Bang! Bang! Bang!
Galit na galit na si Xitian at naubos na ang pasensya kaya naman nag paputok na sya ng baril na mag kakasunod at sa takot nga nung tatlong gustong kumidnap kay Ricai nanpa surrender na sila dahil marami ng mga tauhan ni Xitian ang nakapalibot sa kanila at nakatutok ang mga baril.
"Su— Susuko na po kami." Sambit nung isa sa tatlong mga lalaki.
Pinagsisipa naman ni Brillant yung tatlo "susuko rin pala kayo gusto nyo pang mag aaksaya kami ng bala sa inyo. Mga ulupong!"
Samantala nilapitan agad ni Xitian at niyakap si Ricai "are you okay? May masakit ba sayo? Sinaktan ka ba nila?"
"I'm okay kuya..."
"Ri— Ricai!!!"
Biglang nahimatay si Ricai kaya dali-dali namang binuhat ni Xitian ito.
"To the hospital!"
"O— Oo." Sagot naman ni Brillant na kinakabahan.
At nung nag tungo nga sila ng hospital nabalitaan naman agad iyon ni Chase dahil may naging coverage pala ang mga media/ reporters sa pinangyarihan.
"Alamin mo kung sayang hospital sya dinala!"
"Ye— Yes Boss."
"Double time!"
"Opo eto na."
"."
Nang mabalitaan nga ni Tasha ang nangyare nag madali syang nag tungo sa hospital na pinagdalhan kay Ricai and so far ayos naman ang kalagayan nito nahimatay lang dahil sa gutom.
"Sabi ko naman kasi sayo kumain ka." Sambit ni Tasha na nag susino ng lugaw kay Ricai.
"Edi ba eto na nga nakain na ko."
"Ayan ka na naman eh what I mean is wag ka mag papalipas ng gutom tignan mo ang nangyare sayo paano nalang kung napanood ng mga magulang mo yung balita sa tv? Anong sasabihin ko sa kanila?"
"Chill ka lang, sabi ni kuya Tian-Tian tinawagan nya na sila Mama."
"Ikaw naman kasi bakit naman kasi pumunta ka sa ganung lugar ng walang pera? Paano ka naman kakain kung ganon? Tignan mo muntik ka na tuloy makidnap nasan ba kasi ang phone mo?"
"Ah... Eh... mahabang kwento."
Knock... Knock...
"Pasok bukas yan." Sabi ni Tasha.
At bumungad sa kanila si Chase na may dalang fruits and flowers kasama si Belj.
"Wha— What are you doing here?"
"Kamusta ka na? Sorry kung wala ako sa tabi mo kanina. Sabi ko naman kasi sayo na wag kang bumaba ayan tuloy tignan mo ang nangyare sayo!"
PAK!
Nagulat ang lahat ng biglang sinampal ni Tasha si Chase.
"Sino ka para pagsalitaan si Ricai ng ganyan? Nasaktan ang kaibigan ko tapos you blaming her? Huh! Ibang klase ka!"
Inaawat naman ni Ricai si Tasha "girl, tama na yan kasalanan ko rin naman kung hindi ako basta bumaba ng kotse nya edi sana hindi ko naiwan ang mga gamit ko."
"No, kasalanan nya kasi hindi ka nya hinabol dahil hinayaan nya lang ang gaya mong babae na maglakad mag isa kahit madilim na!"
"Pero Tasha kasi..."
"Sorry..." Sambit ni Chase at natahimik sola Ricai at Tasha "I know it's really my fault kung nung una pala di na kita pinilit sumakay sa kotse ko di sana ito mangyayare sayo kaya..."
Blaggg...
Sinapak namang bigla ni Xitian si Chase ng marinig nya ang sinabing iyon pagkapasok na pagkapasok nito ng room.
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit muntik na syang makidnap!"
"Huh!"Reaction ni Chase na biglang naging maangas at gumati rin ng sapak.
Inawat naman na yung dalawa nila Belj at Brillant.
"Tigilan nyo na yan!" Sigaw ni Ricai.
"Ricai, simula ngayon layuan mo na ang lalaking yan! Puro kapahamakan lang ang maidudulot nyan sayo!"
"Oh, really? So, ang gaya mong gangster mabuti ang maidudulot sa kaniya?!"
"Ikaw!!!"
"Kuya Xitian!"
Napatigil bigla sa pag aalburoto itong si Xitian dahil sa matagal na panahon noo nya nalang uli narinig na tawagin sya ni Ricai sa buong name nya at alam nyang seryoso ito.
"Iwanan nyo na po muna kami dito ni Chase gusto ko lang syang makausap ng kami langa."
"Pero Ricai..."
"Don't worry kuya I can handle this."
"Sigurado ka ba?" Tanong naman ni Tasha at mag nod lang sa kaniya at ngumiti si Ricai.
At lumabas na nga yung iba ay ang naiwan nalang ay sila Chase at Ricai.
"Sorry, hindi ko sinasadyang masaktan si Xitian nakita mo naman sya ang nauna."
"Wala ako pake!"
"Ganito nalang ba tayo? Parati nalang nag aaway sa tuwing magkikita? Hindi natin pwedeng ibalik yung dati?"
"Huh! Ano? Dati? Bakit ano bang pinagkaiba nung dati sa ngayon? Una palang hindi na tayo nagkakasundo di ka pa ba sanay?"
"Alam ko na ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan pero isipin mo rin naman ang mararamdaman ko nung nalaman kong may inilihim ka sakin."
"Ohhh... kaya ba umiwas ka at di nag pakita sakin? Tapos sinabi mo rin kay Belj na gawin ko na ang mga gusto ko? Eh ano to? Anong ginagawa mo dito?! Bakit ka pa mag pakita sakin? Ayos na ang buhay ko tahimik na! Oo may utang ang pamilya ko sayo pero wag kang mag alala di ko kayo tatakbuhan."
Hindi naman nakapagpigil ng sarili si Chase at hinalikan nya si Ricai.
Tinutulak sya ni Ricai si Chase pero ayaw sya nitong pakawalan.
Ricai can't decided for herself kaya hinayaan nya nalang na halikan sya ni Chase alam nya sa puso nya na may puwang talaga ito pero may bahagi ring gusto nyang sapakin ito at layuan nalang pero hindi nya kaya.
"I love you and I miss you bumalik ka na sa condo."
Alam ni Ricai na hindi tamang makikita sila ng tao na hindi madalas mag kasama dahil isa silang public figure at isa pa sya ang fake girlfriend nito pero ano nga na talaga sila ni Chase? Yan ang parati nyang tanong sa isipan nya. Kung ano ba talaga sila? Fake feelings rin kaya ang mararamdaman nila sa isa't isa o this time totoo na.
***
Makalipas ang dalawang araw bumalik nga sa condo ni Chase itong si Ricai pero ang usapan parin nila ay fake couple pa rin sila. Walang pakialaman sa gamit at mundo ng isa't isa at kapag nasa labas lang sila magiging sweet. Yun ang naging kondiyon ni Ricai at para naman kay Chase binawasan nya ng 500k ang utang ni Ricai para lang bumalik ito sa kaniya.
Mahal na ni Chase si Ricai pero dahil ayaw nitong mawala sila sa momentum bilang maging magkaibigang muli bumalik nalang sila uli sa dati na parang laging aso't pusa but mild version na. May pagibig na sa kanilang dalawa ngunit ang bawat isa naman ay ayaw mag lagay ng label kaya they play and act as if nothing happened in the hospital.
"Boss, kararating lang po ni Miss hindi po ba kayo lalabas ng kwarto nyo?"
Si Chase na busy sa kaniyang computer.
"So? Anong gusto mong gawin ko?"
"Boss naman... kala ko ba babaero kayo kay Miss bakit parang nag mamtigas na naman kayo sa kaniya?"
"Kung ako nag mamatigas sya naman nag papabebe. Ano ako nalang parati ang susuyo? Nakakapagod bahala ka kung gusto mo Ikaw nalang!"
Belj made facepalm "bahala nga kayo. Sige po lalabas na ko."
"Do what you want busy ako."
Habang nag lalakad papalabas pabulong bulong pa itong si Belj "busy sa pag video games."
"I can hear you!"
"So— Sorry po Boss."
At ng makalabas nga itong si Belj kumatok naman sya sa kabilang kwarto sa kwarto ni Ricai.
"Miss, may niluto po si Boss na miryenda kumain po kayo."
Binuksan ni Ricai ang pinto habang nag tatali ng kaniyang buhok.
"Anong niluto ng epal mong amo?"
"Ahm... Lasagna na Miss baka di nyo po naitatanong eh famous po si Boss dun kaya sya sumikat sa pagiging chef."
"Oh... really? So masarap talaga?"
"Opo Miss. Malilimutan nyo ang pangalan nyo."
"Sus! Keme! Sige nga kumain tayo."
"Sige po Miss paghahain ko kayo maupo na po muna kayo."
"Okay."
Samantala may biglang tumawag kay Chase over the phone at sinabihan syang nagkaroon na ng malay ang lolo nya.
"Okay pupunta ako dyan."
Nagulat naman sila Ricai at Belj ng lumabas ng kwarto nya itong si Chase.
"Po? Gusto nyo bang pag drive ko kayo?"
"Hindi na ako ng bahala gimme the key."
"Opo Boss."
Kinuha ni Belj yung susi ng kotse ni Chase at dali-daling iniabot.
"I'm out."
"Ingat po kayo."
Hindi naman nag paalam si Ricai o ang sabi ng ingat kay Chase basta sya ay kumakain lang.
"Miss, bakit di nyo pinapansin si Boss? Nag away na naman po ba kayo?"
"Hinde."
"Ehhh... bakit parang nag iiwasan po kayong dalawa?"
"Di ko rin alam."
Sa isip-isip ni Belj "bagay nga sila parehas silang nga abnormal pag dating sa love nila sa isa't isa."
"Sa tingin mo san sya pupunta?"
"Hindi ko po alam Miss Kilala nyo naman si Boss kapag naka isip ng kung ano bigla nalang nyang gagawin baka kung ano lang po yun. Bakit po?"
"Ha? Wa— Wala naman di nya kasi ako sinama syempre ano... couple kami at yun ang alam ng mga tao tapos di nya ako kasama? Baka kung ano ang isipin ng iba na naman."
"Ehhh... baka di naman po alam naman rin ng tao na busy kayong dalawa parati sa kani-kaniya nyong trabaho kaya maiintindihan po yung ng mga fans nyo."
Pero sa isip- isip no Belj "ayaw pa kasing sabihin na nag aalala sya kay Boss pati kaming mga fans nila dinadamay pa. Pero kung tutuusin naging loveteam na nga sila ni Boss dahil may nag e-exists talagang fandom nila. Sana all."
"Belj!!!"
"Mi— Miss?"
"Sabi ko Sunday natin sya."
"Po? Pero Miss dapat kanina nyo pa yun sinasabi baka nakakalayo na yun satin."
"Wag kang mag alala akong bahala May nilagay akong tracker device sa kaniya kaya malalaman natin kung nasan sya."
"Eh? Nag lagay po kayo?"
"Oo mabuti na yung prepared ako dahil ayoko ng ma issue nakakabaliw ang mga reporters kaya tara na sundan na natin sya."
"O— Opo."