Krystal's POV
"Nay, para namang andami po niyan. Di naman po ako magaabroad ehh bat naman pati mga damit ni ate ehh ineempake niyo?" paalala ko sa nanay ko na busy sa pagiimpake ng mga gamit ko.
"Anak, alam ko pero Maynila to ehh. Kailangan damihan na natin ang dala mo para hindi kana kailangang bumili dun" tugon ni nanay. Bigla akong niyakap ni nanay at sinabi, "Naku, nak proud na proud ako sayo. Nak last na, sigurado ka na ba talaga na gusto mong lumipat sa Maynila?"
"Nay, diba alam niyo naman po na ever since gusto kong pumasok sa RISE (Reynaldo Ibarra School of Excelence) ehh hindi naman po natin kaya bayaran yung tuition. Tatangihan ko pa po ba yung scholarship na inoffer sakin?" patanong kong sinabi kay nanay.
"Sige nak. Sinisigurado ko lang. Mamimiss kita nak."
"Ma mimiss din kita nay. Okay lang naman po kayo dito diba? Binilin ko naman po kayo kay tita Mercy. Sabi ko tingnan tingnan kayo sa bahay."
Mamimiss ko si nanay. Eversince bata palang talaga ako magkakapit bisig na kami. Bata palang kasi ako nang umalis si Tatay. Sabi noon sakin ni nanay nagtrabaho lang daw siya sa malayong lugar pero pagtungtung ko ng highschool, siguro naisip ni nanay na maiintindihan ko na, sinabi niya na sumama pala si Tatay sa ibang babae. Galit ba ako sakanya? Parang hindi naman kasi di ko naman siya nakilala. Ewan ko ba kung galit tong nararamdaman ko o lungkot dahil di ko siya nakasama? Pero tama na yan. Past is past. Mas gusto kong future na lang ang isipin ko.
Speaking of future, bukas na ang luwas ko sa Maynila. My future will be built in RISE. I will rise in RISE. Haysst ang corny!!! Basta, nakaktakot at excited at the same time. Mahihirapan ako kasi iiwanan ko si nanay pati na yung mga kaibigan ko dito pero okay lang, binilin ko naman si nanay kay tita Mercy.
"Nay, tulog na tayo. Maaga pa po gising natin bukas," sabi ko kay nanay.
Natulog na kami ni nanay sa aming maliit na kwarto. Yakapyakap ko siya habang natutulog kasi mamimiss ko ehh.
Dumating na ang bukas. Ngayon na ang luwas ko at hindi ko maiiwasang ipakita ang lungkot ko. Inihatid ako ni nanay sa bus terminal.
"Nak, Krystal, ingat ha. Alam ko na ginagawa mo to para satin pero huwag mong kalimutan na magenjoy ha. Pagbubutihin ang pagaaral at huwag munang magboboyfriend. Naku!" paalala sakin ni nanay habang may mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.
"Nay naman ehh. Promise, studies first." pinangako ko kay nanay.
"Manila!Manila! Aalis na!," sigaw ng kondoktor ng bus.
"Last hug po," niyakap ko ng sobrang higpit si nanay.
Nagpaalam na ako at untiunting umakyat ng bus. Alam ko na sa simulang tumuntong ako ng bus na ito, matagaltagal na uli bago ko makita si nanay. Hindi ko ipapakita kay nanay na umiiyak ako kasi alam ko mas maiiyak pa siya ehh. Umandar na ang bus at nagpaalamanan na kami ni nanay. Habang may nakikita pa talaga si nanay na parte ng katawan ko, kahit hibla ng buhok, hindi siya umaalis at nakatingin parin sakin. Nay pangako ko, pagbubutihin ko ang pagaaral ko at maghahanap ako ng trabaho para kahit papano may maipadala ako sa inyo.
Lumipas ang dalawang oras at nakarating na din ako sa Maynila. "Miss. Miss. Dito na po ang baba niyo. Suggestion ko po kumuha nalang po kayo ng taxi papunta ng RISE," iminungkahi ni kuyang kondoktor.
"Ay, salamat po kuya," pasasalamat ko sakanya.
Saan ba ako kukuha ng taxi dito. Nagtanongtanong ako at sabi nila maghintay lang daw ako dito sa may kanto. Meron daw mga dumadaan dito. Nagintay ako ng mga sampung minuto at may dumaan nga.
"Ineng saan ka?" tanong ni taxi driver.
"Sa Reynaldo Ibarra School of Excelence po."
"Sige neng sakay ka na. Ako na maglalagay niyang bagahe mo sa likod."
"Salamat po." At sumakay na ako ng taxi. Aaminin ko medyo natatkot ako. Mukhang kidnaper si kuya kasi naka mask tapos naka shades pa. Eto ba yung mga nababalitaan ko na mga taxi driver na nambibiktima ng mga bata. Tahimik lang ako na nakasakay at tumitingin sa paligid nang biglang may nilabas siya na parang pabango. Oh my God! Ito ba yung iispray sa aircon tapos mahihimatay ako. Hinawakan ko bigla ang pinto ng taxi para makababa agad ako kung sakali. Iispray niya na ito kaya nataranta ako at nagmadali akong buksan ang pinto kaso nakalaock ito.
"Ay ineng hidi, pabango lang to. Neng kalma pabango lang to. Ito ohh ispray ko sa mukha ko. Pabango lang to. Sorry neng sorry!" humingi ng patawad si manong driver.
"Kuya. Sorry po. Kala ko kasi makikidnap na ako. Sorry po talga kuya."
"First time mo sa Maynila no?"
"Kuya bat mo alam?"
"Ehh halatang halata naman ehh. Tiyaka yung tono mo, Batangueno ka no?"
"Si kuya naman ohh parang detective. Opo Batangueno po ako."
"Huwag kang magalala neng hindi kita kikidnapin. Mga magaganda lang kinukuha ko."
Aba salbahe to ahh. Alam ko namang lamang ang ibang babae sa akin pagdating sa hitsura pero medyo masakit kapag galing sa ibang tao. "Kuya naman ehh. Para namang ang gwa-". Bigla siyang lumingon at tinangal niya ang shades at mask niya. Wow ang pogi! AHHHH!!!
"Uy ineng. Ineng. Uy natulala kay kuya. Gwapo no?"
"Uy manong kuya, ang yabang mo. Hindi kaya." angal ko sakanya.
"Kanina ka pang manong ng manong. Kuya nalang, Kuya Vince pinapatanda po naman ako ehh."
HAHAHA. Ang saya naman palang kausap nitong si kuya. Gwapo na medyo may humour pa, tapos kutis pinoy pa. Kung medyo matanda lang sana ako baka magkagusto ako sa kanya pero bata pa ako ehh. Kaya for now crush nalang.
"Kuya parang mukha pa po kayong bata para maging taxi driver." Sabi ko kay kuya ng may paguusisa.
"Alam mo naman dito sa Maynila, mahirap ang buhay. College student ako pero tuwing bakasyon at weekends, nag tataxi driver ako para may pambaon naman akong pera at pambayad ng tuition."
Masipag naman pala si kuya. Hindi puro gwapo at awra lang.
"Oy tulaley. Nandito na tayo." Nagulat ako sa sinabi ni kuya. "Sa dorms ka diba? Dun pa yata sa likod yun."
"Ay sige. Salamat po kuya Vince."
Tinulungan niya ako magbaba ng bagahe at nagpaalam narin siya. Siguro madami pang ibyabyahe si kuya, maaga pa ehh.
Well ito na. Nandito na ako sa Reynaldo Ibarra School of Excellence. One of the top schools in the Philippines. Dito matutupad ang mga pangarap namin ni nanay. Kapag nakagraduate ako dito, makakapasok na ako sa kahit na anong college na gusto ko. UST, Benilde, PUP, FEU, sure na sure na makakapasok na as soon na ipakita ko ang diploma ko sa RISE. Heto na..Heto na.. papasok na ako.
"Hi. Krystal Contreras?" tanong ng isang babae na naka uniform. Bat nakauniform ehh bukas pa ang pasukan?
"Yes. Ako nga po." Tugon ko sa kaniya na may konting hiya.
"Well my name is Christine Lopez. Grade 11 Representative. I am in charge of your tour to the school. Krystal Contreras, Year 11 student. Transferred from Bauan District High School. Accepted at RISE due to a music and academic scholarship. Free school tuition, accomodation, and food.Basically walang ambag na pera for the school." Bakit parang galit si ate? Dahil ba galing ako sa mahirap na pamilya at hindi ko deserve na pumasok dito? Aba, hindi pa nagsisimula ang pasukan parang mapapaaway na ako.
"Ate parang hindi ko po gusto yung tono niyo. Opo probinsyana ako, mahirap at walang pambayad ng tuition. Mahirap man po ako pero hindi po ako papayag na aapihin niyo ako ng ganito." Oo lalaban ako. Hindi niyo ako kayang tapaktapakan.
"HAHAHA. Chill. Chill. Just kidding. Tinetest lang kita." Test? Anong test?
"Ano po?" tanong ko kay Christine.
"Kung gusto mong tumagal at makagraduate sa school nato. Kailangan mong tiisin at masanay narin sa mga kutya at pangmamaliit ng mga studyante dito. Lalo ka na, transfer ka. All eyes will be on you tomorrow for the first day of school."
"Ehh bakit kailangan ko pong masanay? Mali po na ganoon ang trato sakin. Ipagtatangol ko po ang sarili ko kapag naaapi ak-"
"Wait. Wait. Wait. Oo mali ang ginagawa nila but this kids are sons and daughters of major donors of the school. Kapag lumaban ka, well you could kiss your scholarship goodbye. Don't worry not all of us are like them. You will find your people in Grade 11."
"Well. Salamat." Thank you naman at hindi lahat ng tao dito ay mga spoiled na mayayaman.
"Krystal are you ready for the greatest two years of your life? Lets start the tour."