Chereads / Reincarnated As A Hotdog / Chapter 10 - Hotdogs in jail

Chapter 10 - Hotdogs in jail

"Order in the court!!!" Sabi nung manggang may malaking wig sa puti na parang kay Isaac Newton. Yun yata yung judge.

"I would announce that these imposters here are GUILTY!" Hayss. Guilty. Mukang makukulong kami rito sa Goddess Capital. Akala ko talaga kanina "its a prank" lang. Pero hindi pala. Eto namang sina Ate Lyna pa chill chill lang. Kala ko tuloy walang mangyayari.

Pero ito kami ngayon. Hancuffs around our hands, police on the back and front. May mga camera pang nagflaflash pa. Mukang famous na kami. Kaso ibang kind ng famous.

Parang gusto ko ring tanungin, Bakit ba kami nandito? Hayss.

Kakatakot naman yung mga baril na nakasabit. At saka ang mga nakikita ko ng building ay mga pangmilitar. I could see a tank, soldiers.... more soldiers, at malaking building na parang headquarters kasi may na kalagay sa taas nito na "HQ".

Nasan na ba kami?

Tinukoy ba kaming terorista? Hindi ba effective naman ang disguise namin? Nagreport sguro rito yung mga patatas. Ang sumbungero naman ng mga yun.

Makarating sa isa pang mataas na building, pinababa na kami. Nakita ko uli sina Zaminael na kakalabas lanb sa isa pang sasakyan.

Umaasa akong may sisigaw ng "its a prank!" Pag kapasok namin sa loob. Pero hindi ih. Isang lalaking malaki ang katawan ang bumungad samin. Ang macho nya. Kaso sobrang laki naman.

Ahh. Baka andun sa loob nya yung surprise. Sus. Tago tago pa. Nagawa ko na yan dati—nagtago ako sa loob ng gown ng kaklase ko para lang sa suprise ko sa kaibigan ko. Hayyy. I miss Crizza.

Pinatungo kami sa isang kwarto. Tigitigisa kami para wala raw tularan. Mukang may sasagutan kami a. Pati ba naman rito may exam? Lucky na nga ako na naging hotdog ako before ng examination namin. Tapos pag dating ko rito meron naman? Tadhana ko bang mag exam?

Sinagutan ko naman ng ayos ang mga tanong. Medyo madali lang naman. Medyo lang. May mga tanong na hinulaan ko na lang dahil hindi ko naman alam ang sagot. Tulad na lang nung question 5. "Who killed the two potatoes?"

Pano ko naman malalaman ang sagot dun kung wala naman silang linalagay na storya. Samin kasi may storya muna bago mag tanong ng ganyan.

Gulo nila. Ibabagsak ba nila ako?

Hayss. Yun lang naman ang ngyari eh. Pagkatapos na pagkatapos ih review mga sagot ko ipinunta na agad kami dun sa court kanina. Siguro mali mali sinagot ko. Nakita ko rin naman pagdating ko ruon sina Ate Lyna eh. Lahat kami andun.

Kala ko pa naman matatalino sila, bagsak din pala.

Wala naman masyadong ngyari pagkatapos nun eh. Nagda-dada lang yung may mapangit na wig sa unahan. Tapos feeling ko pinagtatangol kami nung mangga. Medyo weird nga si Chad nung time na yun eh. Sya lang ung kinakabahan at hindi mapakali.

Ang tagal naming nakatambay rito sa waiting room. Tatlong oras na yata. Si Chad tinabihan nung mangga pero mukang aning ani si Chad. Todo siksik naman si Rio kay Chad para mas lumapit pa kay mangga. Para silang batang nagsisiksikan ron. Ang cute nga eh.

Si Zaminael naman ay katabi ko tapos si Ate Lyna mukang may sariling mundo sa ginagawa nya.

"That mango is the reason Chad is afraid of mangoes." Naguluhan pa ako saunang sinabi ni Mina per naalala ko pala ang sinabi este yung pagtawa ni Ate Lyna sa akin na may humabol kay Chad na mangga.

Sya yun?! Wow ha. HHAHAH maganda naman sya eh. Malaki ung unahan nya :| Bagay naman sila. :) bagay sila. Ang cute nga nila eh.

Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko. Kay Mina pala yun. "Andito lang ako" Nginitian ko na lang sya sa nasabi nya. Ang weird ni Zaminael ano? Alam ko namang anjan lang sya palagi eh. Sya lang naman lagi eh. Di tulad ni Chad laging wala.

"Ay Chad!" Biglang nag tinginan sila sakin. Tinaasan ako ng kilay nung mangga. Huhuhu bakit kasi ako ginugulat ni Ate Lyna?

"Anong Chad ka jan tara na!" Ay aalis na pala. Mukang mapapaalis na kami rito sa waiting room.

Sabi nung feeling Isaac Newton ay guilty daw kami. Bulok kasing mag defend netong mangga. Tas ang sabi pa nya pag naging guilty daw kami edi guilty din sya. Kaya ayun kasama namin ngayon sa kulungan.

Hindi pa ako nakakapunta ng kulungan. Good girl kasi ako. Never in a life time na nakapag community service para parusa or ma detention. Kaso pag uwi naman may palo agad may Ma dahil hindi raw ako nag linis ng bahay.

Ewan ko nga ba. Bakit hindi si Kuya ang pagsabihan ni Ma, e si Kuya naman yung walang pasok tapos ako palaging may activities. Favorite yata ako ni Ma eh. Favorite pagalitan.

Ang iniisip ko talaga ay magkahiwalay ang boys at girls dito sa kulungan. Pero hindi pala. Magkakasam rin eh, halo halo. Dami ko tuloy makitang manyak. Mga nakasuhan siguro sila ng rape. Ang hangad makatingin.

Si Zaminael naman ay hinaharangan ako kaya medyo na ok ako. Si Ate Lyna ang sinasamaan ng tingin ung mga tao rito. Wala tuloy nagtatangkang lumapit kung hindi si kuya Rio lang.

"Chad! Babe! I missed you! Buti na lang binalikan mo ko noh? Hmmm. I love you talaga."

At ayan ang dalwang love-doves.

Kita kong inis na inis na sa Chad sa pinaggagawa netong si Maggie. Maggie daw pangalan nung mangga eh. Bagay naman sa kanya.

Naaawa nga ako sa kanya eh. Kawawa naman sya. Hindi sya pinapansin ni Chad at mukang gustong gusto nya nga si Chad. Laging umaaligid aligid sya sa likod nya.

Nainis na rin ako dahil ang ingay nila.

Ang malas yata talaga kahapon at ngayon. Tumalikod na lang ako at humarap sa pader. Same same kasi kami, kauri ko sya, isang pader. Tapos ang mga kaibigan ko naman mga pakwan. Unfair :(

Ilang beses na dumaan saming cell yung mga guard pero hindi parin kami pinapakain samantalang ung ibang cell meron na. Gutom na gutom na me!!! Kahit naubos ko yung tinira kong pagkain sa kanila d parin ako nabusog eh. Pano naman kaya sila.

Dapat talaga nag tira na lang ako.

Hinawakan ko ang tyan kong nagrereklamo at umiiyak na. I feel you baby. Hanap lang si mommy food natin. Gutom na kami ng baby tyan ko!!!

Kinalabit ko si Mina na nasa unahan ko. Ang sama na ng pakiramdam ko ih. "Hmm" tinuro ko ang tyan ko. Mukang nakuha rin naman nya.

"Pede ba pong tumalikod kayong lahat?! Natatae lang si star ko." Huhuhu salam-WHAAATT?!

"Huy anong pinag sa sabi mo Zaminael! Gutom ako hindi na tatae! Ikaw yata natatae eh" ano ba tong si Mina. Kala ko naintindihan nya ako. Samin tuloy nakatutok ang attensyon nila.

"You said you wanted to poop Star." Binulong na lang nya. Nakakahiya naman.

"Wala akong sinabi ha."

"Well you look constipated so I figured that you want to poop."

"Ewan ko sayo Mina."

Ano ba tong si Mina. Hindi ko alam kung nagluluko oh ano. Tumatawa rin kasi sya pagkatapos. Plinano yata talaga nya akong pahiyain. Gutom na akuu~

Sa sobrang gutom ko d ko napansing katabi ko na si Maggie kung hindi lang sya umimik. "Alam mo ba Anna kung bakit ko gusto so Chad?" Malamang hindi diba? Natanong pa nya. Hindi ko naman talaga alam. Ayss. Ang bad ko pag gutom ako! Bat kasi andito pa tong si Maggie'ng to?

Mukang nabasa naman nya nasaisip ko at tumahimik na lang. Wala naman akong pake kung gusto nya si Chad eh. So what, ano naman sakin yun diba?

Sobrang tagal nang naglulumo ang tyan ko. Ang sakit sakit na. Hindi na nga ako nagugutom eh. GUTOM na GUTOM na ako! Paki capslock ng GUTOM salamat.

Hayst. Hindi man lang kami binibigyan ng pagkain. Sila naman walang bahid na gutom ang naarramdaman. Naisipan ko nga kanining itulog na lang ang gutom ka kaso hindi rin naman ako makakatulog kung gutom ako.

Food po pleaseeee~

"Makinig ka na lang sakin oara mawala gutom mo ok?" Huh? Ay si Maggie pala. Gusto ko tuloy ng Magi. Sana may lucky me man lang dito sa mundong to. Gusto ko rin yata ng crispy pata eh. Miss ko na crispy pataaahmmmm~

"Uy Bata! wag ka namang mag laway!" Natauhan ako sa sumigaw. Nag laway ba ako? Hays sabi ko nga makikinig na lang ako kay Maggie the manggo.

Tinaasan ko na kang ng kilay si Maggie at nakuha naman nya yun.

"Kilala ko si Chad sa totoong buhay." Anong kalokohan naman kaya ang ikweikwento sakin ni Ma— what?! Kilalani Maggie sa totoong buhay. Ok. Ok lang. k. No big deal for me. Edi waw kung magkakilala sila sa totoong buhay. So what naman sakin?

"Simula gradeschool crush ko na sya. And then one day nag chat sya sakin through telegram. Uso pa naman ang telegram app sa school namin nun. Junior high na kami nun." Ano yung telegram? Bakit hindi umuso saming school yun? Dating app ba yun? Grabe naman si Chad may pa dating app pang nalalaman.

"Its not a dating app Anna." Mukang nabasa ni Maggie nasa isip ko.

"Nagulat talaga ako dun eh. Pero nung tinanong ko king bakit wala lang naman daw. Wala daw syang kausap di na daw sya kinausap nung dati nyang ka chat." Option ka lang naman pala Maggie eh. An pinagyayabang neto.

"Im not bragging if that's what your thinking" Mind reader yata si Maggie eh. Na bore pa ako dahil patoly lang sya sa pagsasabi skaing nagulat sya at masaya sya. Hindi man lang nya sabihin kung anong napagusapan nila. Basta masaya raw sya.

"Pero kinalaunan ay umamin na ako sa kanya." Ha? Ayss. Bakit tumigil si Maggie? Naging sila ba? Sila ba? Hindi na ba sya tanda ni Chad kaya hindi sya nakapit kay Maggie? Anong meronnnn. Ang tagal ni Maggie bago pa uli mag salita.

She chuckled bitterly. "Rineject nya ako nun." She smiled at me and then continued. "Ayaw nya daw kasi sa mga ganung tao. Yung mahuhulog sa ka chat." Choosy naman netong si Chad. Eh sa pag kwekwento naman ni Ate Maggie mukang masaya sya pag kausap si Maggie.

"Ang sabi nya sakin may nag chat daw sa kanya dati. Naging masaya sya at nahulog rin. Umamin sya at umamin rin yung na kachat nya. They both fell for each other pero bigla na lang daw hindi nag paramdam si girl. Ayun."

Wow. Si Chad naghost. HAHHAHA. Im sorry hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko. Ang isang Chad naghost?! Malakas yata ang tama nung babae.

Whaaa buti na lang.

Welcome September!! Wow galing noh september na kaagad. So ang tagal ko palang mag sulat HAHAHA MERRY CHRISTMAS AGAD!!!