"Knock…Knock…"
"Your Highness, gising na ba kayo?" Ang sabi ni Ricai habang nakatok sa pintuan ng kwarto ni Chase.
"Bakit kaya hindi pa nagigising ang lukong yun pangkaraniwan sya parati ang nang gigising sakin eh. Ano naman kayang trip nya?" Ang pabulong bulong na sambit ni Ricai ng bigla namang nag bukas na ang pinto at nagulat syang bihis na si Chase at mukhang may pupuntahang kung saan.
"What do you think you're doing? Umalis ka nga dadaan ako."
"Tsss! Kala mo naman kung sino."
"Anyways, wag mo na kong hintayin dahil I have something important to do."
"Huh! Sino naman may sabi sayng iintayin kita? Wala akong pake! Buti nga yun aalis ka masosolo ko ang bahay."
Chase smirked "whatever! Siguraduhin mo lang na mag lilinis ka!"
"Huh! Yes, kamahalan! Tsss!"
"Okay, imam go na."
"Tsss! Ingat sila sayo."
"Thanks to your concern."
Papalabas naman na si Chase ng sumagot si Ricai "huh! kapal mo madapa ka sana!"
At paglabas nga ng condo ni Chase nadapa sya at nakita yun ni Belj "Si—Sir…"
"Ngayon rin ipaayos ang daanang ito tanggalin ang mga makakasagabal sa paglakad ko."
"Si—Sir?"
"Nevermind. Anyways, naihanda mo na ba ang sasakyan?"
"Yes Sir, hindi ko nga po inaasahang baba na kayo eh actually papunta palang po ako sa inyo."
"Yung susi?"
"Sir?"
"Yung susi ako na ang mag dadrive wag ka ng sumama."
"Ho? Pe…Pero…"
"Dumito ka nalang bantayan mo si Ricai baka kung san mag punta ang babaeng yun habang wala ako."
"Eh?"
"Sige na, ikaw ng bahala sa babaeng yun basta wag na wag mong papalabasin ang babeng yun ha? Naiintindihan mo?"
"Ye—Yes Sir."
"Okay, I got to go ikaw ng bahala."
"Yes Sir. Ingat po kayo."
At umalis na nga itong si Chase nag doorbell naman si Belj at pinag buksan naman sya ni Ricai at nagulat ito "hindi ka kasama ng kamahalan?"
"Kamahalan?"
"Anyways, ano namang pakialam ko."
"Ako nga po pala ang makakasama nyo dito habang wala si Sir Chase."
"Ohhh…I see, ayos yan dahil may gagawin tayo."
Kinabahan namang bigla si Belj "H—Ho?"
Hinila naman na sya ni Ricai sa loob habang si Chase naman ay umalis na g tuluyan sakay ng kanyang kotse na pa tungong kung saan.
***
Makalipas ang ilang oras…
"Ahm…Miss, hindi ko po akalain na marunong pala kayong mag bake ng cake. Ang ganda po ng ginawa nyo."
"Anong ako? Tayo ang gumawa nyan."
"Ah…hehe…pero kayo naman po ang nakaisip ng lahat ng ito tumulong lang naman po ako sa paghahalo."
Natapos naman na sa finishing touch si Ricai dun sa cake na sorbang simple lang na white cake with floral on the top with chocolate dripping effect.
"Okay na, ngayon pwede na nating kainin."
"Ho? Pero pwede po bang picturan ko po muna? Hindi nyo po naitatanong eh mahilig po akong mag picture lalo na ng foodstagram."
"Really?"
"Um. Kaya sige na po pwede po bang picturan ko?"
"Okay, pero yung cake lang ha? Wag na ko."
"Sige po walang problema gagawan ko nalang po ng magandang angulo. Excuse me lang po ah."
"O—Okay?"
At binuhat ni Belj yung cake ng dahan-dahan at inilagay dun sa may mesa "ahm...Miss, pwede po bang mahiram ang phone nyo?"
"Ha? Bakit?"
"Ahm…hindi ko naman po hahawakan papabukas ko lang po yung flashlight ng phone nyo tapos itatapat nyo po dun sa cake para maganda po yung lightning kapag kinuhanan ko. Pwede po ba?"
"Ohhh…ganun ba? Ang dami mong alam dyan ha?"
"Hehe…opo kasi nung college po ko ako ang laging taga kuha ng picture ng mga kaklase ko kasi mahilig po talaga ko sa photograpy."
"Ohhh…I see…" Binuksan naman na nya yung flashlight ng phone nya "san ko ba dapat itapat yung liwanag?"
"Ahm…dine lang po banda sa may bandang side para makita sa pic yung dripping effect ng cake."
"Ah…O—Okay…"
At sinimulan na nga ni Belj yung photo shoot dun sa cake na ginawa ni Ricai.
"Miss, dito naman kayo sa kabilang side top shot naman po ang gagawin ko."
"O—Oh, sige…"
Makalipas nga ang isang minuto natapos rin sa kanyang pagkuha itong si Belj "Okay, tapos na po Miss maari niyo na pong isara yang flashlight ng phone nyo."
"Um."
"Maraming salamat Miss sorry po kung ako pa ang nag slice ng cake nyo para lang sa picture."
"Ano ka ba? Ayos lang yun sige kainin mo na tikman mo yung ginawa natin."
"Talaga po pwede kong tikman?"
"Oo naman bakit naman hinde? Sige na tikaman mo."
"Sige po."
Nang matikman nga ni Belj yung cake namangha ito dahil sobrang lambot nung texture nung cake nag memelt sa mouth ang sarap rin ng lasa kahit vanilla flavor lang yun "Miss…"
"Hmm? Hindi ba masarap?"
"Hindi po…"
"Ha? Talaga ba?"
"Hindi po sya masarap kasi sobrang sarap po nag memelt pos a sya sa mouth grabe ngayon lang po ako nakatikim ng ganireng cake."
"Talaga ba? Baka naman nag jojoke ka lang?"
"Opo promise sobrang sarap nya po hindi po ako nag bibiro actually nung sinabi nyo kanina na mag bebake tayo ng cake napipilitan lang po talaga ako kasi hindi po talaga ako sweet tooth person pero kung ito po ang kakainin ko sa araw-araw hindi po ako mag sasawa grabe napakasarap po."
"Sus…ito naman masyado mo naman akong pinupuri baka umabot na sa langit ang ngiti ko sa galak."
"Pero Miss, grabe ang sarap po talaga pwede nyo itong ipang business para makabayad kayo ng utang kay Sir."
"Ha? Ulitin mo nga yung sinabi mo?"
"Po? Ang alin po?"
"Tama ka! Pwede kong gawing business ang hobby ko sa baking para makabayad sa bwiset na si Chase!!!"
"Ah…Eh…Miss, hindi naman po sa minamaliit ko yung kakayahan nyo pero marami na po ba kayong kilala dito sa Manila?"
"Oo naman syempre hindi kasing dami ng kakilala ni Chase TV personality kasi sya. Pero kung magkakaroon lang sana ako ng maraming kakilala baka mag boom yung cake business ko."
"Hmm…What if mag post po tayo sa social media tamang tama po marami na akong followers sa instagram baka may umorder po. Ano po sa tingin nyo?"
"Oo nga! Ganun nga ang galing mo talaga."
"Hehe…hindi naman po sige po mag post na po ako ngayon sa IG ko para may maka kita na po malay nyo mamaya lang may umorder na."
"Oo sige…kaso wag mong ilalagay ang name ko ha? Baka kasi may makakita sakin at malaman na andito lang naman pala ako sa Pilipinas."
"Po?"
"Alam mo naman na ang alam ng pamilya ko eh nasa Saudi ako kahit ang mga kaibigan ko dun sa barrio."
"Ay, oo nga pala. Hmm…ibahin nalang po natin ang name nyo."
"Pwede pero wala akong maisip."
"Hmmm…cake lang po ba ang kaya nyong i-bake?"
"Ahm….I can bake cupcakes, brownies, and even cookies."
"Ohhh…marami naman po kayong alam na i-bake eh…what if kung yung name eh "house of sweet?" bet nyo?"
"Hmm…parang masyadong common maganda sana kung kabog yung name palang matatakam ka na."
"Ohh…opo tama kayo parang yung sa kakilala ko "Coffee and Teanapay" ang kulit po nung name diba? Pero ang witty kasi naisip nila yung tea gawin as tinapay yung spelling."
"Ahhh…oo nga nakikita ko yun minsan kapag papunta dito sa condo."
"Opo kila Mr. and Mrs. Santos po yun."
"Oh? Kilala mo?"
"Ahm…nakilala ko po kasi kaibigan po sila ni Sir Chase."
"Really?"
"Opo nakakatuwa nga po yung mag asawang yun eh lalo nap o si Ms. Kelly ang astig nya po talaga mantakin nyo introvert po sya dati tapos magaling din sya sa martial arts. Ang pangarap nya po kasi ay maging boss. Ang cool di ba po?"
"Oh? Boss talaga?"
"Opo napanood ko po yun sa isang interview sa kanila. Kaya sa kagustuhan nyang maging boss sya mismo ang gumawa ng paraan para maka pag patayo sya ng sarili nyang business."
"Ohhhh… Galing nga sya rin ba yung asawa nung Santos Mall? Santos kasi eh."
"Opo sya nga si Sir. Patrick na po ang humalili as Chairman ng SM Corp.simula ng namatay ang daddy nila."
"Ohhh...ang bata pa pero C.E.O na."
"Opo tapos si Ms. Kelly naman C.E.O rin ng business nya na miltea shop na may marami ng branches national. Sabi nga po ng iba sobrang bagay po sila eh parehas po kasi silang magaling mag manage ng kani-kanila nilang business."
"Pero mas magaling yung Kelly kasi hindi naman nya namana yung business nya eh kung hindi sya mismo ang nag build nito."
"Ah…opo pero kasama nya po yung mag kuya nya."
"See, I think I'm a fan na ni Ms. Kelly."
"Eh?"
"Oo gusto ko rin magkaroon ng sarili kong business para mabayaran ko ng anag utang ng pamilya namin sa bwiset na si Chase. Tapos sasabihin nya pa na wag ko na raw syang aantayin kasi raw gagabihin sya? Huh! Ang kapal nya bakit sino ba sya para intayin ko? Wala naman akong pakialam kung sino man ang kasama nya. Humph!"
"Ahm..Hindi nya po ba sinabi kung san sya pupunta?"
"I don't kung san man sya pumunta mas okay nga kung wag na syang umalis."
"Pero bumalik po si Sir Chase sa Espenzo."
"Ano? Bakit raw?"
"Dahil po yun sa pamilya nyo at lalong lalo na sa inyo."
"Ano? Hindi kita maintindihan? Bakit? Ano ba ang nangyayare?"
"Hindi po ba si Ms. Eulla ang may kagagawan kung bakit nailipat sa compound G ang pamilya nyo?"
"Oo, pero hindi ba okay na yon?"
"Opo pero nabalitaan po kasi namin na hindi makalabas ng bahay ang pamilya nyo."
"Ano? Kagagawan na naman ba yun nung lintek na kabet ng daddy ni Chase?"
"Sa ngayon hindi pa po namin alam kung si Ms. Eulla ang may kagagawan kung bakit maraming reporter sa labas ng bahay nyo."
"Wait, reporter?"
"Yes, Miss gaya nga ng sabi niyo kanina sikat na personalidad si Sir Chase kaya lalong nag umalpas ang mga fans na gustong malaman san nag mula ang pinakilala nitong girlfriend sa madla. Lalong lalo na ang mga reporter na hindi makali sa pag hagilap ng maibabalita."
"Hold on, so you mean bumalik si Chase sa barrio para ayusin ang issue na ganito?"
"Opo kaya nabanggit nya po sa inyo na baka gabihin sya ng dating dito. Dahil nga po aayusin nya yung tungkol sa inyo at lalong lalo na ang kalagayan ng pamilya nyo."
"Ba---Bakit hindi nya sinabi sakin?"
"Siguro po ayaw nya kayong mag alala. Naninibago nga po ako kay Sir ngayon eh dati naman wala syang pakialam kung ma issue hindi nya po yun pinapansin kasi katwiran nya parati "hindi ko kailangang mag pakababa sa mga yan dahil mas hamak na mayaman ako sa kanila. Kaya kong bilhin ang mga yan kung gugustuhin ko." Kaya yun oras na may maging issue sa kanya nag babayad sya ng malaking halaga para lang mabura at matakpan ang kung ano mang issue na may kinalaman sa kanya."
"Ibang klase talaga ang tao yon…may minahan ba sya sa ilalim ng bahay nila sa barrio?"
"Hi—Hindi ko po alam eh. Siguro dahil mayaman naman po kasi talaga ang pamilya nila tapos sikat pa sya lam nyo na lumaking nakukuha ang gusto."
"Baliw na sya!"
Kinagabihan.
Andun pa rin si Chase sa Barrio De Espenzo at nakaupo sa may sala ng mansion nila at nainum ng kape ng dumating ang daddy nya kasama si Eulla.
"Chase!" Ang bungad ni Eulla na para bang tuwang tuwa but Chase smirked.
"My son, bakit hindi mo sinabing andito ka pala so we can go back home earlier. Mabuti naman at nag bago na ang isip mo na layuan na yung babaeng yon."
Ibinaba naman ni Chase ang tasa nya ng kape "kayo ba?"
"Hmm? What do you mean? Anyways, dito ka ba matutulog?"
Tumayo si Chase at sumigaw "KAYO BA ANG MAG KAGAGAWAN KUNG BAKIT MUNTIK NG MAPAHAMAK ANG PAMILYA NI RICAI?"
"Wha—What?"
"Ahm…Chase, huminahon ka muna." Ang sambit ni Eulla at hinawakan pa ang braso ni Chase na para bang sobrang concern talaga kahit na ang totoo ay sya talaga ang nag sabi sa mga reporter kung saan ang bagong bahay ng pamilya ni Ricai at ipinag utos nya rin na takutin ang mga ito kaya nung gabi kumuha sya ng tao para manloob sa bahay ng mga Villamor.
"Wag mo kong hawakan!" Ang galit na galit na sambit ni Chase at tinanggal naman agad ni Eulla ang kamay nya sa braso nito.
"Chase!!! Ano na naman ba ito? Uuwi ka lang ba dito para mag away tayo?"
Umabante si Chase at ang sama ng tingin nya kay Eulla "bakit dad? Hindi ba ganito mo naman ako pinalaki…ay mali, lemme rephrase my sentence…hindi mo nga pala ako pinalaki dahil kahit kailan hindi ka naman naging ama para sakin."
"Enough! Lumayas ka!!!"
"Huh! Sige aalis ako pero hinding hindi nyo ko mapapalayas sa bahay na ito dahil kahit kailan hindi naman naging sa inyo ito! Kay lolo ang lahat ng ito at wag kayong paka sigurado na sa inyo mapupunta ang mga ari-arian nya kapag nawala na sya. Yun ang gusto nyong mangyare hindi ba, Don Fernan?"
"Tumugil na!!!"
"Okay, aalis na ko pero eto lang ang sasabihin ko kapag may nabalitaan na naman ako na may masamang nangyare sa mga Villamor tinitiyak kong ako mismo ang mag papalayas sa inyo dito, Don Fernan kasama yang kabet mo!"
Hindi na nga nakapag salita pa si Fernan at umalis na rin si Chase na hindi man lang nalingon sa daddy nya. "honey…"
"Get lost! Ayoko munang makita yang pagmumukha mo."
"Pero…"
"UMALIS KA!!!!"
At iniwan nga ni Eulla si Fernan na walang anong pa sinabi at tinawagan nya na rin yung tauhan nyang inutusan "magaling ang ginawa nyo bukas na bukas matatanggap nyo na yung kalhati ng perang ating pinagusapan."