"Uy Rio gising! Huyyy!" Kanina pa namin ginigising si Rio. Narito na kasi kami sa tapat ng wall gate ng Vegruit City.
Bigla bigla kasing tumalon eh ang tangkad kaya ni Zaminael. Ang last words na sinabini Rio na hindi ko parin maintindihan... "light it up like DYNAMITE!"
Nag tinginan muna kami.
Tapos hindi agad tinulungan netong sina Chad at kumanta na lang, "NANA NA NANA NANANA EHHH~" sumabay rin naman etonh si Ate Lyna sabay turo kay Chad na nasayaw, "NA NA NA NA NA NANA NA EHHH~"
Ang nakakagulat pa bigla kaming hinulog ni Mina at biglang kumanta. "Ngaw nga Meow ngaw nga ngaw meow meow ehhh~" what the? Pati ikaw Mina?!
Ano ba kasing kinakanta kanta nila? Kahit english sya di ko na maintindihan. Sobrang sakit nga ng pwet ko sa pagkakabagsak pero etong sina Chad hindi manlang yata nasalanta at patuloy parin ang pag kanta.
Tinulungan nila akong buhatin si Rio pataas kay Mina pero grabe! Nakanta parin sila nun! At ang malala, hanggang ngayon ay nakanta parin sila! Nasasaulo ko tuloy. Napasabay na rin ako sa kanila habang ginigising sa sampal si Rio.
"SHI- sampal*-NING TO- sakabila naman*- THE CI- kabila uli* - TY - isang malakas na sampal muli sa kabila*" tinuloy ko ang pagkanta ko na with may feelingsss pa at uga uga sa taas ni kuya Rio (plus sampal).
(Wag kayong ma green. hotdog kayo kaya dapat red ok?) :(
"Tama na! Sumosobra ka na!" Pinigilan ako ni Ate Lyna. Akala ko pinatigil nya ako kasi masakit yun pero hindi pala. "Dapat kami rin! Mag tira ka naman!" Dugtong nya kaya na patawa kami.
Tumingin ako kay Rio na mapupula na ng sobra ang mga pisngi, kitang kita ito sa kanyang orange na kutis. Naawa ako. Kaso na kakatawa sya eh.
Tatawa na sana ako kaso biglang....
"HOY! Nahuli kita! Ngumiti ka! ngumiti ka!" Natutuwa kong banggit ng nahuli ko si Rio na umismir. Pero hindi na uli sya umibo pa. Patay malisya pa ang pta.
Nagulat ako nang sampalin ng malakas ni Ate Lyna si Rio sa pisngi. AT WOW! Bakat na bakat ang kamay ni Ate!
Bigla namang tayo ni Rio. Mukang gulat na gulat sya habang nakahawak sa kanyang pisngi na namamaga na. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa.
Pero syempre, tawa muna bago tulong.
Nakababa na kami at mukang may naging problema sa entrance.
"Bossing, ID nyo?" Tanong ni Kuyang guard na patatas kay Rio.
We didn't expect them looking for ID cards kasi nga ang sabi ni Ate Lyna ay hindi naman daw gaano ka stricto ang mga guards pag isang prutas o kaya gulay.
Mukang nag iba na ngayon.
Tumingin samin si Rio at umiling. Hayst. Nag halinhinan kami sa pag try na mapapasok kami at ngayong tapos na si Rio ay ako naman.
So it's my turn now?
Tumayo ako sa pinagtataguan namin at lumapit sa entrance. Hinarangan agad ako ng mga patatas.
"Maam, ID ny- wit wiw" pati ba rin dito may manyak? Tinaasan ko sila ng kilay nang tiningnan nila ang buong pagkatao ko.
"Maam ID nyo? sorry rito" sabay tulak ng isang guard dun sa manyak. Nagusap pa sila kung sino ang kakausap pero sa huli ay parehas silang lumingon sakin.
"Pag wala kayong ID pede na kayong umalis" medyo nag iba ang boses nung guard. Eto namang si manyak nakangisi lang.
Ang sabi ni Ate Lyna matataray raw yung mga kamatis. Kaya eto ako ngayon taray tarayan.
Linagay ko ang kamay ko sa balikat ni patatas na mabait. I looked at his dog tag. Patratas.
Halos matawa na ako pero pinigilan ko na lang. Bagay kasi pangalan nya kasi patatas sya.
I chuckled. "M-maam ID" nautal na sabi ni Patratas. "Uy pre maduga tch naol na lang hinawakan" narinig kong sambit nung manyak.
Hindi ko na lang sya pinansin at tiningnan mabuti sa tama si patatas na mabait.
"A tomato doesn't need an ID you mere potato." I smirked. "Let me see you in the court after this?" Nakakaasar kong tanong. Mukang natakot sya sakin at dahan dahang binuksan ang gate.
Lumingon ako sa likod ko at sinensyasan sina Rio ng ok! Maarte akong nag lakad habang nasa likod ko sina Chad.
Nang makapasok ay halos naibuga ko nalahat ng hininga ko. Whu! Grabe ang tense nun!
Ano daw uli sinabi ko? A tomato doesn't need an ID? Ggo pano pag hindi gumana un?! Edi ako ang nasa court!
Rio gave me a good job look at patted me in the head. I smiled. Si Ate Lyna naman as always, gloomy sakin. Eto namang si Chad di man lang ako pansinin.
I felt a paw on my head. Paa yon ni Mina. I smiled widely habang hawak ang paa nya.
Naglakad na kami pa loob. Namangha ako sa mga ilaw na nakasabit sa lahat ng puno. Makulay ang lugar rito. Sa una ay puro puno lang ang makikita pero pag linakad mo pa ng konti ay makikita mo na ang konting kabahayan. Cute ung mga bahay, mushroom shaped sya.
May binulong sakin si Chad habang nag mamasid ako. "Kanina nakaapak ng tae si Zammy sa daan. Sinasabi ko lang." sabay una nyang mag lakad.
Nakaapak ng tae si Mina? Nuh bayun namahid lang yata sakin ung pusa. Inamoy amoy ko ang sarili ko.
Ay oo nga amoy tae. Amoy tae yung nagsinungaling. Tche.
Alam ko naman na hindi ganun si Zaminael ih.
Naglakad pa kami papasok at yung dating nakita kong maliliit na mushroom houses ay napalitan ng mga repolyo. Mga bulok na repolyong bahay.
I covered my nose when as I smell the rotten food on the road.
Mukang pinabayaan na ang lugar dahil hindi rin ako makakita ng tao rito.
Makalipas ng ilang iras ay naglalakad parin kami. Wala pa kaming pahinga! Hindi ba sila na papagod?
Tiningnan ko si Mina na parang ayos na ayos lang. Sina Chad naman ay parang hindi nakakaramdam ng gutom!
Tapos ako toh. Gutom na gutom. Baka mamaya maghalucinate na ako tas kainin ko sila.
Takas pa naman ako sa wild. Rawr.
Mukang dahan dahan silang bumibilis.
Ay wait na guluhan rin ako. Dahan dahan pero bumibilis? Hayst. Guyom lang yan Anna.
Tiningnan ko ang nasa harapan ko. At nagulat na lang ako ng makakita ng isang mangga!
"Kainin mo ko" i gulped. Kakaiba naman tong mangga na toh, nagsasalita.
Napatikim ako at dahan dahang hinabol ang mangga.
Dali dali ko itong sinunggaban at kinagat.
Kaso wait. Ang tigas naman... Buto agad na kain ko? Bumitaw ako sa mangga at nagulat nang lumingon ito sakin. Galit na galit.
Hindi ko na pagtanto na si Chad pala ito! Oo nga pala mangga sya!
Dahan dahan akong umatras habang sya naman ay palapit ng palapit saakin.
Ahhhhhhh!
Takbo na ako ng takbo. Liningin ko sya at parang ang mga matang bughaw ni Chad ay nagiging Pula na!
***
Matapos ang takbuhan namin ni Chad ay nakakain na rin kami sa wakas. Halos maubos ko na ang pagkain na naihain rito. Buti na lang talaga mabait ako kaya tiniran ko sila ng buto.
"Takaw mo" puna sakin ni Chad. "Pinagod mo!" Pangbara ko sakanya.
Nagtawanan sina Ate Lyna at Rio sa aming asal. Nasabihan pa kaming LQ! Lul. Di ko na yan crush.
Tiningnan ko si Mina na nakaupo lang at nakatingin sa malayo. Liningon ko ang direktsyon ngunit wala namang meron dun kung di mga matataas sa building.
"Mina, come here." Lumingon sya sakin at dahan dahang lumapit. He lay down at hinaplos ko ang balahibo nito.
Nagtagal kami rito bago pakami tinawag ni Rio para umalis.
Habang nasa daan ay may napansin akong kakaiba sa dulo ng paningin ko. I immediately know what that is.
"Sakay! Mina bilis!" Mabilis kong sabi at mabilis rin namang nakareact sina Rio at Chad. Nakita rin nya yata.
I looked back and got shocked by what I see.
A load bang occurred.
Sht!! Mina got shot!
A/N
Whiii sasabihin ko lang naman na may update bukas :D busy ako dahil ng online classes ko so di na daily ang update :( nakakasad naman HAHA. Ok working on 06!!!!