Chereads / Chasing Her Smile / Chapter 80 - The Missing Identity

Chapter 80 - The Missing Identity

Nang makauwi si Catalina sa manaion ng mga Alta Gracia galit na galit syang nag tungo sa isang kwarto kung saan nag oopisina si Noli para kumprotahin ito sa nalaman nya kay Don Fernan.

"Ah, wala po si Uncle ngayon dito kasama nya po ang mga Elders." Sambit ni Brilliant na nakasalubong si Catalina bago pa man ito makapasok dun sa room.

"Till when?"

"Ahm... Actually he's busy po ngayong week para po dun sa gagawing project 8 sa M City. He didn't tell you po?"

Catalina sighed "nevermind, you may go thankyou."

"Okay po. Sige po Auntie."

"Um."

Napasandal nalang si Catalina sa pader sa sobrang pagka dismaya nya.

"Ayos lang po kayo?" Bungad ni Tasha na hindi alam na naroroon ito sa mansion.

Without looking at Tasha " I'm fine can you just get me a glass or water? Paki dala nalang sa room ko."

"Ah... O-- Opo."

Dahil nga di kakilala ni Catalina si Tasha napagkamalan niya itong kasambahay sa mansion.

Pero ending dinalhan parin ni Tasha itong si Catalina ng glass of water sa room nito.

Pero dahil di pa kabisado ni Tasha ang mansion tinanong niya sa isang kasambahay kung saan banda ang room ni Catalina.

Knock... Knock...

"Ma'am, eto na po ang tubig nyo."

"Pasok, bukas yan."

"Opo."

Nang makapasok si Tasha sa room ni Catalina laking gulat nya na napakalaki ng room at sobrang sophisticated ng design para syang nasa isang hotel room.

"Are you new here?" Bungad ni Catalina na nag to-toothbrush ng mga oras na yon.

"Ah, he--hello po my name is Tasha po."

"Hmm? Wait, stay here. Okay?"

"O-- Opo."

Tinapos nga muna ni Catalina ang pag toothbrush nya at binalikan si Tasha.

"Take a seat." Sabi nya agad kay Tasha at ininum ang dala nitong tubig.

"Salamat po."

"Sorry, ikaw ba yung fiancée ni Xitian?"

"Ah... Eh..."

"It's okay, you don't need to be afraid of me. Hindi ako katulad ng mga Alta Gracia kaya you can at ease."

"Ah... Salamat po Ma'am."

"You can call me tita Catalina. You're my daughter..."

"Po?"

"I mean... Eventually you will be my own daughter you know I'm Xitian unlce's fiancée. At parang anak na ni Noli sil Xitian."

"Ah... Ganun po..."

Muntik ng mabanggit ni Catalina na ang anak niya eh si Ricai dahil alam nitong bff ng anak nya eh si Tasha.

"By the way, sorry kung napagkamalan kitang maid dito."

"Wala po yun. Ahm... Kayo po are you okay lang po? You looked so disappointed kanina."

"Hmm?"

"Ay, sorry po kung natanong ko."

"No worries, pero I'm definitely fone and I need to be fine. Dahil sa mundong ito kailangan nating maging matatag. Kaya maipapayo ko lang sayo kung may gagawin kang desisyon dapat panindigan mo yung hindi mo pagsisisihan."

"Salamat po sa advice. Ahm... Pwede pong mag tanong?"

"Go ahead."

"Ahm... Ano po kasi kumpara naman po sa iba dito kayo lang ang mukhang normal. I mean, parang ang mga tao ponkasi dito punong puno ng mystery."

"Ohhh... Curious ka ba kung ano sila?"

"Opo!"

"Listen, kung gusto mo talagang pakasalan si Xitian ihanda mo ang sarili mo sa pagiging bulletproof."

"Po? Ano po ang ibig nyong sabihin?"

"Xitian is not ordinary he is the leader of his clan."

"Leader? Ng clan po? Bakit ano po ba sila?"

Knock! Knock!

"Tasha! Come out!!!" Pagalit na sambit ni Xitian.

Nagulat naman si Tasha sa pag tawag sa kaniya ni Xitian "sige na lumabas ka na but remember you can feel at ease with me so, if you need help I'm always here for you." Catalina said at iniabot nya kay Tasha yung calling card nya.

"Thanks po."

Binulsa muna ni Tasha yung calling card ni Catalina bago nya buksan yung pinto.

"What are you doing?!"

"Xi-- Xitian!"

Xitian grabbed Tasha's hand while glaring at Catalina "halika na!"

"Bitawan mo ko!!!"

Pero hindi binitawan ni Xitian si Tasha na binuhat pa na para bang gustong ilayo kay Catalina.

"Manang mana sya sa pinagmanahan nya!" Sambit ni Catalina tapos sinara nya ang pinto.

Habang buhat-buhat namab ni Xitain si Tasha nagwawala ito at nakita yon ni Brilliant kasama si Wram.

"He-- Hey!"

"Let them be!"

"Pero bro, buntis si Tasha!"

"Hayaan mo si Xitian sya ng bahala sa asawa nya."

"Pero, paano nga pala nakauwi agad si Xitian? Tapos na syang kausapin ng mga Elders? Pero wala si Uncle di nya kasama. And kanina nga pala parang bad mood si Auntie at parang magka galit rin sila ni Uncle Noli."

"Don't bother her alam mong fiancée sya ni Uncle pag nalaman ni Uncle na nangingialam ka baka ibalik ka nya sa Africa."

"No! Ayoko na dun bro!"

"Pwes manahimik ka!"

"Pero, hindi ba ikaw rin curious kay kay Auntie Catalina kaya nag nag pa background check ka. May nalaman ka bang kakaiba?"

"Wala, masyado syang malinis at sa sobrang linis nga parang may mali na."

"Hmm?"

"Sigurado akong may ginawa si Uncle para pagtakpan ang totoong identity ni Auntie."

"You think so?"

"Um. Pero hindi parin ako titigil hangga't di ko nalalaman kung sino ba yang si Catalina Real."

"Pero ang sabi mo wag natin syang pakialamanan."

"Oo pero hindi ko sinabing gawin natin."

"Ohhh... What do you want me to do?"

"Wala. For the meantime let's observe."

"Yes Sir!"

Ahhhhhh!!!

"Si Tasha ba yung sumigaw?" Sabi ni Brilliant.

Wram sighed.

"Bro, di ba natin titignan?"

"Hayaan mo Xitian ang mag resolba ng problema nya."

"Oh... Okay..."

At doon nga sa kwarto nung dalawa...

"Please, tama na... Pangako, hindi na ako mag tatanong. Just don't kill yourself."

Sobrang gulo na ng kwarto nila dahil nagwala si Xitian marami ring mga nabasag at ang isang piraso nga ng basag na flower vase eh kinuha ni Xitian para takutin si Tasha.

Naiyak na si Tasha habang hawak ang kamay ni Xitian na may hawak na bubog.

"I SAID DON'T CRY!!!" Sigaw ni Xitian na tinapon na yung bubog na hawak nya.

Pero lalo lang naiyak si Tasha na nag pipigil.

Xitian sighed at niyakap si Tasha "sorry, kung natakot kita. Sige na wag ka ng umiyak." Binuhat nya si Tasha at inupo sa kama.

At napansin ni Xitian na may dugo ang tuhod ni Tasha "you okay? Your knees..."

"Ah, nadali siguro kanina nung nilapitan kita."

Tumingin si Xitian sa paligid nya at napansin nyang ang daming bubog sa sahig.

"Dun muna tayo sa guest room."

"Hmm?"

"Di ka safe dito."

At binuhat nga ni Xitian si Tasha at tinawag si Cymiel para ipalinis ang room nila.

Hindi na kasi namamalayan ni Xitian ang nangyayare sa kapaligiran nya kapag sobra na syang galit.

Nang makarating naman sila sa guest room ginamot agad ni Xitian ang sugat ni Tasha.

"I will tell my secretary na bilhan ka ng bagong pants. Wag ka na munang mag susuot ng dress."

"Pero, okay lang ako."

Xitian glared at her "you still want a dress? May sugat ka nga! Heal that first! Tomorrow we are going to dermatologist para hindi yan mag peklat. Your knees is treasure I don't want my wife to have a scars."

Tasha blushed at napansin ni Xitian yon kaya akala nito may sakit ang fiancée nya.

"I... I'm okay nga!" She pushed Xitian's hand.

"Sorry, for being paranoid."

Tasha look away "just don't be mad you're not yourself pag galit ka."

"Sorry... Ganito na ko bata palang ako."

"Hmm? Ah, no--nothing you don't need to answer. Nag promise na ako na hindi na ko mag tatanong sayo. Sorry..."

Tasha look pitiful and cute kaya naman di napigilan ni Xitian na halikan sya.

Pak!

At na sampal nga ni Tasha itong si Xitian "so--sorry..."

"You still carefree against me."

"Ah... Ahm... Hindi naman sa ganon... Na... Nagulat lang kasi ako. I... Isa pa, you don't love me kaya ka lang naman concern kasi gawa ng baby."

"Who told you that?"

"Ha?"

"What if I learned to love you? Hindi ka naman mahirap mahalin."

Tasha gulped at umiwas ng tingin kay Xitian at sinabing "gusto ko ng mag pahinga." Then she lie down at nag talukbong ng kumot.

Xitian smiled "baka hindi ka makahinga don't cover your face." At tinanggal nya nga yung kumot pagkita nya naka pikit na si Tasha.

"Goodnight to my son's mother." Then he kissed Tasha's head.

Paalis na sana si Xitian ng biglang hinawakan ni Tasha ang kamay nito at sinabing "where are you going?"

"I need to go back to the Elders."

"Can you just stay here tonight?"

Xitian smirked "bakit, mamimiss mo kong agad?"

"Huh! Di no! Ah... Ahm...Pakiramdam ko kasi gusto kang kasama ni Baby."

"Si Baby ba o yung mommy?"

"Tsss! Kung ayaw mo edi wag! Labas na!"

"Sus! Oo na I will gake a shower first para naman fresh ako pag niyakap ako ng mommy ni baby."

"Huh! Kapal mo!" Then she covered herself again.

"Sige na, maliligo lang ako wait for daddy, baby."

At habang nakatalukbong ng kumot nga itong si Tasha eh parang kinikilig kilig pa sya.

Pero sinampal nya ang sarili nya at sinabing "ano ka ba Tasha?! He just like that dahil kay baby hindi para sayo!"

Samantala sa main mansion ng mga Alta Gracia kung nasasaan si Noli...

"What? Nag punta si Fernan sa office?!" Pagulat na sambit ni Noli habang nakaupo sa office chair niya.

"Opo Boss, and base po sa narinig ng tauhan natin nabanggit ni Don Fernan ang about sa nangyare sa hospital habang wala pong malay si Don Arnulfo."

"Didn't I tell you that erase the cctv footage doon sa hospital!!!"

"Yes Boss ginawa po namin at yun nga po ang ipinagtataka namin baka may nakita pa ring cctv footage si Don Fernan sa ginawa nyo kay Don Arnulfo."

Tumayo si Noli at napainom ng alak "bwiset!!!"

"Pero wag na po kayo mag alala Boss dahil hindi nya po kayo namukhaan."

Binato naman ng baso ni Noli yung tauhan nyang si Emil pero nakailag ito at nabasag ang baso.

"So-- Sorry po Boss."

"GET OUT!!!"

"O-- Opo."

Kinuha ni Noli ang telepono at may tinawagan "Hyun, pumasok ka dito."Si Hyun ang assistant at personal bodyguard ni Noli.

At mga ilang minuto pa ay may pumasok na nga kung nasasaan si Noli "Boss, andito na po ako."

"Any news about Catalina?"

"Wala po Boss, she didn't do anything today maliban sa umuwi po agad sya sa mansion at nakausap nya po si Ms. Tasha."

"What? Did you heard what are they talking?"

"Sorry Boss, pero pinapasok ni Ma'am Catalina sa kwarto nya si Ms. Tasha."

"Kailan pa naging close ang dalawang yon?"

"Ahm... Ang sabi po sakin ng tauhan natin sa mansion napagkamalan ni Ma'am Catalina si Tasha as mansion maid."

"Tsk! Ano balita sa mga Alcantara?"

"His doctor said nag ka amnesia raw po si Don Arnulfo at sa bahay na muna mamalagi hanggang sa ito'y gumaling."

"Make an appointment with the Alcantara. Gusto kong makita ang matandang hukluban."

"Yes Boss."