Chereads / Chasing Her Smile / Chapter 56 - Monteclaro Alta Gracia

Chapter 56 - Monteclaro Alta Gracia

Kinagabihan,

Sa Office ni Don Fernan doon sa mansion ng mga Alcantara.

"Ano?! Paano nangyaring hindi bangkay ni Carlos ang natagpuan?" Sambit ni Don Fernan kay Dante.

"Yes Boss, ayon sa ka asawa nito hindi raw yun si Carlos Villarin dahil may tattoo yung bangkay na iyon sa braso at ito raw si Villarin ay wala ni isang tattoo ayon dito at nag pakita pa nga ng larawan nito."

"Bwiset! Did they made some lab test to the body?"

"Yes Boss, and ayon nga po sa crime lab hindi katawan ni Carlos Villarin yung natagpuan sa rest house nito."

Sa galit ni Don Fernan binato nya yung glass of wine nya "go find that man!!!! At ako mismo ang kitil sa buhay nya!!!"

"Yes Boss!"

Pag ka alis ni Dante syang dating naman ni Ysmael "Uncle, what happened here?"

"Nothing, by the way any progress sa east shipment?"

"Successfully arrived uncle and here the papers." Iniabot nya yung brown envelope kay Don Fernan.

"Good!"

"The north and west is pending to arrive."

"What?! Hindi pwedeng mapurnada ang shipment na yon!"

"Nabulilyaso sa checkpoint may nakapag timbre sa bureau."

"Sino?!"

"Ang mga Alta Gracia."

"Huh!!! Talagang kinakalaban nila tayo."

"Don't worry Uncle dahil may ginawa na ko para hindi na nila tangkain pang kalabanin tayo."

"Good, siguraduhin mong maisasaayos mo ring yung South shipment baka mapurnada malaki pera ang inilabas ko para don."

"Yes Uncle."

"Now you may go and don't forget to inform me everything."

"Yes Uncle... Ahm... nabalitan ko nga po pala yung about kay Mr. Carlos Villarin... Hindi po ba sya..."

"He is nothing to do with you. Just focus on you work, understand?!"

'

"Ye— Yes Uncle."

"Now, move!"

"Opo."

At lumabas na nga ng office nitong si Don Fernan itong si Ysmael.

"Hindi nyo ko malilinlang Uncle!" Pabulong na sambit ni Ysmael.

"Did you get some news?" Sambit ni Chase kay Belj habang nasa may second floor sila at pinagmamasdan si Ysmael papalabas ng mansion.

"Sa ngayon, wala pa po Boss sa tingin ko nakaka radar yang pinsan nyo na pinamamanmanan nyo siya. Pero wag kayong mag alala patuloy pa rin kaming naka matyag sa bawat galaw niya."

"What about Dad? Did you find something?"

"Gaya pa rin po ng dati ang ginagawa ng daddy nyo wala pong bago. Pero nabalitaan kong nagka problema sa shipment papuntang north and west."

"What happened? Nabuko ba sila ng mga pulis?"

"There's nothing to be afraid to the police kilala nyo ang daddy nyo marami yung connection ang problema may naka pag timbre sa bureau."

"Sino? Isa ba sa na kaaway ng pamilya?"

"Um. Ang mga Monteclaro Alta Gracia."

"Hindi ba..."

"Yes Boss, clan yon kung saan nag mula si Mr. Xitian."

"Anak ng! Talagang ginagalit ako ng Xitian na yon!!!"

"Pero Boss, ang sabi gumanti lang ang mga ito satin."

"Ano? Anong gumanti? May ginawa ba si Dad?"

"Wala Boss, pero I think there's someone na gustong i-frame up ang daddy nyo."

"What? Who the hell is he?!"

"It's either Mr. Carlos Villarin o ang pinsan nyong si Ysmael."

"How come it is Carlos Villarin? Eh patay na yon sigurado akong si Ysmael yan malaman ko lang talaga na may kinalaman sya ako mismo ang makakalaban nya."

"Actually Boss, yung bangkay na natagpuan sa rest house ng mga Villarin ay hindi raw kay Mr. Carlos Villarin."

"Ano?!"

"Sa ngayon, pinaghahanap pa rin po sya ng mga pulisya."

"Do some research about that Carlos Villarin."

"Yes Boss."

"Anong meron? At napaka seryoso nyo." Bungad ni Ricai.

"Wala po Miss, iniisip po kasi ni Boss kung magugustuhan nyo na mag bakasyon sa mga magulang nyo. Di ba Boss?" Sumenyas sya kay Chase na sumangayon nalang.

"O— Oo ganun nga."

"Talaga??? Pwede???"

"Um... mga 1week?"

"Really?! I'm so happy." At niyakap nya si Chase na sorbang saya. "Sige mag iimpake na ko ha?"

"O— Oo..."

She kissed Chase' right cheek "thankies!" Then she left.

Belj tease his Boss "yun oh! Abot tenga ang ngiti ni Bossing... kilig yern?"

"Heh! Cough! Ihanda mo na ang kotse."

"Yes Boss. Pero teka lang po paano po si Don Fernan? Hindi ba kayo mag papaalam?"

"For what? Babalik na ang fiancée nya hindi naman ako kawalan don."

"Pero Bossing ang tinutukoy ko po eh si Miss."

"Si Ricai? Hindi naman sya anak ni daddy so what? Basta pag natapos mag impake si Ricai aalis na tayo. Naiintindihan mo?"

"Opo Boss."

"."

At hindi nga nag paalam si Chase sa daddy nya kahit itong si Ricai ay pinagbawalan nya.

"Ha? Bakit di ko agad sinabi sakin?" Sambit ni Don Fernan kay Dante.

"Akala ko po kasi nakita nyo silang umalis."

"Tsk! This is Chase' plan nilalayo nya talaga sakin si Ricai. Ayaw nyang maging malapit ako sa girlfriend nya."

"Wala po ba kayong balak sabihin kay Sir Chase ang tungkol kay..."

"Honey, I'm home." Bungad ni Eulla pag pasok na pag pasok nga sa mansion.

"Sige na bumalik ka na, andiyan na si Eulla."

"Yes Boss."

At naka salubong na nga nitong si Dante si Eulla na papasok sa Office ni Don Fernan.

"Honey!!! Did you miss me?"

"Sit down!"

"O— Okay. Mainit na naman ba ang ulo mo?"

Don Fernan glared at Eulla "am I asking your opinion?"

"So— Sorry."

"Nagawa mo na ba ang ipinaguutos ko?"

"Ho— Honey kasi..."

"Kasi ANO?!!!"

"Ahm..."

"Wag mong sabihing nag walwal ka lang don at di mo kinaibigan si Catalina Real!"

"Honey... kasi ano..."

"ANO?!!!"

"So— Sorry hindi ko kasi sya..."

Galit na si Don Fernan kaya naman pag tayo nito sinakal niya si Eulla "Ho— Honey... hi—hindi ako... makahinga..."

"Ang simple ng pinapagawa ko hindi mo pa... MAGAWA!!!"

"U— Uncle!!!" Ang bungad ni Ysmael at inawat ang kaniyang Uncle Fernan. "Kumalma po kayo baka mapatay nyo yan."

"Wala akong pakialam!!!!"

"Ho— Honey... Wag... may... may nalaman... ako... kay... Cata...Catalina..."

Nung marinig iyon ni Don Fernan sa nahihirapang mag salitang si Eulla unti-unti nya itong binitawan.

Cough! Cough! Cough! "Sa... Salamat Honey."

"MAG SALITA KA NA?!!!"

"U— Uncle kumalma po muna kayo."

"Cough! Nalaman kong hindi pala talaga si Catalina Real yung si Catalina Real."

"What?! Paanong hindi si Ms. Catalina Real yung si Ms. Catalina Real? May ibang taong nag papanggap?"

"Tama Mael, dahil ang totoo ng Catalina Real ay matagal ng patay."

"ANO?!"

"And who told you that? Wag mo kong pinagloloko Eulla!"

"Totoo yon honey ako mismo ang nakarinig sa mga kasambahay nila at pinuntahan ko rin yung puntod ng dating asawa ni Mr. Noli."

"Uncle, gusto nyo bang puntahan ko yung puntod na sinasabi ni Eulla?"

"No need, I will go."

"Pero honey, kararating ko lang."

Tinignan lang si Eulla ni Don Fernan ng masama at para bang wala itong pakialam.

"Send me the exact location."

"Pe... Pero..."

"Isesend mo o ikaw ang ibabaon ko sa lupa?"

"O— Oo."

Kinuha na nga ni Don Fernan ang coat nya at umalis.

"Uncle!!!" Sambit ni Ysmael na hinabol si Don Fernan.

"Tsk! Bwiset! Puro nalang yung Catalina na yon ang iniintindi nya!!!" Ang sabi ni Eulla na gigil na gigil.

***

Pinaiimbestigahan ni Ysmael itong si Catalina Real dahil nag tataka s'ya kung bakit masyadong interesado itong Uncle Fernan nya dito.

One day after....

"What? Walang record?" Ang pagulat na sambit ni Ysmael na nasa sala ng bahay nya.

"Yes Sir. Kahit anong I formation about kah Ms. Catalina Real ay wala. Para bang burado."

"What do you mean by that?"

"Actually Sir, may ibang details talaga na makikita kay Ms. Real pero parang may mali. Hindi kasi s'ya fully detailed kumbaga para gawa-gawa lang. Para bang tinatago nito ang totoong nyang identity. Pero hindi nyo mahahalata kung basta nyo lang ito titignan dahil sobrang perfect ng bawat I formation na naroroon kahit ang pag gamit nito ng social media ay parang plakadong plakado. Hindi talaga kayo makakakita ng kahit anong butas sa taong iyon."

"Kaya ba sobrang interesado si Uncle Fernan sa kaniya?"

"Sa tingin ko po..."

"What about the one Catalina na namatay? Did you find something suspicious?"

"Wala Sir. Pero totoong may nakalibing Na Catalina Real sa cemetery na sinasabi ni Ms. Eulla. At gaya ng natuklasan nila Don Fernan ito raw ang nanay ni Ms. Real kapangalan lang."

"What about the date? Wala bang nakalagay?"

"Ahm... yun nga po nakakapagtaka dun sa cemetery na yon walang nakalagay kung kailan ang birth and death."

"Hmmm... gaya ng inaasahan ni Uncle hindi basta ang cemetery na yon."

"Yes Sir sa sobrang private nito puros Monteclaro at mga Alta Gracia lang ang pwedeng ihimlay roon."

"What?"

"Tama po kayo ng narinig ang cemetery pong iyon ay pag mamayari ni Mr. Noli Monteclaro Alta Gracia."

"Huh! Ibang klase... wait, Monteclaro Alta Gracia? Kaano ano sya ni Xitian Monteclaro Alta Gracia? Yung kuya Tian-Tian ni Ricai."

"Uncle nya po si Mr. Noli Monteclaro Alta Gracia. Sila rin po ang nag mamay ari ng halos kalhati ng bilang ng mga Casino dito sa Pilipinas. Sila rin po ang may ari ng ilang BPO at remittances center at ilan pang..."

"You don't need to tell me that I know the businesses and other under the table businesses of Alta Gracia. Hindi konlang akalain na blood related pala itong si Xitian kay Mr. Noli Alta Gracia."

"Actually Sir, si Mr. Xitian na po ang bagong Boss ng Monteclaro Alta Gracia Clan."

"A— Ano?!!!"

Samantala,

"Hello? Yes... This is Ricai speaking." Sambit ni Ricai na nagising sa tunog ng cellphone nya.

Ricai: Kuya Tian- Tian?

Xitian: Um. Bakit hindi naka save nag number ko sayo? Are you still mad at me?

Ricai: Ha? Hi— Hindi po. Nag reboot kasi ako ng phone nag ka problema kasi ako.

Xitian: What? Tell me what happened? Did someone tracking you?

Ricai: Sort of... but don't worry nagawan na po ni Chase ng paraan.

Xitian: Ohhh...

Ricai: Ahm... May kailangan ka ba kuya? Bakit bigla kang napatawag?

Xitian: Ha? A— Ano kasi...

Ricai: By the way kuya, birthday ni Mama sa Wednesday punta kayo umuwi kasi ako samin.

Xitian: Umuwi ka? Kailan pa? Bakit di mo sinabi sakin edi sana nadalaw kita.

Ricai: Kuya naman kasasabi ko nga lang di ba na nireboot ang phone ko kaya wala akong number mo eh memessage sana kita sa social media kaso deleted na mga account ko.

Xitian: Why?

Ricai: Actually kuya, papalitan ko na rin itong SIM card ko di ko palang napapalitan kaya save ko nalang muna ang number mo tas mamaya text o tawagan kita para sa new number ko. Sabi kasi ni Chase need ko mag change ng sim and delete my social media accounts para di ako matrack ng mga kupal.

Xitian: Don't worry, I'm here walang mananakit itaga mo yan sa bato.

Ricai: Nice ang lalim nun kuya ah. Nga pala, sorry di po ako makakapunta sa party mo ngayon ha? Andito kasi ako samin eh.

Xitian: Its okay importante okay ka. Basta tawagan mo ko kapag may kailangan o problema ka pupuntahan agad kita.

Ricai: Thanks kuya. Love you.

Ang hindi naman alam ni Ricai nasa labas ng room niya sila Chase at Belj.

"Ano?! Anong I Love you? Umalis ka nga diyan ako ang makikinig." Pagalit na sambit ni Chase kay Belj at s'ya ang nakinig doon sa may pintuan ng room ni Ricai.

"Ano Boss? Narinig nyo?"

"Wag kang maingay! Wala akong marinig!"

"Sorry Boss."

Nilipat lipat ni Chase ang tenga nya para lang makinig doon sa pintuan pero wala talaga syang marinig ni isang boses ni Ricai.

"Bakit wala akong marinig?!"

"Eh? Bakit ako po may narinig kanina? Di kaya binge na kayo Boss?"

Chase bonked him "sa tingin mo ba maririnig kita kung binge ako?! Eh kung pauwiin na kita sa inyo?!"

"Boss naman... wag namang ganyan..."

"Heh!"

Narinig naman ni Ricai yung ingay sa labas ng room nya kaya binuksan nya yung pinto at pag bukas nya sumambulat sa kaniya yung dalawa.

"Aray..." Sambit ni Belj dahil parehas sila ni Chase na out of balance ng mag bukas ng pintuan nya itong si Ricai.

"Anong ginagawa nyo sa labas ng room ko?"

Tumayo namang agad yung dalawa at inayos ang sarili "wa— wala... nag exercise lang kami ni Belj tapos saktong... ayun you opened your door."

"Ha? Nag eexercise sa labas ng room ko?"

Siniko ni Chase si Belj para mag isip ng palusot "Ahh.... Ahm... Opo Miss, nag e-exercise kami ni Boss nag pupush up ganun. Ha... Ha... Ha..."

"Push up? Sa pintuan ko?"

"O— Opo ganito... Boss ipakita natin kay Miss paano tayo mag push up."

"Ha? Push... up?"

Sumenyas si Belj kay Chase na para bang sinasabing "umayon nalang kayo o mapapahiya tayo?"

At pinangunahan nga ni Belj ang pag pupush up na nakatayo sa may pintuan at ginawa rin iyon ni Chase kahit nakakahiya sa part nya.

"Huh! Tigilan nyo nga ko alam ko namang nakikinig kayo. Tsss!"

"Po? Hindi Miss... Wala sa vocabulary ni Boss ang makinig sa usapan ng iba. Di ba Boss?"

"Ha? O— Oo naman!"

"Ohhh... really.... okay, sabi nyo eh."

Papasok na sana si Ricai sa room nya ng pinigilan ni Chase ito.

"Ahm... Si— Sino yung..."

Ricai smirked "ano? Sino yung kausap ko? Si kuya Tian-Tian yon na ngangamusta lang. Oh? Happy?"

"H— Ha? Hi— Hindi naman yun yung... Ba— Bakit ka nag..."

"Nag ano? Ikaw... makikinig ka nalang ng usapan ng iba di mo pa ginagalingan eh. Ininvite ko sila kuya Tian- Tian dito bukas kasi birthday ni Mama. Miss na rin kasi s'ya ni Mama matagal na syang di nakikita nito."

"Wa— Wait... Kakilala ni Mom mo si Xitian?

"Um. Close sila ng family ko kasi nga si kuya Xitian ang nag alaga sakin habang nasa Manila ako nag aaral ng College."

"Ohhh... kaya pala may picture si Mr. Xitian sa sala nyo kasama ang family nyo. Nakita nyo ba yon Boss?"

Ang sama naman ng tingin ni Chase kay Belj.

"Ah... Ahm... nalimutan ko may gagawin pa nga pala ako. Bye Miss!!!" At kumaripas na nga ito ng takbo.

"Nyare dun?"

"Tell me, nagkaroon ba kayo ng relasyon ni Xitian?"

"What? Are you insane? Kuya lang ang tingin ko sa kaniya and... ikaw lang yung first na naging boyfriend ko... A.. Ahm... pero hindi na tayo kaya wag kang ano diyan!"

Chase smiled "who told you na hindi na tayo?" Inilapit nya ang mukha niya kay Ricai.

"Ah... Ahm... Ye— Yes... I... I'm... your fake girl..." hindi nya na ituloy dahil nilagyan ni Chase ng index finger nito ang bibig nya.

"You are still my legitimate girlfriend at walang fake dito. Siguro yang feelings mo para sakin na pinipigilan mong kumawala."

Tinulak naman ni Ricai si Chase "baliw ka na!" At pinagsaraduhan nya ito ng pinto.

Chase smiled "you can't escape from me my dear girlfriend."