Faris' POV
"This is a crime, the war has started" deretsong saad nito.
Wala akong naiintindihan sa sinabi nito. Gulong-gulo ang aking isipan ngayon. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito.
"Ha? Ano ba ang ibig mong sabihin?" Lito kong tanong rito.
Hindi ito sumagot at nanatili lang sa kanyang ginagawa.
"Sky"
He sighed deeply and he turned around to face me. His eyes were filled with sadness and anger. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
"Your father was kidnapped" natigilan ako at hindi ako nakaimik sa binitawan nitong salita.
Ano raw?...
"Ha?" Tanong ko rito.
"Natagpuan ang eroplano ng ama mo malapit sa Villa ng mga Suarez. Iyong pilot na lang ang nasa loob roon. Maraming bugbug saka pasa" nagsimulang mamuo ang luha sa aking mga mata.
"Saan si Daddy?" Naiiyak kong tanong rito.
"Baby, don't cry. Nasisiguro kong hindi nila iyon papatayin" nasisigurong sagot nito. Lumapit ito sa akin saka pinahiran ang aking namumuong luha.
"Sky"
"Shh, huwag ka nang umiyak. Alam ko kung nasaan ang Daddy mo" saad nito at hinaplos ang aking buhok.
"Sasama ako" saad ko at pinahiran ang aking mga luha.
"What? No, hindi ka sasama. Ako na ang bahala doon" sagot nito saka ako inilingan. Bumalik ito sa kanyang ginagawa saka linagay sa likod ng kanyang pants 'yong isang baril. Iyong dalawa nama'y nakalapag lang sa mesa.
"Sasama ako. Ama ko 'yong nasa panganib, Sky" pagpupumilit ko. Sigurado na ako sa aking desisyon.
"No, it's dangerous" saad nito.
"What's the use of my training kung ako mismo hindi mo naman pala pasasamahin?" Inis kong saad rito at pabagsak na umupo.
"They have guns, isang putok lang no'n talo ka na" mariin nitong saad. Hindi ko pa rin ito pinakinggan.
"Then give me guns" saad ko at kinuha 'yong isang baril na nasa mesa.
Pinigilan naman nito ang aking kamay kaya napalingon ako roon.
"Stay here"
"No, gusto kong sumama" pagdadabog ko.
"You don't know them!" Inis rin nitong usal.
"Ikaw rin naman a---"
"I know them. Kilala mo rin sila, pero hindi masyado" usal nito na nagpatigil sa akin.
Ano raw?...
"What? Paano mo naman 'yon nasabi?" I seriously asked.
"Long story, I'll explain it to you later. Kailangan ko nang umalis" ika pa nito at kinuha 'yong panghuling baril saka iyon linagay sa likod ng kanyang pants.
So he's keeping secrets from me? Gano'n ba?
"Sasama ako, sigurado na ako sa desisyon ko. Hindi iyon magbabago. Sasama ako" seryoso kong saad saka tinitigan ang mata nito. "Please, Sky"
Napabuntong-hininga ito saka tumango.
Sabay kaming lumabas ng bahay saka sumakay ng sasakyan. Mabilis itong minaneho ni Sky hanggang sa dumating kami sa liblib na lugar.
Maraming mga punong kahoy rito at wala masyadong tao. Masyadong tago 'yong lugar na animo'y nakakailabot. Magatayog lahat ng mga punong kahoy at sobrang dilim rin ng paligid.
Madilim ang daan, alas otso na ng gabi. Nakaramdam na rin ako ng antok sa layo ng lugar.
Huminto kami malapit sa isang punong kahoy at sa hindi kalayuang dako, may malaking building na animo'y abandonado.
Lumingon muna ako kay Sky nang magsalita ito. "Shoot, but don't kill" anito.
"What? Paano kung papatayin nila ako?"
"Kill 'em, simple as that" kinakabahan naman akong tumango. "Okay, every passage may nagbabantay, if you get caught. Kill them, before they kill you" nag-aalinlangan naman akong tumango.
"Here's the plan. You go left, I go right. Patumbahin mo muna 'yong mga nakabantay bago tayo pumasok"
"Okay" seryoso kong saad.
"Okay ka lang?" Tumango-tango ako saka sabay kaming lumabas ng sasakyan.
Dahan-dahan kamong naglakad papasok sa loob ng hideout. Maraming pasikot-sikot rito kaya medyo kinakabahan rin ako.
Nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad, humiwalay naman sa akin si Sky kaya ako na lang mag-isa ang naiwan rito.
Oh my gosh...
Mariin akong napapikit bago nagpatuloy sa aking paglalakad. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan na aking nadadaanan, isa itong silid na walang katao-tao.
Lumakas ang kabog ng aking dibdib nang marinig kong may naglakad patungo sa aking dinadaanan kaya mabilis akong pumasok sa loob ng silid saka iyon sinarado.
Kinakabahan ako nang marinig kong huminto sa harapan ng pintuan ang mga yapak na aking naririnig. Narinig ko pa ang pinaguusapan nito.
"Pre, yayaman na tayo, hahaha!" Malakas na tawa nong boses ng lalaki.
"Huwag kang maingay, baka may makarinig sa iyo" sagot naman nong isa saka naglaho rin ang mga yapak ng mga ito.
Dahan-dahan akong lumabas ng silid saka tumingin sa kaliwa't kanan. Agad akong naglakad saka kinasa ang gantilyo ng baril.
"Hoi!"
Mabilis akong napalingon sa aking likod saka walang pag-aalinlangang pinutok 'yong baril. Agad naman iyong sumalampak sa sahig na walang buhay. Mabuti na lang at may silencer 'yong baril.
Pumatay ako!...
Bumuntong-hininga ako saka nagpatuloy sa aking paglalakad. Nakita ko ang tatlong lalaking nag-uusap na parang magbabantay sa isang pintuan.
Pumasok ako sa isang silid malapit sa tatlong lalaki saka sumilip sa bintana. Agad ko itong pinaputok kung saan-saan kaya patay rin 'yong tatlo.
Whew, this is creepy...
Nagpatuloy nanaman ako sa aking paglalakad at huminto ako sa pintuan na binabantayan nong tatlong lalaki na aking pinatay. Maraming mga pagkain sa loob ng silid.
Tss, pagkain lang 'yan, binabantayan pa...
Nagigilan naman ako habang naestatwa sa aking kinatatayuan.
Naramdaman ko na lamang na may humawak sa aking balikat. Napapikit ako saka dahan-dahan na umikot upang harapin ito.
O_O
Oh my gosh...
"Pére--"
Magsasalita na sana ako nang mabilis ko itong sinapak kahit na medyo may katangkaran rin ito.
Ang sakit ng kamay ko, tangina. Mabilis kong hinawakan ang aking kamay sa sakit nito. Ang tigas pala ng mukha ng lalaking ito.
Nagmamadali akong tumakbo, hindi pa man ako nakahakbang bigla na lamang nitong hinila ang aking buhok at kulang na lang ay kakaladkarin niya ako. Nahulog rin ang aking dala-dalang baril.
Aray, ang sakit. Hinawakan ko ang kamay nito pilit na pabitiwan ang aking buhok.
"Bitawan mo ako" mahina ngunit mariin kong saad rito.
Hindi ito nakinig sa akin saka nagpatuloy lang ito sa kanyang paghila kaya nakabweno naman ako.
Pinatid ko ang tagiliran nito saka mabilis na tumakbo patungo sa baril. Mabilis kong kinasa ang gantilyo saka ito pinutok mismo sa kanyang noo.
Salamat naman. Nakahinga ako ng maluwag saka palihim na naglakad. Pagdating ko sa kanto sakto rin na sumalubong sa akin si Sky. Madungis na ang damit nito at may talsik ng dugo.
Tumango ito saka sabay kaming naglakad sa harap ng isang pintuan. Pinakinggan muna namin ito saka ko pinatiran 'yong pintuan.
Madilim ang buong paligid at walang ilaw rito. Hindi ko rin makikita kung may mga tao ba sa paligid. Biglang lumamig ang ihip ng hangin, nakaramdam ako ng kaunting kilabot habang linibot-libot ang aking paningin sa buong paligid.
Nakarinig ako ng palakpak mula sa dilim. "Magaling! Mahusay at natalo niyo ang aking mga taohan, magaling" saad ng isang boses mula sa dilim.
Napalingon ako sa aking paligid habang hinahanap kung saan nanggaling ang boses na iyon. Gano'n rin si Sky, pareho naming hinanap 'yong boses.
"Sa wakas, the hero is here to save the heroin" saad nito at nakarinig ako ng mga yapak mula sa malayo.
"Where's my father?!" Mariin at malakas kong tanong. Hindi ako pamilyar sa boses na iyon, iba kasi ito kung papakinggan.
"Oh, the spoiled brat Pérez is here. Mabuti naman at tumino ka na" natatawang saad nito. Tumawa pa ito na animo'y isang demonyo.
"You didn't answer my question, where's my father?!" Tanong ko ulit habang nandidilim ang aking paningin.
"Oh, you're finding your father or should I say your filthy father" saad nito at naglakad nanaman.
Sinundan ko lang ang tunog ng yapak kung saan ito pupunta. Biglang bumukas ang ilaw pointing at the guy sitting on a chair while facing on the floor.
Nagulat na lamang ako nang malaman ko kung sino iyon.
"D-dad" my voice broke down as my tears flow down my cheeks.
Nanghihina ang aking katawan nang makita kong bugbug sarado ang abot ng aking ama. Maraming pasa ang mukha nito at nahihirapan na rin itong gumalaw.
Kasabay rin ng paglabas ng dalawang lalaki na nagpatigil sa akin at nagdala ng lalong pagkagulat. Mabilis kong pinahiran ang aking luha habang nakatingin roon sa dalawa.
"S-Sky" tawag ko kay Sky.
Nakatingin lang ako doon sa dalawa. Lumakas ang kabog ng aking dibdib kasabay ng pagtaas ng lahat ng mga balahibo sa aking buong katawan.
Traydor, mga traydor!
"M-Michael? R-Ren?" Nauutal kong tanong.
Sumilay ang mala demonyong ngisi sa labi ni Ren saka sa tiyohin ni Sky.
Bakit ngayon ko lang 'to nalaman? Bakit ngayon ko lang nalaman na kasali rin pala dito ang tito ni Sky. Pakiramdam ko binagsakan ako ng langit.
Nadurog ang aking puso nang makita ko 'yong taong trumaydor sa amin. I can't believe they can do this to us.
"Tito, let him go" mariing Sky at tinutok ang barili rito.
"Oh, Sky, hijo. Pagkakataon ko na ito, pagkakataon ko nang mabawi lahat ng mga bagay na dapat naman talaga sa akin" sagot nito saka hinila ang buhok ng aking ama paharap sa amin.
"Walang sa 'yo. Walang mapupunta sa 'yo, hindi mo nga pinaghirapan---"
"Oh, hija. Pinaghirapan ko iyon. Pinaghirapan ko ang planong ito" sagot nito na ikinangisi ni Ren.
"R-Ren, bakit mo ito ginawa sa amin? Akala ko ba mabait ka, akala ko ba---"
"Akala ko nga rin eh. Akala ko gusto kita, akala ko ikaw na, but that's a joke, such a funny jok. Hinding-hindi ako magkakagusto sa mga taong kagaya mo. A spoiled brat and a filthy bitch" tumagos ang aking puso sa bawat salitang binibitawan nito.
I feel numb. Naloko ako sa mga tao. They're acting.
"Fvck you, asshole" sabat ni Sky rito habang kalma lang ang mukha.
"Oh, lumaban ang boyfriend" tinutok ni Sky ang baril rito ngunit humalakhak lang ito na animo'y hindi natakot sa baril na nakaharap sa kanya.
"Tito, bitawan niyo si Mr. Pérez"
"C'mon, hijo. Hindi ko pa nga nakuha ang aking gusto" sagot nito habang hawak-hawak ang isang tungkod.
"What do you need?"
"To get what I deserve? Iyong nararapat sa akin na inagaw ng ama mo" ngumisi ito saka humarap sa aking ama.
"Sabihin mo sa akin and let my father leave" lumunok ako at tinggal ang bara ng aking lalamunan.
"Alam mo, inagaw lang niya naman 'yong mahahalaga sa akin. Iyong pera, iyong mga ari-arian, iyong magarbong pagpupuri at lalo na rin 'yong mahal kong babae"
Lumakas ang tibok ng aking dibdib habang nakarharap dito. Sinalubong ko ang demonyong titig nito.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"What I mean is your father is selfish over wealth, kaya nga sa kanya ka nagmana eh" anito at mahinang tumawa.
W-what?...
"Iyong pera na dapat sa akin ay napunta sa kanya, ni isang hamak na butil ng bigas lamang ang iyong ama. Lumago lang naman ang inyong negosyo dahil sa akin. When your father became rich, he was so arrogant. I thought it right, I mistakenly helped him. He does not deserve my help" umiling-iling pa ito. "I got wrecked by him. Mga pagpupuri sa akin ay lumipat sa kanya. Mga dapat sa akin ay lumipat sa kanya, even your mom" tumigil ito at hinarap ako.
Ngumisi ito ng nakakaloko habang pabalik-balik sa kanyang paglalakad. "Your mother was my fiancée back then, we are supposedly getting married, but your father is the impediment of our love. Your mother got pregnant by your father. A sin was born, a very big sin. And it was you!" Sigaw nito saka tinuro ako.
Hindi ko pa rin binaba ang aking baril nakatutok rito. Masama ko iyong tiningnan.
My mother won't marry such a selfish, cruel, and a heartless man.
"H-hindi ka naman t-talaga niya m-mahal, M-Michael. Napipilitan l-lang siyang magpakasal s-sayo dahil i-iyon ang g-gusto ng mga magulang ninyo. I-i saved her, marrying you is not her destiny" nahihirapang sagot ng aking ama saka ito umubo.
Napadaing na lamang ang aking ama nang bigla itong hampasin ng tungkod sa kanyang tiyan.
Napaluha na lamang ako nang makita ko ang pagdurusa na dinaranas ng aking ama. Taktakbo na sana ako papalapit sa aking ama nang bigla akong hilain ni Sky kasabay rin ng paglabas ng limang armadong lalaki mula sa dilim.
"Dad!" Naiiyak kong sigaw at nagpupumigalas mula sa pagkayakap ni Sky.
"Not now, baby" bulong ni Sky pero hindi ko ito pinakinggan at nagpatuloy lang sa pagdaloy ang aking mga luha habang nagpupumilit na makawala mula sa pagkayakap ni Sky sa akin.
Nawawala na ako ng kontrol sa aking sarili. Gusto kong umiyak ng husto.
"Oh, c'mon my friend. Saving her by getting her pregnant? Gano'n ba? Malaking kasalanan ang dulot ng pamilya mo sa mundong ito Pérez" hindi ko ito pinakinggan.
Pinalo nanaman nito ng tungkod ang aking ama kaya dumugo labi nito. My tears never stopped from falling. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ng aking ama.
"No! Dad!" Iyak lang ako ng iyak habang nakagapos sa yakap ni Sky.
"What a cry baby" natatawang saad ni Ren.
Skyler's POV
Mahigpit akong napayakap kay Faris. If she gets near, she'll die. Hindi ko iyon hahayaang mangyari sa kanya.
Naaawa na ako sa mahal ko. She was crying loudly and it breaks my heart.
"Tito, please let him go. Pinapahiya mo lang ang apilyedo ng pamilya natin" pagmamakaawa ko sa aking tiyohin. Umiling-iling ito.
"Not if I get what I want" sagot nito.
"What do you want?!" Naiiyak na sigaw ni Faris.
"What's the code of your Safety Deposit Box? Ayaw sabihin ng iyong ama, so ayan... Bugbug ang aabotin niya" saad nito. Humikab si Faris saka bumuntong-hininga.
"Sasabihin ko sa 'yo, but let him go" saad nito at bumalik nanaman ang pagtulo ng mga traydor nitong luha.
"No, h-huwag mong s-sasabihin sa kanya" nahihirapang saad ng ama ni Sky at nahihirapang tumingin sa kanyang anak. Bakas ang pagkaawa sa mukha nito.
Pero mas naaawa ako sa kanya. Hindi na maiipinta ang mukha nito sa dami ng pasa tsaka bugbug. My heart was filled with grief and anger. Ilang ulit pa ito g pinalo ni tito hanggang sa mas lalo itong nanghihina.
Narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Faris.
"Sabihin mo na, hija kung ayaw mong mamamatay ng maaga 'tong ama mo" binunot nito ang baril mula sa likod ng kanyang suot na pants saka ito tinutok sa gilid ng ulo ng ama ni Sky.
Binunot ko rin ang isa ko pang baril saka walang pag-aalinlangan ko itong tinutok kay Tito.
Faris' POV
I never stopped from crying, my father became weaker and weaker sa bawat palo nito. Nakita kong tinutok ni Michael 'yong baril sa ulo ng aking ama gano'n rin si Sky.
"Sasabihin ko na sa 'yo" Sigaw ko.
"No, don't. Whatever happens, don't tell him" ika ni Sky habang nakahawak pa rin sa baril. Maraming baril ang nakatutok sa amin.
"Hijo, you're not gonna kill your uncle, aren't you?" Mala demonyo nitong tanong.
"I'm sorry, tito. What you did is wrong. I can kill you" pagpapaumanhin ni Sky. Napabuntong-hininga ako saka pinahiran ang aking luha. Linakasan ko muna ang aking loob.
Pinipigilan kong hindi maiyak. "65---"
"Don't" sigaw ni Sky kaya napapikit naman ako.
"Go ahead, hija. Kung ayaw mong ipuputok ko 'tong baril sa ulo ng iyong ama"
"659---"
"Don't, kahit na sasabihan mo pa 'yan sa kanya, they're going to kill us. Walang mangyayari. They're deceiving you" napalunok naman ako.
Wala sa intensyon ko na sabihin ito, pero ito lang ang tanging paraan. I'm really dumb, I know that. Ano na lang ang gagawin ko, I can't let my father die.
"Hijo, stop it. Sasabihin na ng anak ni Pérez, huwag mong pigilan" sabat ng tiyohin nito at kinasa ang gantilyo ng baril. "Tell me, hija. I'll count to three"
"One"
"65--"
"Two" anito at malapit na nitong iputok ang baril.
Bumuntong-hininga ako."6595---" namumuo ang puot, galit at kaba sa aking puso. Gusto kong pumatay.
"Thr---"
BANG!...
Hindi nito natapos ang kanyang pagbibilang nang iputok ni Sky ang kanynag baril at natamaan ang tiyan ng tiyohin nito saka napasalampak sa sahig.
"SKY!" I cried out loud when I saw someone shoot Sky's chest.
Skyler's POV
I stopped when my chest was hit by a bullet. Unti-unti akong nanghihina. I cough and a blood went out of my mouth. The blood keeps flowing throughout my chest. Dahan-dahan akong napahawak rito. Nabitawan ko ang aking baril. Narinig ko ang malakas na sigaw ni Faris, but my mind is occupied.
Unti-unti ring nandidilim ang aking paningin at namamanhid ang aking mga tuhod. Bumagsak ako sa sahig while coughing with blood.
Sumulyap ako kay Faris na ngayo'y mangiyak-ngiyak na tumatakbo papalapit sa akin. Everything went blurry and unclear.
I'm really dying...
Faris' POV
Unti-unting uminit ang aking mga mata. Bumagsak ang aking luha nang makita ko ang aking mahal na bumagsak sa sahig at duguan ang katawan.
Mabilis kong lumapit rito saka hinawakan ang kanyang kamay. Hindi ko mapigilang mapasigaw sa galit.
Mabilis kong dinukot 'yong aking baril saka ko ito pinaputok doon sa limang taohan ng tiyohin nito. I heard a police car's siren, pero hindi ko ito pinansin.
Binalik ako ang aking tingin kay Sky. Tulo lang ng tulo ang aking luha habang nakahawak sa kamay nito. Mas hinigpitan ko pa ang aking pagkahawak rito.
"Sky, huwag ka munang pumikit" naiiyak kong saad rito at halos pumiyok na ako kakaiyak. Ngumiti ito sa akin at hinaplos ang aking mga kamay.
"I'm s-sorry" nanghihinang saad nito. He cough with blood, I bit my lower lip at pinipilit ang aking sariling maging malakas, pero hindi ko maggawa.
"Sky, baby, please fight for me" nagpatuloy lang sa pagdaloy ang aking mga luha. Sumasakit na ang aking lalamunan kakaiyak.
"I-I'm sorry, baby. M-my b-body is tired" he cough once again at unti-unting pumikit.
"Sky, please, no!" Napasigaw na ako nang tuluyan na talaga itong pumikit at nagiwan ng malumanay na ngiti.
"FBI!"
Yakap-yakap ko lang si Sky at iyak lang ako ng iyak. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Narito ang dobkeng sakit na ang nararamdaman.
"Sky, please wake up. Hindi, pwede. Huwag mo akong iwan!" Nararamdaman ko na may lumapit sa akin.
"Move, faster!" Kinuha nila ang katawan ni Sky pati na rin ang katawan ng aking ama.
"Sky!" Nakita ko ang pigura ni Treyton na tumatakbo papalapit sa akin.
"He can survive. We'll bring him to the hospital right now. He's brave, it's not too late" nag-aalalang saad ni Treyton at pinasuot sa akin ang kanyang jacket. Inalalayan niya ako pasakay sa kanyang sasakyan saka kami pumunta sa hospital.
I want to blame myself dahil sa nangyari ngayon. Alam kong kasalanan ko ang kahat ng ito. Hindi sana ito mangyayari kong hindi dahil sa akin.
Ako dapat ang nasa posisyon ni Sky ngayon, ako dapat ang natamaan ng bala, ako dapat ang magsasakripisyo. Ako ang dapat sisihin.
Nanghihina ang aking katawan pagkalabas ko ng sasakyan. Mabilis na tinanggap at pinsok sa ER ang ka si Sky.
Nangmamanhid ang aking buong katawan, nanghihina akong napaupo sa sahig kahit na nakatingin sa akin ang lahat ng mga tao. Tumabi sa akin si Treyton at hinagod ang aking likod.
Ang malas ng buhay ko...