Tumakbo ako agad papasok ng bar. Hindi ko na hinintay na magsalita si Manong. Ang sakit ng aking nararamdaman ngayon ay hindi maiibsan na kahit ano mang bagay. Si Matteo lang ang minahal ko ng ganito. Si Matteo lang ang nagparamdam sakin ng kasiyahan. Pinaglaban ko sya sa mommy niya, pinaglaban ko sya sa lahat pero ito lang pala ang mang-yayari?
Ang hirap magmahal ng mayaman dahil wala kang mapapanghawakan. Parang sinampal sakin ng tadhana na hindi ako nararapat kay Matteo. Para lang akong nanga-ngarap nang tulog. Minahal ko sya at alam niya yun. Hindi ako nagkakamali minahal niya rin ako.
Hindi ko alam kong maniniwala ako sa kanya kanina. Pero sa nakita ko kanina ay unti-unti ko lang niluluko ang sarili ko. Magkasama sila sa isang kwarto at ano pa ba ang iisipin ko? May nangyari sa kanila. Iniisip ko palang yun ay sobrang sakit na.
Binuksan ko ang pintoan ng silid at bumungad sakin ang apat.
Napahawak ako bigla saking bibig ng makita ko silang gulat na gulat. Ang kanilang mata ay puno ng pag-aalala. Bumuhos ang luha ko lalo. Humikbi ako sa iyak sabay ng pagtakbo ko kay Ivony at niyakap sya ng mahigpit. Mas lalo kong naramdaman ang sakit ng maramdaman ko ang hagod niya sa likod ko.
Kailangan ko ng kausap, kailangan ko ng kausap sa puntong to.
"Omg Maey bakit ka umiiyak?" Ramdam ko ang bawat himas nila sa likod ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat ni Ivony.
"Maey anong nangyari bakit ka umiiyak?" Si Ivony na patuloy hinihimas ang buhok ko. Nakagat ko ang labi ko. Sa pag-kakataong ito ay kailangan ko sila ngayon.
"Ang sakit-sakit. Ang sakit!" Paulit-ulit ko. "Niluko niya ako sinaktan niya ako. Ang sakit." Mas lalo akong humikbi ng iyak. Ang puso koy dinudurog ng iilang bato at pinipiga ng iilang kamay rason kong bakit hindi ako makahinga.
"Bw*s*t!" Mura ni Grace. "Niluko ka ni Matteo?"
"Pagod na ako. Pagod na pagod na ako." Humihikbi parin ako sa kakaiyak. Pilit kong kinakalimutan ang nanagyari kanina.
"Jessica kumuha ka ng tubig." si Ivony. Hinimas-himas niya ang likod ko. "Ssssss tahan na ano bang nangyari?" Patuloy parin ang iyak ko.
"Ito tubig," Humiwalay si Ivony sa yakap saka niya ako inalalayang uminom ng tubig. Sobrang bigat ng mata ko at tila hinihila ako nito paantok. "Anong nangyari?" Isa-isa ko silang tinignan. Ang mga luha kong unti-unting tumulo kaya pinunasan iyon ni Ivony. "Hindi ka namin pipiliting mag kwento. Mabuti pa ay magpahinga ka muna." Umiling ako agad sa sinabi ni Ivony. Sabi ko sa sarili ko kailangan ko sila ngayon. Minsan na akong nagtago sa kanila kaya sa pagkakataong ito ay kailangan ko ng mga kaibigan na lalabasan ng hing-nanakit at sakit.
"Naabotan ko si Venus sa bahay ni Matteo." Una kong salita kaya nanlaki ang mata nilang apat. "Nag kabalikan sila," Isa-isa kong narinig ang mura nilang apat.
"Hindi ako makapaniwala. Kitang-kitang namin kong pano magwala si sir Matteo nong umalis ka. Natamaan sya sayo Maey. Pero sa sinabi mo ngayon ay hindi ko maisip na babalik sya kay Venus?" Salaysay ni Grace. Umiling ako bilang sagot dahil kahit ako ay hindi ko alam.
"Hindi ko alam dahil sa kwarto ko sila nakita." Hinilamos ko ang aking mukha sabay ng mura nila ulit.
"Wala na tayong aasahan pa sa mga taong katulad nila. Ang buong akala namin ay nag bago sya simula ng makilala ka. Hindi ko lubos maisip na ang galing niyang mag pa ikot ng babae." Umiling si Jessica. Humikbi parin ako sa kakaiyak. Parang ayaw ng huminto ng luha ko sa pag-agus.
"Maey hindi namin alam kong ano ang sasabihin ngayon. Alam naming nasaktan ka ng lubosan. Pero nag-usap ba kayo ni Matteo?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Erika. Nakagat ko ang labi ko.
Isang pag-uusap at iyon ang huli.
"Anong sabi niya?" Tanong ni Grace. Naalala ko ulit ang nangyari kanina. Pauli-ulit sumasagip sa isip ko ang sinabi niya.
"Hindi niya ako mahal at si Venus ang totoo niyang minahal." Niyakap ko muli si Ivony. Hindi ko alam kong pano manghingi ng tawad kay Ivony dahil basang-basa na ang kanyang balikat sa mga luha ko. "Ang sakit. Sya ang una at huli kong minahal, ang sabi niya sakin ay mahal niya ako, ang sabi niya sakin ipaglalaban niya ako sa kahit sino mang haharang sa relasyon namin. Ang sakit eh! Umasa ako sa mga pangako niya. Umasa ako na kahit mahirap lang ako ay may isang taong magmamahal sakin kahit alam kong magkaiba kami ng stadu. Ang sakit-sakit." Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko kay Ivony. Naririnig ko ang hikbi nila at napagtanto kong napaiyak sila sa sinasabi ko.
"Tahan na Maey tahan na. Siguro kailangan mo nalang tanggapin na niluko ka at pinaasa ka sa mga taong katulad ni sir Matteo. Hindi tayo nababagay sa kanila kaya kayang-kaya nila tayong paglaruan ng ganon nalang." Naiiyak na sambit ni Grace. Hindi na ako muling sumagot pa.
Hindi ko alam kong pano ako nakatulog kong patuloy parin ang buhos ng aking luha. Pati sa panaginip ko ay nagmamakaawa akong babalik sakin si Matteo. Umiiyak ako sa harap niya at umaasang magbabago ang kanyang disesyon. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at ramdam na ramdam ko ang pamamaga nito. Ang mabigat kong katawan ay sinasabayan ng mabigat kong nararamdaman. Ang hapdi at namamanhid kong puso ay hindi ako kayang pagalawin. Naramdaman ko ulit ang luha na pumatak sa magkabila kong mata. Niyakap ko ang aking sarili saka pasikretong umiyak nalang.
"Anong gagawin natin?"
"Huwag muna nating patrabahoin si Maey ngayon."
"Awang-awa ako kay Maey. Una niyang naging boyfriend si sir Matteo kaya lubos syang nasaktan."
"Hindi talaga ako makapaniwala eh. Alam kong mahal na mahal ni sir si Maey. Pero bakit nag-iba? bakit agad-agad bumalik ang pagmamahal ni sir kay Venus?"
Dahan-dahan akong bumangon kaya napahinto sila sa pag-uusap.
"Tsssss gising na sya," Si Ivony.
Sumulyap ako sa kanila na pagod na pagod. Ang aking katawan ay hindi ko halos magalaw dahil sa pagod.
"Maey matulog ka nalang ulit. Mas mabuti pang huwag ka nalang magtrabaho ngayon." Umiling ako agad sa sinabi ni Jessica. Kailangan kong magtrabaho at ayaw ko namang maging unfair sa iba ko pang kasamahan.
"Magtatrabaho ako," Tumayo ako sa kama kaya agad akong pinigilan ni Eirka..
"Huwag ng matigas ang ulo Maey. Mag pahinga ka nalang at kami na ang bahalang mag paalam kay sir Clifford." Umiling ako ulit. Gusto kong magtrabaho mas mababaliw ako dito sa kwarto.
"Tama si Erika Maey. Kailangan mong mag ipon ng lakas. Tignan mo nga yang mata mo oh namamaga na tapos magtatrabaho ka pa? Nagmumukha ka ng zombie niyan." Siniko agad ni Jessica si Grace dahil sa sinabi nito. Nagbuntong hininga ako saka pilit tumayo. Kinaya ko pang tumayo kahit nahihilo na ako.
"Mas lalo akong mababaliw dito sa kwarto. Kailangan kong magtrabaho ng sa ganon ay maaliw ako kahit kunti. Please hayaan nyo na ako." Isa-isa silang nag titigan. Ang kanilang mata ay para bang nag uusap.
"Okay papayag kami. Pero huwag kang masyadong mag papagod huh? Kami nalang ang bahala sa ibang alak na ihahatid mo." Tumango ako agad sa sinabi ni Ivony. Ngumiti ako ng bahagya kahit pilit iyon.
Naligo narin ako para maibsan ang pagod at pamamaga ng aking mata. Mas kinapalan ko narin ang make-up ng sa ganon ay hindi mahahalata na kagagaling ko sa iyak. Nang sumapit ang alas siete ay isa-isa na kaming nagtrabaho. Tatlong mesa lang yung na hahalubilo ko ngayon dahil hindi ako masyadong inuutosan ni Erika. Nakatayo lang ako sa counter at hinihintay ang saad niya sakin. Ngumingiti ako sa mga iilang tao kahit nasasaktan ako sa ngiting ito.
Ang aking mata ay may namumuo paring luha kaya pilit kong tinataas ang aking noo para pigilan iyon. Ang sakit ng aking dibdib ay kasing lakas ng musika na gumugiba sa tenga ko. Hindi ko maiwasang masaktan. Kanina pa ako nagdadasal na sana ay hindi ko makita si Matteo ngayon dito.
Pero hindi nasagot ang dasal ko dahil bumukas ang maindoor ng bar at bumungad sakin ang tatlong mag pinsa kasama ang mga babae nila. Pinipigilan kong lumuha ng mapadpad ang tingin ko kay Matteo na kaakbay si Venus. Ang puso koy sobrang lakas ng pintig. Tumalikod ako rason kong bakit tumulo ang aking luha. Hindi ko mapigilang umiyak sa sakit. Nahuli ako ni Erika na umiyak kaya iniwan niya saglit ang counter.
Napapatingin narin sakin ang dalawang bartender.
"Maey okay ka lang?" Hinawi niya ang luha ko kaya umiling ako agad. "Yan na nga ang sinasabi ko eh. Kaya ayaw ka naming lumabas dahil baka makita mo si Matteo dito." Galit niyang sabi. Bumuntong hininga ako saka pilit pinipigilan ang mga luha.
"Erika maghanda ka ng alak para kina sir Clifford at sa mga bisita niya." Biglang sumulpot si Mam Shelo kaya dali-dali kong pinunasan ang aking luha. Napadpad ang tingin niya sakin kaya kumunot ang noo nito. "Oh mary umiiyak ka ba?" Umiling ako agad sa tanong niya. Tinititigan niya ako mula ulo hanggang paa saka ito sumulyap ulit kay Erika. "Tapos na ba?" Bulyaw nito.
"Opo ma'am Shelo," Natatarantang sagot ni Erika.
"Okay," Sumulyap sakin muli si ma'am Shelo."Ihatid mo ang mga alak kina sir. Hindi yung pa tayo-tayo kalang dyan." Irap nito saka kami tuluyang tinalikuran. Dali-daling lumapit sakin si Erika na nag-aalala.
"Gusto mo ako nalang ang maghahatid niyan?" Umiling ako agad sa anyaya ni Erika. Sa pagkakataong ito ay kailangan kong mag kunwaring okay. Laban Mary kaya mo yan.
"Ako na Erika kaya ko siyang harapin," Nagbuga ako ng hininga saka kinuha ang mga alak.
Sumulyap pa ako muli kay Erika at kita sa mata nito ang pag-aalala. Lakas loob akong nagtungo sa kanilang mesa. Naaninag ko si Clifford at Robi kasama ang babae nila. Napadpad ang tingin ko kay Matteo na nakaakbay parin kay Venus. Nakagat ko ang labi ko bago pumikit ng marahan. Ang sakit ng aking dibdib ay nagsimula ulit ng makalapit ako sa kanila. Sabay silang napalingon sa paglapit ko.
Hindi ko alam kong anong ekspresyon ng mukha ni Clifford at Robi ngayon dahil madilim ang paligid at hindi ko iyon lubosang makita.
"Goodevening Sir /ma'am," Sabi ko saka isa-isang binaba ang alak. Bawat titig nila sakin ay kitang-kita ko sa gilid ng aking mata. Hindi ko magawang lumingon kina Matteo kahit na pilit akong pinapalingon ng aking puso.
"Thank you Mary," Wika ni Clifford na ikinatango ko. Ang kanyang mata ay pabalik-balik samin ni Matteo. Siguro ay wala syang ka alam-alam. Nag bow ako isa-isa sa kanila saka tuluyang umalis. Lumingon ako pabalik ng makarinig ako ng basag ng isang bote.
"Oh my ghad Venus nasaktan ka ba?" Tanong ng babaeng katabi ni Robi.
"No... Im sorry guys bigla kong nabitawan ang bote." Lumingon si Venus sakin. "Oh waitress please come here," Kaway niya sakin na para bang wala lang ang nangyari samin kanina. "Can you please clean this mess," Maarte niyang saad. Nasa paahan nilang dalawa ni Matteo ang basag na bote.
"No Mary ipapalinis natin yan sa janitor." Sambit ni Clifford na ikinagalit ni Venus.
"Okay lang po Sir. Lilinisin ko nalang po." Dahan-dahan akong lumuhod sa paahan nilang dalawa mula sa ilalim ng mesa. Isa-isa kong pinulot ang basag na bote saka iyon nilagay sa tray.
Napadpad ang tingin ko sa itim na sapatos ni Matteo. Naantig ng tingin ko ang paa ni Venus na sobrang puti. Ang kanyang kulay silver na heel ay nag papakinang ng kanyang maputing kutis. Nilakbay ko ang tingin patungo sa kanyang hita at nahuli ko ang kamay ni Matteo mula roon na inikot-ikot ang kanyang hintuturo sa hita ni Venus. Ang sakit ng aking dibdib ay sabay ng hapdi ng aking kamay.
Binaba ko ang aking mata ng bumungad sakin ang dumadaloy na dugo saking kamay. Nasugatan ako sa basag na bote.
"Shit!" Naramdaman ko nalang na may kumuha saking kamay saka niya iyon binalotan ng puting tissue. Ang luha kong isa-isang pumatak dahil sa sakit at hapdi. "I told you, janitor will do that thing." Galit na sabi ni Clifford saka patuloy niyang binalotan ang kamay ko.
"Babe why are you helping that cheap waitress." Tumingala ako sa sulyap ng kanyang babae. Hinawi ko agad ang luha dahil nakatitig na sila samin. Sumulyap ako kay Clifford at kita sa mata nito ang iritasyon habang nakatitig kina Venus.
"I have responsibility to my all waitress here Keira." Matigas niyang sabi sa kanyang babae. Sumulyap ako kay Clifford dahil sa pareho nilang mukha. Ang kanyang kumikinang na hikaw mula sa kanang tenga ay parehong-pareho kay Matteo. Para kong kaharap si Matteo ngayon. Nakagat ko ang labi ko saka binawi sa kanya ang kamay ko.
"Sir okay lang po ako," Tumayo ako saka sumulyap sa kanilang lahat. Nahuli ko ang pag igting panga ni Matteo kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Tsssss careless," Irap na sabi ng babae ni Robi. Yumuko ako sa kahihiyan. Patuloy parin ang agus ng dugo sa kamay ko kaya nararamdaman ko ang pamamanhid nito at hapdi. Dumating narin ang isa sa mga janitor namin kaya agad niyang nilinis ang basag na bote.
"Mary," Dumating si Ivony na nakanga-nga. "Anong nangyari sa kamay mo?"
"Ivony?" tawag ni Clifford. "Please samahan mo si Mary sa storage room. Gamotin mo ang sugat sa kanyang kamay." Galit na sabi ni Clifford. Hindi ko alam kong bakit galit na galit sya ngayon.
"Yes sir Clifford ako na po ang bahala." Hinila ako ni Ivony. Hindi ko mapigilang sumulyap kina Matteo at Venus.
Nahuli ko silang nag-hahalikan. Ang sikip ng aking dibdib ay nagbibigay sakin ng kahinaan. Hindi ko nalang namalayan na tumulo ulit ang luha ko.
Bakit niya ako niluko? Bakit ganon lang kadali sa kanya ang lahat. Hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa isang silid. Pinaupo ako ni Ivony sa lumang sofa saka ito may hinalungkat sa kabinet. Pinapanunuod ko sya habang tumutulo parin ang aking luha.
"Shit!" Mura niya saka dali-daling lumapit sakin. "Huwag ka ng umiyak Maey please. Nahahawa ako sayo eh." Pinunasan niya ang bawat luha ko. "Bakit ka kasi nasugatan. Ano ba yan, ang sakit-sakit nito oh." Taas niya sa kamay ko saka niya sinimulan linisin. Hinawi ko ang luha ko ulit. Ang sakit nila sa mata, ang sakit dahil hanggang ngayon ay hindi ko matanggap. Nalilito ako sa lahat ng nangyari.
"Wala yan sa sakit na nararamdaman ko dito," Turo ko saking dibdib. Napahinto si Ivony sa ginagawa niya. Tulala akong nakatingin saking sugat. "Malayo yan sa sugat na nararamdaman ko dito," Turo ko ulit saking dibdib. Isa-isang tumulo ang luha ko at hinahayaan ko lang yun. Narinig ko ang buntong hininga ni Ivony saka niya hinawi ang mga luha ko sa pisnge.
"Alam mo bang yan din ang nararamdaman ko noon? Halos mamatay ako sa kakaiyak dahil kay Josson. Pero naisip ko, hindi lang sa kanya umiikot ang mundo ko. Naisip ko ang dalawa kong kapatid pati na kayo. Kayong mga kaibigan ko." Natahimik ako sa sinabi ni Ivony. Sana kasing lakas ko sya. Sana ganon lang kadali. "Maey walang nag mamahal na hindi na sasaktan. Oo nasaktan at niluko ka ni Matteo. Pero kaya mong labanin ang sakit na yan. Huwag mong hahayaang masaktan ka lang. Dahil hihilahin kalang nito pababa at unti-unting wawasakin ang buhay mo. Alam mo bang may gamot ang sakit sa puso?" Salaysay niya bago nagtanong na may lungkot. Bawat bitaw niyang salita ay natatamaan ako. "Ikaw mismo ang makakagamot sa sakit na nararamdaman mo ngayon. Kailangan mong tanggapin na hindi ka niya mahal. Kailangan mong mag pakatatag dahil may nag mamahal parin sayo. Sa libo-libong tao sa mundong to. May dalawang taong nasasaktan dahil nakikita ka nilang umiiyak ngayon," Naging seryoso si Ivony. Hinawakan niya ang pisnge ko kaya napatitig ako sa kanyang mata. "Nasasaktan ang Nanay at Tatay mo dahil dito." Turo niya sa mata kong naluluha. Mas lalong bumuhos ang luha ko sa sinabi niya. Parang bumalik sakin ang lahat. Naalala ko ulit si Nanay at tatay. Ang sakit-sakit. Bakit ganito kasakit? Hindi ko kaya ang sakit.
"Ivony," Niyakap ko sya ng mahigpit. Humagol-gul ako ng iyak dahil sa sinabi niya. Pumiyok ang boses ko sa kakaiyak. Sana kong buhay pa si nanay at tatay hindi sana ako napadpad dito. Sana ay masaya kaming naninirahan sa probinsya ngayon.
"Tahan na. Nandito lang kami mga kaibigan mo. Handa kaming makinig sayo. Tahan na!" Himas niya sa likod ko. Ilang segundo rin akong nakayakap kay Ivony kaya napagpasyahan kong humiwalay.
Tinuloy niya ang paglilinis saking sugat sabay ng pagtunog na aking phone sa bulsa. Nagkatitigan kami ni Ivony kaya dali-dali kong binunot ang phone.
Unknown Calling...
Kumunot ang noo ko sa numero lang. Sumulyap si Ivony sa phone ko saka ito suminyas na sagotin ko. Inayos ko ang aking sarili saka sinagot ang tawag.
"Hello sino to?"
"Mary anak----"Boses ni ante habang umiiyak. Kinakabahan ako.
"Ante? Bakit po kayo umiiyak? May nangyari po ba?"
"Mary..... yung bahay nyo," Napatayo ako sa kinauupoan ko ngayon dahil sa sinabi niya. Ang kaba koy sobrang bilis.
"Ante? Bakit po? Anong nangyari sa bahay namin?" Natataranta kong sagot. Bawat iyak ni ante sa kabilang linya ay nagpapakaba sakin lalo. Ang titig ni Ivony ay literal na nagtataka.
"Nasunog ang bahay nyo. Hindi namin alam kong sinong gumawa dahil walang nakakakita," Napaupo ako pabalik sa sinabi ni ante. Dahan-dahan kong nabitawan ang aking cellphone. Ang luha koy isa-isang tumulo dahil sa narinig.
Ang bahay namin sa probinsya? Ang bahay ni Nanay at Tatay? Iyon nalang ang natitirang alala nila para sakin.
Bakit ganito? Bakit ito nangyayari sakin? Ang sakit-sakit. Diyos ko anong nagawa kong masama?
Continue...