Faris' POV
Nakaupo lang ako rito sa labas ng Pavilion habang naghihintay ng tawag ng aking ama.
Sa totoo lang talaga, may nangyari nanaman sa amin ni Sky kahapon. Kahit masakit pa 'yong aking pagkababae nadadali nanaman ako sa mga pinagagawa ng lalaking iyon.
Wala na talagang awa, tss.
Naramdaman ko na lamang na tumunog ang aking cellphone kaya inabot ko ito sa mesa ng Pavilion.
Tinapat ko ito sa aking tenga. "Hello, dad" nakangiti kong saad.
"(Hija, ngayon na ako uuwi. I'm packing my clothes pa. I was talking with my colleagues kaya medyo matatagalan pa ang aking pagdating diyan sa Las Piñas. Maybe I'll sleep on air. Bukas na ata ako makarating diyan)" saad nito habang maingay naman 'yong mga tao sa likod nito.
"It's fine, dad. Mag-ingat po kayo diyan. Hindi natin alam kung ano ang takbo ng panahon" sinsero kong saad rito.
"(Sige, anak. Sinagot mo na pala si Sky?)" Tanong nito at halata ang pagkagalak sa boses nito. Hindi na ako nagulat sa tanong nito. Narinig ko naman ang sinabi ni Sky sa araw na tumawa ito.
"Hmm, sinagot ko na po"
Kung alam mo talaga, dad. May nangyari na sa amin. Twice pa nga eh.
"(Mabuti naman kung gano'n. Ikinagagalak kong malaman ang balitang iyan, hija. Nandyan lang pala sa malapit ang magiging nobyo mo, hija)" bahagya pa itong tumawa.
Halata nga.
Nobyo?...
"Anong nobyo, wala akong nobyo, dad. Tss, boyfriend lang iyan, dad" umiling-iling pa ako.
"(Ganoon na rin iyon, hija. Siya lang rin naman ang magiging nobyo mo. Alam kong hindi ka basta-basta lang bibitaw sa kanya)"
Naaalala ko nanaman 'yong sinabi ni Sky sa akin kahapon. Hay, paulit-ulit na lang talaga.
"Agad-agad? Kakasagot ko lang sa kanya, dad"
"(Bilisan niyo kasi, gusto ko nang magkakaroon ng apo. Gusto kong nagkaroon ng isang dosenang apo. Namimiss ko 'yong merong tumatakbo sa ating mansion)"
"Gusto niyo po ng tumatakbo, dad?"
"(Oo naman)" mahina pa akong natawa sa aking iniisip.
"Bumili po kayo ng kabayo, tapos patakbuhin niyo po sa loob ng bahay" Natatawa kong saad rito.
"(Baliw ka talaga, hija)" natatawa rin ito sa aking sinasabi. We ended up laughing and exchanging jokes.
Natatawa na lang rin ako. May edad na ang aking ama, pero marunong pa rin ito magpatawa.
"Sige na, dad. Bye po. Ingat po kayo diyan" saad ko rito.
"(Ikaw rin, hija. Mag-ingat kayo ni Sky, gumawa na kayo ng mga anak)" mahina akong tumawa.
"Mamaya na 'yang apo niyo, dad. We're facing war. Huwag muna iyan" saad ko rito saka ngumiti kahit na hindi niya ito nakikita.
"(Oo nga naman, hija. But still, gusto ko pa rin ng apo. Tatawagan ko si Sky mamaya)" I hummed saka mabilis na nagpaalam sa kanya saka pinatay ang tawag.
Bumuntong-hininga ako saka marahan na pumikit. Nararamdaman ko ang isang prisensya na papalapit sa akin kaya iminulat ko ang aking mga mata.
Nakita ko ang pigura ni Sky na papalapit sa akin habang may malawak na mga ngiti ang labi.
Nginitian ko rin ito saka ako pumikit ulit. I'm having a hard time and a stressful day's.
"Baby" tawag ni Sky sa akin saka hinalikan ang aking noo.
"Sky" tawag ko rin dito at umayos ng upo.
"Inaantok ka pa?" Tumango-tango ako saka linagay ang aking kamay sa bridge ng aking ilong.
"Hindi ako nakatulog ng maayos kahapon. Ikaw naman kasi eh" inis kong saad rito. Tumawa pa 'yong gago saka hinawakan ang aking mga kamay.
"I'm so sorry. Masakit ba 'yang pagkababae mo?"
"Hmm, dumagdag ka pa kahapon" nakasimangot kong saad rito.
"Don't worry, we will have another rounds tonight para mas lumuwag 'yang bahay mo sa ibaba. It became tight when my eagle doesn't enter his house" nakangising saad nito.
"Eh, kung putulin ko kaya 'yang agila mo?" Pinandilatan ko ito ng mga mata.
"How can we produce a beautiful angeles? Plano ko pa namang ang dalawang dosena" ngiti-ngiti nitong saad. Mabilis na dumapo ang aking kamay sa braso nito saka siya sinamaan ng tingin.
"Kakainis ka na, Sky, namumuro ka na talaga. Ayoko na. Two nights is enough" iling-iling kong saad habang nakasimangot ang mukha.
Ayaw ko naman talaga, ako na nga 'yong nasasaktan ako pa 'yong magdudusa.
"We'll see" gumuhit ang nakakalokong ngiti sa gilid ng labi nito.
Alam ko na kung ano ang kanyang iniisip. Inirapan ko ito saka marahan na tumayo.
Aray!...
Napadaing na lamang ako sa sakit. Ngayon ko lang naaalala na masakit pala 'yong pagkababae ko.
Tinawanan ako ni Sky saka ito naunang maglakad sa akin, hindi ito lumingon sa aking gawi at dumaan ito sa aking tabi na parang walang nakita habang pangiti-ngiti
"Woi! Gago, tulungan mo nga ako!" Sigaw ko rito habang dahan-dahan na lumabas ng Pavilion. Tinawanan ako ng gago saka ito bumalik sa aking gawi.
"Let's go, baby. Pero may kapalit itong pagtulong ko sa 'yo" anito at hinawakan ang aking braso. Mabilis naman akong napabitaw rito.
Alam ko naman kung ano ang hihingiin niya. Well, I can't give that. I'm sorry.
"Huwag na lang" ani ko at paika-ikang naglakad hanggang sa dumating ako sa loob ng mansion. Nakatingin lang sa akin si Sky at tinulungan akong maupo.
"Hindi na muna kita hihingan ng kapalit. I want you to rest for now. Ayaw kong magpuyat ang baby ko. Ako na bahala sa mga operation" napangiti ako rito saka dahan-dahan na tumango.
"Mabuti naman kung gano'n" ani ko rito saka sumandal sa upuan.
Naglakad ito papalayo sa akin saka lumabas ng mansion. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa maglaho ito sa aking paningin.
Tumayo ako saka pumunta sa kusina, kumain muna ako ng mga pagkain at bumalik sa sofa.
Skyler's POV
Dinial ko muna ang numero ni Treyton saka umupo sa loob ng Pavilion. Wala masyadong tao rito kaya sigurado akong walang makakarinig sa akin.
Nakita kong sumagot ito kaya mabilis ko itong tinapat sa aking tenga.
"How was it?" Tanong ko sabay sandal sa aking kinauupuan.
"(Hindi pa dumating rito sa Las Piñas ang sinasakyan nito. Kailangan muna naming maghintay)" tumango-tango naman ako sabay hawak sa aking baba.
"That's good. Huwag lang sana kayong magpapahalata. I don't want to confuse him" mabilis kong sagot rito sabay buntong-hininga.
Kahapon ko pa iniisip ang lahat ng ito. It's really hard doing this kind of job.
"(Sure, by the way, nasabi mo na ba 'yon sa iyong ina?)"
"Actually, hindi pa. Kilala mo naman si Mommy diba? Mabilis lang 'yon madepress. She knows my job is hard to deal, wala siyang alam tungkol sa mga ito. Wala rin akong plano na ipaalam iyon sa kanya" mahaba kong sagot rito. "Mamaya na lang siguro kung tapos na ang lahat ng ito"
"(Pwede rin naman kung gano'n. Mas mabuti pa nga. How about your baby?)" Alam kong nakangiti ito ngayon habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.
Idiot...
"Wala"
"(What's wala?)"
"Ano bang pinaguusapan natin? You asked me if I told her, then my answer is NO" I answered and tsked as I placed my coffee on the table in front of me.
Nagpahatid ako kanina nang kape kay Manang Loring.
"(Chill ka lang, bro. Nagtatanong lang ang gwapo)" anito sabay halakhak. Ayan nanaman ang kanyang pagiging mahangin.
"Umaambon" saad ko rito. Sinabayan ko na rin ang pagiging maloko ng lalaking ito.
"(Ang sakit no'n, ha. Walang kang support bespren)" boses bata itong nagsasalita.
"Tss, baka dadating na 'yon. Stay active" ma otoridad kong utos rito.
"(Aye aye captain!)" Malakas nitong sigaw sabay halakhak.
Mabilis kong pinatay 'yong telepono at hindi na nag-abala pang sagotin ang kagagohan nito saka iyon linapag sa mesa.
Napahilot ako sa aking sentido saka ininom ang mainit-init na kape.
Even better...
Treyton's POV
"Rules are rules" saad saka tumayo palakad-lakad sa harapan ng aming puwersa. "No one is allowed to do the first move. Wait for the signal, got it?" Tanong ko rito at huminto sa gitna.
"YES, SIR!" Sigaw ng mga ito.
"Eyes focused. Patalasan iyon ng paningin. Ang makakagawa sa aking pinapaggwa ay makakatanggap ng isang gantimpala" ngumiti ako rito.
"Anong klaseng gantimpala ba 'yan, bro?" Sabat naman ni Kaden at sumilip mula sa likod ni Jazz.
Bakit ba nandoon siya sa likod?
"You're short, dito ka sa harapan" utos ko rito at tinuro 'yong harap ni Jaxxon.
Nagsitawanan ang buong puwersa saka rin tumahimik nang itaas ko ang aking kamay.
"A price will be big. Magaganahan kayong sundin ang aking inuutos" seryoso nanaman akong naglakad sa kanilang harapan. "The price will be my cruise ship, my private island, one of my mansion, free tickets to France, Germany, Italy, Spain, Greece, USA, Netherland and UK, one of my car collections saka one billion, ako na rin ang bahala sa gagastosin niyo sa iyong bahay for one month" gumuhit ang ngiti sa gilid ng aking labi. Nakita ko kung paano namangha ang mga mukha ng aking buong puwersa.
"Sir, hindi ba't sobrang dami ng mga iyon?" Tanong ni Josh na siyang gumagawa sa tracking.
"Marami? I don't think it's marami. Kulang pa nga ang mga iyan, idagdag na rin natin ang isa sa aking mga lote sa Palawan. Hindi pa naman ako mauubusan, aabot pa ng dekada 'yong mga bagay na meron ako" sagot ko rito saka hinila 'yong upuan. Umupo ako rito saka tumingin sa kanila.
Nagsimula na silang mag-ingay nang bitawan ko ang mga salitang iyon.
"Sir, ilan po ba ang pipiliin niyo?"
"It depends kung ilan ang makakagawa, pero kung walang makakagawa. I'm sorry, babawiin ko ang lahat ng iyon" sagot ko rito at umiling-iling.
"Ang saya"
"Kaya ko 'yan"
"That's hard, marami pa naman sila"
"Tiwala lang sa sarili"
Iyan ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig. Tumikhim ako upang matahimik ang mga ito.
"Okay ba? Babawiin ko na lang ang lahat ng iyon kung hindi niyo naman kaya" ika ko and I stretched out my arm.
"Okay po, Sir. Kakayanin po namin" sagot ni Jazz saka nagthumbs up.
Tumango ako saka linigpit ang aking mga gamit. "Okay, you may now leave. I'll be operating the security system with Kaden" saad ko at tinuro si Kaden.
"Ano?! Bakit ako?! Gusto ko makuha 'yong premyo" nakasimangot nitong saad.
Mabilis akong lumapit roon sa kanya ang I held his collar papalapit sa aking kinauupuan kanina. "No price for you" saad ko.
"Ano?! Bakit naman?!"
"Stop that 'ANO' of yours. Ililibre na lang kita" sineryososhan ko ito ng tingin kahit na nakasimangot lang ito.
Tss, kala niya naman maaawa ako sa kanya.
- - - -
Faris' POV
Tumawag kay Sky ang aking ama kagabi. Lumilipad pa raw sa himpapawid ang sinasakyan nitong eroplano. Dederesto na rin sila dito sa Las Piñas.
Hindi ko alam kung dumating na ba sila ngayon, ang alam ko lang ay lumilipad pa ang eroplano patungo rito.
"Sky, tumawag ba sa 'yo si Daddy? Baka dumating na 'yon rito sa Las Piñas?" Tanong ko habang kumakain ng mani.
Nguya lang ako ng nguya habanag hinihintay ang sagot nito.
"Wala, hindi naman tumawag sa akin si Tito. Hintayin na lang natin" tumango ako saka binaba ang lagayan ng mani. Pinagpag ko ang aking damit saka ininom 'yong tubig sa aking harapan.
Ilang araw na rin akong nakakulong rito sa bahay. It's not actually nakakulong is the best way to describe it, but bagay rin naman. Hindi ako lumalabas ng bahay, iwas disgrasya na rin. Lumalabas lang ako ng bahay kung aalis ako kasama si Sky.
I always needs to be with him. Always.
"Baby, tigilan mo na 'yang pagkain mo ng mani" tumaas ang isang kilay ko rito.
Hindi naman ako kumakain ng mani.
"Why?"
"It can cause acne" ika pa nito at mabilis na lumundag sa aking tabi. Yumakap nanaman ito sa aking beywang saka sumandal sa aking balikat.
"Huwag mo nga akong ma yakap-yakap" suway ko ritoa t marahan na inalis ang kanynag braso na nakapulupot sa aking beywang.
"Oh, galit ka?" Umiling ako.
"Bakit naman ako magagalit?" Nakatungo kong tanong rito.
"Because I wasn't pleasuring you last night"
Aba gago. Ang manyak nga naman.
"Manahimik ka nga, kung ano-anu na lamang ang lumalabas diyan sa bibig mo" humalakhak ito ng malakas. "Baliw"
"You missed my eagle, huh? You want this eagle inside your house?" May ngiti ang gilid ng labi nito.
"Baliw! Hijo de puta! Los Cojones!" Inks kong saad rito saka into marahang tinalikuran. Nakaupo ako sa sofa habang nakatalikod sa kanya.
"Stop cussing. Hindi ka gaganda niyan" suway nito at tinakpan ang aking bibig.
Nahihirapan naman akong magsalita kaya mas lalong sumama ang tingin ko rito.
Sige ka, kakagatin ko talaga 'yang kamay mo.
"I don't need to be beautiful, I'm always beautiful" I confidently said and I flipped my hair backwards.
Deep inside I wanted to laugh out loud. Natatawa lang ako sa aking mga sinasabi.
"Yes, you're beautiful" anito sabay halik sa aking noo. Umalis ito at naglakad patungong kusina.
Ilang oras pa kaming naghintay sa aking ama na dumating rito sa mansion. Hindi rin ito tumawag sa akin. I'm a little bit nervous.
Narinig ko ang malakas na pagring ng telepono ni Sky kaya tumakbo ako upang abutin ito sa ibabaw ng cabinet.
Si Daddy nga...
"Hello, dad" malakas kong saad rito.
"(Hija, why do you have Sky's phone? Asan ba si Sky?)" Unang bungad nito sa akin.
Wala man lang hi or hello?
"Patay na po si Sky" natatawa kong saad.
"(That's not a good joke, hija. Nasaan ba 'yang kasintahan mo?)" Naiilang naman ako sa tanong nitong kasintahan..hindi lang talaga ako sanay na marinig ang salitang kasintahan.
"Nandoon po siya sa kusina. Ewan ko lang kung ano ang kanyang ginagawa. Bakit nga po pala?" Seryoso kong tanong at sinulyapan ang papalapit na pigura ni Sky na may dalang pagkain na nakalagay sa malaking pinggan.
Lasagna?...
"He's here" dagdag ko pa.
"(Okay, paparating na kami)" tumango lang ako.
"Sige po, we will wait. Tanghali pa naman" saad ko habang nakatingin sa pagkain na dala-dala ni Sky.
Hmm, I'm hungry.
"Anong tanghali? Malapit nang gumabi, hija"
Ano raw?...
Napasulyap ako sa orasan na nasa dingding. Hindi nga tanghali, malapit na palang gumabi. Kaya pala nagugutom ako.
"Y-yeah, kaya nga. Tanghali kanina. Oo tama, tanghali pa kanina, dad" humahanap naman ako ng malulusutan. "Ang tagal niyo naman pong dumating? Kahapon pa po kayong bumabyahe, ah? May traffic ba diyan sa himpapawid?" Tanong ko pa at kumuha ng isang kutsara ng lasagna saka ko iyon sinubo.
Tumawa ito. "(Haha, No, hija. Pumunta pa kami ng Bohol)" oh.
"Ah, kaya pala ang tagal ninyo"
"(Hmm, nandito na pala kami, hija. Nandito na kami sa Las Piñas)" nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito.
Mabuti naman kung gano'n. Wala na pala akong dapat ipagaaalala.
"Mabuti naman po, dad. Sige po, take your time" mabilis akong nagpaalam rito saka sumubo nanaman ng lasagna.
Pinatay ko 'yong cellphone saka ko iyon tinapon kay Sky, mabilis at natataranta niya itong sinalo.
Pfft, mukha siyang ewan. Ang epic ng mukha.
"Anong sabi?" Deretsong tanong ni Sky.
"Depende kung ano ang lumabas mula sa bibig nito" saad ko at bahagya pang ngumiti. Hindi aasenso ang bansa sa dinami-rami ng pilosopo.
"I'm serious, baby"
"You're a serious baby?" Tanong ko sabay halakhak. Hindi ito tumawa at nanatili lang na seryoso ang expresyon ng mukha nito.
I guess I'am laughing in my own corny joke. Great!
"Joke lang, Sky. Sabi niya. Nandito na raw siya sa Las Piñas" tumango ito. "Tapos natagalan raw sila dahil traffic sa himpapawid" kumunot naman ang noo nito.
Nagpiece sign naman ako. "Joki lang, Sky. Sabi niya, natagalan raw ito dahil pumunta muna sila ng Buhol"
"Dahil?"
"Aba ewan ko, wala naman akong alam diyan eh" I answered rudely. Nanatiling seryoso lang ang mukha nito.
"You're never serious. Kailan ka pa kaya magseseryoso? Sabi nila, if you're not serious talking, you're also not serious in relationships" Tanong nito habang nakatitig lang sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin saka tumahimik. Ayan nanaman, galit nanaman siya.
"Okay, sorry na. Joki-joki lang naman 'yon Sky eh. Napakaseryoso mo naman kasi" hindi ito sumagot at tumahimik na lamang. Napabuntong-hininga ako saka sumadal sa aking kinauupuan.
Ilang oras pa ang aming hinihintay ngunit hindi pa rin dumating ang aking ama. I feel strange.
Seryoso lang akong naghihintay ng tawag ngunit wala pa ring dumadating na tawag. Sumasakit na 'yong tiyan ko sa kaba.
Pakiramdam ko may mangyayari ngayon sa amin. Pakiramdam ko talaga may masama ngayong nangyayari.
Hindi ako lalabas ng bahay ngayon, pakiramdam ko kikidnapin nanaman ako ngayon o hindi kaya'y tatapunan nila ng bomba ang aming bahay.
Naka-advance ko lang talagang mag-isip. Narinig kong tumunog ang cellphone ni Sky kaya mabilis itong tumayo saka lumayo-layo muna ng kaunti sa akin. Sinagot nito ang tawag.
Seryoso lang ang mukha nito at hindi nagkalaunan ay kumunot rin ito. Napahawak pa ito sa kanyang sentido saka hinilot-hilot nag kanyang ulo. Base sa pamamaraan ng pananalita nito, kulang na lang ay magrarap na ito sa bilis nitong magsalita.
Napakurap ako saka kumunot rin ang aking noo nang hawakan nito ang bridge ng kanyang ilong.
Tumango-tango ito saka mabilis na pinatay 'yong tawag. Linagay nito sa kanyang bulsa ang telepono saka ito lumapit sa cabinet. May linabas ito mula roon kaya laking gulat ko na lamang nang makita ko kung ano iyon.
Holy lasagna...
Skyler's POV
Tumunog ang aking cellphone kaya mabilis ko itong sinagot saka ko rin iniwan si Faris.
"Trey" paninimula ko.
"(Sky, operation failed)" deretso nitong sagot.
"What do you mean?" Kumunot ang aking noo.
"(We guarded the wrong passage. Pasensya ka na Sky, mali 'yong binabantayan namin)" napahilot ako sa aking sintido sa sinabi nito.
"Why?"
"(Don't worry, we tracked down the plane at natagpuan namin iyon malapit sa Villa ng mga Suarez)" tumango ako and I clenched my fist in anger. I sighed in frustration saka umayos.
"And? Ano nang nangyari?"
"(Wala tao roon sa loob ng eroplano. Ang tanging nakita namin ay iyong piloto ng eroplano. Pinapalibutan ng pasa ang buong katawan nito)" kinkabahan naman ako sa sinabi nito.
Shit!...
"Kidn---"
"(Yes, he was kidnapped)"
"I want your force to be my backup. I'll be going to their hideout now" seryoso kong saad.
"(Okay, copy)" mabilis kong pinatay ang tawag saka lumapit sa cabinet kung saan ko linagay lahat ng mga baril.
Faris' POV
"P-para saan 'yan?" Tanong ko sabay turo sa inaasimbol nitong baril. Hindi ito sumagot sa akin at seryoso lang ang tuon sa kanyang ginagawa.
Oo, may hawak itong baril.
"Sky, para saan 'yang baril? Bakit mo 'yan kinuha? Saan mo ba 'yan gagamitin?" Sabay kong tanong rito habang nakakunot ang noo. I'am confused while watching him assembling three guns.
"This is a crime. The war has started"