Chereads / Ang Tatlong Ibarra / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Krystal's POV

"BEEP!BEEP!BEEP!" Ano yun? Bakit ang ingay? Ang agaaga pa may maingay na. Unti unti akong dumilat at bigla kong napansin, mag aalasyete na pala. Ay naku naman Krystal, first day late agad? Nagmadali akong naghilamos at nagtoothbrush. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi na ako naligo, wala na pong oras. Thirty minutes kasi ako maligo ehh. Lets go, bilis-bilis.

"Knock-knock-knock. Krystal ready ka na? Si Christine to," tanong ni Christine.

"Wait lang, nagbibihis pa," paliwanag ko sa kanya.

"Ano ka ba? Mag se-seven na. Sorry una na ako. Ayaw kong malate."

"Sige una ka na. Sunod na ako,"sinabi ko habang nagaayos ng gamit at nagbibihis.

Pagkatapos kong maayos ang gamit ko ay nagmadali na akong lumabas. Tumakbo ako ng walang concern sa mga nakakasalubong ko. Tabe! Tabe! Late na ako!

Time check 6:58. Ok first subject is General Mathematics sa room 202 with Ms Panopio. Sana naman hindi magalit si ma'am. Maaga naman akong natulog pero bakit alas syete na ako nagising? Bwisit na buhay. Ay joke lang po Lord. Maganda po ang buhay ko.

Papalapit na ako sa classroom ng biglang nakita ko na isasara na ang pintuan. Sa pagmamadali ko at sa kagustuhan kong makaabot, napasigaw ako. "Wait lang!" Ay sorry. Ano ba iyan. Sorry po at napasigaw. Napatingin naman ang isang estudyante na naatasang magsara ng pinto. Nang papasok ako ng pinto, nag sorry naman ako sa kanya. "Sorry," sinabi ko habang nagbow ako sa kanya sa kahihiyan. Akala ko tapos na ang mga tao na sasabihan ko ng sorry pero pagkatingala ko, nakatingin pala sakin ang teacher.

"Maam sorry for being late. It won't happen again." Ano ba yan? Sa kakabahan ko, napaenglish tuloy ako.

"Crumpled uniform, unbraided hair, and late to class. You must be the new student, Ms Krystal Contreras?"

"Yes ma'am. Sorry po kase-"

"I don't need your explanation Ms Contreras. Whatever your reason is for being late, you are still late. This school does not tolerate such tardiness especially on the first day of the term." Naku naman first day ma principal office na agad ako? Kaya mo ito Krystal, alam mo na iba dito sa Maynila. Sa school kasi namin sa Batangas, ok lang na late, kahit nga second subject ka na pumasok ehh. "Ms Contreras there is an empty seat in the back. I suggest that you sit down now before you further distract my class."

"Sorry ma'am." Papunta na ako sa likod nang bigla kong narinig ang bulungan ng iba kong mga estudyante. Naririnig ko ang mga pinagsasasabe niyo ha.

"Oh my God. Siya yung transferee diba? I heard she's from the province," sabi ng isa sa mga babae kong kaklase.

"It certainly shows in how she presents herself. Look at her uniform. HAHAHA." Sige tumawa pa kayo. Kala naman kung sino sila, ehh hindi naman ganun kaganda. Mga putok na putok ang makeup.

Empty seat...empty seat...Nasaan na ba yun? Ay eto pala. Ay ang gwapo ni kuya na katabi ko, batiin ko nga. "Hello. Good morning. May nakaupo na ba dito?"

"...." Tumingin siya sakin at bigla namang bumalik ang tingin niya sa bintana. Ah ge ge. Hindi naman po masyadong masakit na maignore. Ano ba to, snob? Grabe hindi namamansin. Umupo na ako at nakinig sa lesson. Tumingin ako sa paligid at hindi ko nakita si Christine. Ay baka hindi ko siya kaklase. Baka nasa ibang section.

"Ok students, can you please take out your Math books and open it to page 6." Ay naku naman. Sa pagmamadali ko kanina, nakalimutan ko pa ang libro ko. Can this day get any worse? Naks naman. Eto na naman tayo, nakakapag english na naman ako. Ok last resort ko ay humiram dito sa katabi ko. Ok kahit snob at hindi namamansin, nilaksan ko ang loob ko.

"Excuse me. Pwede bang makishare ako sayo ng libro?"

"...." No reply. Ok lang naman, ok lang naman. Hindi naman sumasama ang loob ko. Isa nalang talaga makaktikim nato sakin. Kulbitin ko nga nang mapansin ako.

Kinulbit ko siya pero bigla siyang pumaltok at parang nagulat. Grabe naman to. Kuya hindi naman ako madumi. Hindi ako naligo pero hindi ako madumi. Para kasing nandiri siya sakin ehh.

"Kuya ok ka lang? Bakit parang namumula ang mukha mo. May sakit ka ba?" tinatong ko kasi parang nakakita siya ng multo tapos ang mukha niya naging kakulay ng strawberry.

"Don't touch me," tugon niya habang tinatakpan niya ang kaniyang bungaga gamit ang kaniyang kamay.

"Huy kuya," sinabi ko. "Hindi naman ako madumi. Hindi lang naligo dahil malalate na ako. Grabe naman kasi yung reaction mo, tatatnong ko lang naman kung pwedeng makishare ng libro."

"Here take it. And please do not speak or talk to me again. You make me sick," pagalit niyang ibinilin sakin. Grabe naman yung salitang 'sick'. Ano bang problema nito?

"Excuse me there at the back. Ms Contreras ikaw na naman. First you interrup my class for being late and now you are creating noise at the back. For the past few minutes we have been discussing graphs and functions. If you are really listening, what is the graph of a function?" Tanong ni Mrs Panopio. Oh my God, hindi ako nakikinig. Ito kasing katabi ko pinapasakit ang ulo ko.

"Ok girls make sure get this on video and title it the new student new girl gets crushed by Ms Panopio. Make it into a meme girls," utos ng isa sa mga kaklase ko.

"Ms Contreras I'm wai-"

"The graph of a function is the set of all points whose co-ordinates (x, y) satisfy the function y=f(x). This means that for each x-value there is a corresponding y-value which is obtained when we substitute into the expression for f(x)," sagot ko kay ma'am. Best in Math lang naman ako. Hindi niyo ako mapapahiya dahil lamang alam niyo na hindi ako mayaman katulad niyo. Hindi purket mahirap lang ehh bobo na. Not today Ma'am

"Very good Ms Contreras. Now I know why you got that scholarship."

"Thank you po Mrs Panopio. Nakikinig po ako."

"Actually Ms Contreras, I haven't discussed that part of the lesson yet. You were clearly not listening but you know the topic well. Next time, please listen to the lesson. Ok now class let us...."

Hay salamat naman. Buti na lang nag extra reading ako, kung hindi patay ako. Umupo na ako at nagpatuloy sa mga gagawin. Natapos ang Math class at buti na lang hindi na ako napagalitan ni ma'am. Jusko, ganito ba ang lahat ng klase ko ngayon? Paglingon ko sa katabi ko, nakita ko na nakatingin siya sakin.

"Bakit? Hanga ka no," payabang kong sinabi."Kala mo hindi ako makakasagot?"

"What? I told you not to talk to me."

"Ehh bat mo pa ako sinagot."

"Urghh!" O ano. Wala ka pala sakin ehh. Hindi ka mananalo ng sagutan sa isang Batangueno. Maliligalig kami. Ok sana naman mas ok ang sunod kong klase. Nasaan na kasi si Christine? Sana naman hindi nalang Grade11 Dahlia ang section ko.