaral ulit while studying accountancy"

"Dalawang taon ka nagboard? Or ano, sabi mo nagaaral ka ng accountancy habang naghihintay ka ng result sa board exam, eh second year kana?"

"Busy kasi ako last year kaya hindi ako nakapagboard, bali ngayon lang. Ako muna namuno sa negosyo ng aking Dad dahil nastroke siya. Pero nakapagenroll na akong ng accountancy " lumaho ang ngiti sa kanyang labi.

"I'm so sorry. I hope Mr. Montellio is doing well"

I cheered him up.

"Yup, he's doing very well"

"Ilang taon ka na nga?" I asked again and again.

"I'm 24" he answered.

"24 ka pa lang at nakagraduate ka na bilang Civil Engineer at naghihintay na lamang ng board exam results. Tas nagaaral ka pa ng accountancy. Samantalang ako 21, wala pa ring  super big achievement just like you"

"Hindi naman sa ganon. Don't stress yourself too much"

We continued chatting until we reached the exit of Ateneo. We both said our goodbyes and walked inside of our car.