Chereads / Chasing Her Smile / Chapter 3 - The Soft side of Chase Alcantara

Chapter 3 - The Soft side of Chase Alcantara

Habang pinagmamasdan ko si Chase na alalang alala sa lolo niya nakaramdam ako ng awa sa kaniya kahit noon pa man sobrang sama na ng ugali ng mga Alcantara na yan dahil sobrang mga matapobre pero ngayon bigla akong nakaramdam ng awa dahil ibang iba ang kilala kong Chase na sobrang yabang At kumpara sa ngayong Chase na parang anghel sa amo ng kaniyang mukha.

"Miss, coffee?" Ang sabi ni Belj sakin hindi ko akalain na mabait naman pala itong assistant ni Chase buti hindi nag mana sa kaniya.

"Ay tukmol!"

"Sorry na gulat ba kita?"

"Ano ba sa tingin mo? Bakit naman kasi bigla-bigla ka nalang na sulpot?"

"Kanina pa kasi kayong nakatayo dito sa labas ng room ni Don Arnulfo kaya naisipan ko pong ikuha kayo ng coffee dun sa vendo machine sa labas."

"Si— Sino ang nakatingin? Ako? Wala akong oras sa mga taong mayayabang."

Bakit nga ba ako naaawa kay Chase at sa lolo niya samantalang dapat lang yan sa kanila dahil sobrang sama ng ugali nila. Karma na ang lumalapit ngayon sa kanila.

"Miss, maupo po muna kayo mamaya pa lalabas si Sir diyan."

"Tsss! Sino namang may sabing inaantay ko ang tukmol na yon?"

Naupo ako syempre baka akalain pa ni Belj na inaantay ko nga ang boss niya. Yung tukmol na yon iintayin ko? Kapal niya! Asa naman!

"Ako na po ang humihingi ng tawad para kay Sir Chase sa ginawa niyang abala sa inyo Miss."

"No need to say sorry dahil hindi naman ikaw ang may kasalanan kaya wag kang mag sorry."

"Pero ako po ang assistant niya kaya kailangan ko ring harapin ang ginawa niyang kasalanan."

"Parati ka bang ganyan kapag may ginawan ng kalokohan ang boss mo?"

"Ahm..."

"Wag mo ng sagutin. Anyways, pwede ba akong mag tanong?"

"Sige po."

"Teka nga bakit ba nagamit ka ng po at opo sakin eh parang mag kasing age lang naman tayo."

"Ah... eh... sorry nakasanayan lang po."

"26years old lang ako at mukhang mas matanda pa nga ata ako sayo eh po ka diyan ng po."

"Isang taon lang naman ang tanda niyo sakin Miss."

"Eh? 25 ka na? Hindi halata ang baby face mo kasi yung amo mo ilang taon na yon?"

"27years old na po sya actually birthday niya rin ngayon."

"Ano?!"

"Opo kasabay sya ng lolo niya. Pero ayaw niyang ipinagdidiwang ito."

"Hmm? Bakit naman eh ang yaman-yaman nga nila kaya kahit anong gustuhin niya maibibigay ng pamilya niya."

Hindi ko na namalayan na naubos ko na pala yung kapeng ibinigay sakin ni Belj.

"Gusto niyo pa po ng kape?"

"Ah, hindi na actually bawal sakin ang kape."

"Ho? Hala! Bakit di niyo sinabi sakin?"

"Ayos lang iinum nalang ako ng gamot pag uwi ko sa bahay."

"Nako, sorry po talaga."

"Ayos lang di naman ako allergy sa kape eh but because of some reason lang hindi ako pwede ng kape you know girl thingy."

"Ohhh... I get it na po gusto niyo ng tubig? Ibibili ko po kayo."

"Mamaya na, pwede na ba akong mag tanong?"

"Ahh, sige po."

Bata palang ako curious na talaga ako kung bakit sobrang yaman ng mga Alcantara eh pero ngayon mas curious na ako kung bakit galit na galit si Chase sa daddy niya.

"Ohh... isa rin po yun sa dahilan kung bakit ayaw mag celebrate ni Sir ng kaarawan niya dahil yun rin ang araw na kinuha nila Don Arnulfo at ni Sir Fernan si Sir Chase sa Mommy niya."

"Oh? Isang mahirap lang ang nanay ni Chase?"

"Opo pero wag kayong maingay sa iba ha? Nako ako po ang malilintikan sa kanila. May binabayaran pa po akong bahay at lupa kailangan ko pa po ng trabaho."

"Don't worry di naman ako tsismosa. Pero totoong mahirap lang ang Nanay ni Chase? Pero paano? Hindi ba dapat ka level rin nila yung mapapangasawa nila?"

"Um. Gaya ng napapanood natin sa mga movies or series ganoon nga rin sa totoong buhay dahil kailangan nilang palawakin ang mga negosyo nila kaya kailangang ipakasal sa mga mayayaman rin."

"Pero paano nangyaring hindi kumalat ang balita about dun? Dahil ang alam ng lahat nasa America lang ang Nanay ni Chase at matagal ng hiwalay ito kay Sir Fernan kaya nga humanap sya ng bago at ngayon naman mas bata pa ata sa anak niya."

"Yeah... kaya nga hindi nag kakasundo ang mag ama."

"Ohhh... kahit mayaman pala may mga ganyang problem din noh?"

"Opo pero naaawa rin po ako kay Sir Chase kasi hindi niya makasama ang Nanay niya."

"Nasan ba ang nanay niya?"

"Sa ngayon hindi pa rin po namin alam kahit matagal na po itong hinahanap ni Sir."

"Eh? Kung nasa Pinas lang yun madali na yung makita kaso kapag sa ibang bansa mahihirapan nga kayo mag hanap pero sabi nga mahirap hanapin ang taong ayaw mag pahanap."

May mga bagay talagang mahirap ipaliwanag at intindihin lalo na ang mga mayayamang ito.

","

Lumipas ang 30minutes na pag iintay kay Chase sa wakas uuwi na rin ako. Di ko akalain na may good side rin pala ang tukmol na ito para sa lolo niya. 30minutes rin syang nag tagal sa loob ng kwarto ng lolo niya kahit wala naman itong malay samantalang ang daddy niya nga wala pang one minute siguro nag fly away na. Ibang klase! Nasa hospital na yung tatay pero nag mamadali paring umuwi.

"Belj, mag taxi ka nalang ako ng bahala sa babaeng ito."

"Sir?"

"Isasama ko sya sa mansion."

"Ano? Bakit na naman? Uuwi na ko! Belj halika na."

"Ah... eh... Mi— Miss..."

"Wag kang matakot may kilala akong lawyer ipapakilala ko sayo hindi ka dapat mag papauto sa psycho na yan gabi na at sobra-sobra na ang oras ng iyong pag sisilbi sa kanya!"

Hinila ko na si Belj pero hindi ko inaasahang ang bilis ng reflexes nireng kumag na si Chase ang bilis niya kaming hinarangan "umalis ka diyan!"

"Ah... Eh... Miss kumalma ka lang muna pinag titinginan na tayo..."

"Bakit ba natatakot ka diyan? Hindi ako kakalma hangga't nakikita ko ang pag mumukha ng bwiset na yan."

"Ricailee, that's your name right?" Bigla nalang nag salita si Chase at nagulat talaga ako na alam niya ang name ko.

"Aba, at nakaka kilala pala ang dakilang si Chase. Eh... Ano naman ngayon kung yun ang name ko? May problema ka?"

"Oo dahil hindi bagay sayo ang pangalan mo!"

"Aba't!!!"

Nag iinit na ang ulo ko at gusto ko ng sapakin ng isa itong lintek na si Chase pero pinipigilan ako ni Belj.

"Bitawan mo ko Belj! Sasapakin ko lang ng isa ang bwiset na ito."

"Huh! Ako sasapakin mo? Ang lakas rin talaga ng guts mo noh?"

"TALAGA!"

Hindi ata ako kilala ng isang ito inuubos niya na talaga ang pasensya ko.

"Mi— Miss kumalma ka lang po."

"Let her be Belj bitawan mo sya tignan natin kung saan sya kayang dalhin ng maliit niyang biyas at binti."

"Ahhh... ganun pala ha!"

I'm tryna hit his face to make a fake move at gaya nga ng inaasahan ko mabilis ang reflexes niya kaya kasabay ng fake slap ko sa kaniya sinipa ko sya sa private part niya at hindi na nga sya naka galaw pa sa sakit.

"Ano? Nasan ang yabang mo ngayon?"

"IKAW!!!

"Si— Sir ayos lang po ba kayo?"

"SHUT UP!"

"Awww... galit na galit ka? Huh! Buti nga sayo! Diyan ka na weaklings! Belj, ikaw ng bahala sa boss mong psycho pero kung ako sayo iwan mo na yan kaya na niya ang buto niya matanda na sya."

***

Umalis na nga si Ricai at galit na galit naman itong si Chase sa kaniya "ano pang ginagawa mo? Habulin mo sya!"

"Pero paano kayo?"

"CHASE HER!!!"

"O— Opo Sir."

"BILISAN MO!!!"

Nag madali nga itong si Belj para habulin si Ricai at nung naabutan niya na nag makaawa itong balikan si Chase pero nabigo sya dahil hindi sumama sakaniya si Ricai.

"Pero Miss..."

"Sabihin mo sa boss mo gagawa ako ng paraan para bayaran ang utang ng pamilya ko sa kanila lalong lalo na ang lintek na coat nya! Bwiset! Sabihin mo rin sa kaniya na wag na wag na syang mag papakita sakin dahil hindi lang yun ang gagawin ko sa kaniya kapag hindi niya ako tinantanan!"

Nang makabalik nga itong si Belj nasa isang room na rin sa hospital itong si Chase at ikinuwento niya ang nga sinabi ni Ricai.

"Huh! Ang kapal ng mukha niyang sabihin na wag ako mag papakita sakaniya? Sinabi niya yon sa tulad ko? Huh!"

"Ye— Yes po mukhang hindi po ata tumatalab kay Ms. Ricai ang taglay niyong charm."

"Charm lang?"

"Ah... eh syempre po ang taglay niyong kagwapuhan."

Pero matapos sabihin ni Belj ang mga linyang yon na para bang labas naman sa ilong pabulong bulong pa sya "jerk! Ano naman kung may good looks at malakas ang karisma niya? Mayabang naman sya."

"May sinasabi ka pa?"

"Wa— Wala naman po pero gusto n'yo bang ilabas ko na kayo dito?"

"Wag na muna ayokong umuwi sa mansion makikita ko pa dun ang kabet ni Daddy."

"Sige po Sir kung yan ang nais nyo."

"Siguraduhin mo rin na walang makakaalam na dito ako tutulog."

"Yes Sir."

"Natawagan mo na ba si Doc Caslie?"

"Yes Sir, bukas po sya naka schedule na makikipag kita sa inyo."

"Okay, cancel mo lahat ng lakad ko para bukas at bumili ka ng bouquet of tulips para kay Caslie gumawa ka na rin ng reservation sa paborito naming restaurant."

"Yes Sir yun lang po ba?"

"Oo maaari ka ng umuwi."

"Sir?"

"Bakit ayaw mo bang umuwi?"

"Ah... Eh... hindi naman po sa ganon pero wala kayong kasama dito."

"Ayos lang may mga nurses naman dito at wala naman na akong kailangan basta bumalik ka agad bukas ng mag 7am naiintindihan mo?"

"Yes Sir."

Sa isip- isip naman ni Belj "Ano kayag nakain niya? O nag dedeliryo na ba ako? Tama ba yung narinig ko? Pinapauwi niya ako? Sya na parati nalang utos ng utos ang alam? Mukhang malakas ang impact sa kaniya ni Ms. Ricai para makinig sa sinabi nito kanina about sa pag uwi ko. Hindi ko talaga yun inaasahan."