Krystal's POV
"So ito nga pala ang front gate ng school tapos that is....." Ano ba yan. Pwede bang bukas nalang akong itour. Pagod na pagod na ako gusto ko na lang magpahinga. "Huy. Kristal. Okay ka pa ba?"
"Opo, medyo pagod lang." Tugon ko sa kanya. Gusto ko nang pumunta nalang ng dorms at umidlip.
"Gusto mo ba dun nalang kita itour sa dorms para deretsyo makapagpahinga ka na?" Hindi ko maiwasang matuwa. Yes, narinig niya ang panalangin ko. Sa wakas makakapagpahinga narin. Pero ayaw ko naman na mahalata niya na gusto ko nalang magpahinga kasi nakakahiya naman sa kanya. Para kasing nageffort pa siyang magpunta dito sa school ng walang pasok para lang itour ako on my first time in RISE.
"Oh sige. Kung ok lang po sa inyo."
"Isa pang po at opo mo, pepektusan kita. Sobrang nakakatanda ehh magkaedad lang naman tayo," banta niya sa akin. "Kita ko sa mata mo na pagod ka na kaya dun na tayo sa dorms para makapagpahinga na tayong dalawa," pabulong niyang sinabi.
"Sa dorms din po kayo nakatira? Ay sorry, sa dorms din ikaw nakatira?" Nagtaka ako kasi mukha naman siyang mayaman based sa kutis niya at hitsura, ang ganda ehh.
"Oo. Originally taga Palawan ang pamilya ko. Sina mama at papa hindi maiwanan ang Resort Business namin dun kaya ako lang ang pumunta ng Maynila. Gusto kasi nila dito raw ako pumasok kasi dito sila nagaral. Bukas pa nga sana ako aalis ehh ihahatid daw nila ako kasi may business meeting daw sila pero heto nandito ako. Sinabihan kasi ako ng Principal na itour ko daw ang bagong estudyante na galing probinsya." Ay kasalanan ko pala kung bakit nandito ka ngayon, nakauniform kahit walng pasok.
"Sorry naman Christine. Promise baba-"
"HAHAHA. Joke. Ano ka ba naman? HAHAHA. Dali mo namang biruin." Aba lokoloko din to ahh. Medyo may sayad din. Wala pa akong 24 hours dito sa Maynila, dalawang tao na na medyo baliw ang nakikilala ko. Una, si gwapong taxi driver tapos ngayon naman itong babaeng to. "Ano, tara na. Kain na din tayo gutom na ako ehh. Libre kita." Ayun naman ang gusto ko, libreng food. Feeling ko magiging magbestfriends kami.
Naglakad na kami papunta ng dorm pero hindi kami sa rooms dumeretsyo, sa canteen kami dumiretsyo. Yes naman. Yan ang gusto ko. Steak, lazagna, pies, and carbonara, ano ba tong mga pagkain dito. Wala bang menudo, adobo, bopis, atay balunan, at bicol express? Parang gugutumin naman ako ng dorm na ito.
"Uy, kanina kapang tingin ng tingin diyan. Ano ba gusto mo?" tanong niya sa akin. Wala naman kasi akong gusto dito. Anu ba kasi.
"Ate meron po ba kayong mas simple na mga putahe. Parang menudo or aftritada or adobo?" Tanong ko sa canteen lady na nagseserve ng pagkain.
"Ok po maam. Ipaggagawa ko po kayo ng adobo. Ok lang po ba na maghintay kayo ng mga ilang minutes." Talaga? Ipagluluto pa ako ni Ate? Grabe pala kapag school ng mga mayayaman. Kung sa amin siguro sa Batangas baka nasampal na ako ng tindera. Pero ayaw ko naman na maabala pa si ate at gumawa ng special meal para sakin kayo huwag na lang.
"Ate ok na po. Huwag na. Penge nalang po ako ng steack at kanin." Steak at kanin na nga lang. Baka naman mabusog ako dito.
"Ate ako rin po yun na lang pero dagdagan niyo po ng lazagna," sabi ni Christine. Humanap na kami ng mauupuan. Grabe pala dito talaga. Ang gara ng mga kainan. Gawa ang mga tables and chairs sa napakagandang kahoy at makinis at makintab pa. Hindi maiwasang mapansin na bukod pala sa amin, meron nang ibang mga tao sa campus. Nakita siguro ni Christine na tumitingin ako sa ibang mga tao kaya sinabi niya ito. "Mga students rin ang mga yan na nakatira sa dorms. Katulad mo, normally, they go back on campus the day before first day of school. And katulad mo rin some of them are scholars from around the Philippines and yung iba, like me, anak ng mga mayayaman na hindi nakatira ang pamilya sa Maynila," paliwanag niya.
"Ahhh," tugon ko. Dumating na ang order namin at nabuhayan kaagad ako ng loob. Ang bango bango at mukhang ang sarap. Hindi na ako nakapagpigil at bigala na akong chumibog. Grabe ang sarap sarap naman nito. Ganito ba ang mga kinakain ng mga mayayaman. Totoo nga yung sabi nila na mas masarap talaga ang pagkain kapag niluto ng iba.
"Uy, Krystal ano na? Tapos ka na? Lets go na sa taas turo ko na yung room mo para maka unpack ka na." Nagpunta na kami sa taas at hinanap ang kwarto ko. "Wait lang Krystal. Ano bang number ng kwarto mo?"
"46. Fourth floor."
"Oh, 45 ako. Magkatabi lang pala tayo ng room. Ano, hangout tayo mamaya kapag nakapagpahinga ka," invite sakin ni Christine. "Katok ako sayo mamayang 5. Kwentuhan tayo."
Sinara ko na ang pintuan ng kwarto ko matapos magpaalam kay Christine. Wow! Grabe pala. Ang ganda ng kwarto ko. May sariling kusina at banyo. Ahhh ang sarap humiga sa kama. Ang lambot at ang comportableng higaan. Hay alisin ko na nga ang mga laman ng bagahe ko, hwa..hwa..
Oh my god! Nakatulog ako. Anong oras na?
"Knock..Knock..Knock..Krystal are you there? Pwede bang pumasok?"tanong ni Christine. Binuksan ko naman ang pinto ng hindi tinitingnan ang mukha ko o kung mabanago ang hininga ko.
"Ayyy! Jusko! Girl anong nangyare sayo? Magsuklay ka nga at magpalit ng damit. Yan parin suot mo kanina ehh. "Ok lang ba na pumasok? I brought snacks. Kwentuhan naman tayo."
"Oh sige. Pasok ka. Sorry d pa ako nakapagunpack ehh. Ok lang ba na magchikahan tayo habang nagaayos ako ng gamit," paalam ko. "Ok bat hindi tayo magsimula sa mga slambook questions. Katulad ng what is your name? How old are you? And bla bla bla"
"Ok full name ko is Christine Suzanne Ilagan. Age 16. Lives in Palawan but currently resides in RISE Dormitories. Cellphone number 09667453200. Crush, wala. Favorite color is pink. Ito motto in life is 'Tomorrow is another day'."Grabe naman yung motto. Super deep. "Well enough about me. Your turn."
"Tin.Tin.Tin.Tin.Tin. Good evening all students. It is currently 8:00 PM and all students should be inside their own rooms for study time. Goodluck on your first day tomorrow and welcome back to RISE Dormitories." Paalala at welcome greeting ng aming PA System. Wow naman social. Parang may pa mall sa loob. CDS 1 to customer service, CDS 1 to customer service please.
"Siya alis na ako. Bukas na natin tuloy ang chika," sabi ni Christine sakin.
Umalis na si Christine at bumalik na sa kwarto niya. Akala ko magiging malungkot ang pagpunta ko dito sa RISE pero buti na lang meron na akong isang kaibigan. Bukas na ang first day ko. Sana naman meron pa akong makilalang mga mababit na tao katulad ni Christine. First day of Grade 11, here I come. Magiging maganda ang araw ko pero sana walang sumira.