KEITH's POV:
Matapos matumba ni freda sa semento ay kaagad na binuhat siya ni draven
Draven:shella ,sumama ka sa amin !(galit niyang sabi kay shella)
Shella:ha ? Bakit ?teka anong nangyari kay freda ?
Samantha:anong nangyari ? Mamaya malalaman mo ,sumama ka sa amin !!(galit rin niyang sabi kay shella)
Jake:teka ! Bakit kayo nagagalit kay ate,wala naman siyang kinalaman diyan sa kaibigan niyo .
Kaagad dinala ni draven sa loob ng kotse si freda .
Draven:saan dito may malapit na ospital ?(matalas ang tingin niya kay shella)
Shella:dun sa RTR OSPITAL ,malapit lang dito yun ,tara na !
Samantha:wala ng saysay ,wala na ang kaibigan ko ,huhuhu ! di na siya humihinga (sabay yakap kay freda )
Kaagad akong lumapit kay freda at hinawakan ko ang pulso niya sa leeg ,totoo nga wala ng buhay si freda ,kaagad akong nanghina.
Ako:sino may gawa nito sa kanya ?
Draven:isa lang naman ang may kayang gumawa nito ,tingnan niyo yung leeg niya diyan may maliit na karayom ,diba yan ang ginagawa nila de paz .
Kaagad kung tiningnan si shella .
Shella:wala akong kinalaman sa sinasabi niyo,di ko nga alam kung ano yang karayom na yan ,maski ako di ko alam kung ano ang ginagawa ng tatay kung si de paz.
Jake:mas mabuti pa tumawag kayo ng pulis at ambulansiya para makuha na yung katawan niya ,hindi yung pinaghihinalaan niyo si ate.(galit niyang sabi kay draven)
Kaagad na tumawag si samantha ng pulis at si draven naman tumawag ng ambulance .
Nakita ko si shella na parang nababalisa na hindi maintindihan,para siyang nababahala kaya nilapitan ko siya
Ako:ayos ka lang ba ?(tanong ko kay shella)
Shella:natatakot ako keith,sino yung taong pumatay kay freda,di ko talaga alam kung sino yun,maski ako nagulat at natatakot baka sa susunod ako ang patayin niya.
Di ko alam kung bakit bigla kung niyakap si shella
Ako:naniniwala na ako sayo,alam ko nagsasabi ka ng totoo ,kung gusto mo sumama ka sa amin ,para maging ligtas ka !
Kaagad na iniwas ni shella yung yakap ko sa kanya at tumingin siya sa akin.
Shella:ayoko keith,ayokong iwan dito sila mama at si jake,pero nakakagulat naman bakit si freda ang pinatay niya
Lumapit si samantha sa amin at nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung braso ni shella at tiningnan niya ito ng masama
Ako:sam !!
Samantha:sabihin mo !! sino yung taong yun,ipapakulong ko siya mismo ngayon na ,di ko alam kung ano ang sasabihin ko kina tito at tita yung mga magulang ni freda,shella sabihin mo kung sino yung taong yun,nagmamakaawa ako sayo !!
Draven:sam ,wala kang mapapala diyan kay shella,kasi maski siya di niya alam kung sino yung taong yun,hintayin na lang natin na pumunta dito yung mga pulis para sila ang mag imbestiga ,wala akong idea kung sino yung taong yun ,kasi patay na yung taong matagal na nating kaaway walang iba kundi yung ama ng shella na yan.
Jake:pare !!(tiningnan niya si draven)kanina pa ako nanggigil sayo,bakit kanina mo pa pinopunterya si ate shella .
Draven:bakit ? masama bang manghinala sa ate mo ,bakit di ako manghihinala sa kanya ,eh ! tinago nga niya si keith ,nakipagsabwatan pa siya sa tatay niyang kriminal .
Shella:oo ,alam ko yang sinasabi mo,pero sana naman respetuhin muna yung kaluluwa ng tatay ko,nakaganti na naman kayo diba ?
Draven:respetuhin ? Dapat bang respetuhin yung taong yun,keith !(sabay tingin sa akin)narinig kung isasama mo yang shella na yan sa atin,wag na wag mong isasama yan kundi ako ang makakalaban mo ,pasalamat nga siya di natin siya ipapakulong .
Jake:namumuro ka na tang ina ka !!(sabay sapak kay draven)
Gaganti na sana si draven kay jake para sapakin siya pero kaagad kung hinawakan si draven
Ako:draven,tama na yan,wag muna siyang patulan (galit kung sabi sa kanya)
Draven:ano ba !(tinulak niya ako)di ako papayag na sapakin ako ng mokong na yan ..
Shella:sige ako ang sapakin mo ,tutal sa akin ka galit na galit (pumagitna siya kina jake at draven)
Draven:pasalamat ka ! babae ka at ikaw (sabay turo kay jake)ang angas mo ha !! ,malakas ang loob mo kasi nandito ka sa teritoryo mo ,pagbibigyan kita ngayon kumag ka !!(galit niyang sabi kay jake)
Nagulat ako ng biglang tinulak ni jake si draven ,natumba sila pareho sa semento ,kaagad na sinapak ni draven si jake at tumayo ito
Draven:naghahanap ka ba talaga ng gulo !!!(galit na galit niyang sabi kay jake)
Nagulat ako ng meron akong nakitang karayom sa may semento,medyo malaki ito ng kunti,tumitingkad ito kaya napansin ko kaagad ito,kaagad kung naisip na kung hindi tinulak ni jake si draven tiyak siya ang natamaan ng karayom
Kaagad akong tumingin sa may torres at nakita ko na may isang taong naka jacket na white at naka takip yung mukha niya ng panyo.
Ako:draven at jake,sumama kayo sa akin ,dun sa may torres alam ko na kung sino yung pumatay kay freda
Draven:anong sinasabi mo keith ?
Jake:kung hindi dahil sa akin baka pareho na kayong patay ni freda .
Draven:anong sinasabi mo !!
Ako:alam ko na kung bakit niya pinatay si freda ..
Shella:hindi pwede to !!
Samantha:keith ,wag niyo ng puntaham yung taong yun ,baka pati kayo mapahamak
Draven:halika na keith,ako mismo ang magpaparusa sa kanya
Ako:tama si samantha,pumasok muna tayo sa loob ng bahay nila shella ,hintayin natin na pumunta dito yung mga pulis
Jake:tara na !
Ayun pumasok na kami sa loob ng bahay,binuhat ulit ni draven si freda at kaagad kaming umupo dito sa sala nila.
Draven:keith,sabihin muna kung bakit niya pinatay si freda ?
Ako:yung taong yun ,malaki ang pagkagusto niya kay shella o should i say na pinoprotektahan niya si shella sa mga taong nananakit sa kanya ,si freda pinatay niya kasi hindi magkasundo si freda at si shella at kanina naman draven (sabay tingin kay draven) ikaw na ang susunod kay freda ,buti na lang talaga at niligtas ka ni jake kung hindi ,tsk !!
Biglang tumayo si draven at lumapit siya kay shella,hinawakan niya yung braso ni shella
Jake:hoy !! Anong ginagawa mo sa kanya !
Draven:siya ang dahilan ng lahat ng to ,tanging siya lang ang makakapag pakita kung sino yung taong yun .
Shella:bitawan mo nga ako !!(kaagad na inalis yung pagkakahawak sa kanya)sige kung gagawin ko yan,baka tuluyan ka ng mamatay ,akala mo magpapakita siya ng ganun ganun,draven ! hindi siya bobo para magpakita lang ng ganun,tutulungan ko kayo para mahuli siya pero hindi sa ganitong paraan .
Ng bigla kaming makarinig ng tunog ng pulis at ambulance sabay pa talaga sila ng dumating,kaagad kaming lumabas,lumapit kaagad kami sa mga pulis
Pulis 1:nasaan na ang biktima ?
Ako:nasa loob po !
Kaagad na pumasok yung mga nurse aid pati yung isang pulis.
Pulis 1:(lumapit sa akin)anong nangyari dito ?
Nakita ko na marami ng tsismoso at tsismosa ang nandito nakikitsismis
Ako:bigla na lang nawalan ng malay yung kaibigan namin at ayun nagulat kami ng bigla siyang binawian ng buhay ,may nakita kaming maliit na karayom dun sa leeg niya,may pumatay sa kanya at yung suspect na yun ay nandito pa ,nagmamasid sa amin
Pulis 1:impossible na may natira pang member ng kutsilyo gang ,eh ! halos ay nakakulong at namatay na,nakita mo ba kung saan nagpunta yung suspect
Samantha:nandun sa may torres na yun(sabay turo niya sa mga pulis)
Kaagad kung winakli yung kamay ni samantha.
Ako:ano ba sam,bakit mo ginamit yang kamay mo para ituro yung suspect tiyak aalis na yun dun
Pulis 1:pumunta na kayo dun,bilisan niyo !(sigaw niya sa kasamahaan niyang pulis)
Nakita namin na pinasok na si freda sa loob ng ambulance ,
Pulis 1:sumama kayong lahat sa amin delikado kayo dito,buti di kayo napamahak ,PO1 Diaz(sabi niya sa kasamahaan niya)samahan niyo sila sa opisina
PO1 diaz:yes sir !
Draven:wag niyong isama tong babaeng to .(sabay tingin kay shella)
Shella:sir ,pwede bang maiwan muna kami dito ng kapatid ko
Pulis 1:hindi pwede ,lahat kayo witness sa nangyari ,sumama kayo ..
Jake:pero sir.
Pulis 1:sabing sumama na kayo !(galit niyang sabi kina jake)
Ako:sumama na tayo ..
Ayun sumakay na kami sa kotse ni sam ,susundan na lang namin yung patrol car na yun ,heto sinusundan na namin yung patrol car
Samantha:shella ,sabihin muna kung sino yung taong yun,
Shella:di ko nga alam,kanina ko pa iniisip kung sino yung taong yun
Jake:ate ,baka si aethan ,diba malaki yung gusto niya sayo .
Ako:sino si aethan ?
Shella:impossible jake ,masyadong lampa si aethan para magawa niya yun at wala siya dito sa ating bansa nasa thailand siya ngayon
Draven:bakit di mo siya tawagin ,may contact ka naman sa kanya hindi ba ?
Shella:wala ,matagal ko na siyang hindi nakakausap at nakikita,maski sa facebook hindi kami mag friend
Draven:paano mo nasabi na nasa thailand pa siya ngayon
Shella:yun ang sabi ng mama niya ,
Draven:kailan pa niya sinabi yun ?
Shella:noong bago ko kunin si keith kay papa ,tatlong araw na ang nakakalipas
Ako:ano bang pangalan niya ,yung full name niya ?
Shella:aethan sebastian capili yun ang full name niya,magka edad lang kami 18 palang siya
Pagkasabi nun ni shella ay parang nagulat ako kasi parang familiar yung name niya,parang siya yata yung classmate ko nung elementary palang ako nun
Shella:keith ,alam ko na kilala mo si aethan,kasi dun siya nag aral sa inyo nung elementary siya.
Samantha:search ko nga yung pagmumukha ng aethan na yun,pagbabayaran niya yung ginawa niya kay freda ..
Jake:grabe ,kung si aethan man yun,ay bilib ako sa kanya ..
Itutuloy.