Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 78 - CHAPTER 77:TRAP !

Chapter 78 - CHAPTER 77:TRAP !

SHELLA MAY's POV:

Ano ang gagawin ko ,hindi ko pwedeng ibigay si keith sa kanila,kailangan kung mag isip ng paraan ,dapat umalis na tong babaeng to dito ,di ako makalabas dito kasi nandito pa to ,bwesit !!

Dahan dahan akong tumayo at binuksan ko ng mahina yung pinto baka nandito pa siya at pagtingin ko parang ako na lang ang nandito ,kaya ayun kaagad akong lumabas at tumakbo ako palabas ng comfort room ,habang tumatakbo ako ay nakabangga ko si keith ng di ko inaasahan.

Keith:(sabay hawak sa braso ko)anong nangyayari ? Bakit tumatakbo ka ? May humahabol ba sayo ?

Ako:(tiningnan ko siya)jasper,umalis na tayo dito ,teka nakabili ka na ng mga damit mo?(sabay tingin sa mga dala niyang mga nakabalot na damit)

Freda:binilhan ko siya !!(sabay lumapit sa amin)

Ako:talaga bang ayaw mo kaming tantanan ha !!(galit kung sabi sa babaeng to)

Freda:gusto kung sumama kung saan kayo nakatira,nagkausap na kami ni keith ,tutal kilala ko siya at kaibigan siya ng kaibigan ko(pagtataray niyang sabi sa akin)

Gustong gusto ko ng sapakin at sipain palabas ng mall tong bobitang babae na to pero dapat kung pigilan yung self ko kasi nandito si keith baka ako pa ang mapasama sa paningin niya.

Ako:(hinawakan ko ang kamay ni keith,nagholding hands kami)tara na keith umalis na tayo,di ko na papatulan yang babaeng cactus na yan.

Freda:ako pa talaga ngayon ang naging cactus ,ikaw nga tong mang aagaw,keith yung sinabi ko sayo kanina lahat yun totoo ,si samantha siya ang totoo mong gusto at hindi yang babaeng kahoy na yan(sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa),sinasamantala lang niya yang pagkaroon mo ng amnesia at ikaw miss (sabay turo sa akin ng kanyang maduming daliri)bakit mo to ginagawa kay keith,inaamin ko hindi kami close ni keith pero bestfriend ko si samantha at secret love ni samantha si keith kaya tigilan mo na tong kababuyan mo.

Sasaktan ko na sana tong babaeng cactus na to pero pinigilan ako ni keith at nagulat ako kasi yung titig niya sa akin para niya akong sasaktan.

Ako:so ano !! maniniwala ka sa babaeng yan ,sige magsama kayo ,bahala ka sa buhay mo !!(tinulak ko si keith at nilapitan ko tong babaeng to)ikaw naman ,siguraduhin mong malinis yang kuko mo bago mo ituro yan sa akin kasi makakatikim ka ng ganito(sabay sampal sa pagmumukha niya)

Balak na sana niya akong sampalin pero kaagad kung sinalo yung madumi niyang kamay at tinulak ko siya,nagulat ako ng bigla siyang nilapitan ni keith .

Keith:shella ,ano bang nangyayari sayo ha !!(galit niyang sabi sa akin)

Ako:di na ako kailangan pang mag explain ,alam muna ang dahilan ,siguro di ka naman bobo hindi ba ,magsama kayo ng babaeng cactus na yan.

Nagalit rin ako sa kanya,anong akala niya siya lang ang pwedeng magalit at ayun tinalikuran ko sila,umalis ako at talagang hindi niya ako hinabol ,kainis yung lalaking yun,tinawagan ko si jake

Ring.ring

Jake:hello !!

Ako:jake ,pumunta ka dito ngayon sa sm mall

Jake:walang bantay dito ,umalis muna si mama,bakit ?

Ako:si diane muna yung pabantayin mo diyan,kailangan kita dito ,kailangan naming umalis ni keith sa lugar na to,kasi pupunta dito yung kakambal niya ,jake tulungan mo akong makahanap ng matitirhan namin kunwari,lilituhin namin tong babaeng cactus na to ,papaniwalaan ko siya na dun kami nakatira ni keith,pagkatapos ko siyang mapaniwala ay aalis na kami .

Jake:sinabi ko na sayo ate diba,na malalaman rin nila ang totoo,sige sige ,bigyan mo ako ng isang oras ,may naisip na ako ,sana pumayag pansamantala si richard yung barkada ko dun muna kayo titira ,sige ate ,maya na lang text na lang ako sayo.

Ako:sige jake,sana pumayag siya,sige kasi nakikita ko si keith na papalapit na siya sa akin dito,sige na bye..

Ayun kaagad kung pinatay yung tawag at sakto nasa likuran ko na si keith

Ako:akala ko di mo ako susundan,bakit ka nandito ?(inis kung sabi sa kanya)

Keith:tara na umalis na tayo ,nais sumama ni freda sa atin

Nakita ko si freda na tumaas yung mga pekeng kilay niya sa akin kaya tinaasan ko rin siya ng mga tunay kung kilay .

Ako:sige payag na ako ,pero jasper ,bumili muna tayo ng sapatos at damit ni jake ,pinangako ko sa kanya na bibilhan ko siya

Freda:siguro may pina plano ka ,kaya gusto mo magtagal tayo dito sa mall.

Ako:pwede ba ,di ko kailangan ng salita mo,manahimik ka na lang diyan,hindi tayo close para magsalita ng opinyon mo !!

Freda:sorry ! hindi ko hinahangad ng maging close tayo .

Keith:tama na yan !! ano ba kayo,tara na shella ,pumunta na tayo dun kung saan ka man bibili ng sapatos at damit.(sabay hawak ng kamay ko)

Binigyan ko ng nakaka inis na reaction si babaeng cactus at ayun lalo siyang nainis sa akin,ako pa rin ang nagwagi pero nakakagulat naman dito kay keith bakit di niya ako tinatanong about sa mga sinabi sa kanya na babaeng cactus na to.

Papunta na kami sa UNIQLOU ,diba mamahalin yung bibilhin kung damit kay jake ,tapos dun ako sa world balance bibili ng bago niyang sapatos.

Maya maya after ilang minuto ay tapos na kaming bumili,dinala ni keith lahat ng pinambili ko diba napaka gentleman niya,lalo tuloy akong kinikilig,binilhan ko si keith ng damit at pantalon niya pati short .

Freda:saan mo napulot yang pera mo,bakit napakadami mong pera ?(pagtatakang sabi niya sa akin)

Ako:(hinarap ko siya with matching scary looks)bakit ? ikaw lang ba ang pwedeng humawak ng maraming pera at wag mo akong iismalin baka mas madami pa akong pera kesa sayo na puro lang pa sosyal ang alam.

Keith:tama na yan,tara na shella umalis na tayo.

Kaagad na tumunog yung phone ko ,tiningnan ko ito at nakita ko na nagmessage na si jake sa akin at sobra akong natuwa sa message niya sa akin

Jake:pumunta na kayo dito kina richard ,okey na ang lahat inayos na namin ang mga gamit dito,nandito na rin yung pictures niyong dalawa,edited lamang ..basta ate yung sapatos at damit ko .

Keith:sino yang nagtext sayo ,bakit ka nakangiti ?

Di ko na nireplayan si jake ,kasi nandito tong seloso kung fake husband ,hehehe

Ako:ah ! wala ! jasper ,yung siraulo kung kaibigan lang yung nagtext,so ano umalis na tayo.

Freda:tsk ..!!

Keith:freda ,kasama mo diba yung boyfriend mo

Freda:oh ! Yes ,actually nandito na siya ..

Nakita ko na may lumapit sa amin ng lalaking mukhang bisugo yung mukha,siya yata yung malas na boyfriend ni babaeng cactus.

Rocky:draven ?(gulat niyang sabi kay keith)

Keith:draven ? freda si draven ba yung tinutukoy niya na kakambal ko ?

Patay sabi ko na nga ba ,sinabi na lahat ng babaeng cactus na to kay keith.Pero alam ko na di maniniwala si keith sa kanila

Freda:ano ba love hindi yan yung tropa mong si draven ,hehehe ! ,si keith yan yun kambal ni draven at keith (sabay tumingin kay keith)oo si draven siya yung kambal mo at malapit na kayong magkita.

Rocky:grabe bro !! Magkamukha talaga kayo,hehehe ! Pero mukhang matamlay ka kumpara kay draven ,hehehe !

Bigla akong sumingit sa kanila

Ako:bakit anong problema mo sa pagiging matamlay niya ,kumpara naman sayo,mukhang HIPON,maganda nga yung katawan pero yung mukha !!! No comment !

Rocky:bastos yang bunganga mo miss ! ,hoy ! keith ,pagsabihan mo yang katulong mo na magbigay ng magandang manners.

Ako:nakakahiya naman sayo !! ako pa talaga ang mukhang katulong,bagay lang talaga kayo ng girlfriend mo ,parehong pasmado yang mga bunganga niyo,kunti na lang at sasabog na yan .

Freda:i pity you !!

Ako:you pity me ! Well ,look who's talking to me right now !! ,tara na nga jasper umalis na tayo,baka di ko mapigilan yung sarili ko sa kanila

Rocky:tinawag mo siyang jasper ?

Freda:mahabang usapan love tara na umalis na tayo ,sasamahan natin sila keith

Rocky:bakit naman ?

Ako:kasi mukhang chiwawang na ulol yang jowa mo,gusto niya kaming sundan.

Freda:pasalamat ka ! ayaw kitang patulan (galit niyang sabi sa akin)

Ako:well ! di ako natatakot sayo ,

Keith:umalis na tayo,nakakarindi na yang mga boses niyo ..

Ayun umalis na kami ,palabas na kami ng mall ,di ko alam kung ano ang mangyayari mamaya,malamang hindi naman ako manghuhula,pero sana magtagumpay yung plano ko,ayoko munang mawala sa akin si keith ,hihintayin ko munang mainlove siya sa akin.

Nandito na kami sa labas ng mall

Freda:keith,tara sumakay na kayo sa kotse ko

Ako:may kotse ako !! (tinarayan ko tong cactus na to)tara na keith !(sabay hawak ng kamay ni keith)

Heto sumakay na kami ni keith sa kotse ko pina andar ko na ito.

Ako:jasper ,dun tayo uuwi sa bagong bahay natin .

Keith:okey !

Teka di man lang nagtaka si keith kung bakit lilipat kami ng bahay.

Ako:parang di ka man lang nagtaka jasper ?

Keith:bakit pa ako

magtataka ? wala naman dapat akong ipagtaka hindi ba ?

Ako:oo naman ,pero jasper naniniwala ka ba sa sinasabi ng freda na yun sayo ?

Keith:diba nga sabi ko sayo kanina na sayo na ako nagtitiwala kasi sabi mo pa nga na mag asawa tayo

Grabe kinilig na naman ako sa lalaking to,ene be ! ,hehehe 😊😊

Ako:pero jasper diba sabi mo na gagawa ka ng paraan para mabalik yang alaala mo

Keith:sinabi ko ba yun,di ko maalala

Ako:sabagay wala ka nga palang alaala bakit mo naman yun maaalala ,hehehe,okey !

Keith:may tanong lang ako sayo shella ?

Grabe bigla akong kinabahan kay keith ano kaya itatanong niya.

Ako:ano yun ?

Keith:bakit di ka man lang nagalit o pumalag man lang nung tinatawag nila akong keith sa harapan mo.

Ako:di ko naman hawak yung bibig nila jasper at mas lalong hindi ko sila mapipigilan kung yun ang itawag nila sayo,kasi baka lalo lang akong ma stress sa kanila kaya pinabayaan ko na lang sila na tawagin kang keith.

Keith:okey ,pero shella alam mo ba na yung pinaka ayaw ko sa lahat ay yung sinungaling ,yung bang akala mo na totoo siya sayo,tapos malalaman mong nagsisinungaling lang pala siya sayo,kapag mangyari yun sa akin,hinding hindi ko siya mapapatawad ,hindi ka naman ganun shella diba ?

Kaagad akong napalunok sa mga sinabi ni keith ,bakit parang nasabi niya lahat to sa akin,may ibig ba siyang ipahiwatig sa akin

Ako:(tiningnan ko siya)don't worry jasper,hindi ako ganun at wag ka ng mag isip ng ganyan okey !(sabay himas ng braso niya)

Keith:sige..

Maya maya ay nandito na kami sa bahay ni richard,nakita ko si jake na nasa labas na ng gate ,kaagad niya kaming sinalubong ,at ayun bumaba na kami ng kotse.

Ako:(kinindatan ko si jake)kunin mo yung mga binili namin jake,nandun na rin yung request mo sa akin.

Jake:yess !! Alright !! thank you ate (sabay yakap sa akin)

Ako:tama na nga yan,ang baho mo,naglaro ka ba ng basketball

Jake:(sabay amoy ng kili kili niya)hindi naman ate eh ! ang arti naman nito ,hehehe ! Kunin ko na yung mga binili niyo.

Kaagad niyang binuksan yung kotse ko at ayun sobrang natuwa yung gago ,

Jake:wow !! uniqlou talaga ate at grabe excited na akong makita sapatos ko,

Kaagad siyang pumasok sa loob

Jake:pumasok na kayo sa bahay ate at kuya jasper(tuwang tuwa habang bitbit yung mga pinamili namin)

Nakita namin na nandito na sila cactus at besugo.

Freda:heto na ba bahay niyo ,ang liit naman

Ako:bakit sinabi ko bang papasok ka dito,bawal pumasok yung mga kulang sa purga ,

Rocky:miss ,kanina mo pa kami binabastos,kung di ka lang babae kanina pa kita nasaktan

Keith:pare,away babae lang yan,wag na tayong makialam,ako nga di ko pinagsabihan yang girlfriend mo kanina habang binabastos niya si shella,hayaan muna sila magbigayan ng mga maaanghang na salita

Ako:ano !! Palag ka ?(pang iinis ko kay besugo)

Freda:talagang kinakampihan mo yang babaeng yan keith,okey ! ,malalaman na lang natin bukas,kung sino pa yung kakampihan mo ,sige alis na kami ngayon na alam na namin yung bahay niyo ,tara na love umalis na tayo(sabay hawak sa braso ng kanyang love kamo)

Ayun umalis na sila

Ako:thank you jasper ha !(niyakap ko si keith)

Keith:shella,bakit ginawa mo to sa akin?(sabay iwas ng pagkakayakap ko sa kanya)

Ako:(tiningnan ko siya ng nakakagulat)anong ibig mong sabihin jasper ?

Keith:(humarap sa akin)binigyan na kita ng chance para magsabi sa akin ng totoo,kasi ayokong magalit sayo.(hinawakan niya yung dalawang braso ko)

Ako:teka jasper ,ano bang pinagsasasabi mo ?

Keith:ni minsan hindi nawala yung alaala ko ! hindi ako nagkaroon ng amnesia ! ,bakit mo to ginawa sa akin,kung mahal mo talaga ako ,hindi mo ako paniniwalaan na mag asawa tayo at lalong hindi mo ako ikukulong sa lugar na to ,gumawa ka pa talaga ng paraan para malinlang mo sila freda ,kaninong bahay to ? ,shella ! alam ko na mabait ka ,hindi ka katulad ni ninong ,yung ama mong ubod ng sama ,oo di tayo nagkakausap sa tuwing dumadalaw ka dun sa amin,pero shella bakit kailangan mo pang magsinungaling sa akin ..

Sobra akong nagulat at biglang tumulo yung luha ko nung marinig ko yun lahat kay keith,para akong sinaksak ng maraming beses di ako makagalaw ,di ko alam kung ano ang isasagot ko kasi nahuli na niya ako ,ewan ko bigla ako nakaramdam ng panghihilo sa ulo ko,kaagad akong nawalan ng malay ..

Itutuloy.