Chereads / Revenge of the Murderer / Chapter 81 - CHAPTER 80:HOT CONFRONTATION?

Chapter 81 - CHAPTER 80:HOT CONFRONTATION?

DRAVEN's POV:

Grabe talaga yung ginawang pinsala sa amin ng de paz na yun ,namatay na lang siya may iniwan pa siyang bakas ng delubyo,hanggang ngayon di pa nagigising si papa ,tatlong araw ng di siya nagigising ,si mama ay nag early vacation leave muna siya for 15 days para bantayan niya si papa naaawa na ako kay mama kasi halos dun na siya tumira sa ospital,dun na siya natutuloy,kumakain at naliligo ,hindi na siya umuuwi sa bahay,kasi gusto niya makita si papa at gusto niya na kapag magising si papa ay siya ang una nitong makikita,palagi na lang umiiyak si mama,walang oras na hindi siya umiiyak,lalo na't nawawala si keith .Mahal na mahal talaga ni mama si papa,bilib ako sa kanila kasi tunay ang kanilang pagmamahalaan ,totoo pala yung forever ,hayss !! sana meron din akong makilalang babae katulad kay mama .

Nung sinabi ni sam na may nakakita kay keith ay sobra akong natuwa lalo na si panget ,buti at nakita ni freda si keith ,talagang di pa kami pinababayaan ni lord kasi hindi niya pinatagal yung pagkawala ni keith,tiyak mababawasan yung lungkot ni mama .

Kaagad kaming umalis ni sam ,papunta kung nasaan sila keith,buti na lang at alam ito ni sam kung saan itong lugar kasi minsan na siyang nakapunta sa lugar na yun ,bff nga pala niya si freda kaya ganun.

Inaamin ko ayokong magbiyahe ng malalayo buti na lang at may kotse si sam yun ang ginamit namin,sasama na sana si arrianne pero hindi ko siya pinasama baka kung ano ang mangyari sa kanya,oyyy ! di ako concern sa panget na yun ,ayoko lang magalit sa akin si tito ramos yung erpat niya ..

Fast forward ...

After ilang oras na biyahe ay sa wakas nandito na kami sa lugar kung nasaan si keith nakatulog na pala ako ..

Samatha:draven,gising na !! Nandito na si freda .

Kaagad akong nagising at nakita ko si freda na naka smile sa akin

Freda:hello ! draven,hehehe ,bumaba ka na diyan,para makita muna yung kambal mo ,grabe talaga yung babaeng cactus na yun talagang ayaw niyang bitawan si keith .

Samantha:bakit beshy ?

Freda:hay naku ! besh ,inaagaw niya yung one true love mo akala ko nga na fall na si keith sa cactus na yun.

Kaagad na bumaba si sam ng kotse at kaagad siyang pumunta sa bahay kung saan nandun si keith,grabe palang magmahal tong si sam,hehehe ! ang swerte naman ng kakambal ko ,buti na lang di ko type si samantha ,kaya bumaba na rin ako at sinundan ko sila ni freda .

Ng doorbell si sam at buti naman at may nagbukas ng pinto at isang babae ang nagbukas nito ,ito na ba yung tinutukoy ni freda na kumidnap kay keith

Samantha:nasaan si keith ?(galit niyang sabi sa babae)

Freda:hoy ! Babaeng cactus ,ilabas muna si keith ,grabe ka akala mo malilinlang mo ako ,nag effort ka pa talaga maghanap ng ibang bahay,FYI ! lang cactus ,walang amnesia si keith ..

Draven:nasaan yung kapatid ko?(tiningnan ko ng masama tong babaeng to)

Nakatitig lang sa akin tong babaeng to ,ngayon lang ba siya nakakita ng gwapong nilalang

Shella:magkamukha talaga kayo ,pero bakit ganun mas gwapo si keith kesa sayo.

Draven:ano sabi mo !!(galit kung sabi sa kanya)

Kaagad ng pumasok si sam,tinulak niya tong babaeng to at biglang sumigaw si sam

Samantha:keith !! Nandito ka ba ? ,keith ,nandito na kami ng kambal mong si draven !!(sigaw niya)

Shella:wag ka ng sumigaw diyan,di ko siya ginapos at lalong di ko siya tinago ..

Samantha:(tiningnan niya yung babae)pagbabayaran mo tong ginawa mo sa kanya,desperada ka na talaga ano !! ,grabe !! ,wala na bang lalaking nagkakagusto sayo para kidnapin mo si keith,

Sasampalin na sana si sam ng babaeng to pero kaagad naming nakita si keith na pababa kaya ayun niyakap kaagad ni sam si keith

Samantha:keith sa wakas,nakita na kita ,sa wakas okey ka lang,keith ako to si sam yung girlfriend mo ..

Grabe napalunok ako sa sinabi ni sam,sana all talaga !!

Pero masaya ako na nakita ko na si keith,walang masamang nangyari sa kanya,mukhang okey naman siya,ang iniisip ko lang bakit pinatagal pa niya yung pagtira dito bagkus wala naman siyang amnesia,mukhang may binabalak tong kambal ko,talagang nag iba na siya nung malaman niyang kambal kami,naging matapang at matalino na siya ngayon.

Shella pala yung name ng babaeng to at ang ikinagulat ko ay anak pala siya ni de paz ngayon alam ko na kung bakit niya kinuha si keith dahil sa tatay niyang demonyo,kaagad na nag init yung ulo ko sa shella na to,tiyak gagaya to sa tatay niya ,gusto ko rin na makulong tong shella na to kaso ayaw ni keith na ikulong si shella,kasi siya naman daw ang may kasalanan,tama naman si keith pero di pa rin ako kampante ,lalo pa't nung lumabas kami ng bahay nila ay biglang nawalan ng malay si freda at nagulat ako ng makita yung maliit na karayom sa leeg niya ,lalo akong nagalit sa shella na to kasi yung grupo lang naman ng tatay niya yung may kakayahang gumawa nito,tiyak plinano nila to ,isa pa tong kumag na jake na to ,kapag di pa siya tumigil sa kakasalita ,wawasakin ko na yung katawan niya .

Pero parang nagsasabi ng totoo si shella na wala siyang kinalaman lalo pa't muntikan na rin akong mamatay at sumunod kay freda,buti na lang at niligtas ako ni jake kahit ayaw niya sa akin .Sino kaya yung taong yun,akala ko tapos na tong delubyo na to pero bakit meron na namang kontrabida sa buhay namin,talagang gusto nilang maubos yung lahi ni papa ,pero tapos na ang laban ni papa,sa amin naman ni keith ,kami ang maghahanap sa taong pumatay kay freda lalo pa't nagbigay sila ng hint kung sino to ,may katwiran naman yung sinabi ni keith na yung taong yun ay may malaking pagkagusto kay shella ,di ko kilala yung aethan na sinasabi nila keith at shella pero gusto ko siyang makilala at ako mismo ang magpaparusa sa kanya

Dinala na si freda sa morgue at ayun galit na galit sa amin yung magulang niya ,lahat ng nangyari ay sinabi namin,buti at naniwala kaagad yung mga magulang ni freda,nahimatay sa sobrang pag iyak yung mama ni freda .

Nandito pa kami sa ospital,naka upo habang hinihintay yung sasabihin ng pulis sa amin .

Shella:keith ,im so sorry talaga ,huhuhu!(umiiyak siya habang nakasandal sa pader)

Draven:sabihin mo nga sa amin shella ,saan nakatira yung aethan na yun.

Shella:di ko alam,wala na akong update sa kanya ,

Samantha:walang update ? Seriously ? ,binibigyan mo talaga ako ng reason para makulong ka !!(galit na sabi niya kay shella)

Jake:paano kung mali yung hinala niyo kay ate,ikukulong ko rin kayo sa salang pagbibintang !!

Shella:jake,tama na ! hayaan mo sila kung ano ang sasabihin nila,wala tayo sa lugar ngayon.

Jake:ate !(tiningnan niya si shella)biktima rin tayo dito,oo may atraso tayo sa kanila about kay keith pero naisip mo rin ba na may atraso rin si keith sayo kasi gumawa siya ng patibong sayo at si keith rin ang may kasalanan kung bakit namatay yung freda na yun,si keith lang naman yung nagpapunta sa kanila dito ,di niya papatayin si freda kung hindi sa pagiging masamang ugali niya,

Biglang tumayo si sam at sinampal niya si jake ,lumapit kaagad si keith kay sam

Keith:sam,tama na yan,totoo naman ang sinabi ni jake ,kasalanan ko ang lahat ng to !

Samantha:pagbabayaran niyong dalawa to !(galit niyang sabi kina shella at jake)

Draven:wala namang saysay kung magsisihan pa tayo dito,kasi tapos na ! Nagyari na ,ang dapat natin gawin ay magtulungan tayo para makita yang aethan na yan ,at ikaw (nilapitan ko si shella)kapag makipag tulungan ka sa aethan na yun,siguraduhin mo lang na di kita mahuhuli kasi di na kita mapapatawad..

Tinulak ako ng jake na to

Jake:gago ka !!

Draven:pasalamat ka ! ,may utang ako sayo,pero ngayon patas na tayo di kita ngayon papatulan pero sa susunod na daplisan mo ulit tong katawan ko,kahit balahibo ko lang ay babalian ko yang buto mo !(galit kung sabi kay jake)

Biglang dumating yung dalawang pulis at lumapit siya sa amin

Pulis 1:wag na kayong mag away away diyan mga bata ,kasi nahuli na namin yung suspect nasa prisinto na siya ngayon

Pagkasabi nun ng pulis ay kaagad kaming natuwa lalo na si sam ,

Samantha:talaga sir,nasaan siya gusto ko siyang makita at gusto ko siyang sampalin sa ginawa niya kay freda

Shella:anong itsura niya sir,katulad rin ba namin siya,ka edad lang ba namin siya ?

Pulis 1:hindi miss (sabay tingin kay shella)nasa 30 na yung edad niya,sige samahan ko kayo sa prisinto para makita niyo siya

Draven:so hindi pala yung aethan na yun,gusto kung makita yung taong yun ,tara na pumunta na tayo dun

Keith:sandali lang sir ..(lumapit siya sa pulis)

Pulis 1:bakit ?

Keith:nung mahuli niyo siya kanina,may dala ba siyang armas sa ginamit niyang pagpatay sa kaibigan namin ?

Pulis 1:nung makita ko siya kanina,parang di ko napansin na may dala siya kahit anuman,tanging yung karayom niya lang sa bulsa niya yung nakita namin at match yun sa ginamit sa pagpatay sa kaibigan niyo

Teka parang tama ang iniisip ko sa iniisip ni keith ,di kaya hindi yun ang tunay na suspect nagpanggap lang siya para makatakas yung tunay na may sala

Draven:tara na ! tanungin natin siya para malaman natin ang totoo

Pulis 1:ang gagaling niyo naman mga bata pa kayo pero ang tatalino niyo,tara na umalis na tayo dito

Ayun kaagad kaming umalis ,at ayun sumakay kaagad kami sa kotse ni sam at heto na nakasakay na kami at pina andar na niya ito,sinusundan na namin yung mga pulis.

Keith:tol !(sabay tingin sa akin) sa tingin mo ? yun ba talaga ang tunay na suspect ,

Draven:alam muna kung ano ang iniisip ko tol,kambal tayo eh ! shella(sabay tingin kay shella)sino pa yung lalaking malapit sayo ng may edad 30

Shella:wala ,wala na akong kilala na lalaki na may edad 30,tanging sila jake at aethan lang yung kilala ko,yun ay kung may secret admirer ako

Samantha:nakuha mo pa talaga yang salita na yan,wala akong pake kung siya ang suspect o hindi basta gagantihan ko si freda .

Draven:sabi ko na nga ba ,humanda sa akin yang aethan na yan.

Keith:tol ,hindi pa tayo sigurado kung si aethan yun,hintayin na lang natin mamaya baka yun na talaga ang totoong suspect

Draven:di ako naniniwala keith,may kutob ako ng plinano nila to ,tapos ano tayo ang isusunod niya, siguraduhin niya lang na gagalingan niya.

Jake:muntik ka na ngang mamatay kanina,paano pa kaya kung ginalingan niya pa lalo baka ma double dead ka na !!

Kaagad kung tiningnan ng masama si jake

Draven:talagang inuubos mo yung pasensya ko sayo kumag ka !!(galit kung sabi sa kanya)

Jake:di ako natatakot sayo ! ,lalo pa't ako ang dahilan kung bakit nabuhay ka pa ulit ..

Shella:tama na ! Pwede ba !!(sigaw niya sa amin)

Jake:sorry ate ..ayoko lang naman ng pinagsasalitaan ka nila ng ganyan ..

Draven:sam ,nakita muna ba yung pagmumukha ng aethan na yun sa facebook niya

Samantha:hindi lumalabas yung name niya sa facebook ,

Shella:baka iniba niya yung name niya,pero impossible naman na wala ni isang lumabas na name niya sa facebook

Keith:ang galing niya talagang magtago ng pagkatao niya ,shella sumama na kayo sa amin dun sa lugar namin

Draven:naloloko ka na ba keith!!! ,pag sinama natin yang babaeng yan,tiyak lalong magkakagulo

Jake:bakit ang tanong kung gusto ng ate ko na sumama sa inyo,

Shella:draven,naiintindihan kita ,pero sana maisip mo na kapag sumama ako sa inyo ay madali nating mahuhuli yung taong yun.

Draven:sa tingin mo ,magpapahuli siya

Jake:ate ,wag kang magpadalos dalos paano na kami ni mama ,

Shella:(tumingin kay jake)bantayan mo muna si mama ,di naman ako magtatagal eh ! Babalik kaagad ako sa bahay natin

Jake:pag sumama ka sa kanila ,tiyak hindi lang si freda ang mawawala ,pati sila .

Shella:di naman mangyayari yun kung hindi nila ako sasaktan diba ?

Keith:tama si shella,jake .pinapatay lang ng taong yun kung sinuman ang manakit sa ate mo,

Draven:sige ,paano natin mahahanap yung taong yun kung hindi natin sasaktan si shella

Shella:alam ko na sa susunod na mga araw ay magpapakita sa akin si aethan at kung mangyari man yun ay gagawa ako ng paraan para malaman ko na siya ang taong pumatay kay freda,

Draven:nakikilala mo pa ba yung mukha niya ?

Shella:oo naman,matagal kaya kaming nagkasama nun .

Samantha:nandito na tayo !

Nandito na pala kami sa prisinto ayun kaagad kaming bumaba at pumasok sa loob .

Pulis 1:siya ang pumatay sa kaibigan niyo ..

Kaagad na pinalapit sa amin yung suspect ,grabe parang matanda na tong tingnan. Yung mukha parang demonyo sa sobrang dami ng tattoo pati buong katawan,nakita ko na kaagad siyang sinampal ni sam,di lang isa kundi more than one yung sampal niya hanggang sa mamula yung pisngi niya

Samantha:hayop ka !! ,bakit mo yung ginawa sa kaibigan ko ,huhuhu !

Nakita ko na nakatingin yung suspect na to kay shella

Draven:sabihin mo !! Sino yung pumatay sa kanya,alam ko na hindi ikaw ang may gawa nun(galit kung sabi sa suspect na to)

Steven:bilin ng lola ko na bawal akong makipag usap sa mga taong hindi ko kilala,so hindi ko kayo kilala di ko kayo kakausapin,i don't talk to strangers,hahahaha

Balak ko na sana siyang sapakin pero inawat ako ng pulis

Pulis 1:tama na yan ..sige na mga bata umalis na kayo,baka hanapin pa kayo ng magulang niyo

Keith:last na lang sir,may itatanong lang ako sa kanya

Pulis 1:sige

Lumapit si keith sa taong tinta na to

Keith:kilala mo ba si aethan ?

Pagkasabi nun ni keith sa suspect na to ay nagulat tong suspect na to parang nag iisip siya ng maisasagot niya

Draven:sagutin mo yung tanong niya !!!

Shella:si aethan ba yung may gawa nito..

Steven:sinabi ko na sa inyo na di ako nakikipag usap sa mga taong di ko kilala,wala kayong mapapala sa akin,kasi hinding hindi ko sasagutin yung mga putang inang mga tanong niyo !!

Samantha:wag na wag niyong hahayaan na makalabas yan,dapat ilagay yan sa electric chair para mapunta na yung kaluluwa niya sa impyerno !!

Steven:ang sarcastic mo naman idol !(sabay kindat kay sam)

Di ko na natiis yung sarili ko ,kaagad kung sinapak tong unggoy na to ,at ayun dumugo yung square niyang bibig,

Pulis 1:sige na umalis na kayo,baka pati kayo ikulong ko ,

Keith:pasensya na sir,aalis na po kami,salamat po !!(tumingin sa suspect)sana makatulog ka sa ginawa mo sa kaibigan namin

Ako:tang ina ka !! humanda kayo ng amo mo !! ,di ako susuko na di ko siya mahuli !!(galit na sabi ko sa unggoy na to)

Steven:tagal naman,hahaha ..excited na ako ..gorabells !!,hahaha

Ayun hinawakan ni keith yung braso ko para lumabas na kami dito sa prisinto at maya maya ay nandito na kami sa labas

Ako:bitawan mo nga ako !(sabay alis na pagkakahawak ni keith sa braso ko)talagang pinapainit niya yung ulo ko ,

Jake:so ano na yung plano niyo,ate umuwi na tayo hinahanap na tayo ni mama

Keith:samahan ko kayo jake ,ako mismo ang magpapaalam sa mama niyo na isasama muna namin si shella

Draven:desidido ka na talaga keith na isama mo yang shella na yan,wag mong sabihin na nagkagusto ka na sa babaeng yan.

Samantha:di ko siya isasakay dito sa kotse ko !!

Shella:may sarili akong kotse !!don't worry !

Samantha:desperada ka talaga !daig mo pa yung linta ,dikit ng dikit kay keith..

Shella:bakit ? Insecure ka ! ,okey lang maging linta kesa namin maging uod .

Itutuloy.