Papunta kami ng hospital. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kong anong itsura niya at kong kamukha ko ba sya. Bawat pintig ng aking puso ay nagpapakaba sakin. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Rocky sa kamay ko saka niya iyon hinawakan ng mahigpit.
"Im here dont worry," Sambit niya saka ako dahan-dahang tumango. Natatakot lang kasi ako dahil baka hindi sya maniniwala at hindi niya ako kayang tanggapin. Sana ay mali ang kutob ko na kanina ko pa naiisip. Sana ay maling tao lang ang napagkamalan ko.
Nang makarating kami sa Ching Hospital ay mas lalo akong kinabahan. Ang pintig ng puso ko ay mas lalong bumilis ang tibok nito. Halos hindi ko maramdam ang sahig dahil sa pamamanhid ng aking tuhod. nagtungo kami sa information desk.
"Excuse me miss. Can you please check the room number of Mr. Franciso?" Sumulyap sakin si Rocky dahil hindi ko rin alam kong anong apelyido niya.
"Yes Sir? What is the last name?" Naghihintay ang babaeng nurse sa maaring dugtong ni Rocky.
"Miss baka pwede mong tignan lahat ng patient sa list na nag-ngangalang Francisco." Kumunot ang noo ng babaeng nurse sa sinabi ko. Ang kanyang mukha ay may guhit na iritasyon.
"Im sorry ma'am pero pinagbabawalan po kaming gawin yan." Hamon niyang sagot na may galit.
"Miss kailangan naming makita ang taong nag ngangalang Francisco. Please." Sabi ko na ikinailing niya ulit. Nakagat ko ang labi ko dahil pinipigilan kong sumagot dahil alam kong mali parin itong ginagawa namin.
"Im sorry po ma'am. Pero bawal po sa hospital po yang hiningi nyung pabor. Pwede na po kayong umalis kong hindi nyo rin naman kilala kong sino ang bibisitahin nyo dito." Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Gusto kong magalit pero wala ako sa tamang lugar. Nagbuntong hininga ako saka pilit inaayos ang sarili.
"Miss," Padabug kong hinampas ang aking kamay sa counter. Nagulat sya sa ginawa ko kaya literal syang napatuwid ng upo. "Mahirap ba ang hinihingi kong pabor? Hindi mo ba talaga ako papayagang makita ang tunay kong ama? Ilang taon ko syang hindi nakilala kaya ito na ang pagkakataong makilala ko ang tunay kong ama. Pano kong sa mga sa mga oras na ito ay may nangyayari ng masama sa kanya, tapos hindi ko manlang sya nakita, nakilala at nakausap manlang. Miss hindi mo alam kong pano mawalan ng isang ama. Hindi ko sya kilala at lalong hindi ko alam kong anong tunay na pangalan niya. Please miss kahit ikaw lang yung tulay para makilala ko ang tunay kong ama." Humikbi ang nurse sa sinabi ko. Ang kanyang luha ay isa-isang tumulo. Narinig ko ang mahinang tawa ni Rocky sa gilid ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. Seryoso ako dito at walang bahid na tawa.
"Ma'am im sorry po," Hikbi niya. "Sandali lang po ma'am i chi'check ko po." Dali-dali niyang pinunasan ang kanyang luha saka humarap sa kanyang computer. Bahagya akong ngumiti saka sumulyap kay Rocky na nakangiti.
"Nakalusot ka dun ah," Bulong niya. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa ginawa ko dahil gusto ko lang talagang makita ang tunay kong ama.
"Ma'am baka po si Mr. Francisco Villa Vieste ang hinahanap nyo." Masayang saad ng nurse kaya lumundag ang puso ko. Tila nanigas ang katawa ko sa narinig.
Hindi totoo ito!
"Villa Vieste?" Gulat kong saad. Naalala ko na sya, kaya pala kay gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
Ang pintig ng aking puso ay nagpapabingi sakin. Tila namamawis ang kamay ko sa narinig. Sya yung naging kaibigan ko sa bar yung may sakit na cancer. May namumuong luha sa mata ko. Ganon ba ka liit ang mundo para pagtagpoin kami?
"Yes ma'am. Co-chairman po sya ng hospital na ito," Mas lalo akong nagulat. Kong ganon hindi basta-basta ang tunay kong ama. Literal ding nagulat si Rocky. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko sa gulat.
"Miss anong room number niya? Kailangan namin syang makausap." Tumayo ang nurse saka ito lumabas mula sa counter. May kinausap syang lalakeng nurse rin saka iyon lumapit samin.
"Sasamahan kayo ni Kenneth sa private room ni Mr. Francisco." Nagpakilala kami sa kasamahan niyang nurse. "Ma'am / sir hindi ko po alam kong papagalitan ba ako ng pamilya ni Mr. Francisco sa gagawin nyo. Sana po ay magmadali kayo sa loob. Baka kasi parating na yung pamilya niya dito." Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang kamay niya ng mahigpit..
"Maraming salamat Kenneth!" Saad ko saka kami sumunod sa lalakeng nurse. Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Rocky. Hinawakan niya ang kamay ko mula dun saka ako sumulyap sa kanya.
"Makikilala mo na sya," Mahina niyang sabi saka ako nagbitaw ng hininga. Makikilala na niya ako at makikilala ko na sya. Nakagat ko ang labi ko ng huminto kami sa isang pintoan na kulay rosas. Sumulyap samin ang lalakeng nurse saka ito nagsalita.
"Baka natutulog pa ngayon si Mr. Franciso. Dito nalang po ako sa labas maghihintay," saad niya saka niya kami pinagbuksan ng pinto.
Yumuko ako saglit bago nagbuga ng iilang hininga. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, kailangan ko lang syang makilala at iyon ang gusto ni nanay at tatay.
Dahan-dahang bumukas ang pinto sabay ng paglaki ng aking mata. Napahawak ako saking bibig dahil sa gulat. Tama nga ako, tama ang kutob ko. Si sir Francisco nga. Ang naging kaibigan ko sa bar.
Dahan-dahan akong lumapit sa kama niya. May iilang nakasabit sa kanyang katawan na tila malala na ang sakit niya. Ang puso koy unti-unting huminahon. Sya ba talaga? Sya ba talaga ang tatay ko?
"Okay ka lang?" Hinawakan ni Rocky ang braso ko saka ako tumango. Okay lang ba ako? Hindi ko alam. May namumuong luha saking mata habang palapit ng palapit ako sa kanya.
Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama sabay ng pagpatak ng aking mga luha. Hawak ko ang bibig ko habang hinahayaang pumatak ang aking luha sa mag kabilang mata.
"Rocky," Hikbi ko. "Sya ang tatay ko." Humagol-gul ako ng iyak. Hinimas ni arocky ang likod ko. "Akala ko habambuhay na akong mag-isa, akala ko wala na akong magulang. Sobrang saya ko Rocky dahil may tatay pa ako." Pinunasan ko ang luha ko saka inabot ang kamay niya. Sobrang liit ng mundo dahil pinagtagpo kami dito sa Manila. May dahilan pala ang lahat ng pagkawala ni Nanay at Tatay.
"Kailangan mong sabihin sa kanya ang lahat ngunit hindi pa ngayon ang tamang oras. Hindi tayo pwedeng mag tagal dito Mary, baka dumating na yung pamilya niya." Sumulyap ako kay Rocky. Kinakabahan din ako sa sinabi niya.
"Kahit limang minuto lang Rocky. Kailangan ko lang syang bantayan kahit sa sandaling minuto lang please!" Bawat agus ng aking luha ay humaharang saking mata. Halos hindi ko na makita si Mr. Francisco dahil sa patuloy na dumadaloy ang luha ko.
Inilagay ko ang kanyang kamay saking mukha. Natatakot ako na baka bigla syang mawala at kahit sa sandaling minuto lang ay mahawakan at nakasama ko sya. Ang kanyang puting buhok at kulubot niyang balat ay napagkikitaang mong matanda na ito ngunit nanatiling gwapo.
Sobrang sikip ng dibdib ko dahil dito ko pa talaga sya makikita. Makikilala ko sya pero sa ganitong sitwasyon pa. Naalala ko ang sinabi niya sa bar na may brain cancer sya. Iniisip ko palang na hindi ko sya makakasama ng matagal ay nasasaktan na ako.
Lumagpas kami ng limang minuto dahil pinilit ko ulit si Rocky.
Hinimas-himas ko ang noo niya habang tinititigan. Gusto kong maramdaman ang balat niya. Gusto kong titigan ang maamo niyang mukha. Kahit na hindi ko sya nakilala ng lubosan ay sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Hinalikan ko sya sa noo. Saka ko napagpasyahang tumayo.
"Umalis na tayo Rocky," Tumayo si Rocky mula sa mahabang sofa saka ito lumapit sakin.
Sumulyap ako muli kay Mr. Francisco. Hindi pa ito ang tamang oras, pero hahanap ako ng tamang oras para makausap at makita kang muli. Nagbuga ako ng hininga saka kami nagsimulang maglakad patungong pintoan.
"Mary," Nanigas ang tuhod ko. Ang puso koy sobrang bilis ng tibok. Dahan-dahan akong lumingon sa likod at tumambad samin si Mr. Francisco na gising. Ang kanyang ngiti ay sobrang lapad na tila natutuwa dahil nandito ako. "Mary hija? Anong ginagawa mo dito?" Ngiti niya sakin kaya halos hindi ako makagalaw saking kinatatayuan. May namumuong luha saking mata pero pilit ko iyong pinipigilan. "Dinalaw mo ako?" Dugtong niya.
"Sir---,"
Tawag ko sabay ng pagbukas ng pintoan. Nanlaki ang mata ko at literal akong nagulat. Bakit sya nandito?
"At sinong nagsabi sainyo na mag papasok kayo ng ibang tao sa kwarto ni daddy?" Si Venus na sinigawan si Kenneth ang lalakeng nurse kanina. Hindi niya kami napansin.
"Venus," Agad syang lumingon samin na namilog ang mga mata. Ang kanyang mukha ay puno ng iritasyon.
Bumukas ang pintoan at bumungad samin si Matteo. Ang kaba ng aking dibdib ay nagpapabingi sakin. Magkasama sila? Sobrang sikip ng dibdib ko at halos hindi ako makahinga. Anong ibig sabihin nito? Nalilito parin ako sa puntong ito.
"What are you doing here?" Bulyaw niya saka ito lumapit sakin at aakmang sasampalin ako ng humarang agad si Rocky. Lumapit si Matteo sa kanya saka ito hinila. Sobrang sikip ng dibdib ko. Unti-unti kong pinoproseso ang lahat ng sinabi niya. Sana mali ang kutob ko. Sana mali ang narinig ko. "Anong ginagawa nyo dito?" Ulit niya. Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Rocky. Hindi ko magawang tignan si Matteo sa mata dahil masasaktan lang ako.
"Venus anak," Halos hindi ako makatayo sa sinabi ni Mr. Francisco. Para akong nahulogan ng maraming bato sa likod. "Anak? Bakit mo sinisigawan si Mary?" Nanlaki ang mata ni Venus sa sinabi ni Mr. Francisco.
Kong ganon magkapatid kami? Tika lang? Please nalilito na ako.
"Daddy sya yung sinasabi ko sayo. Sya ang umagaw kay Matteo. That slut, cheap waitress. Sya yon daddy!" Turo sakin ni Venus na para bang isa akong masamang tao. Isa-isang tumulo ang luha ko, ayaw kong maniwala na magkapatid kami. Hindi! Ayaw ko!
"Totoo ba ang sinasabi ng anak ko, Mary?" Sumulyap ako kay Mr. Francisco na luhaan. Ang kanyang kunot noo ay nagpapahiwatig na gusto niya ng mga kasagotan.
"Oo daddy totoo. Sya ang sumira ng relasyon namin ni Matteo." Sigaw niya ulit kaya hinawi ni Rocky ang kamay nito rason kong bakit napaatras si Venus.
"Tama na. Sumusobra kana Venus," Hamon ni Rocky kaya agad sumambit si Matteo na ikinasikip ng dibdib ko lalo.
"Bakit hidi nalang kayo umalis dito para wala ng gulo." Bagsak boses ni Matteo kaya nakita ko ang pag igting panga ni Rocky. Tinulak ni Rocky si Matteo rason kong bakit bahagya itong napaatras.
"Ang kapal ng mukha mo Matteo. Baka nakalimutan mong sinaktan mo si Mary? Ikaw pa talaga ang may ganang pagsalitaan kami ng ganyan." Naikuyom ni Matteo ang kanyang kamao saka niya kwenelyohan si Rocky.
Natataranta na ako habang pinapanunuod silang dalawa.
"Hindi ko sya sinaktan. You don't know everything kaya huwag na huwag mo akong sigawan." Galit na galit na sagot ni Matteo.
"Hindi sinaktan? Gago ka pala eh!" Sinuntok agad ni Rocky si Matteo kaya agad kong hinila si Rocky. Niyakap ko si Rocky para pigilan sya. Kita sa mukha ni Matteo ang galit. May botel ng dugo sa kanyang gilid ng labi. Sobrang sakit nila sa mata ni Venus. Yakap-yakap rin sya ni Venus mula sa likuran. "Napaka gago mong hayop ka!" Sigaw ni Rocky.
"Fuck," mura ni Matteo na ikinatahimik ko. "Hindi lang si Mary ang nasasaktan dito." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "I didn't hurt her, yes im stupid. Stupidly brought her for this situation. You don't know everything why i am in now Rocky." Mas lalo kong naramdaman ang galit sa mukha ni Rocky. Hindi ko maintindihan si Matteo sa sinabi niya dahil gulong-gulo na ako.
"Dyan ka naman magaling diba? Hindi mo alam. Hindi mo alam dahil gago ka!" Bulyaw ni Rocky kaya sumugod si Matteo saka ito sinuntok. Sumigaw-sigaw ako para pigilan sila pero hindi iyon napapansin ng dalawa.
"Ano ba.......Oh my gosh stop it." Bulyaw ni Venus. Nagpatuloy ang kanilang suntokan sabay ng pagsigaw ni Mr Francisco.
"Stop," Sigaw niya. "I said both of you stop it." Napahinto silang dalawa.
Agad akong tumakbo kay Rocky saka sya hinila. Hinabol-habol ni Mr. Francisco ang kanyang hininga kaya dali-daling lumapit si Venus.
"Umalis na kayo. Sabing alis!" Sigaw ni Venus habang hinimas-himas ang likod ni Mr. Francisco. "Daddy are you okay?" nag-alalang tanong ni Venus. Pinunasan ko ang mga luha ko.
Hindi ako nararapat dito. Nag-sisisi na ako ngayon kong bakit pa ako tumungo dito. Ang sakit pala! Mas lalo lang nadagdagan ang sakit ng nararamdaman ko.
"Get out!" Bulyaw ni Mr. Francisco habang tinuturo ang pintoan. Samin nakatuon ang tingin niya kaya nasasaktan ako ng sobra. "Please Mary umalis na kayo dito. Hindi ko alam kong anong issue nyo ng anak ko. Pero ayaw na ayaw kong nasasaktan si Venus. Kaya please umalis na kayo." Galit niyang sabi sabay turo ng pintoan. Isa-isang tumulo ang luha ko at tila ayaw huminto.
"Sir anak nyo----,"
Pinigilan ko agad si Rocky sa sasabihin niya. Umiling ako kaya pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili. Kumunot ang kanyang kilay at mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin.
"Kailangan mong sabihin sa kanila ang lahat Mary," Galit na saad ni Rocky. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng kanyang braso.
"Hindi na. Hindi na kailangan. Umalis na tayo please!" Hinila ko agad si Rocky nang walang paalam sa kanila.
Panay hawi ko saking luha habang naglalakad kami sa corridor. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sikip ng aking dibdib.
"Mary?" Pigil sakin ni Rocky kaya humarap ako sa kanyang luhaan. "Bakit di mo sinabi? Yun na ang pag kakataon para makilala ka niya." Humikbi ako ng iyak. Pinunasan ko ang aking luha bago umiling ng ilang ulit.
"Nakita mo naman diba? Narinig mo naman diba?" bulyaw ko."Mahal na mahal niya si Venus. Ayaw na ayaw niyang masaktan si Venus. Pano nalang pagnalaman niyang mag kapatid kami? Mas lalo lang magagalit si Mr. Francisco. Gustohin ko mang sabihin ngunit mukhang nakakagulo lang tayo doon. Umuwi na tayo Rocky pagod na pagod na ako!" humagolgol ako ng iyak sa harap niya.
Inabot niya ang kamay ko saka niya iyon hinawakan ng mahigpit.
"Kaya kitang intindihin. Pero sana lang ay tama yang desisyon mo." Umiling ako bago yumuko. Hindi ko na kaya to, ang sakit sakit na ng puso at katawan ko. "Umalis kana sa bar at sumama kana sakin,"
Unti-unti kong pinoproseso sa isip ko ang sinabi ni Rocky. Sa pagkakataong ito ay wasak at nasaktan ulit ako. Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kanila ang lahat. Kailangan kong mag pakalayo sa kanila. Kailangan kong buohin ulit ang sarili ko bago bumalik dito.
Continue...