Dalawang araw ang dumaan ay ipinagpatuloy ko ang aking pagtatrabaho sa bar. Hindi ko narin nakikita ang tatlo dito at malaki ang papasalamat ko. Sobrang wasak-wasak at pagod na pagod na ang puso ko dahil sa nangyari sakin. Dalawang bagay lang naman ang hinahangad ko sa mundong ito.
Pagmamahal at kumpletong pamilya!
Hindi ko alam kong saan ako magsisimula ulit kong hindi ko rin alam kong kailan matatapos ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit na idinulot ng lahat ng taong nasa paligid ko ay unti-unti akong pinapahina.
Nawawalan na ako ng pag-asa na may magmamahal pa sakim ng totoo. Sobrang sakit lang dahil hindi iyon magawang ibigay sa totoo kong ama. Naiinggit ako kay Venus dahil mas nakakasama niya ng matagal ang si Mr. Francisco.
Pilit kong itinutulak ang sarili ko na mas mabuti nalang pala na hindi sya pinaglaban ni nanay. Dahil hindi sya karapat-dapat ipaglaban.
Sumulyap ako sa mga kaibigan ko. Sila ang nagpapasaya sakin araw-araw. Ang sakit at hapdi ng aking puso ay naiibsan dahil sa apat. Wala na akong maaasahan pa kundi ang sarili ko mismo. Kailangan kong mag papakatatag. Kailangan kong labanan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Tumitig ako sa kisame saka nilibang ang sarili sa bawat sulok ng silid. Kailangan kong panindigan ang disesyon kong ito. Kailangan kong kapalan ang mukha ko. Simula bukas magbabago na ang takbo ng buhay ko.
Ipinikit ko ang aking mata at tuluyan na akong nakatulog. Maging sa pagtulog ko ay gumugulo parin sa isip ko ang disesyon kong ito. Walang mawawala sakin kong buong puso ko iyong tatanggapin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakabulagta pa ang apat sa kama at mukhang napagod din ito dahil sa marami-rami ang costumer kagabi. Dali-dali akong nagtungo sa banyo saka nagsimulang maligo. Pati sa pagligo ko ay hindi ko maiwasang matulala nalang. Ngayong araw na ito ay magbabago na ang buhay ko. Sigurado na ako at ayaw ko ng ibahin pa ang lahat ng plano ko. Pagkatapos kong maligo ay tumambad sakin ang apat na gising na.
"Goodmorning," Ngiti ko ng malapad isa-isa sa kanila kaya kumunot ang mga noo nito.
"Wow ang ganda yata ng mga ngiti mo ngayon ahh!" pang-aasar ni Grace saka niya ulit tinampal ang pwet ko.
"Oo nga mukhang may nag bago eh. Ang mga ngiting nanghuhumaling satin noon." Sambit ni Jessica kaya natawa ako. Umiling ako saka nagbihis narin.
"Maey inlove ka ulit?" Singit ni Ivony saka ako umiling sa sinabi niya. Gusto ko lang ngumiti sa araw na ito dahil ito na ang huli na iiyak pa ako. Ito narin ang una para simulan ko ang pagbabago ko.
"Pwede ko ba kayong anyayahan sa park? Gusto kong subukan laruin yung nilalaro nyo sa childrens park." Literal silang nagulat sa sinabi ko. Nagkatinginan silang apat at mukhang interesado ito.
"Bigla ka yatang naging interesado ngayon ah? Dati eh kahit anong pilit namin ay hindi ka sumasali sa laro." Kunot noo ni Grace kaya natahimik ako. Nagbuga ako ng hininga bago napa-upo sa kama.
"Gusto kong maranasang maging masaya ulit." Tanging nasagot ko kaya natahimik sila. Dahan-dahan silang lumapit sakin. Nagsimula ulit sumikip ang dibdib ko dahil sobrang napalapit na sila sakin.
"Sige pupunta tayo ngayon sa childrens park at maglalaro ulit kami kasama ka." Isa-isang lumapad ang ngiti nila. Nag eengganyo ako sa laro kaya interesado akong maging isip bata ulit. Hinintay ko silang matapos ayusin ang kanilang sarili bago kami nagtungo sa park. Sumakay kami ng tricycle papunta dun.
Sobrang sarap maging bata ulit. Ang mag slide sa high. Ang sumakay sa swing, ang maglaro ng dashboard at skate. Bawat ngiti ng apat ay mahahawa ka. Ang nasaktan kong damdamin ay unti-unting gumaan. Ang hampas ng hangin sa mukha ko ay nag papa-alala saking desisyon. Ang bawat patak ng aking pawis ay nagpapa-alala saking mga masasakit na nangyari. Pero ang mga ngiti ko ngayon ay nag papaalala sakin ng bagong buhay at pag-asa.
"Ang daya-daya. Ako ang nauna eh!"
"Hoy Jessica. Kanina ka pa ako nanaman."
"Ano ba yan ang damot-damot!"
"Guys ice cream,"
Bawat ngiti ng apat ay nagpapasikip saking dibdib. Siguro ay tama lang itong disesyon ko. Sana ay hindi ako magkamali sa pagpili nito. Gagawin ko ito para sa panibagong chapter ng buhay ko.
"Grabe ang saya," Halumbaba ni Jessica habang kumakain ng ice cream.
"Oo nga kahit amoy kili-kili kana." Sambit ni Grace na ikinalaki ng mata ni Jessica.
"Wow nahiya naman ako sa makapal mong balahibo sa kili-kili." Bulyaw ni Jessica kaya nagtawanan kaming lahat. Umiling ako sa kakatawa. Ang sarap nilang kasama at hinding-hindi ako nag-sisisi kong bakit naging kaibigan ko sila.
"Wow Jessica kong makalait ka naman sa buhok ng kili-kili ko ay hiyang-hiya naman ako sa kili-kili mong blonde." Asar ni Grace kaya tumayo si Jessica na nakapamewang.
"Hep tama na nga yan. Para kayong mga bata." Pagmamaktol ni Erika kaya humalukip-kip ang dalawa. Napawi ang ngiti ko ng isa-isa nila akong titigan. "Nag-enjoy ka ba?" Dugtong ni Erika.
"Oo sobra," Ngiti kong sagot kaya sumulyap ulit ako sa titig nila.
"May tinatago ka ba samin Maey?" Kinabahan ako sa tanong ni Ivony. Para akong pinagit-naan ng tama at mali. Hindi ko alam kong pano nila nakita iyon sa mukha ko.
"Wala naman, masaya lang talaga akong nakikita kayong masaya." Natatawa kong sagot saka sumubo ng ice cream. Bawat titig nila sakin ay para bang pinag-aaralan nila ako.
"Sigurado ka?" Taas kilay ni Erika.
"Oo bakit nyo naman naitanong? Ayaw nyo bang nakangiti ako?" Simangot ko kaya isa-isa silang nag taas ng kilay. Lumapit sakin si Grace saka umakbay sakin.
"Hindi...naninibago lang kasi kami dahil bigla-bigla ka nalang nag-anyayang mamasyal. Nasanay kasi kami sa pagiging tahimik mo." Seryoso nitong saad kaya sumikip ang dibdib ko. May namumuong luha saking mata kaya dali-dali kong pinilig ang aking ulo. Ayaw kong umiyak!
"Oo nga Maey. Pero alam mo bang masaya kami dahil nakikita namin ulit yang ngiti mong ganyan." Ngusong turo ni Jessica sa labi ko. Tumawa ako ng mahina saka ko sila isa-isang tinignan. Bawat anggulo ng kanilang ngiti at mukha ay gusto kong pag-aralan. Hinding-hindi ko sila makakalimutan.
"Kayo talaga. Mas gusto nyo yatang lagi akong nakasimangot." Nguso ko kaya isa-isa silang lumapit sakin. Halos matumba ang swing sa ginawa nilang pag yakap sakin. Ang luha kong pinipigilan kanina ay isa-isang pumatak. Dali-dali ko iyong pinunasan ng humiwalay sila sa yakap.
Pinilit kong inayos ang aking sarili.
"Hayy naku tama na nga ang drama. Mas mabuti pa ay mag selfie nalang tayo." Sambit ni Grace saka niya itinaas ang kanyang phone. Nagsimula na kaming ayusin ang aming pwesto saka humarap sa camera.
"1 2 3 Smile..." Sabay namin saka ngumiti ng malapad. Sobrang sarap sa pakiramdam ang makasama sila sa ganitong bagay, sa tuwa at saya sa lungkot at sakit ng aking nararamdaman. Ang makilala ang isang tulad nila ay hindi ko makakalimotan.
"Ano ba yan ang taba-taba ko dyan."
"Burahin mo nga yan Grace ang panget-panget ng mukha ko dyan."
"Sobrang laki ng balikat ko dyan ang daya-daya ang gaganda nyo,"
"Huwag na huwag nyong burahin yan dahil maganda ang pose ko dyan."
Natatawa ako habang pinapanunuod sila. Humagik-ik ako ng tawa dahil sa mga iilang kuha naming larawan na pinag-aawayan nila. Siguro ay ito na ang huling pagkakataon na makita ko silang nakangiti. Ang kanilang mga ngiti na mamimiss ko.
Nagbuga ako ng hininga saka pasikretong kinuhanan sila ng larawan. Tumulo ang luha ko habang ginagawa iyon kaya dali-dali ko itong pinunasan.
Nang mapagod kami ay napagpasyahan naming bumalik ng bar. Bawat pagod at pawis na nasayang ay sinulit ko. Bawat minutong dumaan at oras ay wala akong sinasayang na pagkakataon para sulyapan sila.
Nagsimula na akong magligpit ng marinig ko ang isa-isa nilang hinanuk at idlip. Bawat tulo ng aking luha ay nag papasikip saking dibdib. Kailangan ko itong gawin. Hindi ako pwedeng umatras dahil kagabi ko pa ito pinag-iisipan. Dali-dali kong inayos ang bag ko saka dahan-dahang lumapit sa kanila. Napatakip ako sa bibig ko dahil alam kong magagalit sila sa gagawin ko. Kaibigan ko sila pero wala silang ka alam-alam sa nangyayari sakin. Ayaw kong madamay sila sa mga problema ko. Lumapit ako sa apat saka isa-isa silang hinalikan sa noo. Sobrang sakit pero kailangan. Nagbuga ulit ako ng hininga saka sumulyap muli sa kanila.
"Salamat sa masasayang panahon at araw na pinapangiti nyo ako." Pinunasan ko ang aking luha saka dahan-dahang pinihit ang pintoan. Hindi ko mapigilang sumulyap ulit sa kanila. "Sana ay mapatawad nyo ako sa gagawin kong 'to." Huli kong sabi bago sinara ang pinto.
"Sigurado ka bang aalis ka na? Hindi na ba talaga kita mapipigilan sa disesyon mo?" Mahinang saad ni Clifford. Ang kayang mukha ay puno ng pagtataka at pag-aalala.
"Sorry sir Clifford. Buo na po ang disesyon ko sa pag-alis dito." Narinig ko pa ang buntong hininga niya.
"Wala na akong magagawa." Saad niya saka suminghap ng ilang ulit. May kinuha syang papel sa tabi ng kanyang drawer saka niya iyon binigay sakin. "Sign this resignation paper. I will able you to quit this job." Tinanggap ko iyon saka binasa ang nakasulat. Pumikit aki bago pinermahan ang papel. Binalik ko ang papel sa kanya sabay ng kanyag pagtayo. "Thankyou for being an active and loyal waitress Mary. Masaya akong makatrabaho ka dito." Nilahad niya ang kanyang kamay saka ko iyon tinanggap.
"Maraming salamat po sa lahat sir. Maraming salamat sa pag-intindi sakin. Maraming salamat sa lahat-lahat." Binitawan ko ang kamay niya saka ito tumango. Natahimik kami ng ilang segundo.
"Im sorry for what Matteo did." Nabigla ako sa diretsahan niyang sabi. Nakagat ko ang labi ko saka nagbuga ng hininga. Wala na akong pakialam sa kanya at iyon ang nasa isip ko palagi.
"Kalimutan nanatin yun sir. Ang importante ay masaya silang dalawa ni Venus ngayon." Sagot ko kaya agad syang nag-iwas ng tingin. Tila hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari. Kailangan ko ng umalis. Baka magising ang apat. "Sir kailangan ko na talagang umalis." Tumango si Clifford na nakatitig sakin.
"Take care Mary. I hope to see you soon," Kaway niya sakin bago ako lumabas ng silid.
Magkikita pa tayo ulit Clifford sa tamang panahon. Sobrang sikip ng dibdib ko habang palabas ng bar. Bumuhos ulit ang aking luha saka ko iyon dali-daling pinunasan. Tumingala ako saglit sa bar. Babalik ako dito at iyon ang plano ko. Pero sa pagkakataong ito kailangan kong makausap ang lalakeng makakatulong sakin sa mga plano kong ito.
Tatlong minuto na akong naghihintay sa kanya dito sa resto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa gagawin kong ito. Kakapalan ko na ang mukha ko dahil wala na akong ibang maisip pang paraan. Sya ang kailangan ko sa pagkakataong ito kaya hindi ko pwedeng bawiin ang disesyon kong to. Ilang sandali lang ay dumating sya kaya agad akong napatayo. Panay hilot ko saking kamay dahil sa kaba. Ang kanyang tindig at ayos ay sumisigaw ng karangyaan at kayamanan sa buhay. Nakatuon ang tingin niya sakin kaya hindi ko maiwasang manginig.
"Nakapag isip-isip ka na ba?" Diretsahan niyang tanong.
"Oo sir," Yumuko ako pagkatapos sabihin iyon. May nilahad sya saking puting papel.
"Here," lahad niya. Para akong sinampal ng iilang kamay sa ginawa kong ito.
Pumikit ako na baka nagbabasakaling magbago ang isip ko ngayon. Dumilat ako muli saka dahan-dahang tinanggap ang cheke na naglalaman ng dalawang milyon. Bahagya syang ngumiti sa pag tanggap ko. "Tumupad ka sa usapan natin. Ito na ang huli nating pagkikita at lumayo kana samin ng anak ko. Stay away from Venus and Matteo. Mag pa ka layo-layo ka at tumawag ka lang ulit sakin kong kulang pa yang perang binigay ko sayo." Bagsak boses niya saka ako dahan-dahan tumango.
"Makakaasa po kayong hindi nyo na ako makikita pang muli. Ito na ang huling masisilayan nyo ang pagmumukha ko, Sir." Mahina kong sagot na may sakit at galit. May namumuong luha saking mata ngunit pinipigilan ko lang iyon. Kailangan kong lumaban sa titig niya sakin. Kahit masakit!
"Good. Mas mabuti na yung sigurado at malinaw." Bagsak boses niya saka ito sumulyap sa kanyang relo. "I have to go and dont forget for what i've said earlier." Paalala niya saka ito tumalikod at nagsimulang maglakad na may awtoridad. Bago pa ito nakalayo ay sumulyap sya muli sakin. "Take care of yourself." Huli niyang sabi bago ako tuluyang iniwan.
Ang mga luha ko na kaninay pinipigilan ay isa-isang pumatak. Humikbi ako ng iyak habang pinapanunuod ang paalis niyang kotse. Hindi ko kailangan ng pera, ang kailangan ko ay kunting awa at pansin sakin ng aking tunay na ama. Pero sa inasta niya sakin ngayon ay parang nakalimotan kong hindi niya pala ako tanggap bilang isang anak.
Pinunasan ko ang aking luha saka napagpasyahang umalis.
Sumakay ako ng taxi patungo sa pupuntahan ko. Walang ka alam-alam dito si Rocky kaya panay ang dasal ko na sana ay mapatawad niya ako. Kailangan ko itong gawin para saking sarili. Kailangan kong ayusin ang aking sarili, kailangan kong lumaban mag-isa, kailangan kong maging matapang.
Sumandal ako sa backrest ng taxi saka tumingala sa langit. Ang mga ulap ay unti-unting nawawala tulad na pag ibsan ng aking damdamin. Sakit puot at hingnanakit.
Napadpad ang tingin ko sa malaking build board sa mataas na building. Ang sikip ng aking dibdib ay bumalik. Si Mr. Francisco kasama si Venus at ang pamilya ni Matteo. Nang-giit ako ng galit at sakit. Ang lalakeng minahal ko ng tunay ay hanggang ngayon ay nakabaon parin sa puso ko ang kanyang ginawa.
Hindi kita mapapatawad Matteo, lalo kana Venus. Kayong lahat, hindi ko kayo mapapatawad.
"Ma'am nandito na po tayo," Bumalik ang diwa ko ng magsalita si manong driver.
"Sige manong salamat po.." Nagbayad ako saka bumaba.
Tumingala ako sa malawak at matayug na gusali. Wala ng bawian ito. Kailangan kong gawin ito para sa pagbalik ko. Oo babalik ako, hindi bilang isang Mary na nagpapa-api kundi isang Mary na palaban at matapang.
Lumingon ulit ako sa likuran ko saka luminga-linga sa paligid. Ngumiti ako mula sa gilid ng aking labi. Babalikan ko kayong lahat lalo kana Matteo Vion Edelbario. Hindi ko matatanggap ang pananakit mo sakin. Hinding-hindi ko makakalimotan ang huli mong sinabi sakin.
Nagbuntong hininga ako saka nagsimulang pumasok ng Airport. Ito ang disesyon kong hinding-hindi ko pagsisisihan kailanman. Sana ay mapatawad ako ni Rocky sa gagawin kong ito. Sana ay maiintindihan niya ako balang araw.
Kailangan kong mag-aral sa AMERIKA at babalik ako para isa-isang pabagsakin ang kompanya nila.
Humanda kayong lahat sa pagbalik ko.
~The End~