KEITH's POV:
Hindi naman talaga nawala yung amnesia ko, ang totoo ay nakiusap si ninong de paz sa akin na samahan ko muna si shella may yung anak niyang babae kasi matagal na raw akong gusto ni shella at kapag ginawa ko raw yun ay susuko na siya kina papa at sa mga kasamahang pulis ni papa yun na lang daw kasi ang makapagpapasaya kay shella na makasama ako ,kaya ginawa ko ang favor ni ninong de paz kahit labag sa kalooban ko.
Nung oras na sasakay na ako sa kotse ni shella ay sinabi ko kay ninong de paz na turukan niya ako ng injection na pampatulog para maniwala sila macky boy at shella na kinidnap talaga ako ni ninong de paz,alam ko na may isang salita sa ninong de paz kasi nababasa ko at nararamdaman ko yun sa kanya ,parang magpapakamatay na talaga siya kaya ang huling regalo niya kay shella may ay walang iba kundi ako.
Fast Forward na tayo ,nung nagkamalay na ako ay akala ko magsasabi sa akin ng totoo si shella na anak siya ni ninong de paz at kilala niya ako sa pangalan na keith,nagpanggap ako sa kanya na may amnesia ako kasi kung totoo niya akong mahal ay di siya magsisinungaling sa akin at isasauli niya ako sa mga magulang ko pero nagkamali pala ako,nagpanggap siya bilang asawa ko yun ang ikinagalit ko ,oo alam ko na gusto niya ako pero bakit pa kailangan niyang gawin to,nagpaka sweet pa nga ako sa kanya,tinabihan ko pa siya sa pagtulog niya para mapasaya ko siya kahit papaano pero naghintay ako na baka bukas magsabi na siya ng totoo pero dinamay pa niya yung kapatid niyang si jake,tsk !! yun pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat.
Wala namang problema sa akin kung magsabi siya ng totoo yun nga ang gusto ko baka nga maging kaibigan ko pa siya pero talagang naubos na talaga yung pasensya ko sa kanya .
Niyaya ko siyang pumunta sa mall para gawin ko na ang plano ko ,habang nagbibihis ako sa kwarto ni jake ay tinawagan ko si freda ,tinago ko lang yung phone ko yung hindi makikita ni shella.
Tinawagan ko si freda..
Ring.ring.ring
Hello ? Sino to ? "malumanay na sagot niya rito."
Freda , ako to si keith ! "nakangiti ko namang sabi sa kanya".
OMG ! keith ? (gulat niyang sabi sa akin)talaga bang ikaw si keith ?
Oo ,ako to! wag mo munang sasabihin kina draven at sam na nagka usap na tayo lalo na yung mga magulang ko.
Teka ? Bakit ako ang tinawagan mo ! At buti naman okey ka na !
Ako:Kasi alam ko na magclose kayo ni sam ,freda alam ko na hindi tayo gaanong close pero ikaw na lang ang naisip ko,hindi ko pwedeng tawagan sila arrianne at febbie kasi alam ko na magsusumbong kaagad sila kung nasaan ako ,may plano kasi ako.
Freda:oo na alam ko na kung bakit ako ang tinawagan mo kasi may gusto si sam sayo ,ganyan naman kayong mga lalaki,sige ano ba yang pinaplano mo ?
Ako:ganito ,nandito ako sa malayong lugar,sa may poblacion ng carigara ,probinsiya na yata to,kasama ko si shella may dito at nagpanggap ako na may amnesia ako ,pero parang wala yata siyang balak na sabihin sa akin yung totoo parang habang buhay na yata niya akong ikukulong dito sa kanila,freda ganito gawin mo ,nandito ka pa ba ngayon sa lugar na to,diba dito nakatira yung family mo.
Freda:wait ! sino si shella ?
Ako:basta makilala mo na lang siya mamaya ,nandito ka pa ba ngayon .
Freda:oo nandito ako ngayon sa dream cafe ,right timing ka talaga keith,so ano ang gagawin ko,gusto mong tumawag ako ng pulis at hulihin kaagad yang shella na ng kidnap sayo,pasalamat nga at patay na si de paz,
Ako:patay na si de paz ?
Freda:oo keith ,nagpakamatay siya at alam mo ba hindi pa nagigising ngayon yung papa mo ,
Parang nanghina ako dun nung malaman ko na patay na si de paz,bakit di ko man lang yung nalaman kaagad at si papa di pa nagigising,kailangan ko na talagang umuwi sa amin,tiyak iyak ng iyak ngayon si mama dahil sa nangyari sa amin ni papa
Ako:pumunta kayo ngayon sa sm mall ,at magpakita kayo sa amin dun at gawin mo ang lahat na mapaniwala mo ako kunwari kasi nga diba nagka amnesia ako ,pag magsabi si shella sa akin ng totoo edi maganda.
Freda:teka bakit kailangan mo pa tong gawin keith,bakit pinapahirapan mo pa yung sarili mo,pwede namang sabihin muna sa kanya lahat,tapos parusahan mo siya at umuwi ka na sa inyo kasi marami na ang nag aalala sayo
Ako:di ko alam freda ,di ko alam kung bakit gusto kung umamin mismo sa akin si shella ,kung bakit ginagawa ko to ,sige na medyo mahaba na ang pag uusap natin,ibababa ko na to ,basta pumunta ka na dun
Freda:okey,sige !!
Ayun kaagad kung binaba yung tawag at lumabas na ako ng kwarto at buti na lang di nagtaka si shella kung bakit ako matagal magbihis ,ayun papunta na kami sa mall .
Grabe sa tuwing tinitingnan ko yung mukha ni shella ay wala akong nakikitang lungkot sa kanyang mga masasayang tawa at ngiti ,walang halong peke puro tunay ang nararamdaman niya,totoo nga ang sinasabi ni ninong de paz na masaya na siya na kasama ako,di ko kasi pinapansin si shella sa tuwing dumadalaw sila sa amin nung nasa bahay pa ako ni mama maica,di kasi ako palakaibigan ,mahiyain ako,ngayon lang naman ako naglakas ng loob na makipag usap sa ibang tao dahil sa kakambal kung si draven,tinuruan niya akong maging matapang kahit di ko kaya pero kinakaya ko,dahil na rin yata na may dugo akong matatapang,kita mo yung mga magulang ko sila jazz at sabrina,hehehe
Di ko namalayan na nandito na kami sa mall at kumain muna kami ,sakto nandito na sila freda ,kinunan niya kami ng litrato at ayun gumawa na ng action tong si freda at grabe bilib ako sa acting skills niya mukhang effective yung pakikipag away niya kay shella at talagang matigas talaga ang ulo ng shella na to ayaw niya talagang magsabi ng totoo ,imbis na magsorry sa akin ay nag walk out pa ,umalis yung babaeng yun,nilapitan ako ni freda
Freda:mukhang wala talagang planong magsabi ng totoo yung babaeng yun keith,
Ako:kaya nga ,mamaya sasabihin ko na sa kanya lahat pag maka uwi na kami
Freda:mukhang may balak yata siya sayo keith,kita mo may kausap siya ,mukhang ilalayo ka niya sa malayong lugar pa ,hehehe,iba talaga ang karisma mo keith,pati si sam napaibig mo kahit wala kang ginagawa,akala ko nga bakla ka kasi napaka lamya mo at di ka marunong makipag laban,hehehe
Ako:sige na freda,lapitan na natin si shella
Freda:di man lang pinansin yung sinabi ko,kambal nga kayo ni draven,may attitude rin,tsk..
Nilapitan na namin si shella at tama nga si freda may binabalak nga siya nabasa ko yung message sa kanya ni jake,talagang lilinlangin pa niya si freda sa bahay nila,hehehe ! Ibang klase !
Heto pauwi na kami sa bahay kamo namin ,binigyan ko pa ng last chance si shella na magsabi sa akin ng totoo pero wala talaga ..gusto niya talaga akong paniwalaan na mag asawa kami,sayang siya ibibigay ko pa naman sa kanya yung kasiyahan niya ,pero nagbago na isip ko,nagsinungaling siya sa akin..
Nandito na kami sa pekeng bahay namin na mag asawa ,hinintay ko munang umalis sila freda at saka ko na ginawa ang last na hakbang ko,sinabi ko na lahat kay shella ,na wala akong amnesia ,na kung bakit ginawa niya to sa akin ,nakita ko yung mukha niya di siya makapagsalita sa sobrang gulat niya,bigla nalang tumulo yung luha niya at kaagad nawalan ng malay.
Binuhat ko kaagad si shella nung nawalan siya ng malay at tinawag ko si jake
Ako:jake !!(sigaw ko)
Kaagad naman lumabas si jake na suot niya kaagad yung sapatos na binili ng ate niya .
Jake:(lumapit sa akin)anong nangyari kay ate ?
Ako:buksan mo yung kotse ng pinto,babalik tayo sa bahay,at kunin muna yung mga binili ng ate mo .
Pagkasabi ko nun ay nagulat si jake ,nakatunganga lang siya
Ako:ano pang hinihintay mo !!
Jake:okey ..
Kaagad niyang binuksan yung pinto ng kotse at ayun pinasok ko sa loob si shella ,inihiga ko siya sa backseat .
Jake:bumalik na ba yung memory mo ?
Ako:oo ,sige na kunin muna yung mga pinambili namin.
Jake:sige
Kaagad na kinuha ni jake yung mga binili namin at maya maya ay bumalik na siya,sumakay na kami ng kotse at ako ang nag drive,
Pina andar ko na ito,papunta na kami ngayon sa bahay nila
Jake:keith,kailan pa bumalik yung alaala mo ?
Ako:ni minsan hindi nawala yung memory ko !
Jake:bakit ? bakit ginawa mo to ? Anong binabalak mo ? Ipapakulong mo ba kami ng ate ko ?
Ako:di ako masamang tao ,jake ! wag kang mag alala di ko kayo ipapakulong ,naging mabait naman kayo sa akin.
Jake:salamat keith ,pero mapapatawad mo pa ba si ate ?
Ako:ewan ko ! ,
Maya maya ay nandito na kami sa bahay nila ,kaagad kung binuhat si shella papasok sa loob ng bahay ,inihiga ko kaagad siya sa sofa ,hinintay ko na magising siya at after ilang minuto ay nagising na siya,kaagad siyang nakatitig sa akin na para bang nagmamakaawa
Ako:kamusta ka ? okey ka na ba ?(pag aalala kung sabi kay shella)
Shella:(dahan dahan siyang tumayo at biglang lumuhod sa harapan ko)keith,im so sorry !! Huhuhu !(umiyak siya ng umiyak)
Ako:yan lang ba ang sasabihin mo sa akin shella ,bakit ka nagsinungaling sa akin ?
Shella:alam mo naman diba kung bakit ko yun ginawa sayo ..
Ako:hindi yun ang tamang rason kung bakit ,ang tawag dun selfish love ,kung mahal mo ako di mo yun gagawin sa akin,kasi di yun love shella ,hatred yun ,hatred love at selfish love,ayaw mo akong bumalik sa pamilya ko kasi gusto mo ikaw lang ang masaya ,nagagalit ka sa mga magulang ko lalo na sa papa ko kasi dahil sa kanya nawala yung papa mo,hatred love yun shella,alam ko na alam mo na wala na yung papa mo hindi ba?
Shella:oo keith,alam ko na wala na si papa ,tama ka !! galit ako sa mga magulang mo lalo na sa papa mong si jazz,ikaw na nga lang ang meron ako ,tapos mawawala ka ! Keith wala akong kakayahan na kalabanin yung papa mo kasi napakabata ko pa ,kaya ang ginawa ko ay ilayo ka sa kanila para dun lang ay makabawi ako ,pero keith ,totoo lahat ng pinakita ko sayo at pinaramdam,lahat yun galing sa puso,kasi gusto kita,sorry keith ! im sorry !! Huhuhu !.sana mapatawad mo ako !! ,huhuhu !
Ako:tumayo ka na diyan shella,maliwanag na sa akin ang lahat,sige na magpapahinga na ako ,bukas pupunta dito sila draven pati si sam ,wag kang mag alala di kita ipapakulong,salamat na lang sa mga mabuting ginawa mo sa akin,(niyakap ko siya ng mahigpit)
Shella:keith ,huhuhu !
Ako:(iniwas ko na yung pagkakayakap ko sa kanya at pinahid ko yung luha niya)simula ngayon,wag muna akong kakausapin,hanggang bukas ! sige akyat na ako sa taas,magpapahinga na ako.
Tumayo na ako at iniwan ko na si shella na hindi pa rin tumitigil sa pag iyak .Kaagad na lumapit sa akin si jake
Ako:bakit jake ?
Jake:Alam ko na may nararamdaman ka na kay ate ?
Ako:anong ibig mong sabihin ?
Jake:na attach na ba yung feelings mo sa kanya?
Ako:di ko alam pinagsasabi mo jake ,magpapahinga na ako !
Balak ko na sanang umalis kaso biglang hinawakan ni jake yung braso ko.
Jake:(tiningnan niya ako sa mata)alam ko na malaki ang kasalanan ni ate sayo pero keith,nahihirapan akong makitang umiiyak si ate ,gusto kitang saktan pero si ate ang may mali kung bakit siya umiiyak ,mahalaga si ate sa akin kaya keith nagpapasalamat ako na hindi mo siya paparusahan at nagpapasalamat rin ako na may kunting pag aalala ka pa rin kay ate
Ako:ginagawa ko to dahil sa huling hiling ng papa niya sa akin,pwede muna bang bitawan braso ko,para makapagpahinga na ako
Binitawan na niya yung braso ko.
Jake:bukas one on one tayo sa basketball,tingnan natin kung sino magaling sa atin
Ako:para saan ? para magpabilib ka sa ate mo,parang ikaw yata ang may gusto sa tinuring mong kapatid ,
Pagkasabi ko nun ay natameme si jake,di siya makapagsalita ,
Ako:tingnan mo di ka maka imik kasi totoo,sige na akyat na ako sa taas,i comfort muna yung ate mo na first love mo(sabay himas ng balikat kay jake)
Ayun umalis na ako at umakyat na sa taas,nakita ko na nilapitan ni jake si shella,hehehe ! ,sabi ko na nga ba na may gusto siya sa ate niya,buti di sila totoong magkapatid,hehehe !
Kinabukasan ..
Dahan dahan akong nag stretching ng mga kamay ko at paa at dinilat ko na yung mga mata ko ,nakita ko si shella na may dalang almusal sa akin,fried egg with sinangag at fresh milk
Shella:kumain ka na keith ,sana makabawi ako sa kasalanan ko sayo .
Sabay nilapag sa mesa at aalis na sana siya pero
Ako:shella sandali lang.
Shella:(humarap siya sa akin)bakit keith ?
Ako:pinapatawad na kita,napag isip isip ko na ako naman talaga ang may kasalanan
Lumapit siya sa akin
Shella:thank you keith ,thank you !(ngiti niyang sabi sa akin)wala kang kasalanan ,kasi ako ang may kasalanan,sabihin mo lang kung pupunta na dito sila draven kasi maghahanda ako ng pagkain para sa kanila
Ako:mamaya pa yata silang mga 12 noon makakarating dito,shella gusto ko sanang maglaro ng basketball kasama si jake
Shella:bakit ? Marunong ka palang magbasketball ?
Ako:hindi pero si jake gusto niya akong matalo sa basketball
Shella:at bakit naman ? Tiyak mananalo siya eh ! palaging MVP yun dito sa brgy namin
Ako:talaga bang mahal mo ako shella ?
Shella:obvious ba ? Kulang pa ba yung pinapakita ko sayo keith ,
Ako:wala ,sige na bumaba ka na kakainin ko na to
Shella:sige keith,hintayin na lang kita sa baba
Ako:okey !
Ayun kaagad akong kumain pagkatapos bumaba ni shella,at maya maya ay naligo na ako ,nakapag basketball attire na ako,sinuot ko yung jersey ni jake,tiyak marami ang magagalit sa akin kung bakit ko suot yung jersey ni jake ,
Habang sinusuot ko yung sapatos ay bigla kung narinig yung boses ni samantha na sumisigaw
Samantha:keith ,nandito ka ba ? Keith ,nandito na kami ng kambal mong si draven !!(sigaw niya)
Kaagad akong napatayo at nagulat teka nandito na pala sila ,kaagad akong bumaba at nakita ko sila draven at samantha,kasama si freda .
Kaagad akong niyakap ni samantha ,
Samantha:keith,sa wakas nakita na kita ,sa wakas at okey ka lang ,keith ako to si sam ,yung girlfriend mo !
Isa pa to ,sinungaling rin ,hayssst !
Ako:(iniwas ko yung pagkakayakap niya sa akin)wala akong amnesia ,girlfriend pinagsasabi mo ,
Draven:tol ! Buti okey ka lang,kung wala kang amnesia bakit di ka kaagad umuwi sa atin,alam mo bang nag aalala si mama sayo !! ,hindi pa rin siya tumitigil sa pag iyak kasi wala ka ,lalo na si papa hindi pa nagigising !
Ako:alam ko yun draven
Draven:grabe ka !! Akala ko pa naman mabait ka pero bakit di ka pa rin umalis dito sa bahay na to
Freda:kasi nga ,ginayuma na siya ng babaeng yan(sabay turo kay shella)
Shella:pwede niyo ng kunin si keith ,sorry kung kinuha ko siya ..sana mapatawad niyo ako ..
Samantha:dapat kang makulong !!
Balak na sanang sampalin ni samantha si shella pero kaagad na hinawakan ni jake yung kamay ni sam
Jake:tresspassing tong ginagawa niyo,baka ikaw muna ang dapat ikulong kasi tresspassing ka !
Draven:keith,tara na umalis na tayo,tiyak matutuwa si mama kapag nakita ka niya,maiibsan na rin yung kalungkutan niya,nahihirapan na akong makita siyang umiiyak ,keith ! sana maisip mo rin yun
Ako:pasensya ka na draven,sige ..
Samantha:marunong ka palang mag basketball keith,hehehe
Ako:hindi,hehehe ..
Shella:keith,salamat sa lahat !Mamimiss kita !(malungkot niyang sabi sa akin)salamat at napatawad muna ako !
Freda:hindi mo ba yan ikukulong !
Ako:hindi at wala akong balak ikulong siya kasi ako ang may kasalanan ,
Draven:sabi ko na nga ba,sasabihin mo yun,buti naman at alam mo tol na ikaw ang may kasalanan,tara na umalis na tayo,baka maiwan pa tayo ng bus
Shella:kumain muna kayo
Freda:no thanks !!(pagtataray niyang sabi kay shella)
Buti naman at hindi pinapatulan ni shella si freda ,
Draven:salamat na lang shella ,at salamat rin sa pag aalaga kay keith,alis na kami
Jake:hatid ko na kayo sa labas
Samantha:okey !
Ayun lumabas na kami,nakita ko yung mukha ni shella,malungkot na malungkot siya,nakita ko na tumulo yung luha niya at nung nandito na kami sa labas ng bahay nila ay nagulat ako ng biglang mawalan ng malay si freda ,kaagad siyang natumba sa semento ,,kaya kaagad kaming nagulat at nataranta .
Nakita namin sa kanyang leeg na may isang maliit na karayom na nakatusok sa kanya .
Itutuloy.